You are on page 1of 15

Filipino 11

1
Filipino – Ikalabing-isang Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 11: Iba’t Ibang Tekstong Babasahin Kalakip ang
mga Estratehiya sa Mapanuring Pagbasa (Previewing, Contextualizing at
Questioning o Pagtatanong).
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Rhea V. Iranzo
Editor: Vida Bianca M. Laus
Tagasuri: Cherry C. Cariño
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat: Elinette B. Dela Cruz
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Dr. Caroline T. Rivera
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña, EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 11
Ikatlong Markahan
Modyul 11 para sa Sariling Pagkatuto
Iba’t Ibang Tekstong Babasahin Kalakip
Ang mga Estratehiya sa Mapanuring Pagbasa
(Previewing, Contextualizing at Questioning o Pagtatanong)
Manunulat: Rhea V. Iranzo
Editor: Vida Bianca M. Laus / Tagasuri: Cherry C. Cariño

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 11 - Pagbasa at Pagsusuri
ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik ng Modyul 11 para sa araling Iba’
Ibang Tekstong Babasahin Kalakip ang mga Estratehiya sa Mapanuring Pagbasa
(Previewing, Contextualizing at Questioning o Pagtatanong)

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro

Isang maligayang pagbati sa inyong lahat aking mga mag-aaral!


Kumusta ang inyong araw! Nawa’y punong puno kayo ng kaalaman para sa
masiglang pagkikita!

Kasabay ng pangyayaring nagaganap sa ating bansa nawa’y bukas


ang ating isipan sa mga pagbabagong naganap sa ating paraan ng pag-aaral.
Ito ang “new normal” kaya’t sa pamamagitan ng modyul na ito bilang
estratehiya ng pampagkatuto ay makatulong ito sa inyo. Inaasahan ko na
magiging tapat kayo sa pagsagot ng mga pagsubok at tatatak sa inyong
isipan ang mga nakatala. Hiling ko na magkaroon kayo ng sariling kwaderno
para mga pagsasanay, aralin at gawain para ikakabuti ng inyong pag-aaral.

Hiling ko ang inyong kaligtasan at Pagbutihin nyo!

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 11 - Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang


Teksto Tungo sa Pananaliksik Modyul 11 ukol sa Iba’t Ibang Tekstong Babasahin
Kalakip ang mga Estratehiya ng Mapanuring Pagbasa (Previewing, Contextualizing
at Questioning o Pagtatanong)

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN

Pagkatapos talakayin ang modyul, inaasahan na ang mag-aaral ay:

A. natutukoy at nakilala ang kahulugan ng previewing, contextualizing at


questioning;
B. nauunawaan ang nilalaman ng teksto at ginamit na estratehiya ng
mapanuring pagbasa; at
C. nakasusulat ng sariling teksto mula sa kanyang karanasan sa
kasalukuyang sitwasyon.

PAUNANG PAGSUBOK

Basahin at unawain ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng wastong


sagot.

1. Ito ay pagsasaayos ng teksto sa paraang historikal, biograpikal at


nakabatay sa kontekstong kultural.
A. previewing B. contextualizing C. questioning

2. Ang estratehiyang ito ay pasimpleng pinasisilip ang nilalaman para


magkaroon ng ideya ang isang mambabasa.
A. previewing B. contextualizing C. questioning

3. Naglalaman ng mga tanong para sa malalimang pagkakaintindi sa


teksto.
A. previewing B. contextualizing C. questioning

4. Ang estratehiyang contextualizing ay nangangailangan ng ____________


A. karanasan B. impluwensya C. pagkilala

5. Isa sa bahagdan ng pagbasa ng previewing ay ang_______________


A. pagtingin sa pamagat B. may kaalaman sa paksa
C. pag-uugnay

6
BALIK-ARAL
Panuto: Sa tulong ng linear chart, ibigay ang kahulugan ng sumusunod:

Iskaning
Iskiming
Brainstorming
Tekstong
Akademiko

ARALIN 4
Iba’t Ibang Tekstong Babasahin Kalakip ang mga Estratehiya ng
Mapanuring Pagbasa (Previewing, Contextualizing at Questioning o
Pagtatanong)

Paano mo sinisimulan ang pagbasa ng teksto? Bago mo ba simulan


ang pagbasa nagtatanong ka ba muna sa iyong sarili? Bakit?

Bawat tao ay may dahilan kung bakit siya nagbabasa. Isang dahilan
ay para palusugin ang isipan at paunlarin ang kaalaman, dahil ito naman
ang tunay na layunin kung bakit nagbabasa.

Tulad ng naunang tinalakay gumagamit tayo ng mga estratehiya


upang ang mensaheng nais ipabatid ng sumulat ay maunawaan ang
pahiwatig, simbolismo, pananaw at mga ginamit na salita upang mas
makita ang ideya na inihahatid ng teksto. Katulad ng estratehiyang
previewing, contextualizing at questioning

Previewing. Ito ang pagbasa na hindi muna


ganap o buo ang sinusuri sa binabasang teksto
bagkus kinukuha muna ang mga detalye upang
makuha ang pangkahalatang pagkaunawa sa
kabuuan ng teksto. Ito ay maaaring gawin sa mga
rebyu ng aklat upang makilatis ang nilalaman.

7
May iba’t ibang pamamaraan sa pagsasagawa ng previewing gaya ng
mga sumusunod:

1. Pagtingin sa pamagat na nakasulat na blue print.


2. Pagbasa sa una at huling talata.
3. Pagtingin sa heading at sub-heading na naka-italic
4. Kapag may kasamang introduksyon o buod, larawan, graps at tsart
ito ay binibigyang-suri
5. Pagtingin at pagbasa ng talaan ng nilalaman
Contextualizing. Ito ang pagsasaayos ng
teksto sa paraang historikal, biograpikal at
nakabatay sa kontekstong kultural.

Halimbawa:

Kung magbabasa ka ng teksto kailangan


nagagamit mo ang dati ng kaalaman mula sa
karanasan sa pagbasa, dahil malaki ang
impluwensiya ng karanasan sa paglipas ng
panahon tulad ng pagkilala sa talasalitaan,
sa mga biswal at pagkakahanay ng mga
salita o pagkilala sa gramatika. Sapagkat sa
mapanuring pagbasa, kailangan mong
makilala ang pagkakaiba sa kasalukuyan
paniniwala at paniniwalang nakasaad sa
teksto.

Gabay na tanong:

Kailan isinulat ang teksto? Ano ang pangyayaring naganap sa


kasalukuyang panahon upang ang manunulat ay magkaroon ng ganitong
damdamin o kaisipan sa teksto? Sino ang sumulat? Saan ito nagmula? Ang
paraan ba ng manunulat ay katulad ng paraan ng ibang manunulat?
Maglista ng mga impresyon at hinuha mo sa punto de vista ng teksto? Sa
paanong paraan naging makabuluhan ang iyong pagbasa ng teksto?

Questioning. Ito ay naglalaman ng mga katanungan


upang mas mapalalim ang pagkakaunawa sa nilalaman
ng teksto.

Ang bawat tanong ay nakapokus lamang sa


pangunahing ideya, hindi sa mga inilalarawan o detalye
sa teksto. Kailangan ay sariling pagpapahayag ng ideya
at hindi pagkopya sa bawat talata ng teksto.

8
Halimbawa:

Ano ang mga salik na nakakaapekto sa pangyayari?


Paano nila naapektuhan o naiimpluwensyahan ang isa’t isa?
Ano sa tingin mo ang susunod na mangyayari?

MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1
Panuto: Isulat sa patlang ang tinutukoy ng bawat pahayag.

___________1. Ito ay naglalaman ng mga tanong upang mapalalim ang


pagkakaunawa sa nilalamang teksto.

___________2. Pagtingin sa pamagat na nakasulat na blue print

___________3. Ito ang pagsasaayos ng teksto sa paraang historikal,


biograpikal at nakabatay sa kontekstong kultural.

___________4. Gumagamit ng karanasan upang mas makilala ang nilalaman


ng teksto.

___________5. Ito ang pagbasa na hindi muna ganap o buo ang sinusuri sa
binabasang teksto bagkus kinukuha muna ang mga detalye
upang makuha ang pangkahalatang pagkaunawa sa kabuoan
ng teksto.

Pagsasanay 2
Panuto: Basahin ang maikling teksto. Sagutin ang sumusunod na tanong
batay sa inyong naunawaan.

New Normal
ni Rhea V. Iranzo

Sa bawat pagsikat ng araw, may pag-asa. Kasabay ng liwanag na


sumasabog sa daigdig. Ito ang liwanag na nagbibigay ng pag-asa sa lahat
nilalang at sa paglubog ng araw kaalinsabay ang paglubog ng suliranin at
agam-agam.
Ito ang buhay na nakagawian na, pero sa kasalukuyang panahon
hindi na ito pabor sa karamihan, dahil sa pagbabagong paraan ng
pamumuhay. Para sa iba hindi ito makaturungan sapagkat nakatatakot
dahil sa kalabang hindi nakikita. Kailangan, kapag lalabas ng bahay ay may
suot nang facemask, kailangan ng tamang hygiene, physical distancing at

9
kailangan sumunod sa curfew upang mabawasan ang lumalalang sakit
dulot ng covid 19.
Sa larangan ng iba’t ibang industriya naman ay may kanya-kanyang
protocol upang maipagpatuloy lamang ang hanapbuhay, kung lalabag, may
kaparusahan. Ang ilan ay nagtatrabho na lamang sa loob ng bahay. Sa
larangan naman ng edukasyon malaki rin ang pagbabago, gumagamit na
lamang ng modyul at blended learning tulad ng messenger upang
maipagtuloy lamang ang edukasyon. Sa simbahan, palengke, mall,
restaurant, sasakyan at iba pang pampublikong lugar mahigpit na
ipinagbabawal ang dating nakagawian na dahil kailangn may isang metrong
pagitan ang bawat isa. Malungkot, nakakagalit at nakakasakal. Pero hindi
ito hadlang para ipagpatuloy ang buhay. Kailangan lang tingnan natin ito
bilang bagong panimula hangga’t walang bakuna kontra covid 19.

1. Ano ang pamagat ng teksto?


_______________________________________
__________________________________________________________________.
2. Bakit nagkaraon ng tinatawag na new normal?_____________________
__________________________________________________________________.
3. Sino ang sumulat ng teksto? ______________________________________
__________________________________________________________________.
4. Ano ang nais ipahiwatig ng
teksto?_________________________________
__________________________________________________________________.
5. Paano ka naimpluwensyahan basahin ang
teksto?__________________
__________________________________________________________________.

Pagsasanay 3:
Panuto: Tukuyin ang estratehiyang ginamit mula sa mga tanong na
inilahad sa pagsasanay 2. Pumili ng sagot sa kahon.

Previewing Questioning

Contextualizing

1.

2.

3.
4.

5.

10
PAGLALAHAT

Panuto: Sa tulong ng web, ibigay ang mga katangian ng tatlong


estratehiya.

PAGPAPAHALAGA
Panuto: Sumulat ng sariling teksto mula sa iyong karanasan sa
kasalukuyang sitwasyon. Tukuyin ang ginamit na estratehiya at
ipaliwanag kung paano ito nakatulong sa pagbuo ng teksto. Suriin
ang ilan sa estratehiyang ginamit sa pamamagitan ng pagguhit sa
pangungusap.

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
Pamantayan:
Wasto ang ginamit na estratehiya: 15
Maayos at malinawa ang gramatika: 10
Kabuoan 25

11
PANAPOS NA PAGSUSULIT

A. Basahin ang diyalogo at tukuyin kung ang estratehiyang ginamit sa


mga salitang may salungguhit ay:

A. previewing B. contextualizing C. Questioning.

Pedra: Parang nabasa ko sa (1) headlines na tumaas na naman ang


covid cases.
Pedro: Oo, nabasa ko rin na ang (2) covid ngayon ay airborne na!
Pedra: Talaga! (3) saan kaya ito talaga nagsimula?
Pedro: Hindi ko alam! basta sabi sa (4) unang talata sa pahayagan
malupit ang virus na ito.
Pedra: Sa palagay mo, (5) ano kaya ang iniisip ng mga tao sa buong
mundo?
Pedro: Hindi ko alam, basta kailangan nating mag-ingat!

B. Panuto: Isulat sa patlang ang Tama kung wasto ang pahayag at Mali
naman kung ito ay hindi wasto.

__________1. Ang pagbasa ng talaan ng nilalaman ay maituturing na


contextualizing.

__________2. Ang questioning ay base sa pangunahing ideya at hindi


sa nilalaman ng teksto.

__________3. Ang previewing ay ginagamit sa pagkuha ng buod ng


teksto.

__________4. Ang contexualizing ay estratehiya nakapokus sa


historikal at bayograpikal ng teksto.

__________5. Ang pagbasa sa una at huling talata ay previewing na


paraan.

12
SUSI SA PAGWAWASTO
AGWAWASTO

13
14
Sanggunian
Aklat

Alma Dayag at Mary Grace Del Rosario, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik (Phoenix Publishing House Inc, 2017)

Aurora Batnag at Crizel Sicat-De Laza, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang


Tekstto Tungo sa Pananaliksik (Rex Printing Company Inc, 2016)

Heide Anastacio, Rita Morales at et al, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa


Pananaliksik (Mutya Publishing House Inc, 2013)

Website

Ibat-ibang-estratehiya-ng-pangangalap-ng-impormasyon
https://www.slideshare.net/JonalynTabora

15

You might also like