You are on page 1of 12

Alamin Natin

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin.
2. Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng
wika.
3. Nakabubuo ng sulating may batayang pananaliksik ayon sa pangangailangan.
4. Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong akademikong sulatin.

Subukin Natin

Panuto: Tukuyin kung TAMA o MALI ang sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang
ang iyong sagot.

__________ 1. Ang Panukalang Proyekto ay isang dokumento na ginagamit upang


kumbinsihin ang isang sponsor ng isang proyekto.

__________ 2. Layunin ng panukalang proyekto ang mabigyang-solusyon ang mga


problemang kinakaharap ng pamayanan at makuha ang suporta ng
lokal na pamahalaan.

__________ 3. Ang pamagat ng panukalang proyekto ay kadalasang pinaikling


bahagi ng ulat-panukala o pangangailangan.

__________ 4. Ang budget ng panukalang proyekto ay kalkulasyon ng halagang


gugugulin sa proyekto.

__________ 5. Ang mga salitang gagamitin sa pagsulat ng panukalang proyekto ay


simple at payak.

4
Aralin Natin

Upang magkaroon tayo ng mas malawak na kaalaman hinggil sa kung


paano tugunan ang problemang makikita sa lipunan, mahalagang matunton natin
ang mga paraan at nilalaman sa pagbuo ng isang panukala upang mabigyan
natin ng kalutasan ang nasabing suliranin.

Ang panukalang proyekto ay isang sulatin na naglalaman ng mga


pangangailangan ng mamamayan. Batay rito, maaari mo nang mailahad ang
layunin ng iyong panukala mula sa pangangailangan ng pamayanan. Nakasaad
din dito kung bakit mo ipinapalagay na ito ay mahalagang pangangailangan. Ang
bahaging ito ay dapat na maikli lamang ngunit malinaw at tuwiran ang punto.
Nakapaloob dito ang paglalarawan ng pamayanan at ang panukalang proyektong
iyong ibinigay.

Layunin ng panukalang proyekto ang mabigyang-solusyon ang mga


problemang kinakaharap ng pamayanan at makuha ang suporta ng lokal na
pamahalaan o alinmang ahensiya ng pamahalaan na siyang makatutulong upang
makamit ang iyong layunin.

Ang pagbuo ng panukalang proyekto ay mahalaga upang mabigyan ng


solusyon ang suliranin na makapagbibigay ng kaginhawaan sa buhay ng mga
mamamayan. Lagi ding tandaan ang mga katangian ng panukalang proyekto. Narito
ang sumusunod na katangian.

5
Katangian ng Panukalang Proyekto

Ang magandang panukala ay nagsisimula sa magandang konsepto.


Gayunman, ang panukala ay dapat nakasulat nang may sapat na detalye upang
maunawaan.

• ano ang inaasahan ng proyekto na makamit;

• kung ang mga tauhan ng proyekto ay


kinakailangang magpakadalubhasa upang
makamit ang hangarin at layunin;

• ang potensiyal ng proyekto na pangalagaan ang


samu’t saring buhay;

• ang pambansang epekto at pagiging mabisa ng


halaga ng proyekto;

• Mga plano at pagtataya at pagpapalaganap.

Pigura 4.1 “Katangian ng Panukalang Proyekto”

(Pinagkunan: Pagsulat sa Piling Larangan, Dipolog & Avacena, 2018, ph 41-42)

6
Ang sumusuod na gabay sa pagbuo ng panukalang proyekto ay isang
mahalagang gabay upang mabuo nang mahusay ito.

Gabay sa pagbuo ng
Panukalang Proyekto

Pagpaplano Balido
• Magplano, isaalang-alang • Katanggap-tanggap at
ang panahon sa pagbuo ng ispesipik – siguraduhing
panukalang proyekto makabuluhan ang nilalaman
• talakayin, suriin ang at huwag iugnay sa mga
progreso sa proseso ng pandamdaming termino
pagsulat

Sama-samang Paggawa Limitasyon


• Magtalaga ng tiyak na • Teknikal at organisasyunal
tungkulin at responsibilidad na jargon – gumamit ng mga
ng bawat miyembro batay sa
lengguwahe/wika na
ginagawang panukalang
madaling maunawaan
proyekto.

Ibatay sa Realidad

• Ano ang nais ipanukala?


• Ano ang dapat matapos?
• Saklaw na panahon?
• Mapagkukunan ng
impormasyon

Pigura 4.2 “Gabay sa Pagbuo ng Panukalang Proyekto”

(Pinagkunan: Pagsulat sa Piling Larangan, Dipolog & Avacena, 2018, ph 43)

7
Balangkas ng Simpleng Panukalang Proyekto

Upang lubos na mabuo ang isang panukalang proyekto, narito ang


balangkas nito.
A. Pamagat - kadalasang pinaikling bahagi ng ulat-panukala o
pangangailangan
Halimbawa:
Panukala para sa Pagpapatayo ng Bulwagang Pambarangay

B. Nagpapadala – pangalan at tirahan ng nagpapadala


Halimbawa: Noemi S. Hapay
Brgy. Magdum, Tagum City

C. Petsa – araw kung kailan isusumite ang panukala at ang haba ng


panahong gugugulin.
Halimbawa: Ika-24 ng Oktubre, 2016
Pagpapatayo: 3 buwan

1. Pagpapahayag ng Suliranin – dahilan kung bakit ito kailangang matugunan


2. Layunin – ang nilalayong gawin ng panukala
3. Plano na dapat gawin – hakbang na pinaplanong gawin at ang panahong
gugugulin.
Halimbawa: Ang panukalang ito ay maisasakatuparan...........

4. Budget – ang kalkulasyon ng halagang gugugulin sa proyekto


Halimbawa: Ang halagang hinihiling sa panukalang ito
ay...................

5. Paano mapakinabangan ng Pamayanan – nakasaad dito ang mga taong


makinabang at kung ano ang kanilang mapapala.
Halimbawa: Ang proyektong ito ay kapaki-pakinabang sa
mga..............

(Pinagkunan: Pagsulat sa Piling Larangan, Dipolog & Avacena, 2018, ph 44)

8
Halimbawa: (Panukalang proyekto ni Ruby Cortex)

Panukala para sa Dalawang Cellular Telephones

Ruby Cortex
116 Rubi Street, Lot 3, Blk 58
Barangay Selino
Sta. Fe, Nueva Vizcaya

Ika-16 ng Hulyo, 2000


Haba ng panahong gugugulin: Humigit-kumulang isang linggo

PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN:
Ito ay isang panukala para sa dalawang cellular telephones para sa aming
pamayanan. Ang dalawang teleponong ito ay itatabi at pangalagaan sa
bulwagang pambarangay at sa bahay ng kapitan. Ang mga teleponong ito ay
mahalaga sapagkat ang mga landline based na telepono ay ikakabit pa lamang
sa aming barangay. Ang mga tawag na mahahalaga lalo na sa oras ng kagipitan
ay agad na matatanggap at makararating sa mga kinauukulan.

LAYUNIN:

Ipanukala ang pagbili ng dalawang cellular telephones na magagamit sa


pamayanan upang mabigyan ang mga kasapi ng serbisyong pangkomunikasyon.

PLANO NA DAPAT GAWIN:


A. Pag-aproba sa budget
B. Pagpili ng dalawang cellular telephones (dalawang linggo)
C. Pagsubok sa paggamit nito - ang bayad ay kada tawag (isang buwan)
D. Pagsusuri ng serbisyong Pangkomunikasyon
E. Pormal na operasyon ng lugar kung saan makatawag ang mga
mamamayan sa bulwagang pambarangay at sa bahay ng kapitan ng
barangay.

BUDGET:
Kinalkulang Budget P 13,000.00

Halaga ng isang 3210 Nokia na may charger P 6500.00 X 2

PAANO MAPAKIKINABANGAN NG PAMAYANAN


9
Dahil sa kakulangan ng landline based na mga telepono, matutugunan ng
mga cellular telephones na ito ang pangangailanagan ng pamayanan sa
pasilidad na pangkomunikasyon. Magiging kapaki-pakinabang ito sa lahat ng
PAANO MAPAKIKINABANGAN NG PAMAYANAN

Dahil sa kakulangan ng landline based na mga telepono, matutugunan ng


mga cellular telephones na ito ang pangangailanagan ng pamayanan sa
pasilidad na pangkomunikasyon. Magiging kapaki-pakinabang ito sa lahat ng
kasapi ng pamayanan. Mangangahulugan ito ng mas mabilis na pagtanggap at
paggawa ng mahalagang tawag para sa lahat. Ang mga kasapi ng pamayanan
na may kamag-anak sa ibang bansa ay magkakaroon ng komunikasyon. Ang
mga mangangalakal naman ay makatawag at makatanggap na ng tawag para sa
kanilang mga kalakal na kailangan. Ang cellular telephones na ito ay mahalagang
bagay para sa pamayanan dahil magagamit ito ng halos lahat ng kasapi ng
barangay sa pakikipagkomunikasyon sa mga taong nasa malayo.

(Pinagkunan: Pagsulat sa Piling Larangan, Dipolog & Avacena, 2018, ph 45-46)

Gawin Natin

A. Panuto: Ayusin ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ang walong bahagi ng


panukalang proyekto sa pamamagitan ng paglagay ng bilang sa patlang (1-
8).

______ a. Budget
______ b. Petsa
______ c. Paano mapakinabangan ng pamayanan
______ d. Pamagat
______ e. Pagpapahayag ng Suliranin
______ f. Nagpapadala
______ g. Plano na Dapat Gawin
______ h. Layunin

10
B. Panuto: Tukuyin kung anong bahagi ng panukala ang inilahad sa bawat
pahayag. Isulat ang tamang sagot sa patlang

__________ 1. Ang panukalang ito ay humihiling ng inyong tulong sa pag-


aayos ng kalsada upang maging mas mabilis at mas ligtas ang
transportasyon ng mga tao at ng mga kalakal.

__________ 2. Panukala para sa isang Poso.

__________ 3. Ang paglagay ng palaruan para sa mga bata ay kapaki-


pakinabang sa lahat ng mga bata sa pamayanan. Mabibigyan sila
ng pagkakataong makapaglaro sa labas ng bahay nang ligtas at
malaya.

__________ 4. Ika – 24 ng Mayo, 2000

__________ 5. Ang kabuuang halaga na aming hiniling para sa pagpapagawa ng


mga pangunahing kalsada sa aming barangay ay P 250,000.00 sa
loob ng dalawang buwan.

__________ 6. Dan O. Gomez


Purok 2, Barangay San Miguel
Tagum City

__________ 7. Kinalkulang Budget (P 130,000.00)

__________ 8. Humigit-kumulang limang buwan

__________ 9. Panukalang Proyekto para sa Pagpapaayos ng aming kalsada.

__________ 10. Nilalayon ng panukalang ito na mapaayos ang aming kalsada


upang maging maayos ang takbo ng transportasyon maging ang
daloy ng trapiko.

Sanayin Natin

Panuto: Isulat at tukuyin ng maingat, wasto, organisado ang tamang


impormasyon sa GAWAIN NATIN titik B na kailangan upang mabuo ang naisip na
panukalang proyekto. Isulat sa loob ng kahon ang sagot.

11
Pamagat ng Panukala

Nagpapadala

Petsa

Pagpapahayag ng Suliranin

Layunin

Plano na Dapat Gawin

Budget

Paano Mapakinabangan ng Pamayanan

12
Rubriks sa Pagpapaliwanag

Interpretasyon

15 - 20 Napakahusay 5-9 Mahusay-husay


10 -14 Mahusay 1-4 Paghusayan pa

Pamantayan sa pagpapaliwanag 1 2 3 4 5
Kahalagahan at Katotohanan sa
impormasyong inilahad

Kalinawan at kaugnayan sa daloy ng


mga pangyayari

Kawastuhan ng katangiang gramatikal

Panghihikayat sa mambabasa sa
kabuoan (estilo, nilalaman, at
pagkamalikhain)

Kabuoang Puntos

Tandaan Natin

Ang panukalang proyekto ay isang sulatin na naglalaman ng mga


pangangailangan ng mamamayan. Batay rito, maaari mo nang mailahad ang
layunin ng iyong panukala mula sa pangangailangan ng pamayanan. Nakasaad
din dito kung bakit mo ipinapalagay na ito ay mahalagang pangangailangan. Ang
bahaging ito ay dapat na maikli lamang ngunit malinaw at direkta ang punto.
Nakapaloob dito ang paglalarawan ng iyong pamayanan at ang panukalang
proyektong iyong ibinigay.

Layunin ng panukalang proyekto ang mabigyang-solusyon ang mga


problemang kinakaharap ng pamayanan at makuha ang suporta ng lokal na
pamahalaan o alinmang ahensiya ng pamahalaan na siyang makatutulong upang
makamit ang iyong layunin.

13
Suriin Natin

Panuto: Iugnay sa Hanay A sa mga deskripsyon at pagpapaliwanag sa


hanay B. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa mga patlang sa tabi ng bilang.

Hanay A Hanay B

_____ 1. Balido A. kadalasang pinaikling bahagi ng ulat-


panukala o pangangailangan
_____ 2. Sama-samang B. sulatin na naglalaman ng mga
paggawa pangangailangan ng mamamayan
_____ 3. Pamagat
C. pangalan at tirahan ng nagpapadala
_____ 4. Plano na Dapat D. Katanggap-tanggap at ispesipik –
Gawin siguraduhing makabuluhan ang nilalaman
at huwag iugnay sa mga pandamdaming
termino
_____ 5. Panukalang Proyekto E. araw kung kailan isusumite ang panukala at
ang haba ng panahong gugugulin

_____ 6. Nagpapadala F. Ang kalkulasyon ng halagang gugugulin sa


proyekto
_____ 7. Katangian ng G. Magtalaga ng tiyak na tungkulin at
Panukalang Proyekto responsibilidad ng bawat miyembro batay
sa ginagawang panukalang proyekto
_____ 8. Petsa H. hakbang na pinaplanong gawin at ang
panahong gugugulin
_____ 9. Budget I. talakayin, suriin ang progreso sa proseso
ng pagsulat
_____ 10. Pagpaplano
J. Mga plano at pagtataya at pagpapalaganap

14
Payabungin Natin

Panuto: Sumulat ng isang panukalang proyekto upang malutas ang isang


suliranin sa iyong paaralan o barangay. Maging organisado, malikhain, maingat at
wasto ang pagsulat nito. Sundin ang pormat na tinalakay sa ARALIN NATIN. Isulat
ang burador ng iyong sulatin sa mga kasunod na patlang.

Pamantayan:

Nilalaman - 50%
Kalinisan ng Pagkasulat - 10%
Kaayusan ng mga pangungusap - 20%
Wastong gramatika - 20%
Kabuoan - 100

15

You might also like