You are on page 1of 1

`Layunin at kahalagahan ng sulating teknikal-bokasyunal

Ang mga sulating teknikal-bokasyonal ay mahalaga sa pagkakamit ng mga layunin ng isang indibidwal o ng
institusyong kinabibilangan. Madalas maiuugnay sa layuning ekonomiko ang dahilan ng pakikipag-ugnayan
gamit ang mga ganitong uri ng sulatin. Sa pagsulat ng mga sulating teknikal-bokasyunal, tatlong pangunahing
layunin ang matutuko:

Layunin:

1. Mapabigay-impormasyon
2. Magsuri
3. Manghikayat

Mahalagang uri ng pagsulat ng teknikal bokasyunal:

1. Nagbibigay-ulat
2. Nagbibigay-instruksyon
3. Naghahain ng isang serbisyo o produkto
4. Nagsisilbing basehan ng mga pagdedesisyon
5. Nagbibigay ng mga kinakailangang impormasyon

Bakit nga ba ito mahalaga satin? Ano nga ba ang mga halimbawa ng sulating teknikal-bokasyunal.

*Ang Teknikal Bokasyonal na Sulatin ay komunikasyong pasulat sa larangang may espesyalisadong bokabularyo tulad ng
agham, inhenyera, teknolohiya at agham pangkalusugan. Ito ay payak, tumpak, kumpleto ang impormasyon, malinaw, di-
emosyonal at obhetibo.

*Layunin nitong makapagbigay alam, makapag-analisa ng mga pangyayari at implikasyon at manghikayat at mang-
impluwensya ng desisyon.

*Ang mga gamit ng Teknikal Bokasyonal na pagsulat ay upang maging batayan sa desisyon ng namamahala, magbigay
ng kailangang impormasyon, magbigay ng instrukto,mapaliwanag ang teknik, mag-ulat ng natamong achievement, mag-
analisa ng suliraning bahagi, matiyak ang pangangailangan ng desisyon at sistema, makabuo ng produkto, at
makapagbigay ng serbisyo.

*Bilang isang mag-aaral, ito ay aming kailangan dahil nadaragdagan ang aming kaalaman dahil dito at layunin nitong
palawakin ang mga impormasyon na maaari naming gamitin sa pangaraw-araw naming buhay.

*Mahalaga ito dahil kung wala ito hindi tayo magkakaroon ng impormasyon at mauunawaan ang mga bagay bagay sa
ating paligid. Mahihirapan tayong umintindi at hindi natin magagawa ang mga proyekto na ibinigay satin. Pati narin sa
mga panuto na nasa establisyimento at mga “flyers”.

*Ang isang Teknikal-bokasyonal na sulatin ay isang napakahalagang klase ng sulatin bilang isang kahingian sa
isang partikular na gawain/propesyon/trabaho. Ang mga nilalaman nito ay nakabatay sa estado ng isang
proyekto at naglalaman ito ng napakahalagan impormasyon at posibilidad na problemang kinakaharap.
Nakapaloob sa sulating ito ang lahat lahat ng impormasyon ang nais mong malaman sa isang proyekto.
Napakahalaga ng sulating ito bilang isang paraan ng pagmomonitor sa kasalukuyang proyektong inyong
isinasagawa. Nakadepende ito sa propesyong inyong ginagalawan o trabaho sa pamamagitan nito
maipapahayag niyo ito ng malinaw at sa pamamagitan din nito maibabahagi niyo ang iba’t-ibang
impormasyon patungkol sa ating sining, industriya, maginsa sa isang partikyular na agham. Sa pamamagitan
ng Teknikal-bokasyonal na sulatin maari din itong gabay sa mga susunod na henerasyon batay sa larangan na
kanilang papasukin dahil nakapaloob sa sulating ito ang angkop at sapat na impormasyon na nais nating
makuha at malaman. Sa madaling salita ang isang teknikal-bokasyonal na sulatin ay parte na ng buhay ng
tao dahil halos karamihan ng mga manggagawa ay gumagamit nito ay ito ay nabibilang sa mga
nakasanayan na nating mga gawain tulad ng isang narative report, Lab report, at marami pang iba.
Naglalayon ang sulating ito bilang isang source of information at para makapaghikayat ng mambabasa.

You might also like