You are on page 1of 11

Feasibility Study

G. JONELL JOHN O. ESPALTO


SINALHAN SENIOR HIGH SCHOOL STAND ALONE
Feasibility Study
Bago tuluyang lumikha ng isang negosyo o proyekto, nagsasagawa
muna ng feasibility study ang mga tagapagtaguyod nito. Nakatutulong
ito upang matiyak ang posibilidad na maisakatuparan ang isang
planong gawain.
Katangian at Kalikasan
Komprehensibo ang ganitong uri ng pag-aaral, katulad
ng ibang pananaliksik at pormal ang paggamit ng mga
salita.
May mga espesipikong bahagi ang isang feasibility
study katulad na lamang ng pamagat, pangalan ng
gumawa, abstrak, buod o executive summary,
panimulang pagtalakay sa mga detalye at datos ng
proyekto, gayundin ang resulta at rekomendasyon.
Katangian at Kalikasan
Kung titingnan ang mga halimbawa ng feasibility study
ay matatagpuan dito ang mga salitang teknikal na
may kinalaman sa proyekto o pangunahing paksang
ginagawan ng pag-aaral.
Kalimitan itong ginagamit sa pagnenegosyo o kayay sa
mga pananaliksik na may kinalaman sa agham at
teknolohiya, inhinyeriya at iba pang katulad na mga
larangan.
Katangian at Kalikasan
Dagdag pa rito, detalyado ang pagtalakay sa mga
impormasyong nilalaman ng isang feasibility study
dahil nakatutulong ito upang makita ang kahihinatnan
ng isang negosyo o gawain.

Karaniwan ding nilalakipan ng mga apendise ang


ganitong sulatin na maaaring maging sanhi upang lalo
pang maging malaman ang isang feasibility study.
MGA URI NG FEASIBILITY STUDY
1. Deskripsiyon ng proyekto- tinutukoy nito ang
kalidad at uri ng produkto o serbisyong inihahain at
kung maaari itong isagawa para sa isang partikular
na larangan, grupo, o negosyo.
2. Market feasibility- binibigyang pansin sa pag-aaral
na ito ang merkado (mga posibleng kustomer) ang
laki at lawak nito, potensiyal nito, at/o akses dito.
MGA URI NG FEASIBILITY STUDY
3. Technical feasibility- sinusuri sa pag-aaral na ito ang
laki at uri ng mga pasilidad pamproduksiyon, mga
gusali, kagamitan, teknolohiya, at hilaw na materyal na
kailangan ng negosyo.
4. Financial/ Economic feasibility- tinataya sa pag-aaral
na ito ang kakayahan ng puhunan, mga
pangangailangan sa pag-utang , mga halagang
kailangan upang makabawi (break-even) ang negosyo ,
at iba pang aspektong pinansiyal
MGA URI NG FEASIBILITY STUDY

5. Organizational/ Managerial feasibility- ang tuon dito


ay ang pamamahala at legal na estruktura ng negosyo.
MGA KOMPONENT O BAHAGI NG FEASIBILITY
STUDY
1. Ehekutibong Buod pinakalayunin nito ay tawagin
ang pansin ng mambabasa.
2. Produkto/ Serbisyo- ang produkto ay kahit anong
nahahawakan (tangible) at maaaring magamit at
maubos (consumable) na ginagawa o pinoprodyus
at ibinebenta sa publiko.
3. Plano para sa susunod na aksiyon- ipinapakita ba
ng plano na ang ideyang nais gawin ay may halaga
at maisagawa?
MGA KOMPONENT O BAHAGI NG FEASIBILITY
STUDY
4. Presyo at posibleng kita
5. Pangkalahatang pagtingin sa negosyo- dito matatagpuan
ang pagtingin o pagtanaw sa mga kakailanganin sa negosyo na
makakaapekto sa pangkalahatang kalagayan o kita nito.
A. Lokasyon
B. Site plan, floor plan, assets
6. Puhunan o Kapital
MGA KOMPONENT O BAHAGI NG FEASIBILITY
STUDY
7. Rekomendasyon- Mula sa isinagawang pag-aaral tungkol sa
posibilidad na pagtatayo ng isang negosyo, mahalagang
banggitin ang rekomendasyon kung nararapat itong ituloy o
hindi.
Nararapat na ito ay maging tapat, maikli, at direkta.

You might also like