You are on page 1of 12

►FEASIBILITY STUDY

Iba’t Ibang Anyo ng Sulating Teknikal-Bokasyunal


Filipino Sa Piling Larang (Tech-voc)
FEASIBILITY STUDY
• Ang feasibility study ay isang ebalwasyon ng mga inihaing
proposal o aksiyon kaugnay sa mga proyekto ng
pagpapaunlad sa mga sitwasyon o mga bagay sa trabaho.
• May mga pagkakataon na ang isang kompanya ay nagpaplano
ng proyekto pero hindi nakatitiyak kung maaaring isagawa o
maisakatuparan ang proyektong iyon.
KAHALAGAHAN NG
FEASIBILITY STUDY
• Mahalaga ito upang makapagdesisyon ang kompanya sa pinakamainam na
aksiyong dapat gawin.
Halimbawa:
• Sa pagdedesisyon sa pagbili ng bagong makinarya o kagamitan para sa
kompanya, kailangang ikonsidera ang halaga nito at kung kaya nitong punan
ang mga kailangang gawain.
• Sa pagdedesisyon ng isang negosyante kung magpapakilala ng bagong
produkto sa merkado, kailangan munang pag-aralan kung may tiyak na
konsyumer ang produktong ito.
TUNGKULIN NG
FEASIBILITY STUDY
• Tungkulin ntio na pag-aralan o suriing mabuti ang pangkalahatang
kalagayan ng mga bagay, tao, o sitwasyong nakakaapekto sa negosyo
o sa kompanya bago magpatupad ng anumang proyekto o magsagawa
ng anumang aksiyon, upang matiyak ang tagumpay.
FEASIBILITY STUDY
• Sa feasibility study tinitingnan ang posibilidad kung maisasagawa
ang isang proyekto. lisa lamang ang tinitingnang solusyon sa
feasibility study at dinedetermina nito kung ang solusyong iyon ang
kayang isagawa.
• Tulad ng isang proposal, ang feasibility study ay isang dokumentong
nangangailangan ng pananaliksik. Sinasaliksik dito ang lugar ng
negosyo, ang mga taong magiging bahagi nito, ang merkado, at ang
kaangkupan ng produkto o serbisyong ihahain sa tao.
MGA DAHILAN SA PAGSASAGAWA NG
FEASIBILITY STUDY
Ang feasibility study ay isang pormalisadong pasulat na dulog na
ginagamit sa pagtataya ng ideya upang matukoy kung ang
ideyang ito ay:
• maisasagawa o hindi;
• isang makabuluhang impormasyon at datos na makatutulong
sa pagbuo ng desisyon; o
• maaaring gawing alternatibong dulog at solusyon upang
maisagawa ang isang ideya.
MGA URI NG
FEASIBILITY STUDY
1. DESKRIPSIYON NG PROYEKTO

-tinutukoy nito ang kalidad at uring produkto o


serbisyong inihahain at kung maaari itong isagawa para
sa isang partikular na larangan, grupo, o negosyo.
2. MARKET FEASIBILITY

- binibigyang-pansin sa pag-aaral na ito ang merkado


(mga posibleng kustomer), ang laki at lawak nito,
potensiyal nito, at/o akses dito.
3. TECHNICAL FEASIBILITY

-sinusuri sa pag-aaral na ito ang laki at uri ng mga


pasilidad pamproduksiyon, mga gusali, kagamitan,
teknolohiya, at hilaw na materyal na kailangan ng
negosyo.
4. ORGANIZATIONAL/MANAGERIAL
FEASIBILITY

-ang tuon dito ay ang pamamahala at legal na


estruktura ng negosyo
5. FINANCIAL/ECONOMIC FEASIBILITY

-tinataya sa pag-aaral na ito ang kakayahan ng


puhunan, mga pangangailangan sa pag-utang, mga
halagang kailangan upang makabawi (break-even) ang
negosyo, at iba pang aspektong pinansiyal

You might also like