You are on page 1of 9

FEASIBILITY

STUDY
Ano nga ba ang isang feasibility
study?
Ang feasibility study ay isang pag-aaral
na ginagawa upang malaman ang iba’t
ibang sangkap at epekto ng
iminumungkahing produkto at/o
serbisyo at kung ito ay naaayon sa
pangangailangan sa pamilihan.
Ano ang kahalagahan ng isang
feasibility study?
Mahalagang magawa ang feasibility study upang
matiyak ang matagumpay na paglulunsad ng
isang produkto o serbisyo. Siyentipiko ang pag-
aaral na ginagawa sa feasibility study, kung
kaya mapaghahandaan ang iba’t ibang
maaaring maging epekto at mga sanhi na
makapagpapabago sa produkto’t serbisyo na
maaaring ibigay.
Iba’t ibang bahagi ng isang
feasibility study
1. Pangkalahatang Lagom / Executive Summary
-Nagbibigay ng kabuuang pagtanaw ng lalamaning feasibility study.
Madalas, huli itong isinusulat kapag buo na ang lahat ng iba pang bahagi.
2. Paglalarawan ng Produkto at /o Serbisyo
-Malinaw na inilalarawan sa bahaging ito ang produkto/serbisyong
inimumungkahing ibenta/ibigay. Mahalagang mabigyang-diin ang
kalakasan ng produkto/serbisyo na ibinibigay at kung anong benepisyo
nito sa gagamit.
3. Kakailanganging Teknikal na Kagamitan
-Ipinapaliwanag nito ang mga konsiderasyong kinakailangan kaugnay
ng aspektong teknolohikal.
4. Marketplace
-Inilalarawan sa bahaging ito ang pamilihan kung saan ibibigay
o ibebenta ang produkto. Tinitiyak ng bahaging ito ang iba pang
kaparehong produkto o serbisyong ibinibigay at kung ano ang
bentahe nito sa iba pang produkto/serbisyo.
5. Estratehiya sa Pagbebenta
-Tatalakayin sa bahaging ito ang paraan kung paano
maipaaabot sa gumagamit ang produkto/serbisyo. Iniaayon ng
marketing ang kahilingan at kaparaanan kung paano mahihikayat
na kunin ang produkto/serbisyo.
6. Mga Taong may Gampanin sa Produkto at/o Serbisyo
-Tinitiyak sa bahaging ito ang mga tao at ang kanilang
espesipikong trabaho para sa produkto/serbisyo.
7. Iskedyul
-Itinatakda sa bahaging ito ang panahon kung kailan
dapat magawa ang mga produkto/serbisyo.
8. Projection sa Pananalapi at Kita
-Tinitiyak sa bahaging ito kung mayroong nakikitang
benepisyong pampananalapi.
9. Rekomendasyon
-Inilalahad sa huling bahagi ang paglalagom at
pagbibigay-mungkahi batay sa ikalawa hanggang
ikawalong bahagi.
Mga Dahilan sa Pagsasagawa ng Feasibility Study

Ang feasibility study ay isang pormalisadong pasulat


na dulog na ginagamit sa pagtataya ng ideya upang
matukoy kung ang ideyang ito ay:
 Maisasagawa o hindi;
 Isang
makabuluhang impormasyon at datos na
makatutulong sa pagbuo ng desisyon; o
 Maaaring
gawing alternatibong dulog at solusyon
upang maisagawa ang isang ideya.
Mga Uri ng Feasibility Study
1. Deskripsiyonng proyekto- tinutukoy nito ang kalidad at uri
ng produkto o serbisyong inihahain at kung maaari itong
isagawa para sa isang particular na larangan, grupo o
negosyo.
2. Market feasibility- binibigyang-pansin sa pag-aaral na ito ang
merkado (mga posibleng kustomer), ang laki at lawak nito,
potensiyal nito, at/o akses dito.
3. Technicalfeasibility- sinusuri sa pag-aaral na ito ang laki at
uri ng mga pasilidad pamproduksiyon, mga gusali, kagamitan,
teknolohiya at hilaw na materyal na kailangan ng negosyo.
4. Financial/ Economic feasibility- tinataya
sa pag-aaral na ito ang kakayahan ng
puhunan, mga pangangailangan sa pag-utang,
mga halagang kailangan upang makabawi
(break-even) ang negosyo, at iba pang
aspektong pinansiyal.
5. Organizational/ Managerial feasibility- ang
tuon dito ay ang pamamahala at legal na
estruktura ng negosyo.

You might also like