You are on page 1of 2

Manwal

Karaniwang naglalaman ang isang manwal ng iba’t ibang impormasyon hinggil sa isang
produkto, kalakaran sa isang organisasyon o samahan o kaya’y mga detalyeng naglilinaw sa proseso,
estruktura, at iba pang mga detalyeng nagsisilbing gabay sa mga magbabasa nito. Komprehensibo ang
nilalaman ng isang manwal dahil naglalayon itong magpaliwanag at maglahad ng mga impormasyon
tungkol sa isang bagay o paksa. Kalimitang nakaayos nang pabalangkas ang mga nilalaman ng isang
manwal na makikita sa talaan ng mga ito at pormal ang ginagamit na wika. Maaari din namang
magtaglay ng mga larawan o di kaya’y tsart ang isang manwal upang maging higit na maliwanag ang
paglalahad ng mga impormasyon, gayundin ng mga salitang teknikal kung hinihingi ng pangangailangan.
Dagdag pa rito, maaari ding magtaglay ng apendise o indeks ang mga manwal. Samantala, sa gitna ng
makabagong teknolohiya ay hindi naman dapat isantabi ang kaalaman sa pagsulat ng liham. Isa sa mga
uri nito ay ang lihampangnegosyo na kalimitang ginagamit sa korespondensiya at pakikipagkalakalan.
Katulad ng iba pang uri ng liham, tinataglay rin nito ang mga bahagi gaya ng ulongsulat, petsa,
patunguhan, bating pambungad, katawan ng liham, bating pangwakas, at lagda. Nakatuon ang liham-
pangnegosyo sa mga transaksiyon sa pangangalakal katulad ng pagkambas ng halaga ng mga produkto o
kaya’y liham ng kahilingan at liham pag-uulat. Pormal ang paggamit ng wika sa ganitong uri ng liham.
Maaari ding magtaglay ng kalakip ang mga nasabing halimbawa.

Bahagi ng Manwal

1. Pamagat - nagbibigay ng pangunahing ideya sa kung ano ang nilalaman ng manwal

2. Talaan ng nilalaman - nakasaad dito ang pagkakahati-hati ng mga paksa sa loob ng manwal at ang
pahina kung saan ito tinatalakay

3. Pambungad - naglalaman ng paunang salita tungkol sa manwal gayundin ng mensahe o


pagpapaliwanag tungkol sa nilalaman nito mula sa may-akda o sa isang taong may kaugnayan sa
kompanyang nagmamay-ari ng manwal

4. Nilalaman- tumatalakay sa equipment na nangangailangan ng paggabay para sa mga gagamit ng mga


iyon.

5. Apendise- matatagpuan dito ang mga kalakip na impormasyon hinggil sa manwal katulad ng mga
impormasyon sa pagkontak, mga tala, atbp.

Maaaring pumili sa mga sumusunod na trabaho

1.automotive servicing

2. barbering

3. bartending
4. beauty care services

5. bread and pastry production

6. catering

7. commercial cooking

8. driving

9. food and beverages

10. food processing

11. hilot (wellness massage)

12. massage therapy

13. tailoring

14. technical drafting

15. visual graphics design

You might also like