You are on page 1of 41

12

Filipino sa Piling Larang


(Tech-Voc)
Unang Markahan – Modyul 3-4:
Mga Halimbawa ng Teknikal-
Bokasyunal na Sulatin
Filipino – Ikalabindalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3-4: Mga Halimbawa ng Teknikal-Bokasyunal na Sulatin
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ana Melissa T. Venido
Editor: Arlene L. Decipolo, Clinton T. Dayot, Shem Don C. Fabila, Gelyn I. Inoy, Ana
Melissa T. Venido, Melle L. Mongcopa
Tagasuri: Arlene L. Decipolo, Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido, Melle L.
Mongcopa, Clinton T. Dayot, Gelyn I. Inoy

Tagalapat: Romie G. Benolaria, Rodjone A. Binondo


Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Renante A. Juanillo
Fay C. Luarez, TM, EdD., PhD Rosela R. Abiera
Nilita L. Ragay, EdD Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, CESE Elmar L. Cabrera

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
12

Filipino sa Piling Larang


Unang Markahan – Modyul 3-4:
Mga Halimbawa ng
Teknikal-Bokasyunal na
Sulatin
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 12 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Halimbawa ng Teknikal-Bokasyunal na
Sulatin!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Mga Halimbawa ng Teknikal-Bokasyunal na Sulatin!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
ALAMIN

Mga Halimbawa ng Teknikal-Bokasyunal na


Sulatin

MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO

Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay sa


kahulugan, kalikasan at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating teknikal-
bokasyunal (CS_FTV11/12EP-Od-f-42)

PANIMULA

Magandang araw! Kumusta ka? Sa araw na ito ay may


makabuluhang paksa tayong tatalakayin. Tiyak kong makatutulong ito sa
iyo lalo pa’t hangad mo ang maging isang matagumpay na propesyunal
sa hinaharap. At ang daan tungo sa pagiging isang propesyunal ay may
kaakibat na mga responsibilidad at gawain partikular na ang gawaing
pagsulat. Haharap ka sa mga mabibigat na transaksiyon at
makasasalamuha mo ang iba’t ibang klase ng indibidwal sa lipunan.
Kaya sa modyul na ito, ipapasilip sa iyo ang mukha at anyo ng mga
sulating teknikal-bokasyunal upang mas mahubog ang iyong kakayahan
at kasanayan, at gawin kang mas handa sa pagharap sa mga hamon sa
larangang iyong tatahakin.
Halina’t simulan na nating lakbayin ang iba’t ibang mga halimbawa
ng teknikal-bokasyunal na sulatin!

1
MGA LAYUNIN

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na kayo po ay:


1. Nasusuri at nakikilala ang kalikasan at mga kaugnay na konsepto ng
mga halimbawang anyo ng sulating teknikal-bokasyunal ayon sa
kahulugan;
2. Nakasasagawa ng isang pagsusuri kaugnay sa kahulugan, kalikasan at
mga kaugnay na konsepto ng mga halimbawang teknikal-bokasyunal
na sulatin; at
3. Naisasagawa nang may kawilihan ang mga gawain kaugnay sa mga
halimbawang anyo ng sulating teknikal-bokasyunal.

SUBUKIN

PANIMULANG
PAGTATAYA

Panuto: Suriin ang mga halimbawang nilalaman, mga larawan, at mga kaisipan na
nasa bawat bilang. Tukuyin kung sa anong teknikal-bokasyunal na sulatin
makikita o inilalahad ang mga ito. Piliin lamang mula sa loob ng kahon
ang tamang sagot at isulat ito sa iyong kuwaderno.

a. liham-pangnegosyo b. brochure c. flyers/leaflets


d. menu e. manwal f. babala g. anunsiyo h. menu
i. feasibility study j. deskripsyon ng produkto k. promo materials

2
1. Handbook ng Benepisyo ng mga Manggagawa Ayon sa Batas
Bureau of Working Conditions
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
2014

2. Mahal na Kalihim:
Ipagdiriwang po natin ang “FARMERS’ and FISHERFOLK’S MONTH”
ngayong Mayo 2004. Bahagi ng pagdiriwang ay para sa Kawanihan ng Pangisdaan
at Yamang Tubig (BFAR), Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Pangisdaan sa
Pilipinas (PFDA) at Proyekto sa Pangangasiwa ng Yamang Isda (FRMP) na maging
punong-abala ng “Fisheries Day Program” sa 19 Mayo 2004.

3.

4.

5. Bakit nila tinawag na Durian Dimaporo Special? Sapagkat bukod-tangi ang lasa
ng prutas nito. Ito raw ang may pinakamasarap na lasa kung ihambing sa iba’t
ibang barayti kagaya ng Puyat, Chanee, Arancillo, Monthong o Golden Pillow
mula sa Thailand. May matingkad na kulay dilaw ang laman.

3
6. Abstrak
Nagpasya ang pamahalaang gamitin ang Public-Private Partnership (PPP)
Program para matulungang higit na maging abot-kamay ang maayos na
serbisyo sa mga ospital at posibilidad para sa pangangalaga ng kalusugan.
Nilalayon nitong papel na tasahin ang posibilidad ng implementasyon ng mga
PPP sa sektor pangkalusugan. Ginagamit sa pag-aaral ang rebuy sa mga
kaugnay na literature (review of literature), panayam sa mga pangunahing
sanggunian (keyinformant interviews) at maliliit na pangkatang talakayan
(focused group discussions). Muling tiningnan ang sistemang laganap sa mga
ospital sa Pilipinas gamit ang sumusunod na limang pamantayan sa pagganap:
mas pinahusay na antas sa pagpaparating ng mga serbisyong pangkalusugan,
pagkakapantay-pantay at kalidad, mahusay na pagpapatakbo at pagtitiyak sa
aplikasyon ng nasabing balangkas; at ang polisiya at programa ng
pagpapatupad ng mga rekomendasyon ng mga PPP para sa lagay ng
kalusugan.

7. Buksan nang Ligtas


Huwag bubuksan ang telepono kapag ang paggamit ng wireless phone ay
ipinagbabawal o kapag maaaring maging sanhi ng interference
(pagkagambala) o panganib.

8. Gamitin nang Maayos


Gamitin lamang sa normal na posisyon na ipinaliwanag sa dokumentasyon
ng produkto. Huwag gagalawin kung hindi kinakailangan ang antenna.

9. Tinapa Fried Rice


Mga sangkap:
4 na puswelong kaning lamig
4 na tinapa (galunggong o silinyasi, hinimay)
5 butil na bawang
3 kutsarang mantika
Asin (ayon sa panlasa)
10.
Antas 0:
Walang Tahimik Walang nakikinitang pagsabog sa
panganib hinaharap.

4
Antas 1: Mababang lebel ng pagkaligalig ng bulkan

Di-Karaniwan Bahagyang paglakas ng Walang nagbabadyang pagsabog.


pagyanig ng lupa.
Antas 2: Katamtamang pagkaligalig ng bulkan

Nakababahala Mahina hanggang May pagkabahala dulot ng posibleng


katamtamang lakas ng pagkakaroon ng magma; maaaring
pagyanig ng lupa. umabot sa tuluyang pagsabog ng
bulkan.

Mahusay! Napagtagumpayan mo ang


unang hamon na inihanda para sa iyo.
Ngayon ay sisimulan na natin ang isang
makabuluhang talakayan upang maging
kawili-wili ang iyong karanasan sa araw
na ito.

TUKLASIN

GAWAIN 1

Panuto: Gamit ang iyong dating kaalaman, bigyan ng mga kaugnay na kaisipan
ang konsepto na nasa gitna ng concept map. Kopyahin ang concept map
sa ibaba sa iyong kuwaderno.

5
Teknikal-
Bokasyunal na
Sulatin

SURIIN

PAGSUSURI

Mga tanong:
1. Kumusta ang iyong karanasan sa gawain 1? Nahirapan ka ba sa
pagbibigay ng mga kaugnay na kaisipan?
2. Ano ang iyong naging pamamaraan upang makapaglahad ng mga
kaugnay na kaisipan?
3. Paano kaya makatutulong sa iyo ang gawaing iyong isinagawa sa
pagkatuto mo sa bagong paksang ating tatalakayin?

6
PAGYAMANIN

PAGLALAHAD

Kung ikaw ay naghahangad na maging isang matagumpay na propesyunal,


mahalagang malaman mo ang tungkol sa teknikal-bokasyonal na sulatin. Kaya
simulan na natin ang talakayan.

Mga Halimbawang Anyo ng Sulating Teknikal-Bokasyunal

1. Manwal

Karaniwang naglalaman ang isang manwal ng iba’t ibang impormasyon hinggil


sa isang produkto, kalakaran sa isang organisasyon o samahan o kaya’y mga
detalyeng naglilinaw sa proseso, estruktura, at iba pang mga detalyeng
nagsisilbing gabay sa mga magbabasa nito. Komprehensibo ang nilalaman ng
isang manwal dahil naglalayon itong magpaliwanag at maglahad ng mga
impormasyon tungkol sa isang bagay o paksa. Kalimitang nakaayos nang
pabalangkas ang mga nilalaman ng isang manwal na makikita sa talaan ng mga ito
at pormal ang ginagamit na wika.

Saklolo para sa mga Dayuhan sa


Oras ng Sakuna at Kalamidad:
Manwal ng mga Katanungan at Kasagutan
Tokyo International Communication Committee

Tala ng mga Nilalaman


1 Paglisan
1-1 Saan maaaring lumisan
1-2 Wala akong matulugan dahil nagiba (nasunog) ang aking tirahan. Saan
maaaring pumunta? Saan maaaring lumisan?
1-3 Nais ko sanang kunin ang aking mga kagamitan sa aking tahanan, maaari po
ba itong gawin?
1-4 Anong dapat gawin kung pauwi pa lang sa bahay galing sa opisina?

7
1-5 Ako ay naninirahan sa aking sasakyan. Maaari ba akong makatanggap ng
pagkain at gamot?

2 Pangunang Lunas o First Aid


2-1 Ako po ay nasaktan (may sakit), saan po ako maaaring magpatingin sa doktor?
2-2 Saan maaaring makatanggap ng gamot at benda? Ako po ay mayroong
trangkaso, saan po ako maaaring pumunta upang makapagpatingin sa doktor?
2-3 Maaari ba akong magpatingin kahit wala akong pera at insurance? 66
2-4 Anong nararapat gawin upang makapagpatingin sa doktor kung ako ay hindi
marunong magsalita ng Nihonggo?
2-5 Anong nararapat gawin kung ang aking kakilala ay nasawi?

3 Pagkain
3-1 Saan maaaring tumanggap ng tubig inumin at pagkain?
3-2 Saan maaaring tumanggap ng pagkaing Halal (uri ng karne na maaaring kainin
ng mgaMuslim)?
3-3 Saan maaaring magluto?
3-4 Allergic ang aking anak sa itlog (gatas o harina). Bukod dito, alin pa ang mga
pagkaing pwedengkainin ng bata?
3-5 Nasaan ang baby food at gatas para sa bata?
3-6 Saan maaaring bumili ng pagkain?
3-7 Saan makakakain nang mainit na pagkain?
3-8 Ako ay sumisilong sa pinakamalapit na simbahan, maaari ba akong tumanggap
ngpagkain?

4 Mga Pahayag at Impormasyon


4-1 Hinahanap ko ang aking mga kapamilya at mga kakilala. Anong kinakailangan
kong gawin?
4-2 Saan makakatanggap ng balita o pahayag sa panahon ng kalamidad?
4-3 Makakakuha ba ng balitang ipinapahayag sa ibang lengguwahe maliban sa
Nihonggo?
4-4 Nais kong malaman ang kalagayan ng mga tren sa Tokyo.
4-5 Nais kong gamitin ang aking sasakyan. Bukas ba ang mga daanan? 67
4-6 Maaari bang magpadala ng sulat? Saan maaaring magpadala nito?
4-7 Kailan magsisimula ang klase sa elementarya (middle school)?
4-8 Kailan magsisimula ang klase sa highschool (kolehiyo, vocational school, klase
ng Nihonggo)?
4-9 Makakakuha ba ng entrance exam sa kolehiyo?

5 Pamumuhay
5-1 Maaari bang makatanggap ng damit at kumot?
5-2 Saan maaaring maligo? ·
5-3 Mayroon akong alagang hayop. Saan ko ito maaaring dalhin at saan din

8
maaaringhumingi ng pagkain para dito?
5-4 Kailan magbubukas ang mga bangko? Makakapag-withdraw ba ng pera?
5-5 Saan maaaring itapon ang basura?

6 Lifeline (elektrisidad, tubig at gaas)


6-1 Kailan muli maaaring gamitin ang elektrisidad, tubig at gaas?
6-2 Nais kong gamitin ang aking sasakyan. Saan maaaring bumili ng gasolina?
6-3 Kailan maaaring daanan muli ang mga kalye? Anong mga kalye ang maaaring
daanan?
6-4 Simula kailan maaaring sumakay sa tren (bapor at eroplano)? Anong tren
(bapor at eroplano) ang umaandar? 68

7 Tirahan
7-1 Nais kong pumunta sa bahay ng kaibigan kong nakatira sa malayo, anong
dapat kong gawin?
7-2 Anong nararapat gawin kung ang tirahan ay malapit nang masira?
7-3 Paano ipapaayos ang nasirang tirahan?
7-4 Anong nararapat gawin kung ang tirahan ay nasunog?
7-5 Ang aking tirahan ay nasira (nasunog), maaari bang makatanggap ng tulong
pinansiyal para pampundar sa pamumuhay?
7-6 Anong kailangang gawin upang maibalik ang baranggay katulad sa dati nitong
kalagayan?

8 Mga Proseso at Sertipiko


8-1 Anong nararapat gawin kung ang tirahan ay nasira o nagiba?
8-2 Anong nararapat gawin kung ang tirahan ay nasunog?
8-3 Anong nararapat gawin kung nawala ko ang aking pasaporte?
8-4 Anong nararapat gawin kung ang bisa ng visa ay lumagpas na sa araw ng bisa
nito?
8-5 Anong nararapat gawin kung nawala ang aking Alien Registration Card?
8-6 Anong nararapat gawin kung nawala ang aking lisensyang pangmaneho?
8-7 Maaari bang makatanggap ng pinasyal na tulong o Omimaigane?
8-8 Maaari bang makahiram ng pera sa pansamantala?
8-9 Anong maaaring gawin kung walang sapat na pambayad sa tax at insurance?
69
8-10 Anong nararapat gawin kung lumipat?
8-11 Anong nararapat gawin kung nasawi ang kapamilya?

9
9 Pag-alaga sa Isip-Kalusugan
9-1 Anong nararapat gawin kung ang bata ay matamlay dahil sa nakamit na gulat
mula sa lindol?
9-2 Ako ay nalulungkot dahil ako ay namatayan ng kapamilya at mga kakilala.
Anong nararapat kong gawin?

10 Mga iba pang bagay


10-1 Nais kong magpadala ng pagkain at mga damit sa mga lugar na napinsala ng
kalamidad.
10-2 Nais kong magbigay ng donasyon. Saan maaaring magbigay nito?
10-3 Marunong ako magsalita ng Nihonggo at magsalita ng wikang ○○. Nais kong
tumulong sa mga biktima ng lindol, ano ang maaari kong gawin?
10-4 Hindi ako marunong magsalita ng Nihonggo ngunit nais kong tumulong sa
mga biktima ng lindol, ano ang maaari kong gawin?

2. Liham-Pangnegosyo

Sa gitna ng makabagong teknolohiya ay hindi naman dapat isantabi ang


kaalaman sa pagsulat ng liham. Isa sa mga uri nito ay ang liham-pangnegosyo na
kalimitang ginagamit sa korespondensiya at pakikipagkalakalan. Katulad ng iba
pang uri ng liham, tinataglay rin nito ang mga bahagi gaya ng ulong-sulat, petsa,
patunguhan, bating pambungad, katawan ng liham, bating pangwakas, at lagda.
Nakatuon ang liham-pangnegosyo sa mga transaksiyon sa pangangalakal katulad
ng pagkambas ng halaga ng mga produkto o kaya’y liham ng kahilingan at liham
pag-uulat. Pormal ang paggamit ng wika sa ganitong uri ng liham. Maaari ring
magtaglay ng kalakip ang mga nasabing halimbawa.

Halimbawa 1:

Liham Pagkambas
(Canvass Letter)
Republika ng Pilipinas
Tanggapan ng Pangulo
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO
16 Nobyembre 2006

ALTA BRONZE WORKS METAL ENGRAVER, INC.


3 Anonas Road, Potrero
Lungsod Malabon

10
Ginoo/Binibini:

Mangyaring pakibigay po ang pinakamababang halaga para sa mga bagay na


nakatala sa ibaba at ipadala sa Komisyon sa Wikang Filipino, 2/F Gusaling
Watson, 1610 J.P. Laurel Street, 1005 San Miguel, Maynila.
Ito ay kahilingan lamang para sa presyo at hindi para sa paanyaya ng pagtawad.

Lubos na sumasainyo,

(Lgd.)
ENGRACIA F. FLORES
Kawaksing Pampangasiwaan II

Pangalan at Lagda
_____________________________
_____________________________

Halimbawa 2:

Liham Kahilingan
(Letter of Request)

Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Pagsasaka
Kawanihan ng Pangisdaan at Yamang Tubig
860 Quezon Avenue, Lungsod Quezon, Metro Manila 1103
Tel.No. 372-50-57 • 372-5042
FaxNo. 372-50-48 • 372-50-61

4 Mayo 2004

Kgg. ELISEA G. GOZUN

11
Kalihim Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman
Visayas Avenue, Diliman
Lungsod Quezon

Mahal na Kalihim:

Ipagdiriwang po natin ang “FARMERS’ and FISHERFOLK’S MONTH” ngayong


Mayo 2004. Bahagi ng pagdiriwang ay para sa Kawanihan ng Pangisdaan at
Yamang Tubig (BFAR), Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Pangisdaan sa
Pilipinas (PFDA) at Proyekto sa Pangangasiwa ng Yamang Isda (FRMP) na
maging punong-abala ng “Fisheries Day Program” sa 19 Mayo 2004.

Ang aming tanggapan ay naghahanda ng ilang gawaing lalahukan ng


mahahalagang tauhan sa larangan ng industriya ng agri-aqua—ang mga
magsasaka at mangingisda. Tampok sa mga gawain bukod sa iba pa ay ang
demonstrasyon sa pagluluto ng isda, paligsahan sa paglulutong tilapia fillet,
paghuling tilapia sa tangke, karera ng hito, at paligsahan sa karera ng 150
alimango (mudcrab). Magsasagawa rin ng mga Lektyur/Seminar/Fisheries Clinique
sa aquaculture, pagdaragdag ng halaga pagkaani, at mga teknik sa pangingisda.

Kaugnay nito, hinihiling naming magamit ang isang bahagi ng lugar sa Ninoy
Aquino Parks and Wildlife, gayon din ang Gazebo Reception Hall para sa mga
binanggit sa itaas na gawain sa North Avenue, Lungsod Quezon sa 19 Mayo 19,
2004, 5:30 nu–6:00 nh.

Malaki pong karangalan sa aming pagdiriwang ang inyong pagdalo bilang isa sa
aming mga panauhing pandangal.
Mataimtim kaming umaasa na ang aming kahilingan ay bibigyan ninyo ng
paborableng aksiyon.

Maraming salamat sa pabor na ito at sa mga nauna pa.

Matapat na sumasainyo,

(Lgd)
MALCOLM I. SARMIENTO JR.
Direktor

12
3. Flyers/leaflets at promo materials

Kalimitang ipinamumudmod ang mga flyers/leaflets at promo materials upang


makahikayat sa mga tagatangkilik ng isang produkto o serbisyo. Bukod pa rito,
nagbibigay impormasyon din ang mga materyales na ito para sa mga mamimili o
kung sinumang makababasa ng mga ito. Kapansin- pansin din ang pagiging tiyak
at direkta ng mga impormasyong nakasulat sa mga ito. Hindi maligoy ang
pagkakasulat at impormatibo sa mga mambabasa. Ilan sa mga kadalasang
nilalaman ng mga flyers/leaflets at promo materials ay mga katanungan at
kasagutan hinggil sa produkto o ang mga batayang impormasyong may kinalaman
dito.

https://images.app.goo.gl/zBUxTHNc4AphMf396

13
https://images.app.goo.gl/ViwFA37L9481tJjw9

4. Deskripsyon ng Produkto
Sadyang mahalaga ang wasto at sapat na pagpapakilala at pagbibigay-
katangian sa isang produkto o serbisyo bago ito tangkilin ng isang mamimili.
Kaugnay nito, kalimitang matatagpuan ang ganitong paglalarawan sa pabalat,
sa website ng gumawa nito o kaya’y sa iba pang babasahin tungkol dito. Tiyak,
wasto at makatotohanan ang inaasahang deskripsyon sa isang produkto.
Marapat ding madali itong maunawaan ng mga ibig tumangkilik dito sapagkat
ito ang maaaring magtakda kung ito ba ay tatangkilikin o hindi. Nakatutulong
din ito upang mailahad kung ano ang katangi-tangi o kaya nama’y limitasyon
ng isang bagay gayundin kung paaano ito gagamitin nang tama.

Halimbawa:
Deskripsyon ng Produkto:
Isang Espesyal na Durian
Noong Disyembre 7, 2015, nakarating kami sa puno ng isang pambihirang
durian sa 36 ektaryang farm ng pamilyang Dimaporo sa Matunga, Lano del Norte.
May ilang hindi pangkaraniwang katangian ang punong ito.
Upang marating namin ang farm nagbiyahe kami ng dalawang oras. May
magagandang kongkretong kalsada na dinaanan namin pero mayroon din mga
lubak-lubak na hindi pa nakaranas ng pagkokongkreto. Pero hindi namin pinansin
ang hirap na dinanas namin sa daan. Ayon kay Raul Maghilom, isang agrikultor na

14
nagsisilbi sa pamilyang Dimaporo, binansagan nilang Durian Dimaporo Special
(DDS) ang naturing na puno. Nag-iisang puno ito na kasama ng iba pang 300 na
puno ng iba’t ibang barayti.
Bakit nila tinawag na Durian Dimaporo Special? Sapagkat bukod-tangi ang lasa
ng prutas nito. Ito raw ang may pinakamasarap na lasa kung ihambing sa iba’t
ibang barayti kagaya ng Puyat, Chanee, Arancillo, Monthong o Golden Pillow mula
sa Thailand. May matingkad na kulay dilaw ang laman.
Naiiba sa ibang aspekto ang bunga ng DDS.
Bilog na hugis ang bunga na tumitimbang ng 5 hanggang 7 kilo ang isa.
Mayroon pang napakahalaganng katangian ang DDS. Ito ay napansin namin na
matibay sa sakit. Ang nag-iisang puno ay pawang walang sakit samantalang ang
karamihan sa mga unang barayti ay inaatake ng sakit na die-back. Ang mga sanga
sa dulo ay namamatay. Isang mungkahi – Agad naming iminungkahi sa agrikultor
na dapat agad maparami ang nag-iisang puno ng DDS bago ito tamaan ng sakun
kagaya ng kidlat o di kaya tumbain ng isang malakas na bagyo. Sa ganitong
paraan, mapanatili ang DDS para sa kapakanan hindi lamang ng pamilyang
Dimaporo kundi sa lahat na mahilig kumain ng durian.
Kung kami ang masusunod, lilinisin namin ang kapaligiran ng puno. Kung
maari, tayuan ng bakod upang hindi mapinsala ng mga alpas na hayop. Isusunod
namin ang sapat na pag-aabono. Lalagyan namin ng hindi 176 kukulangin sa 8
sakong organikong pataba sa nalalaliman ng mga sanga. Dagdagan pa namin ng
kemikal na pataba na may micronutrients.
Sisiguraduhin din naming lalagyan ng drainage canal upang hindi mababad sa
tubig ang puno. At sa panahon ng tagtuyot, dapat madiligan ng sapat na tubig.
Magdugtong agad – Iminungkahi namin ang pagpadami ng DDS sa pamamagitan
ng grafting o pagdugtong. Sa aming palagay, madaling makapagdugtong ng 500
semilyo sa unang taon. Maaaring kumuha ng scion o sangang pandugtong sa mga
mabababang sanga ng puno. Marami ang malulusog na sanga ng DDS sa mga
mababang sanga nito.
Magtayo ng scion grove – Iminungkahi rin namin na magtanim ng hindi
bababa sa 100 kapuno bilang “scion grove” o mga punong pagkukunan ng
sangang pandugtong. Ang mga ito ay mapagpipitasan din ng mga bunga.
Ang ibang grafted na pananim ay maaaring itanim sa mas malawak pang farm ng
mga Dimaporo. Ang iba ay maaaring ipagbili sa mga gustong magtanim ng
pambihirang barayti. Dapat hindi ipagkakait sa ibang mahilig sa durian ang
magandang barayti. Sa ganitong paraan, maparami at mapalaganap ang espesyal
na barayti. Maaaring pang-akit sa mga turista ang Dimaporo durian. Sa panahon
ng pangkahinog ng mga bunga, maaaring mag-imbita ng mga mahilig sa durian
mula sa Maynila at iba pang lugar upang matikman nila ang pambihirang lasa ng
DDS. Maaaring maipahayag ang kaganapan sa social media, mga diyaryo at iba
pa pang babasahin, at sa radio at telebisyon. Sa paraang ganito, lalong maging
tanyag ang Durian Dimaporo Special.
Kung mapalaganap ang pagtatanim ng DDS hindi lamang sa Lanao del Norte
kundi sa iba pang dako ng bansa, maaaring magiging pang-eksport ang mga

15
sariwang bunga at pati ang mga nagprosesong laman. Iginiit naming ang agad
pag-asikaso sa nag-iisang puno Durian Dimaporo Special. Hindi pa huli na
mapalaganp husto ang natatanging barayti ng durian na ito.
Ang nagdala ng DDS – Ayon kay Raul Maghilom ang yumaong grand old man
ng Dimaporo, ang nag-uwi ng buto na itinanim sa Matungao mahigpit kumulang 30
taon na ang nakalilipas. Ang DDS ang isa sa mga mahalagang legacy ng yumaong
politiko. Lalo na kung ito ay maparami mapalaganap sa iba’t ibang dako ng bansa.

Halimbawa:

Mga Uri ng Binhi para


sa Organikong Paggugulayan
Talong
Arayat
OP, piling binhi

maaani sa ika-58 na araw pagkatanim

105 gramo ang timbang

bilog, berde na may guhit na puti

siksik at malasa ang laman

mainam na panlahok sa iba't-ibang lutuin

Mini EP
OP, piling binhi

maaani sa ika-65 na araw pagkatanim

33.5 gramo ang timbang

makintab na haluang berde at puti

maaaring ipalamuti sa mga lutuin

00-182
F1 hybrid

maaani sa ika-65 araw pagkatanim

110 gramo ang timbang

mapusyaw na berde na may guhit na puti

siksik ang laman ngunit manipis ang balat

5. Feasibility Study
Nakatutulong ito upang matiyak ang posibilidad na maisakatuparan ang

16
isang planong gawain. Komprehensibo ang ganitong uri ng pag-aaral, katulad
ng ibang pananaliksik at pormal ang paggamit ng mga salita. May mga
espesipikong bahagi ang isang feasibility study katulad na lamang ng pamagat,
pangalan ng gumawa, abstrak, buod o executive summary, panimulang
pagtalakay sa mga detalye at datos ng proyekto, gayundin ang resulta at
rekomendasyon. Kalimitan itong ginagamit sa pagnenegosyo o kaya’y sa mga
pananaliksik na may kinalaman sa agham at teknolohiya, inhinyeriya at iba
pang katulad na mga larangan. Dagdag pa rito, detalyado ang pagtalakay sa
mga impormasyong nilalaman ng isang feasibility study dahil nakatutulong ito
upang makita ang kahihinatnan ng isang negosyo o gawain.

Halimbawa:

Feasibility Study:
Pagtatasa sa Pisibilidad ng Publiko-Pribadong Pagtutulungan
(Public-Private Partnership) sa Lagay ng Kalusugan sa Pilipinas
(Assessing the Feasibility of Public-Private Partnerships
in Health in the Philippines)

Eduardo Banzon
(Principal Investigator)
Abstrak
Nagpasya ang pamahalaang gamitin ang Public-Private Partnership (PPP)
Program para matulungang higit na maging abot-kamay ang maayos na
serbisyo sa mga ospital at posibilidad para sa pangangalaga ng kalusugan.
Nilalayon nitong papel na tasahin ang posibilidad ng implementasyon ng mga
PPP sa sektor pangkalusugan. Ginagamit sa pag-aaral ang rebuy sa mga
kaugnay na literature (review of literature), panayam sa mga pangunahing
sanggunian (keyinformant interviews) at maliliit na pangkatang talakayan
(focused group discussions). Muling tiningnan ang sistemang laganap sa mga
ospital sa Pilipinas gamit ang sumusunod na limang pamantayan sa pagganap:
mas pinahusay na antas sa pagpaparating ng mga serbisyong pangkalusugan,
pagkakapantay-pantay at kalidad, mahusay na pagpapatakbo at pagtitiyak sa
aplikasyon ng nasabing balangkas; at ang polisiya at programa ng
pagpapatupad ng mga rekomendasyon ng mga PPP para sa lagay ng
kalusugan.

6. Babala
Katulad ng mga nauna nang nabanggit na mga sulatin, ang mga

17
paunawa/babala at anunsyo ay nagbibigay-impormasyon din sa mga
nakababasa nito. Nakatutulong ang mga babala upang maiwasan ang mga
sakuna, aksidente o iba pang hindi kanais-nais na pangyayari para sa isang
indibidwal. Marapat lamang na sundin ang mensaheng ipinararating ng mga ito
kung ayaw na mapahamak. Karaniwang malalaki ang sukat at estilo ng
pagkakasulat ng mga paunawa at babala at matatagpuan sa isang lugar na
madaling makita. Inaasahan ding malinaw ang pagkagawa at pagkapaskil sa
mga ito. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay purong teksto ang bumubuo sa mga
babala kundi maging mga guhit o larawang madaling matukoy at maunawaan ng
mga nakakakita nito. Tiyak at direkta ang kadalasang paraan ng pagkakasulat
ng mga paunawa at babala, hindi sobrang haba at kuha agad ang ibig iparating
na mensahe upang mabilis na maalala.

Halimbawa:

Kaligtasan sa Daan ang Nauuna


Sundin ang lahat ng lokal na batas. Ang unang dapat mong isaaalang-alang
habang nagmamaneho ay ang kaligtasan sa daan.

Paggambala
Lahat ng wireless phones ay maaaring magkaroon ng intereference, na
makakaapekto sa pagganap

Patayin sa Malapit sa Pagpapasabog


Sundin ang anumang mga restriksiyon. Huwag gagamitin ang telepono sa lugar
na may ginagawang pagpapasabog.

7. Anunsyo
Kagaya ng mga paunawa at babala, nagpapaalala rin ang mga anunsyo.

18
Nililikha ang mga ito upang magbigay ng mga tiyak na detalye hinggil sa isang
pangyayari kagaya halimbawa ng mga gaganaping pagpupulong, panayam,
talakayan at iba pang katulad na pagtitipon. Makikita sa mga anunsyo ang
nakatakdang petsa, oras, lugar na pagdarausan at iba pang batayang kaalaman
hinggil sa paksang inaanunsyo. Tiyak din ang pagkakabuo nito kung kaya’t
madaling matandaan.

Halimbawa:

Buwan ng Wika 2014:


“Sentro@Beynte-singko:
Laban Filipino, Sulong Wikang Pambansa,”

Ang Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman (SWF), sa pakikipagtulungan sa


UP Kolehiyo ng Arte at Literatura (UP KAL) at Tanggapan ng Tsanselor ng UP
Diliman ay magdaraos ng Buwan ng Wika 2014 sa darating na Agosto 27,
Miyerkoles, 8:00 nu – 5:00 nh, na gaganapin sa Pulungang Claro M. Recto,
Bulwagang Rizal, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Faculty Center, UP Diliman,
Lungsod Quezon. Dadaluhan po ito ng mga Komite sa Wika ng iba’t ibang Kolehiyo
ng UP Diliman at mga opisyal ng UP at bukás din po ito sa lahat ng nais dumalo.
Ang tema po para sa taóng ito ay “Sentro@Beynte-singko: Laban Filipino, Sulong
Wikang Pambansa,” bilang paggunita sa ika-25 anibersaryo ng SWF at bilang
pagbibigay ng diin sa halaga ng Filipino sa akademya na nahaharap ngayon sa
dagok dulot ng CHED Memo Blg. 20 s2013.
Gaya ng mga nakaraang selebrasyon ng Buwan ng Wika, kinapapalooban ng
tatlong mahalagang bahagi ang programa: “panayam,” “parangal,” at
“paglulunsad.”

19
Ang programa ay bubuksan ng mga “Panayam,” sa pangunguna ng Susing
Tagapanayam na si Prop. Rolando de la Cruz, pangulo at CEO ng Darwin
International School System, isang natatanging alumnus ng UP, isang guro,
administrador ng isang institusyong pang-edukasyon, kolumnista, at kilalang
tagapagsulong din ng wikang Filipino at kultura sa pamamagitan ng edukasyon. Sa
pamamagitan niya, mas lalong mapagtitibay ang patuloy na pagtataguyod sa
wikang pambansa bilang importanteng salik sa totoong pag-unlad ng bansa na
kailangan maipamulat sa mga pinuno ng bansa lalo na sa larang ng edukasyon.
Bukod kay Prop. de la Cruz, magbibigay rin ng panayam si Dr. Clemen Aquino ng
Departmento ng Sosyolohiya upang maipakita ang maunlad na gamit ng Filipino sa
saliksik sa larang Sosyolohiya.
Ang bahaging “Parangal” ang magbubukás sa panghápong programa.
Malugod naming ipinababatid na para sa taóng ito, ang bibigyan ng pagkilala ay si
Dr. Teresita G. Maceda bilang natatanging personalidad na may malaking ambag
sa pagtataguyod ng wikang Filipino sa Unibersidad ng 234 Pilipinas (UP). Isa siya
sa mga nakipaglaban upang magkaroon ng Patakarang Pangwika ang UP noong
1989 na naging daan sa pagkakatatag ng SWF na pinagsilbihan rin niya bilang
pinakaunang direktor na nagdiriwang ngayon ng ika-25 anibersaryo. Higit sa lahat,
kinikilala rin ang patuloy niyang paglilingkod sa wika bilang guro at administrador
nang maluklok siya bilang tagapangulo ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng
Pilipinas sa UP hanggang sa magretiro. Pagkaraan ng parangal kay Dr. Maceda,
iaanunsiyo rin ang mga nagwagi para sa mga parangal para sa “Pinakamahusay
na Artikulo sa Daluyan Journal,” “Pinakamahusay na Teksbuk,” at “Natatanging
Kolehiyo sa UP Diliman.”
Matatapos ang programa sa pamamagitan ng “Lunsad-Aklat” para ipakilala ang
pinakabagong mga lathalang aklat ng SWF at ang pinakabagong isyu ng Daluyan
Journal.
Sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, umaasang magiging
modelo ang Unibersidad ng Pilipinas sa patuloy nitong pakikipaglaban para sa
wikang Filipino bilang pangunahing wika ng karunungan at pagsulong nito bilang
wikang pambansa.

8. Menu
Sinasabing bahagi na ng kulturang Pilipino ang pagluluto ng iba’t ibang
lutuin at ang pagkahilig sa masasarap na pagkain. Maraming babasahin ang
kakikitaan ng mga menu o kaya’y resipina nakapupukaw sa atensyon ng mga
mahilig magluto at kumain. May mga kinikilala ring manunulat tungkol sa
pagluluto. Makikita sa isang tipikal na menu ang mga pagkaing maaaring mabili
sa isang karinderya, fast food o restaurant. Nakaayos ang mga ito batay sa uri
ng pagkain, kung ito ba ay pampagana, sabaw, kanin, panghimagas, ulam na
gawa sa karne, isda o gulay o kung ito’y mga inumin. Nakalagay din sa menu
ang halaga ng bawat isa upang makapili ang mga mamimili ng kanilang gusto o
kaya’y ng abot-kaya para sa kanila. Kung minsa’y mayroon ding kaunting
paglalarawan sa mga pagkaing nakalagay sa isang menu upang magka-ideya

20
ang mga mambabasa tungkol sa mga ito. May ibang menu rin namang
nagtataglay ng larawan ng mga pagkain o inumin.

Halimbawa:

Tinapa Fried Rice

Mga sangkap:
4 na puswelong kaning lamig
4 na tinapa (galunggong o silinyasi, hinimay)
5 butil na bawang
3 kutsarang mantika
Asin (ayon sa panlasa)

Paraan ng pagluluto:
Paghaluin ang asin at nilamas na kaning lamig. Painitin sa kawali ang mantika.
Igisa roon ang bawang bago isunod ang tinapa, nang hinahalo, sa loob ng
sampung minuto. Higit na katakam-takam kung ihahain nang mainit.
Dahil sadyang mundo ko ang pagluluto, inisip ng late brother ko na dapat
akong magtayo ng karinderya. Ngunit biro niya, pangunahan ko raw ng babala:
EAT AT YOUR OWN RISK. Nagtatawang pinangalawahan iyon ng yumaong
asawa ko. Siya ang nagbinyag sa susunod nating lulutuin.

21
Mga Gawain

Panuto: Maglista ng mga partikular na sitwasyon kung saan magagamit ang mga
teknikal-bokasyunal na sulatin na nakalista sa loob ng talahanayan. Isulat
ang iyong mga sagot at kopyahin ang pormat sa ibaba.

Halimbawa:

Feasibility study: Gagamitin ito kung balak magsimula ng isang negosyo

Teknikal-Bokasyunal na Sulatin Sitwasyon kung saan ito


maaaring gamitin
1. liham-pangnegosyo

2. menu ng pagkain

3. babala

4. anunsyo

5. manwal

6. flyers/leaflets

7. promotional materials

8. feasibility study

9. deskripsyon ng produkto

22
Panuto: Maglahad naman ng mga dahilan kung bakit ang mga teknikal-bokasyunal
na sulatin na nakalista sa naunang talahanayan ang gagamitin sa
partikular na sitwasyon na iyong naibigay. Isulat ang iyong mga sagot at
kopyahin ang pormat sa ibaba.

Halimbawa:

Feasibility study: Gagamitin ito kung balak magsimula ng isang negosyo


Dahilan: Upang matiyak ang katagumpayan ng negosyong itatayo

Sitwasyon kung saan ito Dahilan kung bakit ito ang


maaaring gamitin gagamitin

Paalala:
Ang mga halimbawang ibiinigay ay gabay lamang para sa iyo. Huwag itong kopyahin.

23
ISAISIP

Mahalagang tandaan na ang


teknikal-bokasyunal na pagsulat ay
isang kakayahan na dapat mong
malinang at matutuhan. Malaki rin
ang maitutulong ng mga naibigay na
mga halimbawa upang maihanda ang
iyong sarili tungo pagiging
matagumpay na indibidwal sa
larangan na iyong tatahakin. Ang
mga halimbawa ng teknikal-
bokasyunal na sulatin ay magiging
gabay mo tungo sa pagpapaunlad ng
iyong kasanayan sa gawaing
pagsulat.

ISAGAWA

PAGLALAPAT

Panuto: Basahin ang isang halimbawa ng liham-pangnegosyo. Tukuyin ang


kahulugan, katangian, at mga kaugnay na konsepto nito sa pamamagitan
ng pananaliksik sa internet o sa aklat. Pagkatapos ay bumuo ng isang
pagsusuri. Kopyahin ang inihandang pormat para sa gagawing pagsusuri.

24
Liham Pag-uulat
(Progress Report)
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Kalusugan
TANGGAPAN NG KALIHIM

26 Pebrero 2005

Gng. VICTORIA P. GARCHITORENA


Puno
Pampanguluhang Lupon sa Pamamahala
Malacañan, Maynila

Mahal na Gng. Garchitorena:

Para sa inyong kaalaman, pagsusuri at pagsasaalang-alang, ikinagagalak naming


isinusumite ang Ulat ng mgaNagawa para sa Unang 30 Araw ng Kagawaran ng
Kalusugan.

Matapat na sumasainyo,

(Lgd.)
MANUEL M. DAYRIT, MD, MSc. Kalihim ng Kalusugan

Kalakip
(Enclosure)

MGA NAGAWA SA UNANG 30 ARAW


KAGAWARAN NG
KALUSUGAN

MGA LARANGAN NG MGA NAGAWA


PAGBABAGO SA SEKTOR
NG KALUSUGAN

25
I. KALUSUGANG Bumalangkas ng mga Tuntunin at Regulasyon
PAMBAYAN Nagpapatupad sa Batas sa Pagkain.
Aktibong pakikilahok at pagtangkilik sa
pagbabakuna ng 25,000 aso upang makontrol ang
rabies sa pakikipagtulungan sa Kagawaran ng
Pagsasaka, Kagawaran ng Interyor at
Pamahalaang Lokal at iba pang sangay ng
pamahalaang lokal.
Pagtatayo ng unang 100 Sentro sa
Pangangalaga sa mga nagdadalantao na
pinamamahalaan ng mga komadrona.

II. PAMPAMAHALAANG Pagsasagawa ng open-heart surgery sa


OSPITAL Panrehiyong Ospital sa Pagsasanay at Pagtuturo
sa Bicol.

III. SISTEMA SA Pagkilala at pagtatakda bilang huwaran sa


KALUSUGANG PAMBAYAN walong (8) bagong malulusog na lungsod: ang
Lipa, Olongapo, Tagaytay, Angeles, Las Piñas,
Puerto Princesa, Parañaque, at Tangub.
Estratehikong Pagpaplano para sa Pasaporteng
Pangkalusugan sa pangunang lugar ng Pasay.

IV. MGA REGULASYON Ipinagbili ang mga 60% ng kabuuang dami ng


unang kargamento ng Parallel Import Drugs na
nagkakahalaga ng Php 1.5 M at may halaga sa
pamilihan ng P5M sa pitong (7) ospital ng DOH: Jose
Reyes Memorial Medical Center,Philippine Children’s
Medical Center, Rizal Medical Center,Western
Visayas Medical Center, Davao Regional Hospital at
Davao Medical Center.
Ikalawang pag-aangkat na nagkakahalaga ng Php
20 M (Php80 M halaga sa pamilihan) mula sa India
na ipamamahagi sa ilang ospital ng DOH sa buong
bansa

V. PAGBIBIGAY NG Ang Pambansang Programa sa Segurong


PONDONG Pangkalusugan ay nagpalabas ng humigit-kumulang
PANGKALUSUGAN
sa 56,000 PHIC card (katumbas ng 280,000
indibiduwal). Sa ganitong dami, maaabot ng PHIC

26
ang 40% ng nagawa noong nakaraang taon sa loob
ng unang kuwarter ng 2001.
Akreditasyon ng unang 100 komadrona ng PHIC,
na maaari nilang masingil ang kanilang ipinaglingkod.

VI. PLANO PARA SA Ganap na Pagpapatupad sa unang bahagi


RATIONALIZATION AT Panahon ng pagpaplano para sa ikalawang bahagi
PAGBABAWAS

VII. IBA PA Paglalagay ng mga doktor sa 39 na lugar sa bansa


na walang doktor at bilang bahagi ng Programang
mga Doktor sa Baryo (Doctors to the Barrios
Program)

Pamantayan sa Pagtataya

1. Kaugnayan at Kawastuan ng Sagot ----------------- 10 puntos


2. Organisasyon ng Kaisipan ----------------------------- 15 puntos
3. Kawastuhang Panggramatika ------------------------- 10 puntos

KABUUAN 35 PUNTOS

KAHULUGAN MGA KATANGIAN LAYUNIN NG LIHAM

27
KARAGDAGANG
GAWAIN

PAGPAPAYAMAN

Panuto: Sagutin ang katanungan na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.

1. Bakit mahalagang makilala ang mga iba’t ibang halimbawa ng teknikal-


bokasyunal na sulatin?
2. Paano makatutulong sa iyo ang mga iba’t ibang halimbawa ng teknikal-
bokasyunal na sulatin bilang isang estudyante na naghahangad na
maging matagumpay sa larangang iyong tatahakin?
3. Sa tingin mo, paano mo mas mahahasa ang iyong kakayahan sa
pagsulat ng teknikal-bokasyunal na sulatin gamit ang mga halimbawang
naibigay?

REFLEKSIYON

Ang husay mo! Ngayon upang subukin ang natutuhan mo sa modyul na ito,
dudugtungan mo lamang ang nasa kahon upang makabuo ng makabuluhang
kaisipan. Tandaan na ang itatala mo ay ang mga konseptong may kaugnayan sa
araling nakapaloob dito.

28
Nang dahil sa araling tinalakay ng modyul na ito, mapauunlad ko
ang kakayahan ko sa … (Pangatwiranan ang iyong sagot)
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

TAYAHIN

PANGWAKAS NA
PAGTATAYA

Panuto: Suriin ang mga halimbawang nilalaman, mga larawan, at mga kaisipan na
nasa bawat bilang. Tukuyin kung sa anong teknikal-bokasyunal na sulatin
makikita o inilalahad ang mga ito. Piliin lamang mula sa loob ng kahon
ang tamang sagot at isulat ito sa iyong kuwaderno.

a. liham-pangnegosyo b. brochure c. flyers/leaflets


d. menu e. manwal f. babala g. anunsiyo h. menu
i. feasibility study j. deskripsyon ng produkto k. promo materials

1. Bakit nila tinawag na Durian Dimaporo Special? Sapagkat bukod-tangi ang lasa
ng prutas nito. Ito raw ang may pinakamasarap na lasa kung ihambing sa iba’t
ibang barayti kagaya ng Puyat, Chanee, Arancillo, Monthong o Golden Pillow
mula sa Thailand. May matingkad na kulay dilaw ang laman.

29
2.

3.

4. Buksan nang Ligtas


Huwag bubuksan ang telepono kapag ang paggamit ng wireless phone ay
ipinagbabawal o kapag maaaring maging sanhi ng interference
(pagkagambala) o panganib.

5. Gamitin nang Maayos


Gamitin lamang sa normal na posisyon na ipinaliwanag sa dokumentasyon
ng produkto. Huwag gagalawin kung hindi kinakailangan ang antenna.

30
6. Tinapa Fried Rice

Mga sangkap:
4 na puswelong kaning lamig
4 na tinapa (galunggong o silinyasi, hinimay)
5 butil na bawang
3 kutsarang mantika
Asin (ayon sa panlasa)

7. Abstrak
Nagpasya ang pamahalaang gamitin ang Public-Private Partnership (PPP)
Program para matulungang higit na maging abot-kamay ang maayos na
serbisyo sa mga ospital at posibilidad para sa pangangalaga ng kalusugan.
Nilalayon nitong papel na tasahin ang posibilidad ng implementasyon ng mga
PPP sa sektor pangkalusugan. Ginagamit sa pag-aaral ang rebuy sa mga
kaugnay na literature (review of literature), panayam sa mga pangunahing
sanggunian (keyinformant interviews) at maliliit na pangkatang talakayan
(focused group discussions). Muling tiningnan ang sistemang laganap sa mga
ospital sa Pilipinas gamit ang sumusunod na limang pamantayan sa pagganap:
mas pinahusay na antas sa pagpaparating ng mga serbisyong pangkalusugan,
pagkakapantay-pantay at kalidad, mahusay na pagpapatakbo at pagtitiyak sa
aplikasyon ng nasabing balangkas; at ang polisiya at programa ng
pagpapatupad ng mga rekomendasyon ng mga PPP para sa lagay ng
kalusugan.

8. Handbook ng Benepisyo ng mga Manggagawa Ayon sa Batas


Bureau of Working Conditions
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
2014

9. Mahal na Kalihim:
Ipagdiriwang po natin ang “FARMERS’ and FISHERFOLK’S MONTH”
ngayong Mayo 2004. Bahagi ng pagdiriwang ay para sa Kawanihan ng Pangisdaan
at Yamang Tubig (BFAR), Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Pangisdaan sa
Pilipinas (PFDA) at Proyekto sa Pangangasiwa ng Yamang Isda (FRMP) na maging
punong-abala ng “Fisheries Day Program” sa 19 Mayo 2004.

31
10.
Antas 0:
Walang Tahimik Walang nakikinitang pagsabog sa
panganib hinaharap.

Antas 1: Mababang lebel ng pagkaligalig ng bulkan

Di-Karaniwan Bahagyang paglakas ng Walang nagbabadyang pagsabog.


pagyanig ng lupa.
Antas 2: Katamtamang pagkaligalig ng bulkan

Nakababahala Mahina hanggang May pagkabahala dulot ng posibleng


katamtamang lakas ng pagkakaroon ng magma; maaaring
pagyanig ng lupa. umabot sa tuluyang pagsabog ng
bulkan.

32
33
Panimulang Pagtataya:
1. manwal 6. feasibility study
2. liham-pangnegosyo 7. babala
3. flyers/leaflets 8. babala
4. promotional materials 9. menu
5. deskripsyon ng produkto 10. Babala
Gawain 1
 Iba-iba ang mga posibleng sagot ng mga estudyante at nakabatay sa guro kung
anong mga kaisipan ang kaniyang tatanggapin at bibigyan ng puntos.
Mga Gawain (Gawain 2)
 Iba-iba ang mga posibleng sagot ng mga estudyante at nakabatay sa guro kung
anong mga kaisipan ang kaniyang tatanggapin at bibigyan ng puntos.
Paglalapat
 Iba-iba ang mga posibleng sagot at gagamitin ng guro ang pamantayan sa ibaba
upang makapagbigay ng angkop na puntos

Pamantayan sa Pagtataya
1. Kaugnayan at Kawastuan ng Sagot ----------------- 10 puntos
2. Organisasyon ng Kaisipan ----------------------------- 15 puntos
3. Kawastuhang Panggramatika ------------------------- 10 puntos
KABUUAN 35 PUNTOS
Pangwakas na Pagtataya:
1. deskripsyon ng produkto 6. menu
2. flyers/leaflets 7. feasibility study
3. promotional materials 8. manwal
4. babala 9. liham-pangnegosyo
5. babala 10. babala
SUSI SA PAGWAWASTO
MGA SANGGUNIAN

Aklat
Jocson, Schedar D., Perez, April J., Santos, Corazon L. Filipino sa Piling Larang -
Tech-Voc: Patnubay ng Guro. Department of Education – Bureau of Learning
Resources (DepEd – BLR). Unang Limbag 2016.

Perez, April J., Santos, Corazon L. Filipino sa Piling Larang - Tech-Voc: Kagamitan
ng Mag-aaral. Department of Education – Bureau of Learning Resources
(DepEd – BLR). Unang Limbag 2016.

Internet

ABS-CBN NEWS. Last modified May 7, 2019.


https://images.app.goo.gl/zBUxTHNc4AphMf396

ADARNA House: Abril 3-25: Ikalawang Kumperensiya sa Pagtuturo sa Filipino. Last


modified February 7, 2013.
https://images.app.goo.gl/ViwFA37L9481tJjw9

34
ANA MELISSA T. VENIDO, LPT, M.A-FILIPINO. Siya ay
nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Secondary
Education, dalubhasa sa Filipino sa Negros Oriental State
University, Lungsod ng Dumaguete. Natapos din niya ang
Master of Arts sa Filipino sa parehong unibersidad. Siya ay
isang tagapagdaloy at demonstrador sa mga palihan sa
Filipino sa Dibisyon ng Negros Oriental. Sa kasalukuyan, siya
ay nagtuturo bilang Teacher III sa Zamboanguita Science
High School. Siya rin ang District Subject Specialist sa Filipino
ng Zamboanguita District.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

35

You might also like