You are on page 1of 31

11

12 SENIOR HIGH SCHOOL

Filipino sa Piling Larang


(Tech-Voc)
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
PAGSULAT NG PAUNAWA, BABALA AT
ANUNSYO
Filipino – Ikalabindalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 7: Pagsulat ng Paunawa, Babala at Anunsyo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Arlene L. Decipolo
Editor: Arlene L. Decipolo, Ana Melissa T. Venido, Shem Don C. Fabila
Tagasuri: Arlene L. Decipolo, Ana Melissa T. Venido, Shem Don C. Fabila
Tagalapat: Romie G. Benolaria
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, EdD., PhD Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, CESE Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, EdD.
Renante A. Juanillo, EdD.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
12

Filipino sa Piling Larang


Ikalawang Markahan – Modyul 7:
PAGSULAT NG PAUNAWA,
BABALA AT ANUNSYO
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Pagsulat ng Paunawa, Babala at Anunsyo!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul


ukol sa Pagsulat ng Paunawa, Babala at Anunsyo!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
ALAMIN

PAGSULAT NG PAUNAWA, BABALA AT


ANUNSYO

MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO

1. Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit


ng wika. (CS_FTV11/12WG-0m-o-95)

2. Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong teknikal-bokasyunal na


sulatin. (CS_FTV11/12PU-0m-o-99)

PANIMULA

Magandang araw! Kumusta?

Malugod kitang binabati at napagtagumpayan mo ang lahat ng


pagsasanay sa mga naunang aralin. Ako’y nagagalak at nasisiyahan dahil
halos nasa pangwakas na gawain ka na ng pag-aaral mo ng Filipino sa
Piling Larang (Tech-Voc). Tiyak akong marami ka nang natututuhan.

Sa puntong ito ay pag-aaralan natin ang pagsulat ng paunawa,


babala at anunsyo. Mahalagang malaman natin ang pagsulat ng mga ito
upang makaiwas ang tao sa panganib o anumang bagay na di kanais-nais
na maaaring magresulta ng kamatayan, sakit o pagkabalda.

Kaya, ano pang hinihintay mo? Halina’t matuto!

1
MGA LAYUNIN

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:


1. Natutukoy ang mga paunawa, babala at anunsyo;
2. Nakagagawa ng isang paunawa, babala at anunsyo na
naisaalang-alang ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng mga
ito; at
3. Nasusunod nang may katapatan ang mga gawain at
matagumpay na naisasagawa ang mga ito.

2
SUBUKIN

PANIMULANG
PAGTATAYA

Panuto: Ang sumusunod ay mga babala, paunawa at anunsyo. Iguhit ang tatsulok
( ) kung ang tinutukoy na impormasyon ay tama at kung mali, isulat
naman ang tamang sagot. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

PAUNAWA
___________1. Bawal kumain at manigarilyo sa
loob ng internet café.
Maraming salamat sa pag-unawa.

BABALA
Gaganapin ang pagpupulong ng
____________2. mga magulang sa TVL Building sa
halip na Grade 11 Room.

BABALA!

HUWAG PUMASOK
___________3.
Kung may sintomas ng COVID-19

PAUNAWA!
BAWAL MALIGO SA PAANAN NG
___________4. CASARORO FALLS!
-Provincial Tourism Office

BABALA!
___________5. HUWAG MANINIWALA SA SCAM TEXTS!

3
ANUNSYO
__________6.
Suspendido ang distribusyon ng modyul bukas Nobyembre
23, 2020 (Lunes) dahil sa pataas na kaso ng COVID-19 sa
lungsod.
Maraming salamat.

PAUNAWA
__________7.
ANG ABO NA IBINUBUGA NG BULKAN AY NAGLALAMAN
NG CARBON DIOXIDE AT FLUORINE NA MAAARING
MAGKAROON NG MASAMANG EPEKTO SA KALUSUGAN
NG TAO NA MAKAKALANGHAP NITO.
Mga posibleng epekto sa kalusugan:
 Iritasyon sa mata, ilong, lalamunan at pulmo.
 Maaaring maging sanhi ng matinding pag-ubo at
mahirap na paghinga.
 Pagkakaroon ng iritasyon sa balat.
 Pwedeng makapinsala kapag nagiba ang mga
bubong o dahil sa madulas na mga kalsada.

Ano ang maaaring gawin para makaiwas?


 Mangyaring laging manatili sa loob ng mga bahay,
kabilang ang mga alagang hayop.
 Lagyan ng kurtina ang mga bintana at pintuan.
 Panatilihing basa ang kapaligiran upang maiwasan
ang pangangalikabok ng paligid.
 Kumpunihin ang bubong.
 Alamin ang sitwasyon ng kalsada bago bumiyahe.
 Gumamit ng mga pantakip sa ilong at bibig, at mga
proteksyon sa mata at balat.
https://www.facebook.com/pg/sanjuanirigacity/posts/

__________8.
ANUNSYO!

BAWAL HAWAKAN
MATAAS ANG BOLTAHE!

4
ANUNSYO
Iniimbitahan ang lahat ng mga mag-aaral ng Sibulan
__________9. Science High School na makiisa sa selebrasyon ng
National Students Day na gaganapin ngayong
Nobyembre 17, 2020 sa may 2:00 ng hapon via DepEd
Philippines Facebook Page. Siguraduhin ding
nakarehistro sa link na ito https://bit.ly/36NMRTf
Maraming salamat.

PAUNAWA
Ipinababatid po na prayoridad ng Municipal Health
__________10. Office (MHO) na mabigyan ng serbisyo ang mga taga
Sibulan. Ang mga hindi taga Sibulan ay maaari pong
bumisita sa pinakamalapit na Rural Health Unit sa
kanilang lugar.
Maraming salamat po.

Ang galing-galing mo! Nasubukan


mong gawin ang Panimulang Pagtataya.
Ngayon ay magsisimula na tayo sa ating
paggalugad ng bagong kaalaman
tungkol sa aktuwal na pagsulat ng
paunawa, babala at anunsyo.

Handa ka ba? Simulan mo na!

5
TUKLASIN

GAWAIN 1

Panuto: Tukuyin ang sumusunod kung paunawa, babala o anunsyo. Isulat ang sagot sa
iyong kuwaderno.

1. 2.

https://bit.ly/2HkinQ2 https://bit.ly/35IsvLC

_________________________ _________________________

3. 4.

https://bit.ly/3fud78T https://bit.ly/35M6ZG8

_________________________ _________________________

6
5. 6.

https://bit.ly/3nRBwsj https://bit.ly/35Z3gop

_________________________ _________________________

7. 8.

https://bit.ly/3m27Isl https://bit.ly/33b4X0i

_________________________ _________________________

9. 10.

https://bit.ly/3m3Dbdz https://bit.ly/2Krl8Qz

_________________________ _________________________

7
SURIIN

PAGSUSURI

1. Naging madali ba sa iyo ang pagtukoy sa paunawa, babala o anunsyo?


2. May pagkakatulad o pagkakaiba ba sa mga ito? Kung mayroon, ano-ano ang
mga ito?
3. Bilang balik-aral, ano ang paunawa? Ano naman ang babala at anunsyo?
4. Naranasan mo bang gumawa ng isang paunawa, babala at anunsyo?
5. Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat o paggawa ng mga ito?
6. Paano nakatutulong ang pagsulat ng paunawa, babala at anunsyo sa lipunang
ginagalawan mo ngayon?

PAGYAMANIN

PAGLALAHAD

Ang anumang paunawa, babala o anunsyo ay tinatawag na patalastas.


Sapagkat ito ay nagbibigay ng mahahalagang impormasyon sa mga nakababasa
nito (https://www.slideshare.net/AnaJane Morales2/paunawa-babala-at-paalala).

Mahalaga na malaman at matutuhan natin ang mga paunawa, babala at


anunsyo sapagkat ito ang nagsisilbing paalala at gabay natin sa pang-araw-araw
na pamumuhay. Nakatutulong ang mga babala upang maiwasan ang mga sakuna,
aksidente o iba pang hindi kanais-nais na pangyayari para sa isang indibiduwal.
Marapat lamang sundin ang mensaheng ipinaparating ng mga ito kung ayaw na
mapahamak (Perez et al., 2016).

8
Dagdag pa ni Perez et al. (2016), ang mga babala at paunawa ay karaniwang
malalaki ang sukat at estilo ng pagkakasulat na matatagpuan sa isang lugar na
madaling makita. Inaasahan ding malinaw ang pagkagawa at pagkapaskil sa mga
ito. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay purong teksto ang bumubuo sa mga babala
kundi maging mga guhit o larawang madaling matukoy at maunawaan ng mga
nakakakita nito. Tiyak at direkta ang kadalasang paraan ng pagkakasulat ng mga
paunawa at babala, hindi sobrang haba at kuha agad ang ibig iparating na mensahe
upang mabilis na maalala.

Ngunit, ano ba ang babala at paunawa? May pagkakatulad at pagkakaiba


kaya ito? Halika’t isa-isahin natin.

Ang babala ay nagsasaad ng maaaring maging panganib sa buhay, estado,


o nararanasan ng tao na maaaring magresulta sa kamatayan, sakit o pagkabalda.
Pautos at awtoritatibo ang tono nito upang magbigay ng pakiramdam ng pagiging
alisto o takot sa mambabasa. Maaaring sa pamamagitan ng salita o larawan
maisasaad ang isang babala (https://www.slideshare.net/AnaJane Morales2/paunawa-
babala-at-paalala).

Sa pagsulat ng babala, mainam na gumamit ng attention icon para sa


epektibong babala (https://www.youtube.com/watch?v=ExWS5ZXuV4cAng).

Halimbawa:

https://bit.ly/3nTERqP https://bit.ly/38Z5lCX https://bit.ly/35PWb9X

https://bit.ly/3kNr5nz https://bit.ly/2HnnqiG https://bit.ly/3nGRu8h

9
https://bit.ly/2KgdYyv https://bit.ly/2Kj5Xc8 https://bit.ly/32XAyTd

https://bit.ly/2UJKz1H https://bit.ly/391AZiY https://bit.ly/36R6R7j

Iba pang halimbawa ng mga babala na nagpapaalala sa atin:

https://bit.ly/3nEsPBu https://bit.ly/338TE91

Sa kabilang dako, ang paunawa ay isang mensahe na nagsasaad ng


mahalagang impormasyon na nagsasabi kung ano ang maaari at hindi maaaring
gawin. Maaari ring pumapaksa ang paunawa tungkol sa anumang pagbabago ng
naunang nabanggit na impormasyon, notice ang tawag nito sa Ingles. Mas mainam
na gumamit ng mga imahe at/o simbolo upang mapukas ang interes ng mambabasa
(https://www.slideshare.net/AnaJane Morales2/paunawa-babala-at-paalala).

10
Halimbawa:

https://bit.ly/3pXyZOY https://bit.ly/2HC7UzC

https://bit.ly/3l0JTzU

11
https://bit.ly/3pRhujt https://bit.ly/2KgE6cA

https://bit.ly/3kQnB3r https://bit.ly/3948PUR

Kagaya ng mga paunawa at babala, nagpapaalala rin ang mga anunsyo.


Nililikha ang mga anunsyo upang magbigay ng mga tiyak na detalye hinggil sa
isang pangyayari kagaya halimbawa ng mga gaganaping pagpupulong, panayam,
talakayan at iba pang katulad na pagtitipon, announcement ang tawag nito sa
Ingles. Makikita sa mga anunsyo ang nakatakdang petsa, oras, lugar na
pagdarausan at iba pang batayang kaalaman hinggil sa paksang inaanunsyo. Tiyak
din ang pagkakabuo nito kung kaya’t madaling matandaan (Perez et al., 2016).

Ang mga sulating pag-aanunsyo ay maaari ring nagpapabatid tungkol sa isang


bagong tuklas na produkto at kaalaman, isasagawang programa, gagawing
kaganapan at marami pang iba.

Karaniwang mababasa ang mga sulating ito sa mga magasin, flyer, dyaryo,
pamphlet, bulletin board at iba pa. Naririnig din ang mga ito sa radyo at telebisyon.

12
Halimbawa:

https://bit.ly/33bcbla

Para sa mga magulang or estudyante na Grade 12, markahan na ang inyong


kalendaryo. Mag-uumpisa na ulit ang application para sa SM COLLEGE
SCHOLARSHIP sa JANUARY 1, 2021. Malaki ang benepisyong makukuha kapag
nakapasok gaya ng Full Tuition Fee, Monthly Allowance, part-time jobs pag bakasyon
at iba pa.

Basahin ang buong detalye dito: https://announcement.ph/what-you-need-to-


know-about-the.../

https://bit.ly/3nXfPad

13
Tuloy ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill matapos ang Bagyong
ULYSSES!

Isasagawa ito sa darating na Biyernes, Nobyembre 27, 9:00 AM.


Inaanyayahan ang lahat na panoorin ang live stream ng ceremonial pressing of the
button sa Civil Defense-CBTS at sa pagtunog ng sirena, sabay-sabay na mag-Duck,
Cover, and Hold sa ating mga tahanan at opisina dahil #BidaAngHanda.

Mapapanood din ang isang Tsunami scenario bilang bahagi ng pakikiisa sa


nagdaang World Tsunami Awareness Day noong Nobyembre 5.

#NSED2020 #ResiliencePH

Kinuha mula sa https://www.facebook.com/civildefenseonse/photos/a.


708582705957956/1882667241882824

https://bit.ly/2UZ5Q7C

Sa panahon ngayon ng tag-sakit, importante maging matibay para tuloy ang


pagkayod! Mag Bear Brand Sterilized na – may Sterilized Tibay Nutrients tulong
pang-suporta sa IMMUNITY at LAKAS.

Visit your nearest 7/11 branch to avail of this promo from September 9 to
October 20, 2020. Bili na!

Per DTI-FTEB Permit No. FTEB-104070. Series of 2020

Kinuha mula sa https://www.facebook.com/BearBrandPH/photos/a.


405132496321569/1615387421962731/

14
Ayon kay Morales (2019), sa https://www.slideshare.net/AnaJane
Morales2/paunawa-babala-at-paalala. May mga dapat isaalang-alang o tandaan sa
pagsulat ng teknikal-bokasyunal na sulatin. Narito ang mga sumusunod.

Mga Konsiderasyon sa Pagbuo ng mga Paunawa, Babala at Anunsyo

1. Nilalaman at pagkakabuo
Dapat tiyak at direkta ang paraan ng pagkakasulat, hindi sobrang haba at
kuha agad ang ibig iparating na mensahe upang mabilis na maalala.
Karaniwan ding malalaki ang sukat at estilo ng pagkakasulat.

2. Paggamit ng wika
Kinakailangang mapukaw agad ang mambabasa sa anumang inilagay sa
paunawa, babala, at anunsyo. Mahalaga, kung gayon, na ang salitang
gagamitin ay simple at mabilis na maiintindihan.

3. Paggamit ng imahe o simbolo


Ang infographics ay ang paggamit ng imahe at/o simbolo, kalakip ang
mahahalagang impormasyon. Sa kasalukuyang panahon, mas
nakapupukaw sa mag-aaral ang paggamit ng mga infographics dahil sa
pagiging malikhain, kakaunti ang tekstong babasahin, malinis ang
pagkakagawa, at nakaaakit sa mata dahil sa kulay.

Hayan! Naging malinaw


na ba sa iyo ang mga paunawa,
babala at anunsyo? Naging
malinaw rin ba sa iyo ang mga
dapat tandaan sa pagsulat ng
mga ito? Kung gayon ay handa
ka na para sa mga
pagsasanay!

15
Gawain 2

A. Panuto: Gawan ng paunawa ang makikitang babala sa ibaba. Pumili lamang ng


tatlong larawan o simbolo at kopyahin ito sa short size bond paper. Sa
ilalim ng bawat larawan ay isulat ang paunawa na binubuo ng dalawa
hanggang tatlong pangungusap. Isaalang-alang ang mga
konsiderasyon sa pagbuo ng paunawa at gawing batayan ang rubrik na
makikita sa susunod na pahina.

https://bit.ly/3nDgBJe https://bit.ly/36R9FRR

https://bit.ly/390RcVU https://bit.ly/3kNr4Qn

https://bit.ly/2UJKz1H https://bit.ly/3fwHqvD https://bit.ly/3q0htte

16
RUBRIK SA PAGSULAT NG PAUNAWA
Krayterya Napakahusay Mahusay Nangangailangan Puntos
15 10 pa ng kasanayan
5
Kaisipan/ Angkop na angkop Di-gaanong Hindi angkop at hindi
kaugnayan at may kabuluhan angkop at may makabuluhan ang
sa larawan ang nabuong kabuluhan ang nabuong paunawa
paunawa nabuong
paunawa
Balarila o Wasto at maingat Di-gaanong Hindi wasto ang mga
Gramatika na pinili ang mga wasto at di- salitang ginamit sa
salitang ginamit sa gaanong pinili pangungusap.
pangungusap. ang mga
salitang ginamit
sa pangungusap

Paggamit ng Angkop ang Di-gaanong Hindi angkop ang


imahe o ginamit na imahe o angkop ang ginamit na imahe o
simbolo simbolo sa ginamit na simbolo sa paunawa
paunawa imahe o simbolo
Napakalinis at Di-gaanong Hindi malinis at
Kalinisan napakaayos ang malinis at maayos ang
pagkakasulat ng maayos ang pagkakasulat ng
paunawa pagkakasulat ng paunawa
paunawa
Kabuuan

B. Panuto: Maglibot sa iyong tahanan o komunidad na maaaring gawan ng isang


babala upang makaiwas sa panganib o anumang aksidente. Pagkatapos
ay gumawa ng sariling babala. Isaalang-alaang ang mga konsiderasyon
o mga dapat tandaan sa pagsulat ng babala. Gawing batayan ang rubrik
na nasa ibaba. Gawin ito sa 1/4 illustration board.

RUBRIK SA PAGSULAT NG BABALA


Krayterya Napakahusay Mahusay Nangangailangan Puntos
15 10 pa ng kasanayan
5
Kaisipan/ Malinaw, tiyak at Di-gaanong Hindi malinaw, at
Nilalaman makabuluhan ang malinaw at tiyak tiyak ang nabuong
nabuong babala ang nabuong babala
babala
Balarila o Wasto at maingat Di-gaanong Hindi wasto ang mga
Gramatika na pinili ang mga wasto at di- salitang ginamit sa
salitang ginamit sa gaanong pinili babala
babala ang mga
salitang ginamit
sa babala
Paggamit ng Angkop ang Di gaanong Hindi angkop ang
imahe o ginamit na imahe o angkop ang ginamit na imahe o
simbolo simbolo sa babala ginamit na simbolo
imahe o simbolo
Napakalinis ang Di-gaanong Hindi malinis ang
Kalinisan ginawang babala malinis ang ginawang babala
ginawang
babala
Kabuuan

17
ISAISIP

Patalastas ang tawag sa anumang


pagsulat ng paunawa, babala at anunsyo
sapagkat ito ay nagbibigay ito ng
mahahalagang impormasyon na
magagamit sa pang-araw-araw na
pamumuhay.
Sa pagsulat ng mga paunawa,
babala at anunsyo mahalagang maging
tiyak, simple, direkta at malinaw ang
mensaheng nais iparating upang madaling
maintindihan at maunawaan ng mga
mambabasa. Karaniwang malalaki ang
sukat at estilo ng mga paunawa, babala at
anunsyo.
Sa kasalukuyan, nakatutulong ang
mga infographics o ang paggamit ng imahe
at/o simbolo, kalakip ang mahahalagang
impormasyon dahil mas nakapupukaw ito
ng interes sa mga babasa nito. Tandaan na
nakaaakit sa mata ang mga may kulay.

18
ISAGAWA

PAGLALAPAT

Panuto: Gawan ng anunsyo ang makikitang larawan sa ibaba. Pumili lamang ng


tatlo at isulat ito sa short size bond paper. Sa pagsulat ng anunsyo,
isaalang-alang ang mga konsiderasyon sa pagbuo nito. Gawing gabay
sa pagsulat ang rubrik na makikita sa susunod na pahina.

https://bit.ly/3nxXjVE https://bit.ly/2IVLee5

https://bit.ly/32ZGGuf https://bit.ly/3fslJND

https://bit.ly/36VT8fs https://bit.ly/39biB7p

19
RUBRIK SA PAGSULAT NG ANUNSYO

Krayterya Napakahusay Mahusay Nangangailangan Puntos


15 10 pa ng kasanayan na
5 nakuha
Nilalaman/ Angkop na Di-gaanong Hindi angkop at
Kaisipan/ angkop at may angkop at may hindi
kaugnayan kabuluhan ang kabuluhan ang makabuluhan ang
sa larawan nabuong nabuong nabuong anunsyo
anunsyo batay anunsyo batay batay sa larawan
sa larawan sa larawan

Paggamit Wasto at Di-gaanong Hindi wasto ang


ng wika maingat na pinili wasto at di- mga salitang
ang mga salitang gaanong pinili ginamit sa
ginamit sa ang mga pagbuo ng
pagbuo ng salitang anunsyo
anunsyo ginamit sa
pagbuo ng
anunsyo

Paggamit Angkop ang Di gaanong Hindi angkop ang


ng imahe o ginamit na imahe angkop ang ginamit na imahe
simbolo o simbolo sa ginamit na o simbolo sa
anunsyo imahe o anunsyo
simbolo sa
anunsyo

Kalinisan Napakalinis ang Di-gaanong Hindi malinis ang


ginawang malinis ang ginawang
anunsyo ginawang anunsyo
anunsyo

Kabuuan

20
KARAGDAGANG
GAWAIN

REFLEKSIYON

1. Naging madali ba sa iyo ang pagsulat ng isang paunawa, babala at anunsyo?


Bakit?
2. Naisaalang-alang mo ba ang mga dapat tandaan at konsiderasyon sa pagsulat
ng paunawa, babala at anunsyo?
3. Nakatutulong ba ang batayang kaalaman sa pagsulat ng paunawa, babala at
anunsyo sa aktuwal na pagsulat nito? Pangatuwiranan ang iyong sagot.

TAYAHIN

PANGWAKAS NA
PAGTATAYA
Panuto: Tukuyin ang sumusunod na larawan. Isulat ang titik P kung paunawa, B kung
babala at A kung anunsyo.

1. 2.

https://bit.ly/38Z9HK4 https://bit.ly/394kNOh

21
3. 4.

https://bit.ly/3kGCEwI https://bit.ly/2IRJHpt

5. 6.

https://bit.ly/36OTftn https://bit.ly/2UFODQy

7. 8.

https://bit.ly/3lPk1YG

https://bit.ly/2UKajLm

9. 10.

https://bit.ly/2Kk8XoB https://bit.ly/3nIrw4y

22
23
Panimulang Pagtataya Paglalapat
(Iba-iba ang sagot. Iwawasto gamit ang rubrik
1. sa pagsulat ng anunsyo.)
2. paunawa
3.
4. babala Refleksiyon
5. (Maaaring iba-iba ang sagot.)
6.
Pangwakas na Pagtataya
7.
8. babala 1. P
9. 2. A
3. B
10. 4. A
5. A
Gawain 1 6. B
7. A
1. babala
8. B
2. anunsyo
9. P
3. paunawa
10. P
4. babala
5. anunsyo
6. babala
7. paunawa
8. babala
9. paunawa
10. anunsyo
Pagsusuri
(Maaaring iba-iba ang sagot)
Gawain 2
A. (Iba-iba ang sagot. Iwawasto gamit ang
rubrik sa pagsulat ng paunawa.)
B. (Iba-iba ang sagot. Iwawasto gamit ang
rubrik sa pagsulat ng babala.)
SUSI SA PAGWAWASTO
MGA SANGGUNIAN

Morales, Ana Jane. Paunawa, Babala at Anunsyo. Published Oktubre 31, 2019,
https://www.slideshare.net/AnaJaneMorales2/paunawa-babala-at-paalala
Paalala at Babala. Published Enero 20, 2020
https://www.youtube.com/watch?v=ExWS5ZXuV4cAng.
Perez et.al 2016. Filipino sa Piling Larang Tech-Voc.Kagamitan ng Mag-aaral. Pasig
City. Department of Education-Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR).

24
ARLENE L. DECIPOLO. Siya ay nagtapos ng kursong Bachelor of
Secondary Education-Filipino sa Negros Oriental State University
Main Campus I, Dumaguete City. Isang resipyent ng PHCCI
Scholarship Program at youth member. Isa sa mga manunulat ng
sanayang aklat sa Filipino, Dibisyon ng Negros Oriental. Dating
miyembro ng Pambansang Samahan sa Wika, Ink., UP Campus,
Diliman, Quezon City. Miyembro rin siya sa Pambansang Samahan
ng mga Mananaliksik sa Filipino. Tagapagdaloy at tagapagsanay sa
mga patimpalak sa Filipino. Dating Filipino instructor sa NORSU. Sa
ngayon, siya ang adviser ng baitang 11 at nagtuturo ng Filipino sa
Sibulan Science High School.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like