You are on page 1of 20

12

12 SENIOR HIGH SCHOOL

Filipino sa Piling Larang


(Tech-Voc)
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
MENU NG PAGKAIN
Filipino – Ikalabindalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 4: Menu ng Pagkain
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Emelie A. Toro
Editor: Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido, Maria Chona S. Mongcopa
Tagasuri: Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido, Maria Chona S. Mongcopa
Tagalapat: Romie G. Benolaria
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, EdD., PhD Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, CESE Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, EdD
Renante A. Juanillo, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
12
Filipino sa Piling Larang
(Tech-Voc)

Ikalawang Markahan–Modyul 4:
MENU NG PAGKAIN
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Menu ng Pagkain!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Menu ng Pagkain!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
ALAMIN

MENU NG PAGKAIN

MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO

1. Naipaliliwanag sa paraang sisyematiko at malinaw ang piniling anyo sa


pamamagitan ng paggamit ng angkop na mga termino. CS_FTV11/12PS-0j-
l-93

PANIMULA

Magandang araw! Kumusta?


Sinasabing bahagi na ng kultura ng mga Pilipino ang paluluto ng iba’t
ibang putahe. Letchon, humba at adobo, iilan lamang ito sa pagkain na ating
nakikita at natitikman dito sa Pilipinas. Sino nga naman sa atin ang
makakatanggi kung pagkain na ang pag-uusapan. Tayong mga Pilipino ay
kilala sa masasarap nating mga lulutuin. Karamihan sa mga dayuhan na
bumisibisita ay ang una nilang gustong maranasan ay ang pagkaing Pilipino.
Sa kadahilanang ito karamihan sa ating mga kababayang Pilipino ay nagtatayo
ng sariling restawrant. Nasubukan niyo na bang kumain sa restawran? Ano
ang unang iaabot sa inyo? Tama, ang menu, ano nga ba ang menu?
Sa modyul na ito, matutuhan mo kung gaano kahalaga ang bawat
bahagi ng menu. Kaya naman, sabay-sabay nating siyasatin ang bagong
leksyon na matutuhan mo.

1
MGA LAYUNIN

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na kayo ay:


1. Natutukoy at nauunawaan ang konsepto sa paggawa ng isang
malikhaing menu ng isang pagkain.
2. Nasusuri ang mga mahahalagang bahagi ng isang menu ng pagkain.
3. Napahahalagahan nang maingat ang proseso sa paggawa ng
malikhaing menu

SUBUKIN

PANIMULANG
PAGTATAYA

Panuto: Isulat ang titik T kung ang pahayag ay tama at titik M naman kung
mali. Isulat ang sagot sa inyong kwaderno.
____1. Karaniwan sa menu nilalagay ang pangalan ng pagkain at kung ano ang
mga sangkap at paano ito niluto.
____2. May mga menu na may mga disclaimer o babala ukol sa allergy ng isang
tao lalo kung merong sangkap na mani.
____3. Mainam na sundin ang bawat impormasyong nakasaad sa enu upang hindi
matamo ang akmang kalalabasan ng anumang nais lutuin.
_____4. Mahalaga ang tiyak na paglalahad ng mga sangkap at proseso ng pagluluto
sapagkat ito ang susundin ng mga mambabasang ibig sumubok sa pagluluto ng mga ito.
______5. May ibang menu na nagtataglay ng larawan ng mga pagkain o inumin.
_____6. Ang pagluluto ay walang prosesong sinusunod.
_____7. Maghugas ng kamay bago maghanda ng pagkain.
_____8. Hugasan ang pagkain bago balatan.
_____9. Lutuin sa malakas na apoy ang mga pagkain.
____10. Hinaan ang apoy ng sinaing kapag malapit na itong maluto.

2
Magaling! Nasubukan mong gawin ang
Panimulang Pagtataya. Ngayon ay
magsisimula na tayo sa ating paggalugad ng
bagong kaalaman…

TUKLASIN

GAWAIN 1

Panuto: Unawaing maiigi ang larawan na nasa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang mga
sumusunod na tanong.

Bit.ly/2If8ALj

1. Ano ang napapansin mo sa larawan?


2. Saan kaya natin ito kalimitang nakikita?

1
SURIIN

PAGSUSURI

Mga katanungan:
1. Batay sa larawang ipinapakita sa Gawain 1, ano kaya ang kahalagahan nito
sa iyo bilang isang mamimili?
2. Ano kaya ang layunin ng pagsulat ng sulating ito?
3. Gaano kahalaga ang menu sa isang mamimili o tagaluto?

PAGYAMANIN

PAGLALAHAD

MENU NG PAGKAIN
Sinasabing ang pagsulat ng menu ay isang komunikasyong teknikal dahil
kinakailangan na ang magsusulat nito ay maalam sa porma ng sinusulat niya at sa
nilalaman ng kaniyang sinusulat. Hindi isang simpleng bagay ang isang menu.
Maaring ang isang simpleng food menu ay magawa ng walang gaanong kaalamang
teknikal ngunit sa mga menu sa mga restaurant kailangan ito.
Karaniwan sa menu nilalagay ang pangalang ng pagkain at kung ano ang
mga sangkap at paano ito niluto. Ito ay masasabing pagsusulat ng komunikasyong
teknikal dahil dapat siguraduhin na tama ang mga terminong ginamit. Iba ang light
soy sauce sa dark soy sauce, halimbawa, may mga menu din na may mga
disclaimer o babala ukol sa allergy ng isang tao lalo kung merong sangkap na mani.
Ang komunikasyong teknikal ay isang uri ng pagsusulat na kung saan ang
impormasyong nais iparating sa ibang tao ay ukol sa isang larangang espesyal or
scientific, kagaya ng pagluluto. Ang pagluluto ay may mga prosesong sinusundan
kaya ang menu ay masasabing isang komunikasyong teknikal
bit.ly/2HE4rjN

2
Katangian at Kalikasan ng Menu ng Pagkain

Nakalahad sa isang Resipi ang Paraan

 Kadalasang nasa itaas na bahagi ang pangalan ng lutuin at kalimitan ding


may larawan itong kalakip upang higit na maging katakam-takam para sa
mga makakakita.
 Iniisa-isa rin ang mga sangkap na kinakailangan kung saan nakalagay din
ang hinihinging sukat o dami para sa bawat isa.
 Detalyado ang pagkakasulat ng mga ito sapagkat dito nakasalalay ang
kalalabasan ng lulutuin.
 Nakaayos ang mga ito batay sa uri ng pagkain kung ito ba ay pampagana,
sabaw, kanin,panghimagas, ulam na gawa sa karne,isda, gukay o kung ito’y
mga inumin.
 Nakalagay din sa menu ang halaga ng bawat isa upang makapili ang mga
mamimili ng kanilang gusto o kaya’y ng abot-kaya para sa kanila.
 Kung minsa’y mayroon ding kaunting paglalarawan sa mga pagkaing
nakalagay sa isang menu upang magka-ideya ang mga mambabasa tungkol
sa mga ito.
 May ibang menu rin namang nagtataglay ng larawan ng mga pagkain o
inumin.
 Kasunod nito, iniisa-isa rin ang bawat hakbang na kailangang sundin sa
pagluluto.
 Tiyak na malinaw ang pagkakalahad sa bawat proseso upang masigurado
ang tamang timpla, itsura at lasa ng lutuin.
 Sadyang mahalaga ang tiyak na paglalahad ng mga sangkap at proseso ng
pagluluto sapagkat ito ang susundin ng mga mambabasang ibig sumubok
sa pagluluto ng mga ito.
 Mainam na sundin ang bawat impormasyong nakasaad sa menu upang
matamo ang akmang kalalabasan ng anumang nais lutuin.
bit.ly/36z3Ee
Halimbawa ng isang menu ng pagkain
Adobong Manok (Chicken Adobo)
 1k Manok (chicken) hiniwa ng ayon sa gusto mo na laki
 2 piraso patatas (hiwain ng cubes style)
 4 piraso dahon laurel
 7 kutsara toyo (datu puti)
 7 kutsara suka (datu puti)
 6 piraso bawang (itabi ang 3 piraso)
 1 buo na sibuyas (hiwain at hatiin) itabi ang kalahati
 2 kutsara na mantika (mamantika ang manok kaya iwasan ang paggamit ng
marami)
 Asin
 Paminta buo at durog
 Asukal na pula
 Magic Sarap (hindi ako gumagamit ng vetsin)
 1 baso tubig
 1 kutsara na cornstarc

3
Paraan sa pagluluto:

 Pagsama-samahin sa isang kaserola o pan ang manok, toyo, suka, laurel,


paminta buo,3 piraso bawang dinurog, sibuyas na kalahati e marinade ng
. magdamag o isang oras at pakuluan ito ng mga 10 minutes sa mahinang
apoy para ang lasa nya tlagang lumabas

 Isalang ang kawali at ilagay ang mantika. Iprito ang patatas at hanguin ito
at itabi
 Igisa ang manok na pinakuluan papulahin ang natirang bawang at sibuyas
at kapag mapula na ihulog ang pinakuluang manok at hayaan sya na medyo
ma fried sa sariling mantika at sa pinag pritohan ng patatas.
 Ilagay ang sabaw ng pinagpakuluan ng manok at dagdagan ng isang basong
tubig.
 Hayaan kumulo ng 10minuto at lagyan ng cornstarch para ito ay lumapot at
makintab tignan
 Timplahan ng asin at asukal
 Lagyan ng magic sarap at ilagay ang patatas

TIPS:

 Mabango ang adobo at mas malasa kapag ito ay iginisa.


 Kapag pang pamilya lang, puwede na siyang huwag na lagyan ng tubig
kapag iginisa at puwede na rin hindi palaputin. Kung ayaw ng medyo
matamis-tamis, bawasan ang asukal pero huwag hayaan na hindi lagyan
kahit kaunti dahil mas masarap kapag meron nito at mas lalo mag-blend ang
alat kunti tamis.
 Lahat ng niluluto, mas maganda ang half cooked lalo na sa gulay.
Presentable na siya at hindi pa mawawala ang sustansiya nito.
 Ang patatas at carrots ay mas maganda na iprito siya ng tama lang para
hindi nito sipsipin ang lasa ng kahit na anong karne.
 Asukal na pula – isang sekreto ng mga nagluluto sa restaurant o catering
para mas lalo mag-blend at pantanggal ng alat at puwede na siyang gamitin
pamalit sa vetsin

bit.ly/34tSpCq

(Ang kabuuan ng talakayan ay maaari mong mabasa sa mga link na inilahad sa itaas).

4
GAWAIN 2

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga paraan sa pagluto/paggawa ng isang Maja


Blanca. Isulat ang bilang 1-6 (1 bilang unang hakbang at 6- pinakahuling hakbang).
Pagkatapos, isulat ang bilang sa patlang bago ang letra.
MAJA BLANCA (TAGALOG)

Sangkap:

Part A:
5 cups rich coconut milk (kakang gata)
2 cups evaporated milk
2 1/2 cups sugar or 1 cup condensed milk
1 cup sweet whole kernel corn
chopped jackfruit (langka) (Optional)
Part B:
2 cups corn starch
1 cup coconut milk
1 cup evaporated milk
3 drops yellow, food color (optional lamang din po ito kung gusto ninyo pong
dilaw ang kulay ng Maja Blanca na parang kulay mais rin lang)
1 cup coconut pulp (sapal)
1/2 cup brown sugar
1 Tbsp. butter or margarine
*Grated Cheese (optional)

Paraan:
__________A) Ihalo ang ang Part B na mixture sa kumukulong Part A na mixture ... halo
halo lang ng mabuti.
__________B) Ilagay sa baking pan or mold. Let it cool.
__________C) Sa isang bowl, paghaluin ang cornstarch, 1 cup coconut milk, evaporate
milk and food coloring. Haluing mabuti.
__________D) Samantala, ihanda ang toppings. I-toast po ang coconut flakes, asukal
at butter hanggang mag golden brown. Ibudbod sa nalutong Maja Blanca.
Pwede rin po ang Grated cheese.
__________E) Paghaluin ang mga 4 na naunang sangkap kakang gata, evaporated
milk, asukal at corn kernel sa isang saucepan. Pakuluin habang hinahalo
halo.
__________F) Pakuluin ng mga 5 minutes hanggang maging thick na ang consistency
ng mixture

Mababasa ang resipe na ito sa link na bit.ly/ 3lMB5OY o sa facebook page na Mama’s Guide Recipes

5
ISAISIP

Maaaring ang isang simpleng food menu ay


magawa ng walang gaanong kaalamang technical
ngunit sa mga menu sa mga restaurant kailangan ito.

ISAGAWA

PAGLALAPAT

Panuto: Basahin at pansining mabuti ang halimbawa ng isang menu. Pagkatapos,


sagutin ang mga tanong na nasa ibaba nito. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

Lechon Paksiw

500 grams leftover lechon


2 tablespoons canola oil
2 tablespoons white onion, tinadtad
4 cloves garlic, binalatan at dinikdik
1/2 tablespoon ginger (luya), hiniwa
1 piraso laurel leaf, (dahon ng laurel)
1/2 tablespoons black peppercorns, (pamintang buo)
2 tablespoons vinegar (suka)
1 cup lechon sauce
1/2 cup water
1 teaspoon brown sugar
1 teaspoon soy sauce
salt, ayon sa panlasa

6
Paraan sa pagluluto:

1. Initin ang canola oil sa isang kaserola gamit ang katamtamang lakas ng apoy.
Gisahin ang mga sibuyas, bawang, luya, dahon ng laurel, at paminta nang 1
minuto. Idagdag ang suka at hayaang kumulo nang dalawang minuto.
Idagdag ang lechon at lutuin pa ng 2 minuto.

2. Idagdag ang lechon sauce, tubig, pulang asukal, at toyo. Pakuluin.


Pagakatpos kumulo ay hayaang magngitngit sa mahinang apoy nang 15
minuto. Dagdagan ng asin ayon sa iyong panlasa.

Kinuha mula sa: https://bit.ly/2H1BQ7O20191013

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan. Isulat ang iyong sagot
sa kuwaderno.

1. Ano ang pagkakaiba ng halimbawang menu sa nakasanayang nakikita sa


mga restawran?
2. Bakit dapat siguraduhin na tama ang mga terminong ginamit sa pagsulat ng
menu?
3. Ano ang dapat isaalang-alang upang maging epektibo at maayos ang isinulat
na menu?
4. Gaano kahalaga ang pagsulat at paggawa ng menu ng pagkain?

Napakahusay Mahusay Di-gaano


15 10 5
Kaangkupan sa
tanong
Kahusayan sa
paggamit sa
Wikang Filipino
Pangkalahatang
Ideya

7
KARAGDAGANG
GAWAIN

REFLEKSIYON

Ang natutunan ko sa araling ito ay…

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
_____________________________________

Nagpapasalamat po ako dahil…


__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________.

8
TAYAHIN

PANGWAKAS NA
PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang titik T kung
tama ang ipinapahayag, M kung mali naman. Isulat ito sa iyong kwaderno.
_____1. Ang pagsulat ng menu ay isang komunikasyong teknikal.

_____2. Karaniwan sa menu nilalagay ang pangalang ng pagkain at kung ano ang
mga sangkap at paano ito niluto.

_____3. Sa pagsusulat ng komunikasyong teknikal dapat siguraduhin na tama ang


mga terminong ginamit.

_____4. Ang komunikasyong teknikal ay isang uri ng pagsusulat na kung saan ang
impormasyong nais iparating sa ibang tao ay ukol sa isang larangang espesyal or
scientific, kagaya ng pagluluto.

_____5. Ang pagluluto ay may ga prosesong sinusundan kaya ang menu ay hindi
isang komunikasyong teknikal.

_____6. Sa paggawa ng isang menu ay iniisa-isa rin ang mga sangkap na kinakailangan
kung saan nakalagay din ang hinihinging sukat o dami para sa bawat isa.

_____7. Hindi detalyado ang pagkakasulat ng mga ito sapagkat dito nakasalalay ang
kalalabasan ng lulutuin

_____8. Kung minsa’y mayroon ding kaunting paglalarawan sa mga pagkaing nakalagay
sa isang menu upang magka-ideya ang mga mambabasa tungkol sa mga ito.

_____9. Nakalagay din sa menu ang halaga ng bawat isa upang makapili ang mga
mamimili ng kanilang gusto o kaya’y ng abot-kaya para sa kanila.

_____10. May ibang menu rin namang nagtataglay ng larawan ng mga pagkain o inumin.

9
10
PANIMULANG PAGTATAYA
1. T
2. T
3. M
4. T
5. T
6. M
7. T
8. T
9. M
10. T
Gawain 2
A. 3
B. 5
C. 2
D. 6
E. 1
F. 4
G.
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
1. T
2. T
3. T
4. T
5. M
6. T
7. M
8. T
9. T
10. T
SUSI SA PAGWAWASTO
MGA SANGGUNIAN

Halimbawa ng Menu Adobong Manok: Date Retrieved November 14, 2020.


http://bit.ly/34tSpCq
Larawan ng halimbawang Menu. Date Retrieved November 14, 2020.
http://Bit.ly/2If8ALj
Katangian at Kalikasan ng Menu ng Pagkain. Date Retrieved November 16, 2020.
http://bit.ly/2HE4rjN & http://bit.ly/36z3Ee.
Resipe ng Maja Blanca: Date Retrieved November 16, 2020. http://bit.ly/3lMB5OY

Resipe ng Lechon Paksiw: Date Retrieved November 16, 2020 https://bit.ly/38LX8Sx

11
EMELIE A TORO. Siya ay nagtapos ng kursong BSED na
nagpadalubhasa sa asignaturang Filipino mula sa Negros Oriental State
University sa taong 2014, Lungsod ng Dumaguete. Sa kasalukuyan,
siya ay nagtuturo sa Mataas na Paaralan ng Pulangbato, Bayan ng
Valencia, Lalawigan ng Negros Oriental.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like