You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon XI
SANGAY NG LUNGSOD NG DABAW
Lungsod ng dabaw
http//www.deped-davaocity.ph
Unang Lagumang Pagsusulit sa Filipino 12
PILING LARANG (TECH-VOC)
Taong-Panuruan: 2021-2022

Pangalan : ______________________________________________
Taon at Pangkat:___________________________________________
Iskor:____________

Panuto: Isulat sa inyong sagutang papel ang titik ng pinakaangkop na


sagot sa mga sumusunod na tanong.

1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tumutukoy sa pagsulat?


a.) Ang pagsulat ay isang anyo ng komunikasyon kung saan ang
kaalaman o mga ediya ng tao ay isinasalin sa pamamagitan ng mga
titik at simbolo. Ito ay nagbibigay-daan para maihayag ng mga tao ang
kanilang mga saloobin sa pamamagitan ng tekstuwal na pamamaraan.
b.) Ang pagsulat ay isang mental at pisikal na aktibidad na
isinasakatuparan para sa iba’t-ibang layunin. Ito ay mental na aktibidad
sapagkat pinapairal dito ang kakayahan na ng isang tao na mailabas
ang kanyang mga ediya sa pamamagitan ng pagsasatitik sa mga ito. Ito
naman ay matuturing na pisikal na aktibidad sapagkat ginagamitan ito
ng paggalaw ng kamay
c.) Ang pagsulat ay ang pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapan
ng maaring magamit na mapagsasalin ng mga nabuong salita, simbolo
at ilustrasyon ng isang tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang
kaisipan.
d.) Ang pagsulat ay basehan ng mga pagdedesisyon, naghahain ng isang
serbisyo o produkto, at nagbibigay instruksiyon sa mga mambabasa.

2. Ang mga sumusunod ay mga layunin ng isang sulating Teknikal-


bokasyunal. Alin ang HINDI nabibilang dito?
a.) Manghikayat
b.) Magsuri
c.) Magbigay ng impormasyon
d.) Magbigay ng aliw at kasiyahan sa mga mambabasa

3. Ito ay tumutukoy sa mga sulating ibinibigay sa isang indibidwal,


organisasyon upang ipabatid ang hangarin, impormasyon o datos na
makatutulong sa pagtamo ng layunin ng nagpapadala.
a.) Sulating Inter-Institusyonal b.) Sulating ukol sa produkto
c.) Sulating Pabatid-Publiko d.) Sulating ukol sa Pagkain

1
4. Naglalayong magpabatid ng impormasyon sa publiko sa layuning itanyag
ang isang produkto?
a.) Sulating interpersonal b.) Sulating ukol sa produkto
c.) Sulating interpersonal d.) Sulating promosyonal

5. Ang flyer / leaflet at brochure ay ilan lamang sa mga halimbawa ng


________________.
a.) Babala b.) Menu ng Pagkain
c.) Feasibility Study d.) Promotional Materials

6. Ito ang nagsisilbing pangunahing pinagkukuhanan ng impormasyon ng


mga tao hinggil sa nais kainin sa isang restawran.
a.) Menu ng Pagkain b.) Flyers/Leaflets
c.) Naratibong Ulat d.) Deskripsiyon ng Produkto

7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI isang promo material?


a.)Flyers b.) Leaflet
c.) Brochure d.) Manwal

8. Ito ay liham na tumutukoy sa pakikipag-ugnayang pasulat na may layuning


pag-usapan ang kapakanan ng kliyente at kumpanya.
a.) Liham-Pangnegosyo b.) Liham ng pagbati
c.) Liham ng pag-ibig d.) Liham pangkaibigan

9. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa Bating Pambungad?


a.) Nagmamahal, b.) Mahal na Bb.:
Lea
c.) G. Carlo Gutierrez d.) Lubos na gumagalang,
Punongguro Noah
BTS Academy
Lungsod ng Dabaw

10. Ito ay tumutukoy sa bahagi ng liham na nagsasaad kung saan at kailan ito
naisulat.
a.) Pamuhatan b.) Patunguhan
c.) Bating Panimula d.) Lagda

11. Ito ang bahagi ng liham na nagsasaad kung sino ang sumulat nito.
a.) Pamuhatan b.) Patunguhan
c.) Bating Panimula d.) Lagda

12. Nakalagay dito ang pangalan,posisyon at titulo ng sumulat


a.) Katawan ng liham b.) Lagda
c.) Patunguhan d.) Bating pangwakas

13. Ito’y pangalan ng kompanya,adres,telepono,fax.telefax at iba pa.


a.) Katawan ng liham b.) Lagda
c.) Patunguhan d.) Bating pangwakas

2
14.Tumutukoy ito sa mga sulating bunga ng iba’t ibang pag-aaral. Mahabang
panahon ang iginugol sa pananaliksik at bunga ito ng mga eksperimentong
ulat.
a.) Referensyal b.) Jornalistik
c.) Akademiko d.) Teknikal

15. Ito’y uri ng pagsusulat na masasabing paglalahad ng isang tao sa


kanyang mga naranasan at gusto pang maranasan sa buhay na nagbibigay
sa kanya ng magagandang alaala.
a.) Referensyal b.) Jornalistik
c.) Akademiko d.) Teknikal

16. Anong uri ng pagsulat ang tinutukoy kung ang saklaw nito ay ang pagsulat
ng editoryal, kolum, lathalain at iba pang akdang karaniwang makikita sa
pahayagan o magasin?
a.) Referensyal b.) Jornalistik
c.) Akademiko d.) Teknikal

17. Alin sa sumusunod ang HINDI katangian ng Teknikal na Pagsulat


a.) Ang daloy ng impormasyon ay simple at malinaw.
b.) Binibigyang-diin ang objective na paglalahad at walang
magkakaibang anyo ng interpretasyon ng mga salita,kayarian ng mga
pangungusap at sa organisasyon ng mga talata,deklaratibong
pangungusap na gumagamit ng panghalip panao sa ikatlong
panauhan.
c.) Binibigyang –diin ang faktwal na datos,istatistika at mga
elementong nasusukat sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang
graph.
d.) Ang pagbuo nito ay kinakailangan may pagkakapare-pareho o
istandardi

18. Anong katangian ng wika na dapat gamitin sa pagsulat ng manwal?


a.) Pormal b.) Di-Pormal
c.) Kaakit-akit d.) Matalinghaga

19. Alin ang tamang pagkakasunod- sunod sa hakbang sa pagbuo ng promo


materials?
1. Bumuo ng Tema
2. Paghandaang Mabuti ang Materyal na gagamitin
3. Alamin ang target market
4. Ilarawan lamang ang kayang gawin ng produkto
5. Isaalang-alang kung paano makaapekto sa mga kostumer
ang mga produkto o serbisyo.

a.) 1-2-3-4-5
b.) 3-2-1-5-4
c.) 1-4-2-3-5
d.) 5-4-2-3-1

3
20. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang TAMA sa pagbuo ng Flyers/
Leaflets?
a.)Kailangan maging maligoy at mabulaklak ang mga salitang
gagamitin sa paggawa ng flyers/ leaflets.
b.) May biswal na katangian
c.) Naisusulat ang mga tanong ng walang kasagutan.
d.) Hindi tiyak ang mga salitang ginamit.

21. Isa sa mga hakbang sa pagbuo ng promo materials na isinasaalangalang


ay ang potensyal na kostumer. Ang mga salitang may salungguhit ay
tinawag ring_____.
a.) Netizen b.) Target market
c.) Konsyumer d.) Citizen

22. Kalimitang ginagamit ang mga ito bilang handout, ipinamimigay upang
maipakilala ang isang produkto o taong ikinakampanya.
a.) Feasibility Study b.) Flyers/Leaflets
c.) Deskripsiyon ng Produkto d.) Menu ng Produkto

23. Ang flyer / leaflet at brochure ay ilang mga halimbawa ng


________________.
a.) Tesis b.) Pamanahonang Papel
c.) Promotional Materials d.) Disertasyon

24. Isa sa mga pangunahing layunin ng pagsulat ng flyer ang


_______________ ng mga mamimili.
s.) Mang-aliw b.) Manghikayat
c.) Magbigay ng Leksyon d.) Magbigay ng Puna

25. Ang _______________ ay kadalasang binubuo lamang ng isang


pahinang nagtataglay ng impormasyon tungkol sa isang produkto o serbisyo.
a ) Flyer/ leaflet b.) Poster
c.) Brochure d.) Newsletter

26. Ang _______________ ay kalimitang mas mahabang uri ng promotional


material at may pagkakahati-hati ng mga impormasyong nakalagay rito.
a ) Flyer/ leaflet b.) Poster
c.) Brochure d.) Newsletter

27. Naglalaman ang ______________ ng mas kakaunting teksto at mas


nakatuon sa larawan o ibig iparating na mensahe sa biswal na paraan.
a ) Flyer/ leaflet b.) Poster
c.) Brochure d.) Newsletter

28. Ito’y tumutukoy sa mga terminolohiyang pang-agham o ng mga


instrumentong ginagamit sa panteknolohiyang katawagan.
a ) Teknikal na katawagan b.) Termino
c.) Siyentipikong katawagan d.) Malikhaing katawagan

4
29. Mga salitang nabubuo nang walang sapat na batayan o hindi matukoy
ang pinagmulan. Kadalasan ito ay nagmumula sa kabataan.
a.) Salitang Likha b.) Salitang Likas
c.) Salitang Hiram d.) Salitang Hango

30. Ang mga salitang agham na nabubuo sa paghango sa isa o higit pang
salita ay tinatawag na ____.
a.) Salitang Likha b.) Salitang Likas
c.) Salitang Hiram d.) Salitang Hango

31. Hiniram nang buo ang salitang banyaga at inaaangkop ang bigkas at
ispeling sa ortograpiyang Filipino.
a.) Salitang Likha b.) Salitang Likas
c.) Salitang Hiram d.) Salitang Hango

32. Ang sumusunod ay mga halimbawa ng mga salitang hiram MALIBAN sa


isa.
a.) Design b.) Axe
c.) Bateri d.) Frame

33. Ang lahat ng nabanggit ay mga halimbawa ng salitang likas MALIBAN sa


isa ______
a.) Palakol b.) Buzzer
c.) Desinyo d.) Sirena

34. Alin sa mga pangungusap ang TAMA:


a.) Nagsibaba ang mga bata mula sa puno ng santol at tumakbo nang
makita ang pagdating ni Mang Kanor.
b.) Nagsibaba ang mga bata mula sa puno ng santol at
nagsipagtakbuhan nang makita ang pagdating ni Mang Kanor.
c.) Nangagsiligo sa dagat ang mga kapatid ko
d.) Ang sumpa sa harap ng altar ay panaling bumibigkas sa mag-
asawa.

35. Sa halip na gumamit ng erpat gamitin ang salitang ama, ano ang
alituntunin ang babagay sa pahayag na ito
a.) Paghango sa salitang katutubo
b.) Iwasan ang paggamit ng dinaglat na salita
c.) Iwasan ang mga salitang kolokyal
d.) Iwasan ang mga balbal na salita

36. Anong alituntunin ang dapat taglayin ng pahayag na ito “Sa halip na
gumamit ka ng salitang gurang, utol at buwang gamitin ang katutubong salita.
a.) Paghango sa salitang katutubo
b.) Iwasan ang paggamit ng dinaglat na salita
c.) Iwasan ang mga salitang kolokyal
d.) Iwasan ang mga balbal na salita

5
37.Sa halip na gamitin ang salitang ewan mas maiging gamitin ang aywan.
a.) Paghango sa salitang katutubo
b.) Iwasan ang paggamit ng dinaglat na salita
c.) Iwasan ang mga salitang kolokyal
d.) Iwasan ang mga balbal na salita

38.Anong alituntunin naman aangkop ang pahayag na ito: “Sa halip na KSP
ang gamitin ang buong salita na kulang sa pansin ang gamitin.
a.) Paghango sa salitang katutubo
b.) Iwasan ang paggamit ng dinaglat na salita
c.) Iwasan ang mga salitang kolokyal
d.) Iwasan ang mga balbal na salita

39. Makakatulong rin ang ______________ Filipino na gawing giya sa


pagsusulat.
a.) Ortograpiya b.) Palabaybayan
c.) Palabigkasan d.) Digrapo

40. Anong uri ng pagsulat na ang karaniwang katangian ay ang paggamit ng


mga teknikal na terminolohiya sa isang partikular na asignatura tulad ng
science o technology?
a.) Reperensyal b.) Teknikal
c.) Akademiko d.) Dyornalistik

6
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT
Answer Key sa Filipino 12

1. D 11.D 21.B 31.C


2. D 12.C 22.B 32.C
3. A. 13.C 23.C 33.B
4. D 14.A 24.B 34.B
5. D 15.B 25.A 35.D
6. A 16.B 26.C 36.A
7. D 17.D 27.B 37.C
8. A 18.A 28.A 38.B
9. B 19.B 29.A 39.A
10. A 20.B 30.D 40. B

Inihanda ni:

LEA MARIE SABROSO- GUTIERREZ


Subject Teacher

Iniwasto ni :

LYN VINCENT J. BALATERO, Ed D.


Head Teacher

VICENTE S. GAZO
Supervising Head

Inaprobahan ni: :

ENGR. ARMANDO S. MORALES


Cluster Head 8B PSDS

You might also like