You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN

(Filipino sa Piling Larang Tech-Voc)


Agosto 1, 2019

I. Mga Layunin

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaaasahang:

1. Naipapaliwanag ang kahulugan at kaibahan ng flyers at leaflets sa


ibang promotional materials.
2. Nakagagawa ng flyer o leaflet hinggil sa isang produkto o serbisyo.

II. Paksang Aralin :


Flyers o Leaflets

MgaKagamitan:

 Batayang aklat(Filipino sa Piling Larang Tech-Voc, Patnubayng


Guro)
 at kagamitang biswal, video clip, laptop, projector
https://www.slideshare.net/mrblueoflds

III. Pagpapalawak ng aralin

A. Paghahanda
1. Pagdarasal
2. Pagbati.
3. Pagsasaayos ng mga kagamitan.
4. Pagbabalik-aral.

B. Pagganyak

ll

MgaTanong:
1. Ano-ano ang mga larawan na inyong nakikita?
2. Saan kayo kalimitang nakakikita ng mga larawang naipakita?
3. Sa inyong palagay bakit ito ginagamit ng mga negosyante?
4. Ano ang nakapupukaw ng inyong atensyon sa tuwing kayoy
makakikita ng mga ganitong babasahin?
5. Ano kaya ang nais ipabatid ng mga babasahing ito?
C. Pagbasa

Ano nga ba ang kahalagahan ng flyers o leaflets?


Batay sa mga dalubhasa ito ay promosyon ng mga produktong
ipinakikilala sa merkado. Malaki ang naitutulong nito upang higit na
mapabilis na maipakilala ang kanilang produkto.

FLYERS O LEAFLETS
https://www.slideshare.net/mrblueoflds

Ang isang flyers o manlilipad na tinatawag din na isang pabilog, polyeto


ay isang anyong papel advertisement na nilayon para sa malawak na
pamamahagi at karaniwang naipost o ipinamamahagi sa isang
pampublikong lugar o sa pamamamagitan ng mail.Ito ay maaaring gamitin
ng mga individual sa mga negosyo, mga samahan, upang I promote ang
isang magandang produkto o serbisyo tulad ng isang restaurant. Ang flyers
ay isang murang paraan ng mass marketing o komunikasyon.
Ang flyer o leaflet ay kadalasang inililimbag sa isang pahina, kalimitang
ginagamitan ang mga ito bilang handout, ipinamimigay upang mapakilala
ang isang produkto, o taong ikinakampanya. Ginagamit din ito bilang
pabatid sa mga okasyon o bilang talaan ng mga impormasyon tungkol sa
isang bagong kainan.
Mahalaga ang flyer o leaflet ay makatawag pansin sa mga
nakakakita nito, nang sa gayon ay makamit ang layunin nitong
makapagbigay ng impormasyon hinggil sa isang produkto at makahikayat
ang mga ito, sabihin ding importante ang desenyo, konsepto at tekstong
nakapaloob sa gagawing promotional materials.Nakakaapekto ito sa
pagpukaw ng atensyon at sa magiging dating at tatak ng mga ito sa mga
makakakita.

Mga katangian at kalikasanng flyers at leaflets:

1. Direkta-Sigurado ang mga impormasyon at may direktang patutunguhanang bawat


salita.
2. Hindi maligoy –Walang mabulaklak na salitang ginagamit.
3. May katanungan at kasagutan - May tanong at may sagot din sa mga tanong.

4. May biswal na katangian –Ang mga biswal ay may ibat ibang hugis at disenyo

5. Makulay – Gumagamit ng mga kulay upang sa mga sulat at mga disenyo


Pag-unawa sa binasa
6. May kontak at logo – Nakalagay ang mga kontak na numero upang maari silang
tawagan Sagutin ang
at maaring mga sumusunod
makipag-ugnayan sana tanong:
kanila kung may iba pang mga
katanungan.1. Ano ang flyers o leaflets?
2. Paano ito naiiba sa iba pang promotional materials?

D. Pagpapayaman ng Talasalitaan
Ano-ano ang mga naiisip ninyo kapag nakabasa o nakakita
ng isang flyers? Isulat ang mga salita at pag-usapan ninyo ng
iyong katabi ang inyong ginawa.

E. Mga Gawain
1. Gamit ang grapik organayser isa-isahin ang mga katangian ng flyers o
leaflets.

2. Mula sa mga katangiang nabanggit, pumili ng isa at ipaliwanag sa


klase.

IV. Pagtataya

Pangkatin sa lima ang mag-aaral at gumawa ng halimbawa ng flyer


o leaflet hinggil sa isang bagong produkto na iindorso
Rubriks sa Paggawa ng Flyers o Leaflets

Mahusay Bahagyang Hindi


Pamantayan Na Nakasunod nakasunod Nakasunod
nakasunod

(20 puntos) (15 puntos) (10 puntos) (5 puntos)

1.nakasunod sa
dereksyon
2.layout
3.ilustrasyon
4.ayos ng
pagkakagawa
5.nilalaman

V. Takdang Aralin

Gamit ang Thinking Caravan dugtungan ang mga sumusunod na


pahayag. Isulat sa dyornal bilang repleksyon sa napag-aralan.

Inihanda ni:

Ronamay S. Sibayan
Guro II

You might also like