You are on page 1of 10

LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO

FILIPINO SA PILING LARANG (Teknikal-Bokasyunal)

Pamantayang Pangnilalaman: Naisasagawa ang kaalaman at kasanayan


sa wasto at angkop na pagsulat ng piling anyo ng sulatin

Pamantayan sa Pagganap: Nakasusulat ng 4-6 piling sulating teknikal-


bokasyunal

Mga kasanayang Pampagkatuto: Naiisa-isa ang mga hakbang sa


pagsasagawa ng mga binasang halimbawang sulating teknikal-bokasyunal
CS_FTV11/12PB-Og-i-106
I. LAYUNIN
1. Natutukoy ang mensahing nakapaloob sa mga
paunawa/babala/anunsyong makikita sa mga pampublikong lugar
2. Natatalakay ang mga hakbang sa pagsulat ng paunawa/babala/anunsyo
3. Nakasusulat ng halimbawang paunawa/babala/anunsyo
4. Nailalahad ang pagkakatulad at pagkakaiba ng paunawa/babala/anunsyo

II. PAKSA
Pagsulat ng Paunawa/Babala/Anunsyo

Sanggunian:
Filipino sa Piling Larang (Tech-Voc)
Ni Maureen Carasig et al, ph.139-140
Anunsyo at Babala – slideshare
https://www.slideshare.net
https://www.google.com.ph/search?q=babala

KAGAMITAN
Laptop/LCD/nakalap na materyal mula sa google

III. PROSESO NG PAGKATUTO


A. PAGGANYAK
Palaro: Ipasa mo ang ball at hulaan nya ang picture
Paraan: Magbibigay ang guro ng bola sa mag-aaral na nakaupo sa unang
upuan sa harapan. Sa saliw ng masiglang tugtog ay ipapasa ang bola sa
katabing kaklase at magpapatuloy ang pagpapasa hangga’t hindi itinitigil
ng guro ang tugtog. Ang maaabutan ng paghinto ang siyang huhula sa
mensaheng inihahatid ng ipakikitang larawan ng mga
babala/anunsyo/paunawa na makikita sa mga pampublikong lugar.
Ibigay ang mensaheng ipinahahatid ng ss. na larawan:
B.

B. PAG-UUGNAY NG GINAWA SA ARALIN


1. Batay sa mga hinulaang larawan ay pagsasamahin ng mga mag-aaral
ang magkakatulad ng mensaheng inilalahad at tutukuyin kung ano
ang tawag sa mga ito. (Mayroong nakaprint na kopya na ididikit sa
pisara)

PAUNAWA BABALA ANUNSYO


2. Matapos ang gawain ay
papangkatin ang klase sa tatlo bilang paghahanda
sa pangkatang gawain sa ikalawang araw. Magkakaroon ng
kasunduan ang guro at mga mag-aaral na magdadala ang bawat
pangkat ng tig-isang laptop, wifi/cellphone na nakamobile data sa
susunod na araw. Kung walang E-media ang mga mag-
aaral/guro/paaralan ay hihiram ang bawat pangkat ng aklat sa silid-
aklatan ng paaralan o di kaya ay ang guro magdadala ng sangguniang
aklat. (Para lamang ito sa mga paaralang nasa liblib na pook at hindi
pa naaabot ng E-media)

C. PAGPAPALAWAK NG GAWAIN/PAGTALAKAY
Gawain 1. Laro: Minutes to win it! (5 minuto)
Pangkatang Gawain: Papangkatin ang klase batay sa paksang tatalakayin
Pangkat 1: Paunawa
Pangkat 2: Babala
Pangkat 3: Anunsyo
Mekaniks ng Laro
Ang laro ay binubuo ng apat na yugto. Sa bawat yugto ay mag-uunahan ang
bawat pangkat sa paghanap sa google at pagsasaayos ng mga kaalaman
hinggil sa paksang naiatang sa kanila sa loob lamang ng limang minuto. Upang
matukoy kung aling pangkat ang nauna ay nararapat na maipost kaagad sa
pisara o laptop ang nakalap na kaalaman.
Unang round: Kahulugan
Ikalawng round: Katangian
Ikatlong round: Mga halimbawa
Ikaapat na round: Paraan/hakbang sa pagsulat

Pangkat Pangkat 1 Pangkat 2 Pangkat 3


Unang round
Ikalawang round
Ikatlong round
Ikaapat na round
Paraan ng pagpupuntos
Unang makatatapos – 5pts.
Ikalawang makatatapos - 4pts.
Ikatlong makatatapos 3pts.

D. PAGLALAPAT
Pangkatang gawain
Gamit ang mga kaalamang natutuhan sa isinagawang laro ay bubuo ng tig-
apat na halimbawa ang bawat pangkat ayon sa paksang naiatang sa kanila.
Pangkat 1: Paunawa
a. Mayroong pagbabago sa petsa ng pagkuha ng card ng mga
mag-aaral
b. Mayroong pagbabago sa patakaran ng panghihiram ng aklat sa
library
c. Pansamantalang pagsasara ng kalye dahil sa konstruksiyon ng
kalsada
d. Hindi magbubukas ng tindahan dahil magsasagawa ng
imbentaryo ng mga paninda
Pangkat 2: Babala
a. Babala upang mag-ingat sa mga mandurukot
b. Babala sa labis na paggamit ng computer
c. Babala sa paggamit ng paputok tuwing bagong taon
d. Babala sa mga kaskaserong driver sa mga lugar na madalas
ang aksidente
Pangkat 3: Anunsyo
a. Anunsyo ng suspensyon ng klase dahil sa bagyo
b. Panawagan ukol sa gaganaping patimpalak sa buwan ng wika
c. Anunsyo sa isasagawang deworming sa mga mag-aaral
d. Panawagan para sa gagawing clean-up drive ng DOH

Rubrik ng Pagmamarka

5pts 4pts 3pts


Nakapupukaw ng atensyon ng mambabasa
Simple at madaling maunawaan
Gumamit ng infographics
Makabuluhan
Kabuuang marka

E. PAGLALAHAT
Gamit ang Ven Dayagram ay ilalahad ng mga mag-aaral ang pagkakatulad at

PAGKAKAIBA PAGKAKAIBA
PAUNAWA ANUNSYO

PAGKAKAIBA
BABALA
pagkakaiba ng paunawa, babala, at anunsyo.

PAGKAKATU
LAD

F. PAGTATAYA
Suriin ang mga larawan. Tukuyin kung ito ay paunawa, babala o anunsyo
at ilahad ang mensaheng ipinararating. Isulat ang sagot sa ¼ na papel.
1.

2.
3.

4.

5.

6.

7.

8.
9.

10.

G. Takdang Aralin
Sumulat sa inyong kwaderno ng tig-iisang halimbawa ng paunawa, babala
at anunsyo.

Inihanda ni:

Gng. Grace L. Atienza


Guro – III
Sapang Palay National High School
City of San Jose del Monte, Bulacan

You might also like