You are on page 1of 1

Mahabang Pagsusulit sa Filipino sa Piling Larang (Tech-Voc)

I. Piliin ang tinutukoy ng mga sumusunod na tanong.

1. Isang anyo ng papel na advertisement na nilayon para sa malawak na pamamahagi at karaniwang nai-post o
ipinamahagi sa isang pampublikong lugar o sa pamamagitan ng mail.
a. Leaflets b. Flyers c. Posters d. T-shirts
2. Nakaprinta sa sangkapat na papel minsan nakatupi, naglalaman ng impormasyon o advertisement at karaniwang
ipinamamahagi ito ng libre.
a. Leaflets b. Flyers c. Posters d. T-shirts
3. Kalimitan ding nakatupi sa tatlong bahagi ang mga ito na siyang nagtatakda ng pagkakahati-hati ng mga
impormasyong nakasulat dito at kalimitang mas mahaba sa isang pahina.
a. Brochures b. Custom Packaging c. Posters d. T-shirts
4. Ito ay dinisenyo na nagpo-promote ng isang tukoy na produkto, serbisyo o kaganapa. Ito ay nasa mas malaking
sukat na kalimitang ipinapaskil sa mga pampublikong lugar kung saan ito mabilis makita.
a. Brochures b. Posters c. Social Media d. T-shirts
5. Ito ay isang natatanging paraan ng pag-advertise ng isang tiyak na produkto, serbisyo, kaganapan o lamang ng
iyong kumpanya sa pangkalahatan na isinusuot sa katawan.
a. Brochures b. Custom Packaging c. T-shirts d.Tagline
6. Ang disenyo ng package o mga pabalat ay nagbibigay ng pinakamahalagang aspeto ng iyong produkto sa mga
customer at nagbibigay-daan ito upang tumayo mula sa iba.
a. Brochures b. Custom Packaging c. Posters d. T-shirts
7. Ito ay isang maikling sulatin na ginagawa para sa pagbebenta ng mga produkto para sa isang negosyo.
a. Deskripsyon ng Produkto d. Dokumentasyon ng Produkto c. Patalastas d.Tagline
8. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng promotional materials?
a. Flyers b. Posters c. T-shirs d. Paalala
9. Isang espesyal na produkto na ginagawa sa larangan ng negosyo
a. Promotional Materials b. Patalastas c. Palabas d. Social Media
10. Alin sa mga sumusunod ng anyo ng promosyon ang hindi pumapatungkol sa “Public Relations”
a. Magazine b.. Telebisyon c. Interview d. Facebook

II. Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap sa ibaba. Isulat ang PAGSULAT kung wasto ang pahayag at
LARANG kung mali ang isinasaad ng pahayag.

11. Sa pagbuo ng flyers mahalagang nakalagay ang mga kontak na numero upang maari silang tawagan at maaring
makipag-ugnayan sa kanila kung may iba pang mga katanungan.
12. Hindi dapat na makulay ang flyers at maraming disenyo sapagkat maari itong magdulot ng pagkalito sa mga
mambabasa.
13. Ginagawa ang promotional materials upang makaakit ng mga potensiyal na kostumer.
14. Kinakailangang gumawa ng tema at tagline na angkop sa layunin ng promosyong isinasagawa.
15. Maaring maglagay ng mga hindi makatotohanang pahayag sa mga pasulat na patalastas gaya sa flyers o posters
upang mas makaakit pa ng mga customer.
16. Sa promosyon, isaisip ang reputasyon at imahen ng kompanya habang iniaakma ang mga gawain sa target na
market.
17. Mahalaga ang deskripsiyon ng produkto upang maipakita sa mamimili na ang produkto ay akma sa kanilang
mga pangangailangan.
18. Higit na mainam kung wala ng deskripsyon ng produkto dahil hindi naman ito nakakaapekto sa pagpili ng mga
kostumer.
19. Sa pagsulat ng deskripsyon ng produkto dapat na mang-akit sa pamamagitan ng mga benepisyo.
20. Mahalaga sa larangan ng kalakalan o negosyo ang paglalagay ng deskripsyon ng produkto dahil sa napakalas ang
kompetensiya ng iba’t ibang kompanya

III. Ipaliwanag ang mga sumusunod.


21-23. Bakit mahalaga ang paglalagay ng deskripsyon sa mga produkto?
24-25. Kung ikaw ay isang negosyante, aling promotional materials ang iyong gagamitin upang makahikayat ng mga
kostumer?

You might also like