You are on page 1of 5

ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay mga nobelang isinulat ng ating

Pambansang Bayani na si Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo


Realonda. Ano nga ba ang pagkakaiba ng dalawa sa iba't ibang kaligiran?

Simulan natin sa pamagat at kung sino/ano ang nakapagimpluwensya sa


pagsulat ng dalawang nobela.

>Noli Me Tangere- "Huwag Mo Akong Salingin" na galing sa ebanghelyo ni


San Juan Bautista.

> Ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa


"Uncle Tom's Cabin" ni Harriet Beacher Stowe, na pumapaksa sa
kasaysayan ng mga aliping Negro sa kamay ng mga panginoong putting
Amerikano. Inilarawan dito ang iba't ibang kalupitan at pagmamalabis ng
mga Puti sa Itim. Inihambing niya ito sa kapalarang sinapit ng mga Pilipino
sa kamay ng mga Kastila.

>El Filibusterismo- "Ang Subersibo" na isinulat niya para sa kaibigan


niyang si Ferdinand Blumentrit.

>Ang "El Filibusterismo" naman ay buong puso niyang inalay sa tatlong


pareng martir na lalong kilala sa bansag na GomBurZa.

Pangalawa: Saan naisulat ang mga nobela?

>Noli- Sinimulan ito sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng medisina.


Nang makatapos ng pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon
ipinagpatuloy ang pagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni Rizal ang huling
bahagi ng nobela.

>El FIli- Sinimulan niya ito sa Calamba, Laguna habang nagpapraktis ng


medisina. Itinuloy niya ito sa London at gumawa ng napakaraming
pagbabago sa plot at ipinagbuti pa ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy
niya ito sa Paris, Madrid, Brussel at natapos sa Biarritz.

Pangatlo: Saan Nailimbag ang mga nobela

>Noli- Sa Impentra Lette nailimbag ang Noli na ipinautang ni Dr. Maximo


Viola.

>El Fili- Isang Nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang
nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag ang aklat noong
Setyembre 22, 1891.

Pang-apat: Iba't ibang pagkakaiba ayon sa aking pagsasaliksik.

Gaya ng sinasabi ng marami, para sa akin ay talagang mas angat sa mga


katangiang pampanitikan at panlipunan ang Noli Me Tangere kaysa sa El
Filibusterismo. Tulad ng Noli Me Tangere, ang El Filibusterismo ay may
layuning panlipunan. Ang dalawang nobelang ito ay kapwa bunga ng isang
uri ng pagbabangon sa katauhan ng bayani, na noong panahong iyon ay
maituturing na isang matapang na hakbang sapagkat alipin ang mga
Pilipino.
Ngunit kakaiba sa Noli Me Tangere, ang paghahain ng katotohanan sa El
Filibusterismo ay naglalayong ang bayan ay magising at maghimagsik, at
hindi upang mangarap lamang ng pagbabago. Sa Noli ay may pangarap,
may ganda, may damdamin ng pag-ibig, may awa. Sa Fili ay walang
madarama kundi ibayong poot, kapaitan na tumitigid sa bawa't munting
bahagi ng aklat, na bahagi ng bawat karanasan ng mga mahahalagang
tauhan ng nobela.

Sa unang bahagi pa lamang ng nobela ay madarama na ang bumabasa


ang tumutupok na damdamin ng pagbabangon. Ito ay kinakatawan ng
mayamang mag-aalahas na si Simoun na nilalason ang puso ng layuning
gisingin ang bayan upang makapagbangon laban sa pamahalaan. Muling
nabuhay si Crisostomo Ibarra ng Noli sa katauhan ni Simoun sa Fili hindi
upang mabuhay na muli ang kanyang sinasagisag na ideyalismo, ang
kanyang magagandang pangarap sa buhay at pag-ibig. Sa kanyang
pagkabuhay, namatay ang katauhan ng isang baguntaong matapos mag-
aral nang mahabang panahon sa Europa ay nagnasang magpunla ng
pagbabago sa bayan, hindi dahil sa pag-ibig sa bayang inaalipin kundi
udyok ng mga dahilang pansarili. Ayon nga sa mananalaysay na si Rafael
Palma, "Si Crisostomo Ibarra ng Noli ay hindi katulad ni Simoun ng Fili. Si
Ibarra ay nagtitiwala, naghihintay at umiibig. Si Simoun ay hindi na
napapadaya, hindi nagtitiwala at napopoot. Si Crisostomo Ibarra ay
humihiling na pagbabago, lumalapit sa katarungan at sa kabutihan ng
pamahalaan. Si Simoun ay hindi humihiling bagkus nagmamalupit,
bumubulok, nagpapabangon sa karahasan, sumisira at nagpapakamatay."

Madaling maunawaan kung bakit may malaking agwat ng pagbabago sa


pagitan nina Crisostomo Ibarra ng Noli at Simoun ng Fili. Ang kondisyon ng
isip ni Dr. Jose P. Rizal ang magpapaliwanag nito. Maraming malulungkot
na karanasan at mapapait na kabiguan ang dinadanas ng ating bayani
samantalang sinusulat niya ang El Filibusterismo, at ang mga iyon ay ang
mga sumusunod: 1) ang pagmamalupit ng mga paring Dominiko sa mga
magsasaka ng Calamba at sa kanyang pamilya; 2) ang pagkamatay ng
dalawang Pilipino sa Madrid na sina Felicisimo Gonzales at ang kaibigan
niyang si Jose Maria Panganiban; 3) ang away nina Dr. Jose Rizal at
Antonio Luna dahil sa isang babae, si Nelly Bousted; 4) ang tunggalian sa
pagitan nina Dr. Jose Rizal at Marcelo H. del Pilar sa pamumuno ng
Samahan ng mga Kastila at Pilipino; 5) at ang pinakamatindi, ang
pagpapakasal ng kanyang kasintahang si Leonor Rivera sa isang
inhinyerong Inggles na si Henry C. Kipping.Sa gitna ng mga ganitong
kabiguan, kanino kayang puso ang hindi magkakawindang-windang?
Gayunman, natapos pa ring isulat ni Dr. Jose P. Rizal ang El Filibusterismo
at maluwalhating naipalimbag.
Ngayon, bakit dapat basahin ng mga Pilipino sa kasalukuyang panahon
ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo? Ano ba ang mapapala natin sa
dalawang aklat na ito?

Una, mataas na uri ng panitikan ang dalawang aklat na ito, partikular na


ang Noli. Pangalawa, wala nang iba pang nobelang sinulat tungkol sa
lipunan at lahing Pilipino na may sinlawak at singlalim na pagtalakay na
tulad ng sa Noli at Fili. Pangatlo, magsisilbi itong salamin upang makita
natin ang tunay nating mukha bilang mga Pilipino dahil ang kanser noon ng
ating lipunan ay kanser pa rin nating mga Pilipino sa kasalukuyang
panahon. Napapanahon pa rin ang mga paksa dito, akma sa ating
kalagayan at angkop sa ating sitwasyon. Pang-apat, tigib ito ng mga sindi
ng pag-ibig sa bayan na magpapalagablab ng ating nahihimbing na
damdaming makabayan.

You might also like