sa Calamba nang magbalik siya sa Pilipinas. Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat nito sa Madrid, Paris at Brussels. Noong Marso 29, 1891, pagkatapos ng tatlong taon, natapos ni Rizal ang manuskrito nito sa Biarritz, isang lungsod sa Pransiya. Noong Hulyo 5, 1891, si Rizal ay nagtungo ng Ghent, isang kilalang unibersidad sa Belgium, sa dalawang dahilan: una, upang doon ipalimbag ang nobela sa kadahilanang higit sa mababa ang halaga ng pagpapalimbag sa Ghent at ikalawa, upang iwasan si Suzanne Jacoby. Sa tahanan nina Suzanne tumira si Rizal nang siya ay nasa Brussels, Belguim dahil sa mataas na uri ng pamumuhay sa Paris. Dito niya nakilala sina Jose Alejandro at Edilberto Evangelista, mga mag-aaral ng pagkainhinyero sa Unibersidad ng Ghent. Si Alejanro ang nakasama ni Rizal sa isang maliit na silid na kanilang inupahan dahil sa mababang halaga ng upa nito upang makatipid. Noong Setyembre 18, 1891, ipinalimbag ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo sa F. Meyer Van, Loo Press dahil sa ito ang nag-alok sa kanyang ng pinakamababang halaga sa pagpapalimbag ng kanyang nobela bukod pa sa maaari niya itong bayaran nang hulugan. Ngunit sa kabila nito, nakaranas pa rin ng kakulangan ng pondo si Rizal kung kaya’t pagpapalimbag ay natigil. Ang kinita niya sa pagsanla niya ng kanyang mga alahas, ang dalawang daang pisong pinagbilhan niya ng mga kopya ng Sucesos del las Isla Filipinas ni Morgan bukod pa sa ipinadadalang pera ni Jose Maria Basa sa kanya ay hindi nakasapat sa pagpapalimbag. Ang naging kalagayan ni Rizal sa pagpapalimbag ng El Filibusterismo ay nakarating kay Valentin Ventura at siya ay kaagad na nagpadala ng pera. Dahil sa tulong pinansyal ni Valentin Ventura, natapos ang pagpapalimbag ng nobela. Si Rizal ay kaagad na nagpadala ng dalawang kopya ng kina Basa at Sixto Lopez sa Hong kong pagkatapos mailimbag ang nobela. Ang orihinal ay na manuskrito na may dedikasyon at sarili nitong lagda ay ipinadala niya kay Valentin Ventura sa Paris bilang tanda ng kanyang pagtanaw ng utang na loob at pasasalamat. Bukod kina Basa, Lopez, at Ventura, si Rizal ay nagpadala rin ng kopya sa kanyang mga kaibigang sina. Blumentritt, Mariano Ponce, Graciano Lopez Jeana, T. H. Pardo de Tavera, Antonio at Juan Luna, at marami pang iba na nagbigay ng kanilang papuri sa kagandahan ng nobela. Dahil sa kagandahan ng nobela, ito ay hinangaan sa loob at labas ng Pilipinas. Bilang patunay, ang pahayagang la Publicidad ng mga Filipino sa Barcelona ay naglathalang papuri ukol sa nobela. Bukod pa rito, ito ay inilathala nang kaba- kabanata sa El Nuevo Regime, pahayagan ng Madrid, noong Oktubre 1891. Ang nobelang El Filibustemos ay inihandog ni Rizal sa tatlong Sina Padre Gomes, Padre Burgos, at Padre Zamora, Sa kanila inihandog ni Rizal ang nobela sa kadahilanang hindi maalis sa kanyang isipan ang kawalan ng katarungan ng kanilang kamatayan. 1. Simoun – ang mayamang mag- aalahas. 2. Basilio – ang anak ni Sisa, nakapag-aaral ng Medisina sa tulong ni Kapitan Tiago. 3. Isagani–ang pamangkin ni padre florentino at kasintahan ni paulita gomez. 4. Placido Penitente - isang matalinong mag- aaral na taga-tanauan,batangas, nabigo sa kanyang inaasahang sistema ng edukasyon sa Maynila. 5. Padre Salvi – ang Franciscano na dating kura ng San Diego. 6. Padre Sibyla- ang Bise-Rektor ng Unibersidad ng Sto. Tomas. 7. Padre Camorra – ang kura-parako ngkumbento ng tiani na ngtangkang pagsamantalahan si huli; paring mukhang artilyero. 8. Padre Irene- ang tumulong sa mga mag-aaral na maitatag ang akademya ng wikang kastila. 9. Padre Florentino- ang paring amain ni Isagani. 10. Padre Fernandez- ang paring may kakaibang ugali sa mga ibang kaparian at tinitingala ni isagani. 11. Paulita Gomez- ang pamangkin ni Doña Victorina at kasintahan ni Isagani. 12. Huli- anak na bunso ni kabesang tales at Kasintahan ni Basilio. 13. Doña Victorina- asawa ni Don Tiburcio de Espadaña at tiyuhin ni Paulita Gomez. 14. Kabesang Tales-ang Ama ni Huli,naghimagsik dahil sa pangangamkam ng mga pari sa lupang kanyang pinaghirapan. 15. Tata Selo- ang ama ni kabesang Tales at lolo ni Huli. 16. Don Custodio-ang kastilang opisyal ng pamahalaan na nagpapalagay na siya lamang ang nag-iisip sa Maynila. 17. G. Pasta - ang mananananggol na Pilipino na tumangging tumulong sa mga mag-aaral. 18. Ben Zayb- ang mamamahayag na kastila na hindi patas ang kanyang pagsulatng balita. 19. Quiroga- ang intsik na naghahangad na magkaroon ng konsulado sa pilipinas. 20. Mr. Leeds - ang Americanong nagpapalabas ng ulong pugot. 21. Juanito Pelaez -ang anak ng isang mayamang mangangalakal na pinakasalan ni Paulita Gomez. 22. Macaraig - ang mayamang mag-aaral na nangunguna sa pagnanais na makapag-patayo ng akademya ng wikang kastila. 23. Sandoval- isang kastilang mag-aaral nakiisa sa mga pilipinong mag-aaral na maitayo angakademya ng wikang kastila. 24. Hermana Penchang - ang nagpahiram ng pantubos kay huli bilang kapalit ng kanyang pangangatulong. 25. Hermana Bali - ang tumulong kay huli upang makalaya si basilio. 26. Pecson - ang mag-aaral na walang kamuwang-muwang sa mga pangyayari sa kanyang paligid. 27. Pepay -ang mananayaw na kalaguyo ni Don Custodio. 1. Kanino inihandog ni Rizal ang kanyang nobelang El Filibusterismo? 2. Buwan at taon sinumulang isulat ni Rizal ang El Filibusterismo? 3. Kanino ibinigay ni Rizal ang orihinal na manuskrito na may dedikasyon at sariling lagda nito? 4-5. Bakit nagtungo si Rizal ng Ghent ibigay ang dahilan? 6. Saan ipinalimbag ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo? 7. Saan lungsod sa Pransiya natapos ni Rizal ang kanyang manuskrito? 8. Kailan naipalimbag ni Rizal ang kanyang nobelang El Filibusterismo? 9-10 Kanino ibinigay ni Rizal ang dalawang kopya matapos ang mailimbag ang nobela? MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG!!!