You are on page 1of 25

KALIGIRANG

PANGKASAYSAYAN
NG EL FILIBUSTERISMO
Ang El Filibusterismo o “Ang
Pilibusterismo” ay nangangahulugang
ang pagahahari ng kasakiman . Ito
ang nobelang kasunod ng Noli Me
Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.
Ito ay inalay niya sa tatlong paring
martir na sina Gomez, Burgos, at
Zamora na mas kilala sa tawag na
GomBurZa.
Ang orihinal na manuskrito nito ay nakalimbag sa wikang Kastila.
Sinimulan niya ang akda noong Oktubre 1887 habang
ipinagpapatuloy niya ang pag-aaral sa kursong Medisina sa
Calamba.
Gumawa siya ng malaking rebisyon ng
nasabing nobela sa London noong 1888 at
lalo pa niyang ipinagbuti ang bawat
kabanata. Ipinagpatuloy niya ang pagsulat
nito sa Paris, Madrid, at Brussels, at
natapos niya ito noong Marso 29, 1891 sa
Biarritz.
Maraming kasawian ang naranasan ni Jose Rizal at ng kaniyang
mga kamag-anak dahil sa pagkakalathala ng Noli Me Tangere. Sa
kaniyang pagbabalik sa bayan noong Oktubre 1887, maraming
suliranin sa lupa ang mga magsasaka sa Calamba.
Umalis si Rizal sa Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa mga
banta sa kaniyang at maging sa kaniyang kamag-anakan. Dahil sa
sobrang dami ng mga liham na natanggap ni Rizal na walang mga
lagda, pinayuhan siya ng Gobernador na bumalik sa Pilipinas.
Habang naglalakbay, isang sulat ang ipinadala niya kay Blumentritt
na naglalaman ng:
“Lahat ng mga punong panlalawigan at mga arsobispo ay naparoroon sa Gobernador
Heneral araw-araw upang ako’y ipagsumbong. Ang buong ahente ng Dominiko ay
sumulat ng sumbong sa mga alkalde na nakita nila akong lihim na nakikipagpulong sa
mga babae at lalaki sa itaas ng bundok. Totoong ako’y naglalakad sa bundok kung
bukang-liwayway na kasama ng mga lalaki, babae, at bata upang damhin ang
kalamigan ng umaga ngunit laging may kasamang tenyente ng guwardiya sibil na
marunong managalog…

Inalok ako ng salapi ng aking mga kababayan para lisanin ang pulo. Hiniling nila ang
mga bagay na ito hindi lamang sa aking kapakanan kundi sa kanila na rin sapagkat
marami akong kaibigan at kasalamuha na maaaring ipatapon kasama ko sa Balabag o
Marianas. Dahil dito kahit may kaunting karamdaman, ako dali-daling nagpaalam sa
aking pamilya.”
Sa kabila ng pag-uwi ni Rizal hindi siya tinigilan ng mga
usapin at suliranin. Patuloy na inusig ang kaniyang pamilya
sa usaping lupa ng mga Mercado-Rizal hanggang umabot
ito sa kataas-taasang hukuman ng Espanya. Marami pang
pasakit ang naranasan ni Rizal, naipaalam niya ito sa
pamamagitan ng isang liham na kaniyang ipinadala kay
Jose Maria Basa.
“Ako’y nanghihinawa na sa paniniwala sa ating mga kababayan. Parang
sila’y nagkakaisa upang maging mapait ang aking buhay; pinipigilan nila
ang aking pagbabalik, nangakong bibigyan ako ng tustos, at pagkatapos na
gawin sa loob ng isang buwan ay kalilimutan nang muli ako… Naisanla ko
na ang aking mga alahas, nakatira ako sa isang mumurahing silid,
kumakain ako sa mga pangkaraniwang restawran upang makatipid at
mailathala ko ang aking aklat. Hindi naglao iyon, ititigil ko kung walang
darating sa aking salapi. A, sasabihin ko sa iyong kung hindi lamang sa iyo,
kung hindi lamang ako naniniwalang may mga mabubuti pang Pilipino, nais
kong dalhin ang aking mga kababayan at lahat sa demonyo…”
Ang kagipitan sa pananalapi ni Jose Rizal ay umabot kay
Valentin Ventura na agad nagpadala sa kaniya ng panustos
upang maipagpatuloy ang paglilimbag ng nobela.

Setyembre 18, 1891, sa Ghent


Belgium, sa F. Meyer Van Loo Press
natapos ang pag-iimprenta ng
nobelang El Filibusterismo na inaalay
sa tatlong paring martir na si Gomez,
Burgos, at Zamora.
Agad nagpadala ng kopya si Rizal kina Sixto Lopez sa
Hongkong. Ang orihinal na manuskrito ay ipinadala kay
Valentin Ventura sa Paris bilang tanda ng kaniyang
pagtanaw na utang na loob at pasasalamat.

Nakatanggap din ng kopya sina Ferdinand Blumentritt,


Mariano Ponce, Graciano Lopez Jaena, T. H. Pardo de
Tavera, Antonio at Juan Luna at iba pang mga kaibigan ni
Rizal.
FERDINAND GRACIANO
SIXTO LOPEZ MARIANO PONCE
BLUMENTRITT LOPEZ JAENA

T.H. PADRO DE
ANTONIO LUNA TAVERA JUAN LUNA
Dahil sa kagandahan ng nobela umani ito ng papuri sa
iba’t ibang bansa. Inilathala ito ng kabanata kada kabanata
sa pahayagan na El Nuevo Regimen sa Madrid noong
Oktubre1891. Naglathala naman ang pahayagang La
Publicidad, isang pahayagang Pilipino sa Barcelona ng
papuri ukol sa nabanggit na nobela.
MGA TAUHAN SA
EL FILIBUSTERISMO
Simoun – mayamang mag-
aalahas, pinakamagaling Indiyong
Ingles, Amerikano, Mulatao,
Portuges, at Cardinal Moreno.

Isagani – isang binatang may


matayog na isipan, makata at
katipan ni Paulita Gomez.
Paulita Gomez – katipan ni
Isigani, mayaman, maganda,
pamangkin ni Donya Victorina.

Basilio – isang binatang nakapag-


aral ng Medisina dahil sa sariling
sikap.
Juli – katipan ni Basilio, anak ni
Kabesang Tales, nagpaalila upang
matubos ang ama.

Padre Camorra – paring mukhang


artilyero.
Padre Salvi – tinatawag na
moscamuerto o patay na
langaw.

Padre Sibyla – vice rector ng


Unibersidad.
Padre Irene – kaibigan at tagapayo
ni Kapitan Tiyago, namamahala sa
pagpapatayo ng Akemdya ng Wikang
Kastila.

Padre Fernandez – may


kakaibang pangangatuwiran,
kaiba sa kapwa pari.
Kabesang Tales – naging Cabeza de Barangay
dati’y isang tahimik na tao, ngunit naging
angkinin ng korporasyon ng mga prayle ang
lupang sinasaka ay sumama sa mga tulisan

Padre Florentino – amain ni


Isagani.
Ginoong Pasta – isang abogadong
sanggunian ng mga prayle kung may suliranin,
pinagsangunian din ng mga estudyante
tungkol sa pagpapatayo ng Akademya.

Don Custodio – pinakamasipag


sa lahat ng nagpapalagay,
kilalasa tawag na Buena Tinta.
Donya Victorina – Pilipinang kumikilos at
umaasal na tulad ng isang tunay na Espanyola
at itinuturing na mapait na dalandan ng
kaniyang asawa.

Ben Zayb – manunulat at


mamahayag.
Quiroga – kaibigan ng mga prayle,
naghahangad na magkaroon ng
konsulado ng mga Intsik.

Don Timoteo Pelaez – isang


negosyante, masuwerteng nakabili
ng bahay ni Kapitan Tiyago, ama
ni Juanito.
Mataas na Kawani – ang nagmamalasakit
sa mga Pilipino na kawani ng pamahalaang
Kastila; katunggali ng Kapitan Heneral sa
pagpapalaya kay Basilio.

Kapitan Heneral – ang


pinakamataas na pinuno ng
bayan, sugo ng Espanya, malapit
na kaibigan ni Simoun.
Hermana Penchang – ang manang
na umampon kay Juli na ginawang
katulong ang dalaga; mahilig sa
pagpaparami ng indulgencia

Placido Penitente – nag-aaral ng abogasiya.


Magaling sa Latin, pinakamatalino sa bayan
ng Batangas, hindi nagiliwan ng mga
propesor kaya binalak nang huminto sa pag-
aaral.
Macaraig – mayamang mag-aaral
at isa sa pinakamasigasig
nakipaglaban upang magkaroon
ng Akademya sa Wikang Kastila.

Juanito Pelaez – kinagigiliwan ng


mga propesor, mapanukso, kuba,
at umaasa sa katalinuhan ng iba.
Sandoval – isang Kastilang kawani
na salungat sa mga ginagawa ng
kaniyang mga kababayan,
nagpatuloy ng pag-aaral sa Pilipinas.

Pecson – isang mag-aaral na palaisip subalit


pesimistiko o laging may kabiguang laging
natatanaw sa hinaharap na kawani ng
pamahalaang Kastila, katunggali ng Kapitan.

You might also like