You are on page 1of 45

Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887,

marami ng kasawiang dinanas ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan


dahil sa pagkakasulat niya ng Noli Me Tangere. Nang mga panahong
yao’y nagdaranas din ng suliranin sa lupa ang mga magsasaka ng Calamba.
Ito ay kanilang inilapit kay Rizal na humingi naman ng tulong ang pagdinig
ng problema sa lupa, napasabay pa sa pagdinig ng kaso ni Rizal ukol sa
pagpapalathala ng tinaguriang “makamandag” na babasahing Noli Me
Tangere. Maraming mga tuligsa at pagbabanta ang tinanggap ni Rizal. Ang
kanyang pamily ay giniyagis din ng maraming mga panggigipit.
Ang nobelang "El Filibusterismo" ay isinulat ng ating
magiting na bayaning si Dr. Jose Rizal na buong pusong
inalay sa tatlong paring martir, na lalong kilala sa bansag na
GOMBURZA - Gomez, Burgos, Zamora.
Tulad ng "Noli Me Tangere", ang may-akda ay dumanas ng
hirap habang isinusulat ito. Sinimulan niyang isulat ito sa
London, Inglatera noong 1890 at ang malaking bahagi nito
ay naisulat niya sa Bruselas, Belgica. Natapos ang kanyang
akda noong Marso 29, 1891. Isang nagngangalang Valentin
Viola Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera
sa kanya upang maipalimbag ang aklat noong Setyembre 22,
1891.
Ang nasabing nobela ay pampulitika
na nagpapadama, nagpapahiwatig
at nagpapagising pang lalo sa
maalab na hangaring makapagtamo
ng tunay na kalayaan at karapatan ng
bayan.
MAKATOTOHANANG PAGBUO NG MGA TAUHAN
 Simoun (Mapanulsol at Makasarili/Kab.7)
 Basilio (Biktima ng Pagkakataon/Kab.6)
 Ginoong Pasta (Makasariling Tao/Kab.15)
 Kabesang Tales (Larawan ng Usaping Panlipunan/Kab.4)
 Isagani (Tagapamansag ng Mabuting Turo/Kab.24)
 Don Custodio (Isang Kakatwang Tauhan/Kab.20)
SIMBOLISMO NG NOBELA
 Kapitan Tiyago (Kabanata 29)
Simbolo siya ng lipunang Pilipino sapagkat kagaya ni Kapitan Tiyago,
ang pagpapabaya ay nagsimula sa sarili kaya’t nagpatuloy lamang ang
kabulukan
 Bapor Tabo (Kabanata 1)
Simbolo ng lipunang walang direksyon sapagkat kagaya ng bansang
Pilipinas noong panahon ng Kastila, wala itong tiyak na direksyon
dahil sa malingpamamalakad
 Perya sa Quiapo (Kabanata 7)
Simbolo ito ng mga tau-tauhang lipunan sapagkat kagaya ng anumang
peryahan, lahat ng mga uri ng tao ay nagtipon ditto, mataas at
mabababng uri ay matatagpuan sa perya.
MGA TUNGGALIAN SA NOBELA
 Mga Kadayan (Kab.18)
Tunggaliang tao laban sa sarili sapagkat ang sarili lamang ang katunggali
sa lahat ng larangan
 Kabesang Tales (Kab.4)
Tunggalian ng tao laban sa lipunan sapagkat ang mga taong kabilang sa
lipunan ang katunggali ng tauhan
 Klase sa Pisika (Kab.13)
Tunggaliang tao laban sa tao dahil ang kapwa tao ang katunggali
Mga tauhan
Ito ang mga tauhan sa El filibusterismo ni Jose Rizal.
 Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may

kulay, na umano'y tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay


siJuan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa
kanyang mga kaaway.
 Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni

Padre Florentino.
 Basilio - ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli.

 Kabesang Tales - ang naghahangad ng karapatan sa

pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle.


 Tandang Selo - ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang

sariling apo.
 Senyor Pasta - Ang tagapayo ng mga prayle sa mga
suliraning legal.
 Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan.

 Placido Penitente - ang mag-aaral na nawalan ng ganang

mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan.


 Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari.

 Padre Fernandez - ang paring Dominikong may malayang

paninindigan.
 Padre Salvi - ang paring Franciscanong dating kura ng bayan

ng San Diego.
 Padre Florentino - ang amain ni Isagani

 Don Custodio - ang kilala sa tawag na Buena Tinta

 Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag


 Juanito Pelaez - ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor;
nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila
 Macaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban

para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang


nawala sa oras ng kagipitan.
· Sandoval - ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa
ipinaglalaban ng mga mag-aaral
 Donya Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa
namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.
 Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito
Pelaez.
 Quiroga - isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng
konsulado sa Pilipinas.
 Juli - anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.
 Hermana Bali - naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre
Camorra.
 Hermana Penchang - ang mayaman at madasaling babae na

pinaglilingkuran ni Juli.
 Ginoong Leeds - ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa

perya.
 Imuthis - ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds

 Pepay - ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don

Custodio.
 Camaroncocido - isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga

kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo.


 Tiyo Kiko - matalik na kaibigan ni Camaroncocido.

 Gertrude - mang-aawit sa palabas.

 Paciano Gomez - kapatid ni Paulita.

 Don Tiburcio - asawa ni Donya Victorina.


PAGBUBUOD

You might also like