You are on page 1of 16

Kasaysayan ng

El Filibusterismo
 ElFilibusterismo o Ang Paghahari
ng Kasakiman na kaniyang buong
pusong inialay sa tatlong paring
martir na lalong kilala sa bansag
na Gomburza o Gomez, Burgos,
at Zamora.
 Sinimulan niya ang akda noong
Oktubre ng 1887 habang
nagpapraktis ng medisina sa
Calamba.
 Sa London, noong 1888,
gumawa siya ng maraming
pagbabago sa plot ( Banghay )
at pinagbuti niya ang ilang mga
kabanata.
 Ipinagpatuloy ni Rizal ang
pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito
habang naninirahan sa Paris, Madrid,
Brussel, at nakompleto niya ito noong
29 Marso 1891, sa Biarritz. Inilathala
ito sa taon ring iyon sa Gent.
 Isang nagngangalang Valentin
Ventura na isa niyang kaibigan
ang nagpahiram ng pera sa
kanya upang maipalimbag at
mailathala ng maayos ang aklat
noong 22 Setyembre 1891
 Ang nasabing nobela ay
pampolitika na nagpapadama,
nagpapahiwatig at nagpapagising
pang lalo sa maalab na hangaring
makapagtamo ng tunay na
kalayaan at karapatan ng bayan.
TAUHAN SA AKDA
 Simoun - ang mayamang mag-
aalahas, na nakasalaming may kulay,
na umano'y tagapayo ng Kapitan
Heneral ngunit siya ay si Juan
Crisostomo Ibarra na nagbalik upang
maghiganti sa kanyang mga kaaway.
 Isagani - ang makatang kasintahan ni
Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.
 Basilio - ang mag-aaral ng medisina at
kasintahan ni Juli.
 Kabesang Tales - ang naghahangad ng
karapatan sa pagmamay-ari ng lupang
sinasaka na inaangkin ng mga prayle.
 Tandang Selo - ama ni Kabesang Tales
na napipi
 Senyor Pasta - Ang tagapayo ng
mga prayle sa mga suliraning legal.
 Ben Zayb - ang mamamahayag sa
pahayagan.
 Placido Penitente - ang mag-aaral
na nawalan ng ganang mag-aral
sanhi ng suliraning pampaaralan.
 Padre Camorra - ang mukhang
artilyerong pari.
 Padre Fernandez - ang paring
Dominikong may malayang
paninindigan.
 Padre Salvi - ang paring Franciscanong
dating kura ng bayan ng San Diego.
 Padre Florentino - ang amain ni Isagani
 Don Custodio - ang kilala sa tawag na
Buena Tinta
 Padre Irene - ang kaanib ng mga
kabataan sa pagtatatag ng
Akademya ng Wikang Kastila
 Juanito Pelaez - ang mag-aaral
na kinagigiliwan ng mga
propesor; nabibilang sa kilalang
angkang may dugong Kastila
 Macaraig - ang mayamang mag-
aaral na masigasig na
nakikipaglaban para sa
pagtatatag ng Akademya ng
Wikang Kastila ngunit biglang
nawala sa oras ng kagipitan.
 Sandoval - ang kawaning Kastila
na sang-ayon o panig sa
ipinaglalaban ng mga mag-aaral
 Donya Victorina - ang mapagpanggap
na isang Europea ngunit isa namang
Pilipina; tiyahin ni Paulita

 PaulitaGomez - kasintahan ni Isagani


ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.

 Quiroga - isang mangangalakal na Intsik


na nais magkaroon ng konsulado sa
Pilipinas.
 Juli - anak ni Kabesang Tales at
katipan ni Basilio.
 Hermana Bali - naghimok kay Juli
upang humingi ng tulong kay Padre
Camorra.
 Hermana Penchang - ang mayaman
at madasaling babae na
pinaglilingkuran ni Juli.
 Ginoong Leeds - ang misteryosong
Amerikanong nagtatanghal sa perya.
 Imuthis - ang mahiwagang ulo sa
palabas ni Ginoong Leeds
 Pepay - ang mananayaw na
sinasabing matalik na kaibigan daw ni
Don Custodio.
 Camaroncocido - isang espanyol na
ikinahihiya ng kanyang mga kalahi
dahil sa kanyang panlabas na anyo.
 Tiyo Kiko - matalik na kaibigan ni
Camaroncocido.
 Gertrude - mang-aawit sa palabas.
 Paciano Gomez - kapatid ni Paulita.
 Don Tiburcio - asawa ni Donya
Victorina.

You might also like