You are on page 1of 21

Suring Basa sa Nobelang

EL FILIBUSTERISMO

1
I.

A. PAMAGAT

--- El Filibusterismo

Talambuhay ni Dr. Jose Rizal

- Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba,
Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at
Gng. Teodora Alonzo.

Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at
ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa
Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877
ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad
Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885.
Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At
nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg.

Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.” naglalahad ng mga
pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.

Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan
tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at
maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.

Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong
Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga
maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan, hinikayat din niya ang ito
sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.

Noong Setyembre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano at
inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon
nakulong siya sa Fort Santiago.

Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang
nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.

Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam)
upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.

Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta)

2
B. SANGGUNIAN

1. https://www.joserizal.com/talambuhay-ni-dr-jose-rizal

2.https://www.google.com/amp/s/filipinotek.wordpress.com/2013/03/29/kasaysayan-ng-el-
filibusterismo/amp/

3.https://www.google.com.ph/search?source=hp&ei=RPnCW-3PAo-
dhwPRppvYBw&ins=false&q=estilo+ng+paglalahad+sa+el+filibusterismo&oq=estilo+ng+paglala
had+sa+el+fil&gs_l=mobile-gws-wiz-
hp.1.0.33i21.10195.34404..35107...13.0..0.247.4517.0j30j1......0....1.......3..0j41j46j0i131j0i10j0i
22i30j33i22i29i30j33i160.dW8-uAQYO7Y

II.

A. TAUHAN

A.) Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano'y tagapayo ng
Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa
kanyang mga kaaway.

B.) Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.

C.) Basilio - ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli.

D.) Kabesang Tales - ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na


inaangkin ng mga prayle.

E.) Tandang Selo - ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo.

F.) Senyor Pasta - Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.

G.) Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan.

H.) Placido Penitente - ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning
pampaaralan.

I.) Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari.

J.) Padre Fernandez - ang paring Dominikong may malayang paninindigan.

K.) Padre Salvi - ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego.

L.) Padre Florentino - ang amain ni Isagani

M.) Don Custodio - ang kilala sa tawag na Buena Tinta

N.) Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila

3
O) Juanito Pelaez - ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang
angkang may dugong Kastila

P.) Macaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng


Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.

Q.) Sandoval - ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral

R.) Donya Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni
Paulita.

S.) Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.

T.) Quiroga - isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.

U.) Juli - anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.

V) Hermana Bali - naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra.

W.) Hermana Penchang - ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli.

X.) Ginoong Leeds - ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya.

Y.) Imuthis - ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds

Z.) Pepay - ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don Custodio.

AA.) Camaroncocido - isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang
panlabas na anyo.

AB.) Tiyo Kiko - matalik na kaibigan ni Camaroncocido.

AC.) Gertrude - mang-aawit sa palabas.

AD.) Paciano Gomez - kapatid ni Paulita.

AE.) Don Tiburcio - asawa ni Donya Victorina.

B. TAGPUAN

UNANG TAGPO

Tagpuan: Sa isang bapor na nagngangalang Tabo. Kakikitaan ang bapor ng iba’t ibang uri ng tao.
May mayayaman, mahihirap, kawani ng pamahalaan at iba pa.ang bapor ay patungong Laguna
mula Maynila. Ilan sa mga lulan ng bapor ay anng mga prayle/reverendos, si Isagani, ang
mamamahayag na si Ben Zayb, si Donya Victorina, isang mag-aalahas na nagngangalang
Simoun, at si Basilio. Sa ilalim ng kubyerta ng bapor makikitang naguusap si Isagani, Basilio at
Kapitan Basilio.

4
Tagpuan: Bisperas ng Pasko ngunit si Basilio ay lulan ng isang kalesa patungo sa bahay ni
Kapitan Tiago sa bayan ng San Diego. Inabutan nila sa daanan ang prusisyon ng iba’t ibang
santo. Si Kapitan Tiago ang tumulong kay Basilio upang makapagaral ng medisina. Sa tuwing
uuwi sa Basilio sa San Diego, lagi niyang binibisita ang libingan ng kanyang ina. Ngunit isang
gabi, isang di inaasahang sikreto anng nalaman ni Basilio.

IKATLONG TAGPO

Tagpuan: Sa bahay ni Macaraig nagtipon-tipon ang mga estudyanteng kasama sa grupo na


naghahangad mapatayo ang Akademya ng Wikang Kastila. Ilan sa mga ito ay si Sandoval, ang
estudyanteng mahilig manalumpati, si Isagani, ang makata, si Pecson, na puro pag-aalinlangan,
at si Pelaez,ang anak ng isang Kastilang mangangalakal. Hinihintay na lamang nila ang pagdating
ni Macaraig upang ibalita sa kanila ang tungkol sa akademya. Nag-uusap ang mga mag-aaral
kung sa palagay ba nila ay papayagan ng mga prayle ang kanilang mga mungkahi. Tanging si
Pecson lamang ang nag-iisip ng negatibo sa grupo. Nasa gitna ng paguusap anng mga mag-aaral
ng dumating si Macaraig dala ang isang magandang balita.

IKAAPAT NA TAGPO

Tagpuan: Nagpakitang muli si Simoun kay Basilio upang anyayahan itong sumama sa binabalak
nitong paghihimagsik.

IKALIMANG TAGPO

Tagpuan: Sa isnag pansiterya na nagngangalang Pansiteria Macanista de Buen Gusto. Ang mga
estudyante ay nagtipon-tipon dahil sa pare-pareho silang masasama ang loob pagkat sila’y
nabigo sa kanilang panukala ukol sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila.

IKA-ANIM NA TAGPO

Tagpuan: Maagang gumising si Basilio upang dalawin ang mga pasyente niya sa ospital at upang
asikasuhin ang mga papeles na kanyang kakailanagnin sa kanyang pagtatapos sa Unibersidad.
Pinaplano niyang lapitan si Macaraig upang humiram ng kaunting halaga na kanyang gagamitin
sa kanyang pagtatapos. Ang lahat kasi ng kanyang naipon ay nagugol niya sa pagtubos kay Huli
at sa kanilang titirhan ng kanyang lolo, si Tandang Selo. Naglalakad si Basilio patungong
unibersidad.

IKA-PITONG TAGPO

Tagpuan: Tuluyang nakulong ang mga estudyante na kasapi sa grupong naghahangad na


matatag ang Akademya ng Wikang Kastila, ngunit nakalaya din dahil sa nalakad ang mga
kaukulang papel maliban kay Basilio, dahil walang maglalakad ng kanyang papel dahil si Kapitan
Tiago ay namayapa na. karamihan sa mga estudyante ay hindi pumasa sa eng serbisyo sibil. Si
tadeo naman ay tuwang-tuwa dahil sinunog ang lahat nang mga aklat at sila ay pinauwi para sa
isang mahabang bakasyon. Si Juanito naman ay tinuruan na lamang ng kanyang ama kung
paano mangalakal. Si Macaraig naman ay nagtungo ng Europa. Si Isagani ay nakapasa sa
asignaturang pangmadlang pagpapahayag ngunit bagsak sa iba. Dinaan namn ni Sandoval sa

5
pagtatalumpati kung kaya siya ay nakapasa. Sinubukan ni Huli, ang kasintahan ni Basilio na
pakiusapan si Padre Camorra na palayain ang kanyang kasintahan ngunit ito pa ang nagging
dahilan ng kanyang kamatayan. Hindi rin nagtagal ay pinasya ni Paulita, ang maganda at
mayamang kasintahan ni Isagani, na magpakasal. Ngunit hindi sa binata kundi kay Juanito
Pelaez. Buwna na ng Abril at laganap na ang balitang kasalan. Si Simoun naman ay nais nagdaos
ng isang piging dahil siya ay lilipad na pabalik ng Espanya.

IKA-WALONG TAGPO

Tagpuan: Alas-siyete na ng gabi. Nagsimula nang dagsain ng mga panauhin ang bahay ni Kapitan
Tiago, na pagdadausan ng kasal nila Paulita at Juanito. Ang pagdating ng Kapitan Heneral na
lamang ang hinihintay upang magsimula ang pista. Sa harap ng bahay ay naroon si Basilio at
nagmamasid.

IKA-SIYAM NA TAGPO

Tagpuan: Napagalaman ng lahat na si Simoun ang may kagagawan ng lahat. Hinalughog ang
kanyang bahay at nakita dito ang ilang armas at bulbura. Pinaghahanap na siya ng mga sibil.
Ayaw niyang magpahuli ng buhay kaya uminom siya ng lason at nagtungo kay Padre Florentino
upang mangumpisal.

C.TALASALITAAN

1.Kubyerta - Palapag

2.Salambaw - Panghuli ng isda

3.Tikin - Kawayan

4.Pagsalunga - Pagsalubong

5.Nababalaho - Nahinto

6.Balsa - Raft

7.Tampipi - Lalagyan ng damit

8.Nag-aaruga - Tumangkilik

9.Hinawan - Nilinis

10.Lumaon -Tumagal

D.BUOD

6
Nagsimula ito sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa mga
pasahero ang mag-aalahas na si Simoun, si Isagani, at si Basilio. Labintatlong taon na ang
nakalipas mula nang mamatay si Elias at si Sisa.

Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagtatagpo ay nakita niya si


Simoun na pagdalaw sa libingan ng kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nakilala
niyang si Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo; Upang maitago ang ganitong lihim, ay tinangka
ni Simoun na patayin si Basilio. Nang hindi ito naituloy ay hinikayat niya ang binata na makiisa
sa kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila. Si Basilio ay tumanggi dahil gusto
niyang matapos ang kanyang pag-aaral.

Habang ang Kapitan Heneral ay nagliliwaliw sa Los Baños, ang mga estudyanteng Pilipino ay
naghain ng isang kahilingan sa Kanya upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila.
Ang kahilingang ito ay di napagtibay sapagkat napag-alamang ang mamamahala sa akademyang
ito ay mga prayle. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang makapangyari sa anupamang
pamalakad ng nasabing akademya.

Samantala, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang umanib sa
binabalak niyang paghihimagsik at manggulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa
kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Subalit hindi naibunsod ang ganitong
gawain dahil sa si Maria Clara'y namatay na nang hápong yaon.

Ang mga estudyante naman, upang makapaglubag ang kanilang samâ ng loob ukol sa kabiguang
natamo, ay nagdaos ng isang salusalo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa mga
talumpating binigkas habang sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang
pagtuligsang ito ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan
na lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga paskin na ang nilalaman ay mga pagbabala,
pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng
kapisanan ng mga estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na
ipinagdamdam nang malabis ni Juli na kanyang kasintahan.

Ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang mapawalang-
sala sila, si Basilio ay naiwang nakakulong dahil wala siyang tagapagmagitan. Sa isang dako
naman ay ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upang mapalaya nguni't sa halip
na makatulong ang paring ito ay siya pang nagging dahilan ng pagkamatay ni Juli, gawa ng
pagkalundag nito sa durungawan ng kumbento.

7
Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa
negosyo kay Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang
maipagkasundo ang kasal nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang
Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya upang dumalo sa piging na idaraos, ang mga may
matatas na katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa lunsod.

Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun. Kaagad
siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa paghihimagsik. Sinamantala ni Simoun ang
ganitong pagkakataon upang ipakita sa binata ang bomba na kanyang ginawa. Ito ay isang
lampara na may hugis-granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya
niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang
ito sa gitna ng isang kiyoskong kakanan na ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawán ay
magbibigay ng isang maningning na liwanag at pagkaraan ng dalawampung minuto ay
manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang paliwanagin, ay puputok ang isang
kapsulang fulminato de mercurio, ang granada ay sasabog at kasabay nito ay ang pagkawasak at
pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan — at walang sinumang maliligtas sa mga naroroon. Sa isang
dako naman, ay malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat upang
simulan ang paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun.

Mag-iikapito pa lámang ng gabí ng araw ng kasal, at si Basilio ay palakad-lakad sa tapat ng


bahay ng pinagdarausan ng handaan. Di-kawasa'y nanaog si Simoun upang lisanin niya ang
bahay na yaong di malulutawan ng pagsabog. Ang nanlulumong si Basilio ay sisinod sana ngunit
namalas niyang dumating si Isagani, ang naging katipan at iniirog ni Paulita. Pinagsabihan niya
itong tumakas ngunit di siya pinansin kaya't napilitan si Basilio na ipagtapat kay Isagani ang
lihim na pakana subalit hindi rin napatinag ang binatang ito.

"Nanlalamlam ang lampara," ang pansin na di mapalagay na Kapitan Heneral. "Utang na loob,
ipakitaas ninyo, Pari Irene, ang mitsa."

Kinuha ni Isagani ang lampara, tumakbo sa azotea at inihagis ito sa ilog. Sa gayon ay nawalan ng
bisa ang pakana ni Simoun para sa isang paghihimagsik sa sandatahan. Tumakas sya sa bahay ni
Pari Florentino, sa baybáyin ng karagatang Pasipiko. Nang malapit nang mapagabot ng mga
alagad ng batas ang mag-aalahas, uminom siya ng lason upang huwag pahúli nang buháy.
Ipinagtapat niya sa pari ang tunay niyang pagkatao at isinalaysay niya dito ang malungkot na
kasaysayan ng kanyang búhay. Mula nang siya ay bumalik sa Pilipinas buhat sa Europa,
labintatlong taon na ang nakalipas, ang pag-iibigan nila ni Maria Clara at pagbabalatkayo niya

8
na mag-aalahas sa pakay na maiguho ang Pamahalaan at makipaghiganti sa pamamagitan ng
isang paghihimagsik. Pagkatapos na mangungumpisal ay namatay si Simoun.

Sa nais na maiwaksi ang napakalaking kayamanang naiwan ng mag-aalahas, kayamanang naging


kasangkapan nito sa pagtatanim ng mga buktot na gawain ay itinapon ni Pari Florentino sa
karagatan ang kahong asero na kinatataguan ng di-matatayang kayamanan ni Simoun.

E.GINTONG ARAL/ KAISIPAN

Hindi natin dapat sisihin ang Diyos kung di man tayo nagtagumpay sa ating nais gawin o ating
ginawa dahil ito’y may dahilan kung bakit niya pinahintulutang mangyari ang bagay na ganon at
hindi rin natin dapat gamitin ang pangalan ng Diyos para sa ating sariling kapakanan at
kasiyahan bagkus atin itong igalang. At isabuhay at gawin natin ang aral ng Diyos na “huwag
gawan ng masama ang masama” tulad ng ginawa ni Crisostomo Ibarra o Simoun dahil walang
madudulot na kabutihan ang paghihiganti, matuto tayong magpatawad dahil nandyan ang
Diyos na makatarungan.

III.

A. Estilo ng Paglalahad

- Paglalantad sa Likod ngPagtatago

Isa sa nagiging tatak ng isang masining na akda ay ang pagkapanitikan nito na makikita sa
angkop napamimili ng mga salita at kakayahan ng manunulat na humabi ng mga salitang
punung-puno ng kahulugan.Mula sa Kabanatang " Isang Bangkay",

" Ang Mitsa", " Mga Ayos-Maynila".b.

-Pakikipagkapwa-teksto

Kung babasahin ang dalawang nobela, mapapansing ito ay may pagkakatulad. Maaring sa
banghay, satauhan, paniniwala sa mensahe, o sa tunggalian at iba pa. Ito ay patunay lamang na
ang akda ay nakikipagkapwa-teksto.

May pagkakahawig ang nobelang La Loba Negra ni

Padre Jose Burgos at El Filibusterismo ni Dr. JoseRizal.

May ilang kaalamang nakapaloob sa naunang nobela na makikita sa ikawala t sa ganitong


sitwasyon, ang ElFilibusterismo ni Dr. Jose Rizal ay nakikipagkapwa-teksto sa akda ni Padre
Burgos.c.

-Paggamit ng makabuluhang tagpuan

May nais sabihin ang isang nobelista sa kanyang nobela. At sa pagsasabi niya ng katotohanan
nagiginmahalagang sangkap ang paggamit ng mg angkop na tagpuan. Mga tagpuang aakay sa

9
mga mambabasa namadama ang nais ipahiwatig ng akda.Maraming nais sabihin ni Dr. Jose
Rizal sa nobelang ito at nasabi niya iyon nang buong linaw sapamamagitan ng angkop na mga
tagpuan. Ito ang isang magandang istilo ng manunulat na nakapaloob sa akda niRizal.Mula sa
Kabanatang " sa Kubyerta"d.

-Paglalahad ng mga karunungan

May nais sabihin ang isang nobelista s kanyang akda. Ito ay maaaring paglalantad ng isang
istema opagpapahayag ng nais na mangyari.Mayaman ang El Filibusterismo ni Rizal sa mga
karunungang nagsasaad ng katotohanang kalagayan ngkanyang panahon at ang panahon sa
kasalukuyan. Ang kanyang mga pahayag tungkol sa pamahalaan, edukasyon,lipunan,
teknolohiya, wika at iba pa ay pahayag ng katotohanan

B. Panahong Kinabibilangan

-Ang nobelang El Filibusterismo (literal na “Ang Pilibusterismo“) o Ang Paghahari ng Kasakiman


ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal, na
kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza
o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli,
nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila.
Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.

Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang
ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang
naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakumpleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa
Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa
niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos
ang aklat noong Setyembre 22, 1891.

Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang


lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.

C. Tayutay / Kawikaan

D. Galaw ng Pangyayari

- binabatay ito nung mga panahon ng kastila at binibigyan ng buhay at sa ibang mga
pangyayaring naganap din yun.

E. Bisang Pangkaisipan

1. Bisa sa Isip

-Para sa akin, ang naging bisa ng nobelang El filibusterismo, na siyang isinulat ni Dr. Jose P. Rizal,
sa aking isip ay mas nagpatibay pa sa aking paniniwala na ang magrebolusyon ay isang wastong
paraan lalo na sa gitna na tunay na mapanil na pamamahala.

10
Wla ring masama gumamit ng dahas, dahil dahas rin ang ginagamit ng mga mapaniil upang
hindi ka lumaban

2. Bisa sa Damdamin/kaasalan

-tumutukoy ito sa naging epekto o pagbabagong naganap sa iyong damdamin matapos mabasa
ang akda

- tungkol naman ito sa pagbabago sa isang kaisipan dahilan sa natutunan sa mga panyayaring
naganap sa binasa.

3. Bisa sa Lipunan

-naka tulong ito upang maging malaya ang bansang pilippinas sa mga kastila at sa iba pang
mananakop.

F. Pagpapahalaga ayon sa Nilalaman

1. Kalagayang Sosyal

- Tulad ng nabanggit sa kwento, sa panahon ngayon ay marami ring pamilyang ganyan. Dahil sa
kahirapan ay isang kahig isang tuka na lang, kung sino ang mahirap, siya pang madaming anak
kung kaya hindi nagkakaroon ng tiyansang makapag-aral. Isa pa, ang kawalan ng respeto at
hindi tamang pagtrato sa mga kababaihan sa ating bansa.

2. Kulturang Filipino

-kultura ng mga pilipino at espanyol

11
Suring Basa sa Maikling Kwento

Bakit Mataas ang Langit

12
I.

A.PAMAGAT

- Bakit Mataas Ang Langit

Talambuhay ng May Akda

- Si Amado Vera Hernández (13 Setyembre 1903 – 24 Marso 1970) ay isang makata at
manunulat sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga Manggagawa", sapagkat
isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa
mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. Nakulong siya
dahil sa pakikipagugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Siya ang punong tauhan sa
isang bukod-tanging kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago nagwakas.

B.SANGGUNIAN

1.https://m.pinoyedition.com/maikling-kwento/bakit-mataas-ang-langit

2.https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Amado_V._Hernandez

II.

A.TAUHAN

Maria- Siya ang may ari ng suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto.

Ina ni maria- siya ang nag palaki kay maria

B.TAGPUAN

Bahay kubo- nag sisilbing tahanan nila maria

C.TALASALITAAN

1. Lusong - mortar
2. Tugon - reply
3. Yaon - yes
4. Kinang - brilliance
5. Nagbayo - dinurog

D.BUOD

- Noong unang panahon ay mababang-mababa ang langit at walang buwan ni bituin. Bakit kaya
tumaas ang langit? Narito sa kuwento na ito ang mga sagot. Si Maria at ang kanyang nanay ay
nakatira sa isang bahay-kubo. Si Maria ay may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na

13
ginto. Halos araw-araw ay isinusukat niya ang suklay at kuwintas at tinitingnan niya sa kanyang
anino sa tubig kung siya ay maganda. Isang araw nang isinusukat ni Maria ang suklay at ang
kuwintas ay tinawag siya ng kanyang nanay.

"Maria, magbayo ka ng palay," ang wika ng ina.

"Opo," ang sagot ni Maria, nguni't hindi siya kumilos.

"Maria, magmadali ka," ang tawag na muli ng matanda. "Wala tayong bigas na isasaing."

"Opo, sandali po lamang," ang tugon ni Maria, nguni't hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa
kanyang anino sa tubig.

"Maria, sinasabi ko na sa iyong magbayo ka ng palay. Madali ka," ang galit na galit na utos ng
matanda.

Tumindig si Maria at tuloy-tuloy siya sa lusong ng palay. Hindi na niya naalis ang suklay at
kuwintas. Nalalaman niyang kapag galit na galit na ang kanyang nanay ay dapat siyang sumunod
nang madali. Nagbayo na siya nang nagbayo ng palay. Pagkatapos ng ilang sandali, siya ay
pinawisan.

"Napupuno ng pawis ang aking kuwintas," ang wika ni Maria sa kanyang sarili.

"Hinubad niya ang kuwintas. Inalis ang kanyang suklay. Isinabit ang mga ito sa langit na noon ay
mababang-mababa at naabot ng kamay. Samantalang siya ay nagbabayo ay tinitingnan ang
suklay at kuwintas.

"Kay ganda ng aking suklay at kuwintas," ang wika ni Maria sa kanyang sarili. "Pagkatapos na
pagkatapos ko nang pagbabayo ng palay ay isusuot ko uli ang aking suklay at kuwintas."

Sa gayong pagsabi ay dinalas niya ang pagbabayo ng palay upang ito ay matapos at maisuot
niya uli ang suklay at kuwintas. Tumaas ng tumaas ang pagbuhat niya ng halo at dumalas nang
dumalas ang pagbagsak nito sa lusong. Umaabot na pala ang dulo ng halo sa langit, nguni't
hindi niya napapansin. Sa palay na ngayon ang kanyang tingin. Tinitingnan niya kung malapit na
siyang makatapos upang maisuot niya ang suklay at kuwintas. Itinaas pa niyang lalo ang
pagbuhat ng halo upang lumakas ang pagbagsak nito sa lusong at nang madaling mabayo ang
palay.

Sa bawa't pagtaas pala niya ng halo ay bumubunggo ang halo sa langit at sa bawa't pagbunggo
naman ay tumataas ang langit. Nang mapuna ni Maria ang nangyayari ay mataas na ang langit.
Tangay-tangay ang kanyang gintong suklay at kuwintas. Hindi na niya maabot ang mga ito.

Tumaas nang tumaas ang langit. Tumaas din nang tumaas ang suklay at kuwintas. Noong gabing
yaon ay umupo si Maria sa may bintana at tinintingnan niya ang langit na ngayon ay mataas na
mataas na. Hinanap niya ang kanyang suklay at kuwintas. Naroroon ang kanyang gintong suklay
at siyang naging buwan. Ang mga gintong butil ng kanyang kuwintas at nagkahiwa-hiwalay at
siya namang naging mga bituin.

14
"Lalong maganda ngayon ang aking gintong suklay," ang wika ni Maria sa kanyang sarali, "At
anong kinang ng mga butil ng aking kuwintas!"

E.GINTONG ARAL/KAISIPAN

-Kung may ginagawa kang isang bagay ay gawin ito ng may kaayusan at huwag magmadali.

-Sumunod kaagad sa pinag-uutos ng magulang upang hindi mapagalitan.

-Mag-pokus sa anumang iyong ginagawa upang matapos mo ito sa tamang oras.

III.

C. Tayutay / Kawikaan

D. Galaw ng Pangyayari

E. Bisang Pangkaisipan

1. Bisa sa Isip

- isipin ang hinaharap kaysa sa wlang ginagawa.

2. Bisa sa Damdamin/kaasalan

- maging masunurin sa ating magulang dahil hindi natin naiisip ay masasaktan din natin sila.

3. Bisa sa Lipunan

- maging mabuting halimbawa sa ating lipunan.

F. Pagpapahalaga ayon sa Nilalaman

1. Kalagayang Sosyal

2. Kulturang Filipino

- Maging masunurin at masayahin sa lahat ng ginagawa.

15
Suring Basa sa Tula

Kaibigan Lang

16
I.

A.PAMAGAT

- Kaibigan Lang

By:imbighero

B.SANGGUNIAN

1.Wattpad

II.

A.TAUHAN

- kaibigan - siya ang nag sisilbing sandalan pag ikaw ay nalulungkot at na pagsasabihan ng
sekreto.

B.TAGPUAN

Silid aralan - nag sisilbing pangalawang tahanan ng mga studyante at doon na tutunan ang mga
nalalaman nila

C.TALASALITAAN

1. Friendzone - hanggang kaibigan


2. Kaibigan - sangang dikit
3. Maasahan - palaging nanjan
4. Masisira - mawawasak
5.

D.BUOD

Kaibigan Lang

By: iambighero

Ito nanaman ta'yo

Mag uusap nanaman ta'yo

Tungkol sa kanya

Pag siya ang pinag uusapan natin

Ang ngiti mo sa labi na

17
Hindi ma-alis

Ang ngiti mo'ng nakakalusaw

Na gustong malusaw

Na'ng aking puso

Ngunit napaka sakit para sa'kin

Alam mo ba kung bakit?

Dahil kung hindi siya

Hindi ko makikita ang ngiti mo'ng

Ubod ng tamis

Laging nasa isip ko

Na sana ako

Ako na lang si'ya

Na sana kaya ko rin

Pasayahin ka

Pero hanggang sa panaginip

Lang ang mga ito

Dahil hanggang mag-kaibigan

Lang tayo.

Ang sakit para sa'kin

Na kaibigan lang,

Kaibigan lang

18
Na maasahan mo

Kapag ika'y nasasaktan

Kaibigan mo'ng handang

Maging sandalan

Kaibigan mo'ng hinding-

Hindi ka iiwanan

Hanggang sa dulo ng laban

Handang maging tanga

Para sa'yo

Handang magsalo

Para sa'yo

Sana'y makita mo'ko

Sa huli

Dahil tao rin ako'ng

Nasasaktan

Kung makita mo man ako

Huwag kang iiwas

At sana'y hindi masira ang

Ating pinagsamahan

Dahil hindi ko ipagpipilitan

Ang sarili ko

19
Dahil ako ang kusang

Nagbigay ng aking puso

Para sa'yo

Hindi mo'ko pinilit na mahalin ka

Ako, ang kusa nagmahal

Kaya ako ang magdurusa

Sa aking pagmamahal

Para sa'yo

Nasaktan man ang aking puso

Nandito pa'rin ako para sayo

Kahit kaibigan lang ang

Mai-aalay mo sa'akin

Nasa tabi mo pa'rin ako

Ka'ya sa isang tawag mo lang

Nasa tabi mo na agad ako

Dahil ako ang kaibigan mo'ng

Hinding-hindi ka iiwan

E.GINTONG ARAL/KAISIPAN

- Masakit man nandito parin tayo para sa kanila. Na friendzone ka'man huwag na huwag
maapekto ang pinagsamahan ni'yo. Dahil mas mahalaga ang pag kakaibigan, at maging masaya
ka para sa kanya, dahil ganyan naman ang tunay na kaibigan walang iwanan sa dulo.

III.

A. Estilo ng Paglalahad

20
- Naglalahad na kahit masakit kailangan mo parin mag patuloy sa kahit ikaw man ay ma
friendzone ay hindi mo kailangan sumuko dahil tuloy parin ang buhay natin dahil hawak mo.

B. Panahong Kinabibilangan

- Mga kabataan ngayon

C. Tayutay / Kawikaan

D. Galaw ng Pangyayari

- binabatay ito sa totoong pangyayari sa ating buhay.

E. Bisang Pangkaisipan

1. Bisa sa Isip

- Isipin ang magandang nangyayari sa inyong dalawa at naging masaya namn kayo sa nangyari
sa inyo.

2. Bisa sa Damdamin/kaasalan

- Kahit masakit ay kailangan tangapin sa lahat ng oras ay naging masaya at maging masaya sa
kanya.

3. Bisa sa Lipunan

-kahit naging ganun ay naging masaya ang parte ng lipunan na ating ginagalawan.

F. Pagpapahalaga ayon sa Nilalaman

1. Kalagayang Sosyal

- maging mabuti at masaya.

2. Kulturang Filipino

- maging mabait sa iba at maging masaya ka sa iba

21

You might also like