Professional Documents
Culture Documents
Talambuhay ni Rizal
Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales
Alonso Realonda y Quintos.
Taong 1870, ipinadala sa Biñan at nag aral kay Padre Justiano Aquino Cruz.
Enero 20, 1872 – Pumasok sa Ateneo Municipal de Manila at nagtamo ng Bachiller en Artes at notang
sobresaliente.
Taong 1873, nag aral ng Filosofia y Letreas at Agham sa Pamantasan ng Santo Tomas at kumuha din ng
pagsasaka sa Ateneo de Manila.
Taong 1884, Isinulat ang unang kalahati ng Noli Me Tangere sa Paris at mga huling bahagi nito sa
Alemanya.
Taong 1884 at 1885, pinagoatuloy ang pag aaral ng Medisina sa Madrid España at tinapos ang kursong
ito.
Marso 1887 – Ipinalimbag ang nobelang Noli Me Tangere at nagkaroon ng 2000 sipi sa tulong ni
Maximo Viola.
Taong 1891, ipinalimbag ni Rizal ang El Filibusterismo sa tulong ni Valentin Ventura sa Ghent, Belgium.
Hunyo 18, 1892 – Ipinatatag ni Rizal ang La Liga Filipina kasama sina Ambrosio Salvador, Bonifacio
Arevalo, Deodato Arellano, at Agustin de la Rosa na tumayong pangulo, ingat-yaman, kalihim at piskal ng
nasabing samahan hábang may 14 naman itong kagawad, kabílang sina Andres Bonifacio at Apolinario
Mabini.
B. Kasaysayan
Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887, marami ng kasawiang
dinanas ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkakasulat niya ng Noli Me
Tangere. Ganoon din, nagdaranas din ng sularinin sa lupa ang mga magsasaka ng Calamba.
Kasabay nito ang pagdinig sa kaso ni Rizal ukol sa pagpapalathala ng tinaguriang “makamandag”
ng Noli Me Tangere. Tinanggap ni Rizal ang mga tuligsa at pagbabanta sa kanya, gayon din ang
kanyang pamilya na giniyagis din ng maraming mga panggigipit.
Sa kabila nito, sinimulan ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo.
Bagamat, may mga plano na si Rizal para sa ikalawa niyang nobela, naiba ito ng mga
pangyayaring kinasangkutan niya sa kanyang pagbabalik sa kanyang sariling bayan.
Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba niyang manganib ang
buhay ng mga mahal sa buhay.
Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang suliranin sa pagkat inusig pa ang kanyang pamilya.
Umakyat ang kaso sa lupa ng mga Mercado Rizal hanggang sa Kataas taasang Hukuman ng
Espanya.
Karamihan sa kanyang mga kamag anak ay namatay at inusig, may isa pang tinanggihang
mapalibing sa libingang Katoliko.
Sa kalagitnaan ng mga pag aalalang ito, ginigiyagis si Rizal ng mga personal at pulitikal na
suliranin; nangungulila siya kay Leonor Rivera at waring walang kasiglahan ang insipirasyong
dulot ng paniningalang-pugad kay Nellie Boustead.
Sinasagot niya ang kabi kabilang tuligsang tinatamo ng Noli Me Tangere.
Bukod dito’y dumanas si Rizal ng suliranin sa pananalapi. Naisiwalat ni Rizal ang kanyang
paghihirap sa isang liham na naipadala kay Jose Maria Basa.
Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa aklat at pinagbuti niya ang
ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang
naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel.
Natapos limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891 sa Ghent,Belgium. Inihandog ni Rizal ang
nobela sa alaala ng mga paring sina Gomez,Burgos at Zamora.
Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang nobela ni Rizal ang pangunahing
dahilan kung bakit ito ay itinuturing na isang nobelang politikal.
Naglalahad dito sa isang malatalaarawang pagsasalaysay ang mga suliranin ng sistema ng
pamahalaan at ang mga kaakibat na problema: problema sa lupa, pamamahala, pamamalakad
ng relihiyon at edukasyon, katiwalian atbp. Tuwiran at di-tuwiran, masasalamin din ang
mapapait na karanasang gumiyagis kay Rizal sa ilang mga eksena at yugto ng nobela.
Masagisag at malarawan ang ebolusyon ni Simoun mula kay Crisostomo Ibarra, bagaman hindi
maiiwasang makilala ang mga kapaitan at kabiguan sa paraang hindi maipagkakamali – kasama
na pati ang pangungulila at pag-aasam sa pag-ibig.
C. Layunin ng Aklat
Gusto ni Rizal na buksan ang mga mata ng mga Pilipino sa mga katiwalian ng Kastila.Isinulat ng ating
bayani na si Dr. Jose P. Rizal ang nobelang El Filibusterismo upang imulat ang mata ng mga Pilipino sa
katiwalian na ginagawa ng Pamahalang Español. At upang ipakita sa atin ang mga kalupitang ginawa ng
mga Espanyol at ang paninirang puring ipinaratang ng mga Kastila sa mga Pilipino at sa bansa. Maiulat
ang kalagayang panlipunan, uri ng pamumuhay, mga paniniwala, pag-asa, mithiin o adhikain, karaingan
at ayon sa liham ni Dr. Jose Rizal kay Dr. Ferdinand Blumentritt, ang mga layunin nya ay ang matugon
ang paninirang puring ipinaratang ng mga Kastila sa mga Pilipino at sa bansa.
II. Pagsusuri
Buod ng El Filibusterismo
B. Mga Bisa
Sa isip – Ang pagrerebulsyon ay isang wastong paraan sa gitna ng tunay na mapaniil na pamamahala.
Walang masama sa paggamit ng dahas dahil dahas rin ang ginagamit ng mga mapaniil upang hindi ka
lumaban.
Sa damdamin