You are on page 1of 16

Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas.

Siya ay
isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga
magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo.
Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng
pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Bian,
Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila
noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877
ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas
at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang
medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng
ibat ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng
kanyang masteral sa Paris at Heidelberg.
Ang kanyang dalawang nobela Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga
katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.
Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag
siya ng samahan tinawag ito na La Liga Filipina. Ang layunin ng samahan
ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng
komersiyo, industriya at agricultura.
Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Santiago at ipinatapon sa
Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung
saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na
magbukas ng paaralan, hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng
kanilang kapaligaran.
Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi
bilang siruhano at inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa
Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon nakulong siya sa Fort Bonifacio.
Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa
dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga
Kastila.
Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang Mi Ultimo Adios
(Ang Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na
maging makabayan.
Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na
ngayon ay Luneta).

Ang nobelang El filibusterismo (literal na "Ang Pilibusterismo") o Ang


Paghahari ng Kasakiman[1] ay ang pangalawang nobelang isinulat ng
pambansang bayani ng Pilipinas na si Jos Rizal, na kaniyang buong pusong
inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o
Gomez, Burgos, at Zamora.[2] Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me
Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at,
[3]
tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong
Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.
Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at
pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang
pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid,
at Brussel, at nakumpleto niya ito noong 29 Marso 1891, sa Biarritz.
Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin
Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang
maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong 22 Setyembre 1891.
Ang nasabing nobela ay pampolitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at
nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay
nakalayaan at karapatan ng bayan.

Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo


Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887,
marami ng kasawiang dinanas ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan
dahil sa pagkasulat niya ng Noli Me Tangere. Nang mga panahong yao'y
nagdaranas din ng suliranin sa lupa ang mga magsasaka ng Calamba. Ito ay
kanilang inilapit kay Rizla na humingi naman ng tulong ang pagdinig sa kaso
ng problema sa lupa, napasabay pa sa pagdinig ng kaso ni Rizal ukol sa
pagpapalathala ng tinaguriang "Makamandag" na babasahing Noli Me
Tangere. Maraming mga tuligsa at pagbabanta ang tinanggap ni Rizal. Ang
kanyang pamilya ay giniyagis din ng mga maraming paggigipit.
Sinimulan ni Rizal ang Nobelang El Filibusterismo sa harap ng karanasang ito.
Magkakabisa sa kanya kaipala ang mga sakit ng loob na dinanas niya at ng
kanyang pamilya. Bagaman may mga palagay na may plano na si Rizal para
sa ikalawang nobela, naiba ito ng mga pangyayaring kinasasangkutan niya
sa pagbabalik sa sariling bayan. Tuwiran at di-tuwiran, naapektuhan ito ng
wala pang anim na buwang pagkamalas niya ng kasamaang ginagawa ng
mga pari, katulad ng "pagpapayaman sa kanilang mga asyenda, pang-aakit
sa mga babae, panggulo, pagliligpit sa mga kaaway atbp."
Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba
niyang manganib ang buhay ng mga mahal sa buhay. Katakut-takot naliham
ng mga pagbabanta na karamihan ay walang lagda ang dumating at ipinayo

ng gobernador na bumalik siya sa ibang bansa. Ani Rizal sa isang sulat na


ipinadala niya kay Blumentritt habang naglalakbay.
"Lahat ng mga punong panlalawigan at mga arsobispo ay naparoon sa
Gobernador Heneral araw-araw upang ako'y ipagsumbong. Ang buong
ahente ng Dominiko ay sumulat ng sumbong sa mga alaklde na nakita nila
akong lihim na nakikipagpulong sa mga babae at lalaki sa itaas ng bundok.
Totoong ako'y naglalakad sa bundok kung bukang liwayway na kasama ng
mga lalaki, babae at bata upang damhin ang kalamigan ng umaga ngunit
laging may kasamang tenyente ng guwardiya sibil na marunong
managalog...
Inalok ako ng salapi ng aking mga kababayan para lisanin ang pulo. Hiniling
nila ang mga bagay na ito hindi lamang sa aking kapakanan kundi sa kanila
na rin sapagkat marami akong kaibigan at kasalamuha na maaaring ipatapon
kasama ko sa Balabag o Marianas. Dahil dito kahit may kaunting
karamdaman, ako'y dali-daling nagpaalam sa aking pamilya."
Hindi nagwakas sapaglisan ni Rizal ang suliranin. Ang kanyang pamilya ay
inusig. Umakyat ang kaso sa lupa ng mga Mercado-Rizal hanggang
Kataastaasang Hukom ng Espanya. Maraming kamag-anakan niya ang
namatay at pinag-usig. May isa pang tinanggihanng mapalibing sa libingang
katoliko. Sa gitna ng mga pag-aalalang ito, giniyagis si Rizal ng mga personal
at politikal na suliranin; nangungulila siya kay Leonora Rivera at waring
walang lasiglahan ang inspirasyong dulot ng paniningalang-pugad kay Nellie
Bousted; sinagot niya ang kabi-kabilang tuligsang tinamo ng Noli Me
Tangere; namatayan siya ng dalawang kaibigan at mababa ang pagkilalang
iginawad sa kanya ng mga kasama sa Kilusang Propaganda. Bukod dito'y
dumanas si Rizal ng suliranin sa pananalapi. Naisawalat ni Rizal ang kanyang
paghihirap sa isang liham na ipinadala kay Jose Maria Basa:
"Ako'y nanghihinawa na sa paniniwala sa ating mga kababayan. Parang sila'y
nagkakaisa upang maging mapait ang aking buhay; pinigilan nila ang aking
pagbabalik, nangangakong bigyan ako ng tustos, at pagkatapos na gawin sa
loob ng isang buwan ay kalilimutan nang muli ako... Naisanla ko na ang aking
mga alahas, nakatira ako sa isang mumurahing silid, kumakain ako sa mga
pangkaraniwang restawran upang makatipid at mailathala ko ang akong
aklat. Hindi naglaon iyon, ititigil ko kung walang darating sa aking salapi. A,
sasanihin ko sa iyo kung hindi lamang ako naniniwalang may mga mabubuti
pang Pilipino, nais kong dalhin ang aking mga kababayan at ang lahat sa
demonyo..."
Sa kabutihang palad, nang mauubos nang lahat ang pag-asa ni Rizal,
dumating ang hindi niya inaasahang tulong ni Valentin Ventura mula saParis.
Ipinadala niya ang kabuuang gugol sa pagpapalimbag ng aklat matapos
mabalitaan ang pangangailangan ni Rizal sa salapi.

Natapos limbagin ang aklat noong Septyembre 18, 1891 sa Ghent, Belgium.
Inihandog ni Rizal ang nobela sa alaala ng mga paring sina Gomez, Burgos at
Zamora.
Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang nobela ni
Rizal ang pangunahing dahilan kung bakit ito ay itinuturing na isang
nobelang pilitikal. Nalalahad dito sa isang malatalaarawang pagsasalaysay
ang mga suliranin ng sisteman ng pamahalaan at ang mga kaakibat na
problema: problema sa lupa, pamamahala, pamamalakad ng relihiyon at
edukasyon, katiwalian atbp. Tuwiran at di - tuwiran, masasalamin din ang
mapapait na karanasang gumiyagis kay Rizal sa ilang mga eksena at yugto
ng nobela.
Masagisag at malarawan ang ebolusyon ni Simoun mula kay Crisostomo
Ibarra, bagaman hindi maiiwasang makilala ang mga kapaitan at kabiguan
sa paraang hindi maipagkakamaili--kasama na pati ang pangungulila at pagaasam sa pag-ibig.

Sa El Filibusterismo, ipinakilala ni Rizal ang isang pagbabanyuhay niya bilang


nobelista.
Ito ang mga tauhan sa El filibusterismo ni Jose Rizal
Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay,
na umano'y tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan
Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga
kaaway.
Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre
Florentino.
Basilio - ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli.
Kabesang Tales - ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari
ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle.
Tandang Selo - ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling
apo.
Senyor Pasta - Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.
Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan.
Placido Penitente - ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral
sanhi ng suliraning pampaaralan.
Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari.

Padre Fernandez - ang paring Dominikong may malayang


paninindigan.
Padre Salvi - ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San
Diego.
Padre Florentino - ang amain ni Isagani
Don Custodio - ang kilala sa tawag na Buena Tinta
Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng
Akademya ng Wikang Kastila
Juanito Pelaez - ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor;
nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila
Macaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban
para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang
nawala sa oras ng kagipitan.
Sandoval - ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa
ipinaglalaban ng mga mag-aaral
Donya Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa
namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.
Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito
Pelaez.
Quiroga - isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng
konsulado sa Pilipinas.
Juli - anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.
Hermana Bali - naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre
Camorra.
Hermana Penchang - ang mayaman at madasaling babae na
pinaglilingkuran ni Juli.
Ginoong Leeds - ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa
perya.
Imuthis - ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds
Pepay - ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni
Don Custodio.
Camaroncocido - isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga
kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo.
Tiyo Kiko - matalik na kaibigan ni Camaroncocido.
Gertrude - mang-aawit sa palabas.
Paciano Gomez - kapatid ni Paulita.
Don Tiburcio - asawa ni Donya Victorina.

Buod

Nagsimula ito sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila


at Laguna. Kabilang sa mga pasahero ang mag-aalahas na si Simoun, si

Isagani, at si Basilio. Labintatlong taon na ang nakalipas mula nang mamatay


si Elias at si Sisa.

Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang


pagtatagpo ay nakita niya si Simoun na pagdalaw sa libingan ng kanyang ina
sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nakilala niyang si Simoun ay si Ibarra na
nagbabalatkayo; Upang maitago ang ganitong lihim, ay tinangka ni Simoun
na patayin si Basilio. Nang hindi ito naituloy ay hinikayat niya ang binata na
makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila. Si Basilio
ay tumanggi dahil gusto niyang matapos ang kanyang pag-aaral.

Habang ang Kapitan Heneral ay nagliliwaliw sa Los Baos, ang mga


estudyanteng Pilipino ay naghain ng isang kahilingan sa Kanya upang
magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila. Ang kahilingang ito ay di
napagtibay sapagka't napag-alamang ang mamamahala sa akademyang ito
ay mga prayle. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang
makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing akademya.

Samantala, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat


ang binatang umanib sa binabalak niyang paghihimagsik at mangulo sa
isang pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Sta. Clara upang
agawin si Maria Clara. Subali't hindi naibunsod ang ganitong gawain dahil sa
si Maria Clara'y namatay na nang hapong yaon.

Ang mga estudyante naman, upang makapaglubag ang kanilang


sama ng loob ukol sa kabiguang natamo, ay nagdaos ng isang salu-salo sa
Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa mga talumpating binigkas habang
sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang
pagtuligsang ito ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari:
Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga
paskin na ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik.
Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan
ng mga estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio,
bagay na ipinagdamdam nang malabis ni Juli na kanyang kasintahan.

Ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa


kanila upang mapawalang-sala sila, si Basilio ay naiwang nakakulong dahil
wala siyang tagapagmagitan. Sa isang dako naman ay ipinamanhik ni Juli kay
Pari Camorra na tulungan siya upang mapalaya nguni't sa halip na
makatulong ang paring ito ay siya pang nagging dahilan ng pagkamatay ni
Juli, gawa ng pagkalundag nito sa durungawan ng kumbento.

Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay


nakipagsama siya sa negosyo kay Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito.
Sa ganitong paraan ay nagawa niyang maipagkasundo ang kasal nina Juanito
at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang Kapitan Heneral.

Naanyayahan din niya upang dumalo sa piging na idaraos, ang mga may
matatas na katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa lunsod.

Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio


sa tulong ni Simoun. Kaagad siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa
paghihimagsik. Sinamantala ni Simoun ang ganitong pagkakataon upang
ipakita sa binata ang bomba na kanyang ginawa. Ito ay isang lampara na
may hugis Granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay
siya niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni
Simoun ang lamparang ito sa gitna ng isang kiyoskong kakanan na
ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawan ay ay magbibigay ng isang
maningning na liwanag at pagkaraan ng dalawampung minuto ay manlalabo.
Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang paliwanagin, ay puputok ang isang
kapsulang fulminato de mercurio, ang Granada ay sasabog at kasabay nito
ay ang pagkawasak at pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan --- at walang
sinumang maliligtas sa mga naroroon. Sa isang dako naman, ay malakas na
pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat upang simulan
ang paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun.

Mag-iikapito pa lamang ng gabi ng araw ng kasal, at si Basilio ay


palakad-lakad sa tapat ng bahay ng pinagdarausan ng handaan. Di-kawasa'y
nanaog si Simoun upang lisanin niya ang bahay na yaong di malulutawan ng
pagsabog. Ang nanlulumong si Basilio ay sisinod sana nguni't namalas
niyang dumatng si Isagani, ang naging katipan at iniirog ni Paulita.
Pinagsabihan niya itong tumakas nguni't di siya pinansin kaya't napilitan si
Basilio na ipagtapat kay Isagani ang lihim na pakana subali't hindi rin
napatinag ang binatang ito.

"Nanlalamlam ang lampara," ang pansin na di mapalagay na Kapitan


Heneral. "Utang na loob, ipakitaas ninyo, Pari Irene, ang mitsa."

Kinuha ni Isagani ang lampara, tumakbo sa azotea at inihagis ito sa


ilog. Sa gayon ay nawalan ng bisa ang pakana ni Simoun para sa isang
paghihimagsik sa sandatahan. Tumakas sya sa bahay ni Pari Florentino, sa
baybayin ng karagatang Pasipiko. Nang malapit nang mapagabot ng mga
alagad ng batas ang mag-aalahas,

uminom siya ng lason upang huwag pahuli nang buhay. Ipinagtapat


niya sa pari ang tunay niyang pagkatao at isinalaysay niya sa dito ang
malungkot na kasaysayan ng kanyang buhay. Mula nang siya ay bumalik sa
Pilipinas buhat sa Europa, labintatlong taon na ang nakalipas, ang pagiibigan nila ni Maria Clara at pagbabalatkayo niya na mag-aalahas sa pakay
na maiguho ang Pamahalaan at makipaghiganti sa pamamagitan ng isang
paghihimagsik. Pagkatapos na mangungumpisal ay namatay si Simoun.


Sa nais na maiwaksi ang napakalaking kayamanang naiwan ng magaalahas, kayamanang naging kasangkapan nito sa pagtatanim ng mga
bukto't na Gawain ay itinapon ni Pari Florentino sa karagatan ang kahong
asero na kinatataguan ng di-matatayang kayamanan ni Simoun.
Pahiwatig ng iba't ibang kabanata
Ang pahinang ito ay naglalaman ng mga pahiwatig ng mga iba't ibang
kabanata ng El Filibusterismo.
Kabanata I:Sa Kubyerta
-Ang bapor Taboy larawan ng ating pamahalaan, ng ating bayan. Mahina
ang pagtakbo at maraming balakid sa landas na ang ibig sabihiy mahina
ang pag-unlad. Marami pang dapat gawin upang sumulong ang bansa.
-Ang mga taong sakay ng bapor ay may dalawang kinalalagyan; ang
kubyerta at ang ilalim nito. Ang pamahalaan ay nagpapalagay na may
mataas at mababang uri ng tao.
-Si Simoun, ang mayamang mag-aalahas na siyang tagapayo ng kapitan
heneral, ay walang iba kundi si Ibarra.
Kabanata II: Sa Ilalim ng Kubyerta
-Ang mga kabataan ay masigasig sa kanilang mga balak. Humahanap sila ng
mga paraan upang maisakatuparan ang kanilang mga adhika. Lipos ng pagasa ang mga kabataan.
-Mapupusok ang kanilang kalooban. Hayagang sinasagot nang makahulugan
si Simoun gayung ang pagkakakilala nilay malapit sa kapitan heneral.
- Ang pagpapari ni Pare Florentino dahil sa kagustuhan ng ina ay
nagpapakita ng kapangyarihan ng mga magulang sa anak noong unang
panahon. Anumang bagay na naisin ng magulang maging laban man sa
kalooban ng anak ay nasusunod.
Kabanata III: Mga Alamat
-Ayon sa alamat, Si Donya Geronima ay tumanda dahil sa kahihintay sa
kaniyang kasintahan. Itoy nagpapahayag ng pagkamatapat ng babaing
Pilipina.
-Maalamat ang ating bansa. Hindi lamang Pasig ang mayroon. Halos lahat
ng bayan pati na ang pinagmulan ng mga bagay, halaman o tao.

Kabanata IV: Kabesang Tales


-Ang pagkakaagaw ng Korporasyon sa lupain ni Tales ay nagpapahiwatig ng
mga kasamaang umiiral noong panahon ng Kastila.
-Ang paghahanda ni Kabesang Tales ng baril, gulok o palakol ay
nagpapakitang handang ipakipaglaban ng mga Pilipino ang kanilang
karapatan.
-May mga Pilipino ring nagpapahirap sa kapuwa Pilipino. Nariyan ang mga
tulisang dumakip kay Kabesang Tales upang itoy ipatubos.
Kabanata V: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero
-Ang kaawaawang mga Pilipinoy tumatanggap ng mabigat na parusa sa
kaunting pagkukulang. Malulupit ang maraming mga nasa tungkulin.
-Malaki ang pagnanais ni Kapitan Basiliong makasundo ang kura at alperes.
Sila ang makapangyarihan sa bayan.
Kabanata VI: Si Basilio
-Ang pagpapaalila ni Basilio upang makapag-aral ay nagpapakita ng
pagpapahalaga ni Rizal sa Karunungan. Maging ano mang uri ng gawain
bastat marangal ay kailangang pasukan upang makatapos ng pag-aaral.
Kailangan ang pagtitiis, pagtitiyaga at pagsusumigasig upang matuto.
-Sa kabanatang itoy napabulaanan ang kasabihang kung ano ang punoy
soyang bunga. Si Basilio ay may mga mabubuting katangiang kabaligtaran
ng sa ama.
Kabanata VII: Si Simoun
-Ang lahat ng pag-uusap sa kabanatang itoy mahalaga. Isinisiwalat dito ang
buong diwa, kaisipan, damdamin at mga mithiin ng may akda para sa
kaniyang bayan.
-Nalalarawan din dito ang dalawang pangkat ng mga Pilipino na humihingi
ng pagbabago. Ang isay humihiling na maging bahagi ang Pilipinas ng
Espanya at ang isa namay nagnanais humiwalay upang maging ganap na
malaya.
Kabanata VIII: Maligayang Pasko

-Ang mga Pilipino ay mapaniwalain sa mga himala. Ang paghahanap ni Huli


ng Salaping inaasahang ibibgay ng Birhen ay kaigsian ng pag-iisip. Ibig
ipaunawa ni Rizal na nasa tao ang gawa at nasa Diyos ang awa.
-Ang pagkapipi ni Tandang Selo Ay nagpapahiwatig ng pagkaka-alis sa mga
Pilipino ng kalayaang magpahayag ng kanilang nais sabihin.
Kabanata IX: Si Pilato
-Masalapi at makapangyarihan ang korporasyon.
maaaring lumaban dito noong panahong iyon.

Walang

Pilipinong

-Si Pilato ang siyang naggawad ng hatol na si Hesus ay ipako sa krus. Siyay
naghugas ng kamay at sinabibg siyay walang kasalanan.
Kabanata X: Kayamanan at Karalitaan
-Ang isinasama ng mga mamamayan ay nasa mga taong namamahala.
-Ang mga Pilipinoy handang magbuwis ng buhay alang-alang sa kanilang
karapatan.
Kabanata XI: Los Banos
-Magkasamang nagpapasiya ang mga prayle
karaniwang nananaig pa ang pasiya ng mga prayle.

at

ang

pamahalaan,

-Magkaiba ang pamamalakad ng mga Dominiko at mga Heswita.


-Ang panunuyo sa mga may kapangyarihan ay kaugalian nating mga
Pilipino.
Kabanata XII: Si Placido Penitente
-Ang di pantay-pantay na pagtingin ng guro sa mag-aaral ay hindi nararapat
sapagkat itoy nagiging dahilan ng pagkawala ng kawilihan ng mga magaaral at ng di-paggalang ng mga ito sa guro.
Kabanata XII: Ang Klase ng Pisika
-Ang mga mag-aaral noong panahong iyon ay hindi nasisiyahan sa
pamamalakad at pamamaraan ng pagtuturo sa pamantasan. Silay naghain
ng kahilingan upang magkaroon ng pagbabago.

-Ang malaking laboratoryo sa Pisika ay laging inihahanda sa mga panauhing


darating at hindi sa pag-aaral. Isa ito sa sakit ng ating lipunan-ang pakitang
tao.
Kabanata XIV: Sa Bahay ng mga Estudyante
-Si Sandoval ay larawan ng mga kastilang may malasakit sa ating bayan at
pagpapahalaga sa mga Pilipino.
-Ang pagitang inilalagay ng pulitika sa mga lahi ay nawawala sa mga
paaralan, na wariy nalulusaw sa init ng kabataan at karunungan.
Magandang halimbawa si Sandoval, isang Kastilang naging kasamat kamagaral nina Isagani at Makaraig.
Kabanata XV: Si Ginoong Pasta
-Upang mailapit at makahingi ng tulong sa isang taong makapangyarihan,
kailangang hanapin muna ang kaibigan o kinaaalang-alangan nito; isang
sakit ng lipunan na ngayon ay palasak.
-Maraming taong tumitigin sa pansariling kapakanan at winawalng bahala
ang ikabubuti ng bayan.
Kabanata XVI: Ang mga Kapighatian ng Isang Insik
-Ang pagtanggap ng suhol ng mga nanunungkulan sa pamahalaan at ang
pagsasamantala sa mga lumalapit sa kanila ay nakapagdaragdag ng
paghihirap ng bayan. Ito ang pinakamalubhang sakit ng lipunan sa ngayon.
Kabanata XVII: Ang Perya sa Quiapo
-Masining ang mga Pilipino. At sa dahilang ang singing ay kinakikitaan ng
damdamin at ng iniisip ng gumagawa nito, makikitang ang nalalarawan sa
kanilang mga inukit ay ayon sa mga pangyayari noong panahong yaon.
Kabanata XVIII: Mga Kadayaan
-Ang mga bagay na nabanggit ng ulo ay tumutukoy sa pangyayaring
nagaganap noong panahon ng Kastila.
-Ang pagkatakot at tuluyang pagkakahimatay ni Pari Salvi ay nagpapakilala
ng pagtanggap ng mga prayle sa kanilang kasamaat pagkakasala.
Kabanata XIX: Ang Mitsa

-Ang di-mabuting pagtingin ng Kastila sa mga Pilipino ay siyang nagtataboy


sa huli upang maghimagsik.
-Ang layunin ng maraming magulang sa pagpapaaral sa kanilang anak
upang maipagmalaki at masabing silay magulang ng isang nakapag-aral at
nagkatitulo.
Kabanata XX: Ang Nagpapalagay
-Mataas ang pagpapalagay ng mga Pilipino sa mga banyaga. Agad-agad
tayong humahanga. Hindi na natin sinusuri ang kanilang mga tunay na
pagkatao at kakayahan.
-May paniniwala si Rizal na ang taoy pantay-pantay. Walang pagkakaiba ang
puti at kayumanggi.

Kabanata XXI: Mga Ayos-Maynila


-Karaniwan sa maraming tao ang pagwawalang bahala sa kapakanan ng
kapwa at ng bayan. Walang inaalagata ang marami kundi ang kagalingang
pansarili.
Kabanata XXII: Ang Palabas
-Ang kaugaliang pagdating nang huli sa takdang oras at hindi taal na sa
atin. Ginaya lamang natin ito sa mga Kastila.
-Ang mga Pilipinoy mahilig sa mga palabas na buhat sa ibang lupain.
Maging ano mang bagay na gawa ng mga dayuhan ay tinatangkilik at
hinahangaan natin.
Kabanata XXIII: Isang Bangkay
-Ang pagbabalik at balak ni Simoung agawin si Maria Clara sa kumbento ay
nagpapatunay ng kawagasan ng pag-ibig nito; at ang pagkamatay ng dalaga
ay nagpapahiwatig ng pananatili ng kapangyarihan ng relihiyon sa ating
bansa.
Kabanata XXIV: Mga Pangarap
-Ang pag-unald na nakikinikinita ni Isagani ay siyang pangarap ng may-akda
para sa kaniyang bayan.

-Itoy hindi nanatiling pangarap. Ang lahat ay nagkaroon ng katuparan.


Kabanata XXV: Tawanan at Iyakan
Ang kapasiyahang ginawa ni Don Custodio tungkol sa akademya ay isang
katunayang ang kabataan ay hindi binibigyang laya upang gumawa ng mga
bagay na ikauunlad ng sarili at ng bayan.
-Makapangyarihan ang mga prayle dito sa ating bansa. Sa pamamagitan ng
relihiyon, ng pananampalataya, ay nangyayaring mapasunod at masakop
tayo ng lubusan.
Kabanata XXVI: Ang Paskin
-Ang mga makapangyarihan ay nakagagawa ng mga paraan upang
masugpo ang anumang kilusang labag sa kanilang kapakanan.
-Anumang pagsulong ay hinahadlangan nila sapagkat malaki ang kanilang
pagnanasang manatili sa Pilipinas.
Kabanata XXVII: Ang Prayle at ang Pilipino
-May mga paring marunong umunawa. Hindi lahat ay may masamang ugali
at di-mabuting pagkilala sa mga Pilipino.
Kabanata XXVIII: Tatakut
-Higit na nakatatakot pagkaminsan ang mga bali-balita kaysa tunay na
pangyayari. Kalimitan, pag-nagpasalin-salin, itoy marami nang dagdag.
-Sa kabilang dako, may mga pangyayari namang aring pagtakpan kahit ng
mga pahayagan.
Kabanata XXIX: Mga Huling Salita Ukol kay Kapitan Tiyago
-Ang huling habilin ay nabago na ayon sa nais ni Pare Irene.
-Lubos ang paniniwala ng mga tao noon sa mga himala; isa sa mga bagay
na idiniin sa isipan ng mga mananampalataya.
Kabanata XXX: Si Huli
-Walang sukat napuntahan ang mga taong naghahanap ng katarungan. Ang
lahat maging ang mga may tungkulin sa pamahalaan ay nasa ilalim ng
kapangyarihan ng simbahan.

-Walang natitira sa mg kawawa kundi ang mamundok at manulisan.


-Makapangyarihan ang pag-ibig.
Kabanata XXXI: Ang Mataas na Kawani
-Ang pagtatanggol ng mataas na kawani kay Basilio ay isang pagpapatunay
na may ilan ding Kastilang ,ay ugaling marangal.
-Palaging api ang mga walang lakas at mga dukha. Hanggang ngayon ay ito
ang larawan ng katarungan sa ating bansa.
Kabanata XXXII: Mga Ibinunga ng mga Paskin
-Si Paulitay larawan ng isang dalagang makabago. magkalayo ang daigdig
nila ni Isagani. Hindi siya makapaghintay sa katuparan ng mga pangarap
ng binata.
-Ang dalagay makasarili, ang binatay makabayan.

Kabanata XXXIII: Ang Huling Matuwid


-Si Simoun at Basilio ay kapuwa uhaw sa paghihganti. Nais nilang
maipaghiganti ang sariling kaapihan.
-Sa mga dukha at api nagsisimula ang paghihimagsik. Bihira ang
nanggagaling sa mga maruruning at mayayaman. Itoy pinatutunayan ng
kasaysayan.
-Si Simoun ay may paniniwalang ang nilalayon ang nagbibigay katuwiran sa
pamamaraan. Hindi baling masama ang pamamaraan, mabuti lamang ang
layunin. Nalimutan niyang itoy labag sa alituntunin ng kagandahang-asal.
Kabanata XXXIV: Ang Kasal
Ang kabanatang itoy naglalarawan ng sakit ng ating lipunan:
-Sa pagpili ng ninong at ninang- Marami ang nagpapaanak sa mataas na tao
kahit itoy di lubhang kakilala. Ikinararangal nila iyon at ipinagmamalaki. Sa
katotohanan ang mga ito ay hindi nakagaganap sa kanilang tungkulin bilang
ninong pagkat nin hindi natatandaan ang inaanak.

-Ang paghahanda- sadyang pinagkakagastahan nang malaki ang kasalan,


binyagan at ano mang pisata dito sa Pilipinas. Inuubos ng may handa ang
kanilang makakaya. Ang ibay kahit na mangutang.
Kabanata XXXV: Ang Pista
-Makahulugan ang tatlong salitang nakatitik sa papel na nagpalipat-lipat sa
mga piling panauhin. Sinasabing Bilang na, natimbang na, hati ang inyong
kapangyarihan. Nangangahulugang nabibilang na ang araw ng mga
maykapangyarihan. Nalalapit na ang kanilang wakas, sapagkat natagpuang
nagkulang at nakgkasala.
-Magnum Jovem- Dakilang Jupiter. Si Jupiter ay ang Diyos ng kalangitan,
ayon sa relihiyong Romano.
Kabanata XXXVI: Mga Kagipitan ni Ben-Zayb
-Muling ipinakita ng may-akda ang walang katapatan sa pagbabalita noong
panahong iyon.
Kabanata XXXVII: Ang Hiwaga
-Totoo ang kasabihang may pakpak ang balita at may tainga ang lupa.
Walang lihim na hindi nahahayag.
Kabanata XXXVIII: Kasawinan
-Maraming mga kawal na Pilipinong mahigpit pa sa mga Kastila. Walang
pakundangan sa kanilang mga kababayan.
Kabanata XXXIX: Katapusan
-Ang kayamanan ay malaking tukso sa buhay ng tao.
-Kailangang maging mabuti ang kaparaanan upang maging mabuti ang
wakas.
-Binibigyang diin ang katotohanang kung walang kalayaan ay walang
katarunga.
-Ang kalayaay maaaring makamit sa tulong ng pagpapataas ng uri ng
katuwiran at ng karangalan ng tao.
-Nasa kabataan ang pag-asa ng bayan.

You might also like