You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IX, Zamboanga Peninsula
Sangay ng Lungsod Zamboanga
MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG PASONANCA
Lungsod ng Zamboanga

PETSA: Ika-27 ng Marso, 2023


BAITANG AT SEKSYON: Baitang 10 - Climaco (2:10PM - 3:00PM)
Baitang 10 - Agan (4:05PM - 4:55PM)

Pagkatapos ng 50 minutong talakayan, ang 75% na bilang ng mga mag-aaral ay


I. LAYUNIN
inaasahang makamtan ang pagkatuto sa mga sumusunod;

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahahalaga sa mga akdang


Pangnilalaman pampanitikan ng Africa at Persia.
B. Pamantayan Ang mag-aaral ay nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa
sa Pagganap batay sa binasang akdang pampanitikan.
C. Pamantayan a. Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw / teoryang
ng Pagkatuto/ pampanitikan na angkop dito F10PB-IIIh-i-85
Layunin b. Naipaliliwanag ang teoryang pampanitikan na angkop sa nobelang Paglisan
c. Nailalarawan si Okonkwo sa pamamagitan ng malikhaing pagpipresenta

II. NILALAMAN Aralin 3.7 Paglisan (Buod) Nobela mula sa Nigeria ni Chinua Achebe Isinalin sa
Filipino ni Julieta U. Rivera pahina 322-324
III. SANGGUNIAN

 Gabay Pangkurikulum at Panitikang Pandaigdig


1. Gabay ng Guro  Filipino 10 : Panitikang Pandaigdig, pahina 322-324
 Google: http://pangkatcarbon20182019.blogspot.com/2018/12/paglisan.html
 Youtube: https://www.youtube.com/watch?v=EuLZHMGSdgY
2. Mga Kagamitan  Kartolina, pandikit, ispiker, laptop at iba pang IM’s
IV. PAMAMARAAN GURO MAG-AARAL

1. Panimulang A. PANALANGIN
Gawain -G. Sapallida, maaari mo bang - Mahal na Panginoon kami po ay
pangunahan ang panalangin? nagpapasalamat sa lahat ng mga
biyayang ipinagkaloob niyo po sa
amin. Patnubayan ang pang-araw-
araw naming gawain, iligtas kami sa
anomang uri ng kapahamakan. Ito ay
hinihiling namin mula sa inyong
anak na si Hesu Kristo, Amen.

B. PAGBATI

-Magandang araw sa lahat! - Magandang araw po Bb. Daigan

-Bago kayo umupo, nais kong ayusin -Salamat po Bb.


ninyo ang inyong mga sarili at pulutin ang
mga basurang nakakalat sa sahig. Maaari na
kayong umupo.

C. PAGTALA NG LIBAN

-Isasauli ko sa inyo ang inyong index card (Isusulat ang petsa sa index card)
at lagyan ng petsa ngayon palatandaan na
kayo ay dumalo sa araw na ito.

D. PAMAMAHALA SA SILID- ARALAN


- Bibigyan ng puntos ang bawat mag-aaral
na makasasagot sa mga tanong.

E. PAGGANYAK

Panuto: Aawitin ang Nobela ng Join the


Club

https://www.youtube.com/watch?v=EuLZH
MGSdgY (1:36 minuto)
2. Pagganyak,
Paglalahad at F. PAGLALAHAD
Paglinang ng
Talasalitaan - Ang ating talakayan sa araw na ito ay may
kinalaman sa nobela.
3. Estratehiya Malayang Talakayan, 4A’s
GAWAIN

- Babasahin ng piling mag-aaral ang buod


ng nobelang Paglisan ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera

Si Okonkwo, isang matapang at


respetadong mandirigma, nagmula sa lahi
ng mga Umuofia, isang hindi gaanong
kilala at hindi kalakihang tribo sa Nigeria.

Labingwalong taong gulang noon si


Okonkwo nang matalo niya sa isang
labanan si Amalinze, ang Pusa. Dahil dito
kinilala ang katapangan ni Okonkwo mula
Umuofia hanggang Mbaino. Sa maraming
pagkakataon, ipinamalas ni Okonkwo ang
kaniyang katapangan upang mapagtakpan
A. ACTIVITY/ ang laman ng kaniyang dibdib laban sa
GAWAIN kaniyang ama, si Unoka na sa kaniyang
tingin ay mahina at talunan. Walang
nagawang mahusay ang kaniyang amang si
Unoka dahil sa kaniyang katamaran. Sa
halip, puro kahihiyan ang iniwan nito sa
kanilang pamilya sapagkat nag-iwan pa ito
ng maraming utang sa mga kanayon bukod
pa sa pinabayaan niya ang kaniyang
pamilya. Ang naging buhay na ito ni
Unoka ay laban kay Okonkwo. Kaya
pinatunayan niyang naiiba siya sa kaniyang
ama. Para patunayan ang kaniyang
kakayahan sa pamumuno, pinamahalaan
niya ang siyam na nayon. At siya ay
nagtagumpay. Tatlo ang kaniyang naging
asawa, nakapundar ng mga ari-arian na
nagpapatunay lamang ng kaniyang pagiging
masipag. Naging matapang na mandirigma
at makapangyarihan siya sa buong nayon.
Dahil dito, siya ay kinilalang lider ng
kanilang tribo.

Dahil sa kaniyang kakayahan sa


pamumuno, pinili si Okonkwo ng mga
kanayon upang ipagtanggol si Ikemefuna,
ang lalaking kinuha bilang tanda ng
pakikipagkasundo sa kapayapaan sa pagitan
ng Umuofia at isang nayon pagkatapos
mapatay ng tatay ni Ikemefuna ang isang
babaeng Umuofian. Tumira ang batang
lalaki kina Okonkwo. Naging magiliw at
magkasundo naman ang dalawa. Itinuring
ng bata si Okonkwo bilang pangalawang
magulang.

Isang araw, lihim na ipinaalam ni


Ogbuefi Ezeudu, isa sa matatandang taga-
Umuofia, ang planong pagpatay kay
Ikemefuna. Binalaan ni Ezeudo na huwag
makialam sa planong ito si Okonkwo.
“Hindi ka dapat makialam sa isasagawang
iyon ng kalalakihan ng Umuofia sapagkat
isang ama na ang turing ni Ikemefuna sa
iyo,” wika ni Ogbuefi Ezeudu kay
Okonkwo. Dahil dito, gumawa ng paraan si
Okonkwo. PInaniwala niyang ihahatid na si
Ikemefuna sa kaniyang tunay na ina.
Naglakbay ang bata kasama ang ilang
kalalakihan ng Umuofia. Sa gitna ng
kanilang paglalakbay, sinugod ng mga
kasamang lalaki si Ikemefuna upang
patayin ngunit nakatakas ang bata.
Nagpasaklolo ito sa kaniyang ama-amahan.
Noon ay nasa harapan ng mga katribo si
Okonkwo upang mapanatili ang ipinakitang
katapangan, tinaga niya ang bata sa harapan
nila sa kabila ng paghingi ng awa sa
itinuring na ama. Nakalimutan ni Okonkwo
ang naging usapan nila ni Ogbuefi Ezeudu.
Umuwi si Okonkwo na mag-isa. Wala na
ang batang tumulong at gumabay sa kaniya.
Naging simula naman iyon ng malaking
pagbabago kay Okonkwo. Hindi na siya
makakain, hindi na makatulog, hindi na rin
makapag-isip nang maayos. Ramdam niya
sa kaniyang sarili ang depresyong siya rin
naman ang may pagkakamali kaya’t upang
maibsan ang kapighatian at huwag matulad
sa kaniyang ama na isang sawi ay nagtungo
siya sa kaniyang kaibigang si Obierika.
Humingi siya ng payo rito at nakaramdam
naman siya ng kaunting gaan ng loob.
Nagkasakit naman noon si Ezinma, anak na
babae ni Okonkwo, ngunit gumaling din sa
tulong ng mga halamang gamot na
ipinanlunas ng kaniyang ama.

Lumipas ang panahon, nabalitaan ni


Okonkwo na namatay si Ogbuefi Ezeudu.
Nakaramdam ng konsensiya si Okonkwo
sapagkat nang huling makausap niya ito ay
noong bigyan siya nito ng babala tungkol sa
pagkonsulta sa orakulo na papatayin si
Ikemefuna. Pinuno ng malalakas na tunog
ng tambol na sinasabayan ng alingawngaw
ng malakas na putok ng baril ang maririnig
sa paligid habang nakaburol si Ogbuefi
Ezeudu. Kagimbal-gimbal na trahedya ang
bumulaga sa lahat ng mga naroroon nang
pumutok ang baril ni Okonkwo at tamaan
ang labing-anim na taong gulang na anak ng
yumao. Dahil dito, kailangang pagbayaran
ni Okonkwo ang nagawang kasalanan laban
sa kaniyang kaangkan. Isang malaking
pagkakasala sa diyosa ng Lupa ang
pumatay at makapatay ng kauri. Hinakot
lahat ni Okonkwo ang kaniyang mga ari-
arian at mahahalagang kagamitan at
nagtungo sa Mbanta, lugar ng
kapanganakan ng kaniyang ina dala ang
kaniyang buong pamilya. Sinunog ang mga
natirang hayop, kubo, at mga naiwang pag-
aari ni Okonkwo tanda ng paglilinis sa
buong pamayanan sa kasalanan nito.
Malugod naman silang tinanggap ng mga
kaanak higit lalo ang tiyuhin nitong si
Uchendu. Tinulungan nila sina Okonkwo na
makapagpatayo ng kanilang munting
pamayanan at pinahiram ng mga butil na
pagsisimulan ng kanilang munting
kabukiran. Malagim at mahirap man ang
sinapit ni Okonkwo, pinilit niyang
tanggapin ang lahat at muling magbalik sa
kung saan siya nagmula.

Dumaan ang dalawang taon ng


pagkakapatapon kina Okonkwo. Sa mga
taong iyon matiyagang kinukuha at inaani
ni Obierika ang mga pananim ni Okonkwo
sa dating lugar. Ibinebenta niya ito at
ibinibigay ang pinagbilihan kay Okonkwo.
Buong sipag niya itong ginagawa hanggang
sa makabalik na si Okonkwo sa Umuofia.
Isang masamang balita naman noon ang
ipinabatid ni Obierika nang minsang
nagdala siya ng pinagbilhan kay Okonkwo.
Winasak daw ng mga puti ang Abame, isa
ding pamayanan ng mga Umuofia.

Hindi naglaon, may mga dumating


na misyonero sa Mbanta. Sa tulong ng
isang interpreter na si G. Kiaga, kinausap ni
G. Brown, lider ng mga misyonero ang mga
taga-Mbanta. Ayon sa kanila, ang pagsamba
sa mga diyos-diyosan ay isang malaking
kasalanan at hindi katanggap-tanggap sa
simbahan. Lalong hindi maunawaan ng
mga taga-Mbanta kung paanong ang
Tatlong Persona ay naging iisang Diyos
katulad ng ipinaliliwanag ng mga
misyonero tungkol sa dapat na pagsamba sa
iisa lamang na Panginoon. Layunin ng mga
misyonero na dalhin ang Kristiyanismo sa
Mbanta at hindi ang tuligsain sila.
Nagkasakit si G. Brown at pinalitan ni Rev.
James Smith, isang malupit at bugnuting
misyonero. Nagkaroon ng relihiyon ang
mga taga-Mbanta. Habang isinasagawa ang
taunang seremonya para sa pagsamba sa
Bathala ng Lupa hinablot ni Enoch ang
takip sa mukha ng isang Egwugwu,
katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mga
ninuno. Kinabukasan, sinunog ng Egwugwu
ang tahanan ni Enoch at ang simbahang
itinayo nina Rev. Smith.
Ikinapanlumo ng Komisyoner ng
distrito ang naganap na panununog sa
kanilang simbahan. Dahil dito humiling
siya ng pakikipagpulong sa pinuno ng mga
Umuofia. Sa pulong, pinosasan ang mga
dumalong pinuno ng mga Umuofia at
ikinulong. Nakatikim ng pandudusta,
masasakit na salita at pang-aabuso ang mga
pinuno ng Umuofia.

Pagkatapos mapalaya ang mga


bilanggo, agad silang nagpulong at
napagkasunduang tumiwalag. Inakala ni
Okonkwo na nais ng mga kaangkan na
maghimagsik kung kaya’t gamit ang
machete pinatay niya ang pinuno ng mga
mensaherong lumapit sa mga kaangkan
niya. Hinayaan naman ng tao na makatakas
ang iba pang mensahero at doon napagtanto
ni Okonkwo na hindi handa ang kaniyang
mga kaangkan sa isang giyera.

Dumating sa lugar ni Okonkwo ang


Komisyoner ng Distrito upang imbitahan
siya sa isang pagdinig sa korte subalit
natagpuan na lamang niyang nakabitin si
Okonkwo. Nagpatiwakal si Okonkwo.
Ibinaba nina Obierika ang katawan ni
Okonkwo. Gumimbal sa buong nayon ang
nangyaring ito sapagkat kinikilala nila na
ang pagpapatiwakal ay isang malaking
kasalanan at bukod dito si Okonkwo ay
nakilala sa pagiging matapang at malakas.
“Ang taong iyan ay kilala at tanyag sa
buong nayon, dahil sa kaniyang ginawang
pagpapatiwakal, matutulad lamang siya sa
isang inilibing na aso.” Sabi ni Obierika,
ang kaniyang kaibigan.

- Mula sa Elements of Literature nina Holt


et. al. 2008. Texas, USA
Uri ng Panitikan

TALAKAYAN:

Paglalapat ng Teoryang Pampanitikan

Realismo - Sa teoryang ito, ipinapakita ang


mga karanasan at nasaksihan ng may akda
sa kanyang lipunan. Sa teorya rin na ito
maaring maihalintulad ang mga pangyayari
sa ating lipunan ngayon.

Historikal - sa teoryang ito, pinapakita ang


karanasan ng isang lipi ng tao na syang
masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng
kanyang paghubog.

Pamprosesong Tanong:
B. ANALYSIS/ 1. Anong pananaw o teoryang pampanitikan - Para sa akin, ito po ay realismo at
PAGSUSURI ang nangibabaw sa nobela? historikal
2. Bakit mo nasabing ang nobelang Paglisan - Nakapaloob sa akdang ito ang
ay may pananaw realismo at historikal? napakaraming dahilan para masabing
ito ay teoryang realismo. Tulad na
lamang ng arugain ni Okonkwo at
naging magkasundo sila ni
Ikemefuna at itinuring siyang ama
nito pero nagawa niya paring patayin
ang bata. Sa kasalukuyang panahon,
napakaraming mga tao ang mga
nagtataksil. Sunod naman, ang
ginawang pagtakas ni Okonkwo ng
mabaril nya ang anak ng yumaong
nagpayo sa kanyang si Ogbuefi
Ezeudu. Mahahalintulad din ito sa
mga panyayaring pagtakas ng mga
tao sa kanilang mga problema. At
ang pinakamalala sa lahat, ang
pagpapatiwakal nito. Sa buhay, hindi
sagot ang pagtakas sa mga problema
lalong lalo na ang pagkitil sa sarili,
dahil hindi naman nito
masosolusyunan ang iyong mga
paghihirap, bagkus ay lalo lamang
palalalain.

- Ang nobelang ito ay isang teoryang


historikal dahil ipinakita dito ang
iba’t ibang kultura at tradisyon ng
mga Africano na mula sa kanilang
ninuno na kanilang kinagisnan. At
ang mga nangyayari sa kasalukuyang
panahon ay nangyari na rin dati.

3. Ano ang nilalaman o balangkas ng mga - Ito ay nagpapakita ng reyalidad na


pangyayari? pamumuhay ng isang tao sa
mundong ating ginagalawan, kung
saan tayo ay susubukin ng maraming
pagsubok at dumarating sa punto na
tayo ay nauubos at napapagod na
dahil lang sa nais nating may
patunayan tayo sa ibang tao.

4. Ano ang mga kaisipan o aral na ibinigay - Sa bawat pagkakamali ay may


ng kuwento? kaakibat na konsensiya.
- Ang isang kasalanan ay maaaring
makapagbago sa pag-iisip ng mga
tao.
- Ang nobelang Paglisan ay isang kuwento
na mayroong pananaw realismo dahil ang
mga pangyayari sa kuwento ay nagaganap
din sa tunay na buhay. Tulad ng mga
pasubok, hindi pagkakaunawaan, pagpatay
sa kapwa at sa sarili. At ito ay mayroong
pananaw historikal sapagkat nabanggit dito
ang mga kultura ng Africa na umusbong
noon pang unang panahon na hanggang sa
C. ABSTRACTION/
kasalukuyan ay nais nila patuloy na gamitin
PAGLALAHAT
at pangalagaan.

Tanong:
1. Tama ba ang pumatay ng kapwa kung ito - Hindi, sapagkat hindi tayo ang
ay nakagawa ng kasalanan sa iyo? Bakit? magdedesisyon kung dapat nang
kunin ang buhay nito, at lalong ito ay
hindi asal na makatao.

2. Kapag ba napapagod na sa pagdadala ng - Wala, sapagkat ang ating buhay ay


buhay, may karapatan ba tayong kitilin ang hindi natin pagmamay-ari; ito ay
ating sariling buhay? Ipaliwanag hiram lamang. At ang pagsubok at
problema ay laging nandiyan at hindi
mawawala na dapat ginagamit natin
bilang sandata upang tayo ay lalong
lumakas at hindi panghinaan.

3. Kung kayo si Okonkwo, gagayahin niyo - Hindi po, dahil alam kong hindi
ba ang ginawa niya? Ipaliwanag solusyon ang pagpapakamatay upang
matakasan at malutasan ang
alinmang problema. Marami ang nais
mabuhay ngunit hinti nabigyan ng
pagkakataong mabuhay ng matagal,
kung kaya’t bakit ko sasayangin ang
sarili kong buhay?
Panuto: Ilarawan si Okonkwo sa
pamamagitan ng sumusunod:

D. APPLICATION/ PANGKAT I. - Tula


- Malayang makapipresente ang
PAGLALAPAT PANGKAT II. - Slogan
mag-aaral.
PANGKAT III. - Skit
PANGKAT IV. - Quotes

Panuto: Ibigay ang sumusunod:

1. Anong teoryang panitikan ang


nangibabaw sa nobelang Paglisan?
a. Realismo
b. Romantisismo
c. Eksistensiyalismo
d. Feminismo

2. Sa teorya rin na ito maaring


maihalintulad ang mga pangyayari sa ating
lipunan ngayon.
a. Historikal
b. Realismo
c. Eksistensiyalismo
d. Feminismo
MASUSING SAGOT:
3. Sa teoryang ito, pinapakita ang karanasan
ng isang lipi ng tao na syang masasalamin
V. EVALUATION/ 1. A
sa kasaysayan at bahagi ng kanyang
PAGTATAYA 2. B
paghubog.
3. D
a. Eksistensiyalismo
4. B
b. Realismo
5. A
c. Feminismo
d. Historikal

4. Anong pinakamalapit na paglalarawan


kay Okonkwo ang maaaring itawag sa
kaniya nang kitilin niya ang sariling buhay?
a. Mamamatay tao
b. Mahina ang pananampalataya sa Diyos
c. Makasarili
d. Matapang

5. Si Okonkwo ay kilala bilang?


a. Magaling na mandirigma at lider
b. Walang kwentang mandirigma at lider
c. Tamad
d. Hindi kilala ninoman

Panuto: Panoorin ang isang video clip at


VI. TAKDANG- sagutin ang mga katanungan:
ARALIN/ https://www.youtube.com/watch?v=jKkCfR
KASUNDUAN e7D2o (7:00 minuto)
Gabay na tanong:

1. Ano-ano ang mga kultura ng Africa?


2. Ano ang pagkakaiba ng kultura ng Africa
sa Pilipinas?

Inihanda nina: BB. JANE HONEY ROSE S. DAIGAN


PRESERVICE TEACHERS

Ipinasa kay: BB. MICHELLE M. INTO


CRITIC TEACHER

You might also like