You are on page 1of 10

Mala-Masusing Banghay-aralin sa Pagtuturo ng Filipino sa Baitang 10

I. LAYUNIN: Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nasusuri ang binasang anekdota batay sa paksa, tauhan, tagpuan, motibo ng


awtor, paraan ng pagsulat at iba (F10PB-IIIb-8);
b. Naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa anekdotang napanood sa youtube
(F10PD-IIIb-75);
c. Nakaprepresenta ng pagsasadula, Komik strip, at happy ending patungkol sa
nabasang akda; (F10PU-IIIb-79)
d. Nakagagawa ng isang sanaysay tungkol sa kabutihang loob sa panahon ng
pandemya.

II. PAKSANG ARALIN: Anekdota (Ang Tsinelas ni Jose Rizal)


Sanggunian: Modyul sa Filipino 10 Quarter 3, Modyul 5
Materyales: Tsart, projector/TV, laptop atbp.

III. YUGTO NG PAGKATUTO

1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatala ng liban
4. Pamantayang pangklase
5. Balik-aral (Aspekto ng Pandiwa)

Gawain ng Guro Gawain ng mag-aaral

Pagtatanong ng guro at
pagsagot ng mga mag-aaral
tungkol sa nakaraan aralin
(Pandiwa at mga Aspekto
nito)

Noong nakaraang tagpo ay


tinalakay natin ang patungkol
sa pandiwa.

Ano ba ang pandiwa? Ang pandiwa po ay salitang


naglalarawan ng kilos o galaw.

Ano ang unang aspekto nito?


Magbigay ng halimbawa. Perpektibo, halibawa po nito ay
kumain.
Ano ang pangalawang
aspekto nito? Magbigay ng
halimbawa. Pangalawa po ay Imperpektibo,
halimbawa po nito nag-aaral.
Ano ang panghuling aspekto
nito? Magbigay ng halimbawa

Panghuli po ay kontemplatibo,
halimbawa po nito ay magdarasal.
Mahusay!

Lubos n’yo ngang naunawaan


ang ating nakaraang aralin.

A. Tuklasin:
1. Pagganyak
Gawain 1: Buuin mo ako!
Panuto: Ang bawat pangkat ay bibigyan ng larawang ginupit-gupit. Paunahan sa pagbuo ng
larawan sa pisara.
Unang tamang makabuo= 10 pts.
Pangalawang tamang makabuo= 8 pts.
Panghuling tamang makabuo= 6 pts.
UNANG PANGKAT PANGALAWANG PANGKAT PANGATLONGPANGKAT
Integrasyon sa asignaturang
Araling Panlipunan at
Literatura

Tingnan natin ang nasa unang larawan, Sino ba


ang taong iyan?
Siya po si Dr. Jose Rizal ang ating
kinikilalang Pambansang Bayani.

Ano ba ang naiambag ni Dr. Jose Rizal sa ating


bayan?
Siya po ay nagsulat ng mga aklat na
nagpukaw ng damdamin ng mga
Pilipino upang lumaban sa Kastila.
Tama!
Ano-ano ba ang mga aklat na naisulat niya na
alam ninyo? Ang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo po.
Ang batang Jose Rizal po.
Sa ikalawang larawan, sino kaya ito?
Tama!
Iyan po ay larawan ng isang pares ng
Sa ikatlong larawan? tsinelas.
Ano ba ang gamit ng tsinelas? Pansapin po sa paa, gamit sa
paglalakad.

Magagamit ba ang tsinelas kapag isa nalang ito at


wala nang kapares? Hindi po, dapat po mayroong kapares
ang tsinelas.

Mahusay! Bigyan natin ng tatlong palakpak ang


bawat isa.
Ngayon tingnan natin kung ano ba ang kinalaman
ng gawain natin at mga larawang iyan sa ating
bagong aralin.

B. Linangin:
1. Paghahawan ng balakid

Gawain 2: Maramihang pagpipili

Panuto: Tatawag ang guro ng pangalan na sasagot sa bawat bilang. Piliin ang kahulugan o
kasingkahulugan ng mga salitang nakasalungguhit sa bawat bilang sa mga salitang makikita
sa kahon.

Maluwang na bahagi ng ilog pagsubok sasakyang hila ng kabayo

bagyo inukit kabilang dako/banda

1. Ang lawa sa Laguna ay kulay bughaw na may halong luntian kapag walang sigwa.
2. Ang tubig sa wawa ay napaliligiran ng mga kawayan.
3. Ang bangka ay karaniwang gawa sa nililok na matibay na kahoy.
4. Ang bangka ay ginagamit namin sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo ng lawa.
5. Mas mabilis kami makarating gamit ang bangka kaysa gumamit ng karetela.

2. Paglalahad

Sa araw na ito ay tatalakayin natin ang patungkol sa anekdotang “Ang tsinelas ni Jose Rizal”
matapos nating mabasa ito, inaasahan ko na nagagawa ninyo ang mga sumusunod:

a. Nasusuri ang binasang anekdota batay sa paksa, tauhan, tagpuan, motibo ng


awtor, paraan ng pagsulat at iba (F10PB-IIIb-8);
b. Naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa anekdotang napanood sa youtube
(F10PD-IIIb-75);
c. Nakaprepresenta ng pagsasadula, Komik strip, at happy ending patungkol sa
nabasang akda; (F10PU-IIIb-79)
d. Nakagagawa ng isang sanaysay tungkol sa kabutihang loob sa panahon ng
pandemya.

3. Panunuod ng Bidyu at Pagpabibigay ng gawain

Gawain 3:

Panuto: Ang bawat pangkat ay bibigyan ng gawain. Mayroon ipapanuod na bidyu ang guro,
pagkatapos ay sasagutan ng bawat pangkat ang gawain sa loob ng sampung minuto (10
minutes).

https://www.youtube.com/watch?v=2kCGo_ Aj1Dg.

Pangkat 1: Karakterisasyon, Tagpuan, Tema


Pagkat 2: Banghay/ buod
Pangkat 3: Paraan ng pagkasulat ng akda, Motibo ng awtor, at mga kaisipang/ideyang
taglay ng akda.

Pangkat 1: Karakterisasyon, Tagpuan, Tema


Ang Tsinelas ni Jose Rizal

Karakterisasyon Tagpuan Tema

Pangkat 2: Banghay/ buod

Ang Tsinelas ni Jose Rizal

(Buod)

Simula

Katawan

Wakas

Pangkat 3: Paraan ng pagkasulat ng akda, Motibo ng awtor, at mga kaisipang/ideyang


taglay ng akda.

Paraan ng pagkasulat ng
akda
Motibo ng awtor

Mga kaisipang/ideyang
taglay ng akda.

Rubriks para sa pagmamarka ng mga gawain:

Katumpakan ng sagot 15
Pagpapaliwanag/ pag-uulat 10
Kalinisan 5
Pag-uugali 5

Kabuuan 35

5. Pag-uulat at talakayan

Panuto: Pumili ng representante na mag-uulat ng nagawang gawain. Ipaliwanag ang sagot


sa loob ng limang hanggang sampung (5-10) minuto.

C. Pagnilayan
Pagtatanong ng guro at pagsagot ng mga mag-aaral:
1. Pagpapahalaga

Sino ang pangunahing tauhan sa akda? Si Jose Rizal po.


Saan umiikot ang buong pangyayari sa Umiikot po ito sa araw na sumakay ng
akda? bangka sa Jose sa lawa at inanod ang
isa niyang tsinelas.

Anong katangian ang ipinakita ni Jose sa


nabasang anekdota? Ipaliwanag. Siya po ay may malawak na pag-iisip,
dahil naisip n’ya po na ipaanod ang
tsinelas na natira para kung sino man
ang makakuha sa parehong pares ay
magagamit niya po ito.

Ano pa? Siya po ay may kagandahang loob dahil


iniisip niya po ang makakapulot ng pares
ng tsinelas.
Tama ba ang ginawa ni Jose na itapon
Tama po dahil sabi niya nga di rin niya
sa lawa ang natirang pares ng tsinelas?
iyon magagamit at kung sino man ang
makapulot nang isang pares ay
magagamit niya ito.

Kung ikaw si Jose Rizal, ganoon din ba


ang iyong gagawin? Ipaliwanag. Opo ganoon din ang aking gagawin para
magkaroon naman ng silbi ang tsinelas
na naanod sakaling may makapulot
noon.

May pagkakataon ba sa iyong buhay na


nakagawa ka ng desisyon na sa tingin
mo ay tama? Magbahagi. (Pagbabahagi ng karanasan)

Ano ang aral na natutunan ninyo sa


binasang akda? Dapat magkaroon tayo ng malawak na
pag-iisip.

Ano pa? Dapat magkaroon ng mabuting kalooban.


Magaling!

2. Pagtataya
Panuto: Sa parehong pangkat, gawin ang mga sumusunod na gawain.
Pangat 1: Isadula ang paboritong bahagi ng anekdotang napanood at nabasa.
Pangkat 2: Gumawa ng isang komik strip na nagpapakita ng pangyayari sa anekdotang
nabasa.
Pangkat 3: Dugtungan ang anekdotang nabasa, gawan ito ng “Happy Ending”.
Rubriks sa pagmamarka sa gawain

Pamantayan Naipamalas Hindi Hindi naipamalas


gaanong
naipamalas
Kaangkupan sa paksa 10 8 5
Lalim ng ideya 10 8 5
Pagganap (Acting) 10 8 5
Kariktan (Komik Strip)
Pagkamalikhain (Happy Ending)

D. ILIPAT

GRASPS

Panuto: Gumawa ng isang sanaysay tungkol sa kabutihang loob at kung papaano ito
maipapamalas sa panahon ng pandemyang COVID 19.

GOAL Ang bawat mag-aaral ay makakagawa ng isang sanaysay tungkol sa


kabutihang loob at kung papaano ito maipapamalas sa panahon ng
pandemyang COVID 19.

ROLE Isang manunulat.

AUDIENCE Ang guro.

SITUATION Mayroong pahusayan sa paggawa ng sanaysay sa loob ng klase.

PRODUCT Isang sanaysay tungkol sa kabutihang loob.

STANDARD Mamarkahan ang sanaysay sa pamamagitan ng mga sumusunod na


pamantayan:

Nilalaman 10

Kaugnayan sa paksa 10

Paggamit ng salita 10

Kabuuan 30

Rubriks sa pagmamarka sa gawain

Pamantayan 10 8 5

Nilalaman Naipaliwanag nang maayos May mga ideyang di Hindi nabigyang linaw
ang ideyang gustong ihatid at gaano nabigyang-linaw at naipaliwanag ang
ipaunawa. at naipaliwanag. mga ideya.

Kaugnayan sa Ang buong sanaysay ay May mga ideyang Ang mga ideya ay
paksa kaugnay sa paksang lumalayo sa paksa. walang kaugnayan sa
“kabutihang loob sa panahon paksa.
ng pandemya”

Paggamit ng Lahat ng mga salita ay wasto May iilang salitang mali Karamihan sa mga
salita ang pagkabaybay at ang pagkabaybay at salita ay mali ang
pagkagamit sa pangungusap. pagkagamit sa pagkabaybay at
pangungusap. pagkakagamit sa
pangungusap.

IV. Kasunduan

Panuto: Magkaroon ng paunang pagbasa tungkol sa susunod na aralin “Kasanayang


Komunikatibo” Filipino 10, pahina 135.
Republic of the Philippines
Province of Agusan del Sur
Municipality of Veruela
SINOBONG NATIONAL HIGH SCHOOL
Sinobong, Veruela, Agusan del Sur

Mala-Masusing Banghay Aralin


Sa FILIPINO 10
ikatlong Markahan
Taong-Aralan 2020-2021

Tagapakitangturo:

JOHN MARK Q. MERINO


Guro sa Filipino

Tagamasid:

SARAH C. TORRALBA

School Head

You might also like