You are on page 1of 14

Aralin 4.

Mga Hudyat sa
Pagsusunod-sunod
ng mga Pangyayari
LAYUNIN

Layunin naipaliliwanag ang pang-ugnay


1

nakasusulat ng isang talata na


2 ginamit ang mga hudyat sa
pagkakasunod-sunod
Pagtalakay

ISANG LINGGONG PAG-IBIG


Imelda Papin
Lunes nang Tayo'y Magkakilala
Pagtalakay
Martes nang Tayo'y Muling Nagkita
Miyerkules nagtapat Ka Ng Yong Pag-Ibig
Huwebes ay Inibig Din Kita
Biyernes ay Puno Ng Pagmamahalan
mga Puso Natin Ay Sadyang Nag-Aawitan
Sabado tayo'y Biglang Nagkatampuhan
at Pagsapit Ng Linggo Giliw Ako'y Iyong Iniwan
Isang araw nang Tayo'y Magkakilala
Pagtalakay
Sumunod na araw nang Tayo'y Muling Nagkita
Pagkatapos ay nagtapat Ka Ng Yong Pag-Ibig
Kung gayon ay Inibig Din Kita
Samakatuwid ay Puno Ng Pagmamahalan
mga Puso Natin Ay Sadyang Nag-Aawitan
Hanggang sa tayo'y Biglang Nagkatampuhan
at sa wakas Giliw Ako'y Iyong Iniwan
Pagtalakay
Pagtalakay
Ang paggamit ng mga hudyat sa pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari ay nagbibigay
pagkakataon sa mambabasa upang makabuo ng
magandang kabanata sa isang pasalaysay na
sulatin. Ito ay mga pang-ugnay upang humakbang
pasulong ang isinasalaysay katulad ng epiko.
Madalas na makita ang mga hudyat sa una o
gitnang bahagi ng pangungusap.
Mga Halimbawa ng Pang-ugnay

● kung gayon ● kaya naman


● Noon ● sa dakong huli
● Samakatuwid ● Pagkatapos
● Kaya ● habang
Mga Ginamit sa Epiko ni Gilgamesh na
Hudyat ng Pagkakasunod-sunod

● Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala kay Gilgamesh,


ang hari ng lungsod ng Urok, siya ay matipuno,
matapang, at makapangyarihan.

● Hindi pinahintulutan ng Diyos ang kanilang kawalang


paggalang, kaya itinakda nilang dapat ay mawala ang
isa kanila, at iyon ay Enkido na namatay dahil sa
malubhang karamdaman.
Mga Ginamit sa Epiko ni Gilgamesh na
Hudyat ng Pagkakasunod-sunod
● Sinunggaban niya ako, sinabunutan, kinubabawan, kaya
ako ay nabuwal. Pagkatapos ay ginawa niyang pakpak
ang aking mga kamay.

● Habang nakaratay si Enkido dahil sa malubhang


karamdaman ay may nasabi siya sa kaniyang kaibigan
dahil sa matinding sama ng loob.

● Sa ikatlong araw ng kaniyang pagkakaratay ay tinawag ni


Enkido si Gilgamesh.
1. Nakita kong tumakbo siya patungo sa kaniyang ama at
agad naman siyang sinalubong ng nakabukas na braso ng
ama kasunod ay mahigpit na yakap.
2. Ngayon darating ang mga padala ni inay mula sa US, kaya
naman maaga pa lamang ay nakaabang na ang kaniyang
mga apo.
3. Kanina lamang ay masaya siyang nagsasalita sa harap,
bakit bigla yatang nagbago ang ihip ng hangin?
4. Kahapon lamang ay sapat pa ang supply ng tubig,
nakakapagtaka, kung bakit ngayon ay bigla itong humina.
5. Gawin mo na ito habang inaayos ko naman ang iba pang
dokumento, para pagkatapos ay mai -print na natin ang
lahat.
Inaasahang
MGA Pag-unawa
DAPAT TANDAAN

Hindi maisasalaysay nang maayos ang mga pangyayari kung hindi


1 gagamit ng mga salitang nagsasaad ng hudyat ng pagkakasunod-
sunod.

Mapapansin sa mga binabasang akda ang mga salitang nagsasaad ng


2 hudyat ng paagkakasunod kung ito ay nagbibigay ng ideya ng
magkakasunod na pangyayari.

3 Mahalaga ang paggamit ng mga pang-ugnay sa bawat pangungusap,


sapagkat ito ang nabgbibigay linaw sa kung ano ang mensaheng
4 nakapaloob sapangungusap.
Kasunduan

Sumulat ng isang maikling proseso o hakbang


ng pagluluto ng iyong paboritong putahe.
Siguraduhing gumamit ng mga hudyat ng
pagkakasunod-sunod.
Kasunduan
Pamantayan Marka
Nilalaman: Naghatid ng impormasyon

Presentasyon: Organisado, walang anumang


mali sa gramatika at maayos ang retorika

Pagmamarka:
16 - 20 : Pinakamahusay
11 - 15 : Mahusay
6 - 10 : Katamtaman
1-5 : Kailangan pang pabutihin

You might also like