You are on page 1of 28

10

Filipino
Unang Markahan : Modyul 7
Epiko mula sa Mesopotamia
Filipino – Ikasampung Baitang
Unang Markahan – Modyul 7: Aralin 7 Epiko mula sa Mesopotamia
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Shiela May R. Abucay, MAEd
Editor: Cristy S. Agudera, Ed.D.
Tagasuri: Mga Guro sa Grade 10
Tagaguhit: Rhea Elaine A. Suico
Tagalapat: Jecson L. Oafallas
Tagagawa ng Template:
Tagapamahala: SDS Dr. Josephine L. Fadul
OIC-ASDS Christine C. Bagacay,EdD
OIC-CID Chief Maria Fe. D. Sibuan,EdD
EPS Filipino Cristy S. Agudera,EdD
EPS LRMS Lorna C. Ragos,EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education - TAGUM CITY
Office Address: Energy Park. Apokon Road, Tagum City
Davao del Norte, Region XI

E-mail Address: tagum.city@deped.gov.ph


10
FILIPINO
Unang Markahan – Modyul 7:
(Ikapitong Linggo)
EPIKO MULA SA MESOPOTAMIA
Aralin 1. Panitikan: “Epiko ni Gilgamesh”
Aralin 2. Wika at Gramatika:
Hudyat ng Pagsunod-sunod ng Pangyayari
Paunang Salita

Para sa Tagapagdaloy:
Binabati kita at naging bahagi ka sa isang landas na tutunguhin ng mga mag-aaral
sa panahon ng New Normal. Ikaw ay magiging tulay upang maiparating nang malinaw
sa mga mag-aaral ang pagbabagong naganap sa makabagong paraan ng paghatid
ng karunungan sa mga kabataan.

Bilang tagapagdaloy, ay kailangan mong ipaunawa sa mga mag-aaral na ang


modyul na ito ay para sa pagkamit ng mga mahahalagang kasanayang pampagkatuto
ng mga mag-aaral na naaayon sa Most Essential Learning Competencies o MELCs na
masusing hinimay ng mga dalubwika upang matiyak na tanging mahahalagang
kasanayan o kompetensi lamang ang matamo ng mga mag-aaral.

Inaasahan ding malinaw mong maipauunawa ang kahalagahan ng pag-iingat sa


modyul na ito ng mga mag-aaral, magulang at ng sino pa mang maaaring
makapagbigay ng tulong upang matamo ang kasanayang dapat malinang sa mga
mag-aaral sa pagtatapos ng araling ito.

Ipauunawa rin sa mga magulang na maaring tumulong sa mga mag-aaral, na


siguraduhing binasa at naunawaan ng mag-aaral ang aralin bago sagutan ang mga
kaugnay na gawain.

Sapagkat ang modyul na ito ay pagmamay-ari ng pamahalaan, ay kailangang


maipaunawa at mariing paalalahanan ang mga mag-aaral na iwasan ang pagpunit,
pagpilas, at pagsulat sa alin mang bahagi ng modyul. Sa halip, ay imungkahi sa mga
mag-aaral ang paggamit ng hiwalay na sagutang-papel sa pagsagot ng mga
katanungan sa paunang pagsusulit, mga gawain, gayon din sa panapos na pagsusulit.

Para sa mag-aaral:
Binabati kita sa iyong pagtahak sa iba na namang landas tungo sa susunod na
antas ng kaalaman sa asignaturang Filipino.

Bawat linggo, ikaw ay bibigyan ng modyul na iyong gagamitin sa loob ng isang


linggo na kinapapalooban ng lima hanggang pitong (5-7) araw. Ito ay naglalaman ng
mga aralin at mga kaugnay na gawain upang masukat ang iyong kaalaman at
kasanayang natamo sa loob ng isang linggo o mahigit pa.

May mga nakalaang araw sa tapat ng iilang bahagi ng Modyul na ito upang
maisagawa mo ang mga gawain. Ibig sabihin, kung nasa Unang araw ka pa lamang ng
linggo, ang mga gawain na nakalaan lamang sa araw na ito hanggang sa bahaging
may hudyat ng susunod na araw/ sesyon ang iyong tutugunan. Huwag mong gawin ang
lahat ng mga Pagsasanay at Gawain sa isang araw lamang. Sa susunod na araw na
naman ang iba pang mga gawain.

Ang unang aralin na iyong tatahakin ay tungkol sa panitikan. Dito mo makikilala


nang lubusan ang kaligirang pangkasaysayan ng isang panitikang pandaigdig, ang
kaniyang kagandahan, at ang kaniyang naiiambag upang mapaunlad ang panitikan ng
Pilipinas.

Kasunod ng bawat panitikang pandaigdig ay ang aralin sa wika at gramatika na


mayroon ding sariling mga gawain. Huwag kang mangamba sapagkat ang aralin sa
wika at gramatika ay dinisenyo upang madali mong maunawaan. Ang paglalahad ng
aralin ay katulad na rin ng pagpapaliwanag kung kaharap mo ang iyong guro.

Upang makamit mo ang mataas na iskor/marka, ay huwag mong madaliin ang


pagtugon sa mga gawain, bagkus ay kailangan mong unawaing mabuti ang aralin
upang matitiyak mong wasto ang iyong mga sagot sa bawat gawain. Sasagutan mo
lamang ang nakalaang gawain sa bawat araw kung natitiyak mong nauunawaaan mo
nang maigi ang aralin. Kung hindi mo nauunawaan sa isang basahan, uulitin mo
hanggang sa ganap mo nang maunawaan ang aralin.

Gagamit ka ng hiwalay na sagutang-papel upang iyong susulatan ng mga gawain


ayon sa hinihingi ng iba’t ibang bahagi ng modyul. Sa itaas ng iyong sagutang papel ay
dapat nakalagay ang Araw at ang Bilang ng Pagsasanay o Gawain. Ang mga sagutang
papel at Modyul ay ibabalik ng iyong mga magulang sa lugar kung saan nila kinuha ang
mga ito.

Mariin kong ipaalala sa iyo na huwag susulatan, pupunitin, o pipilasin ang alin
mang bahagi ng Modyul, sapagkat ito’y pagmamay-ari ng pamahalaan.

Ang Modyul na ito ay naglalaman ng mga bahaging kagaya ng:

Sa bahaging ito, malalaman mo


Alamin Natin
ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin


Subukin Natin
kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Sa bahaging ito, ang bagong
Aralin Natin aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Gawin Natin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para


Sanayin Natin sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga
Tandaan Natin
katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang
Suriin Natin maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
katotohanan ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong
Payabungin Natin
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Pagnilayan Natin iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang


Susi sa Pagwawasto sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Tinitiyak kong masasabik ka sa pagtuklas ng isang mitolohiyang


makapupukaw ng iyong kawilihan sa pagbasa. Halina’t umpisahan nating
mag-aral at matuto.
Aralin
Panitikan: Epiko ni Gilgamesh
7

Alamin Natin

Magandang araw sa iyo!

Sa aralin na ito, matutuhan mo ang pagtalakay sa epiko na mula sa


Mesopotamia na nagpapakita sa katangian at supernatural na
kapangyarihan ng pangunahing tauhan sa akda.
May mga gawain akong inihanda para sa iyo sa loob ng dalawang
araw upang mahasa ang iyong kaalaman tungkol dito.
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
 Nahihinuha ang katangian ng tauhan sa napakinggang Epiko (F10PN-
Ie-f-65);
 Naibibigay ang sariling interpretasyon sa mga kinaharap na suliranin
ng tauhan(F10PB-Ie-f-65)
 Napangangatwiranan ang kahalagahan ng epiko bilang akdang
pandaigdig na sumasalamin sa isang bansa (F10PB-Ie-f-66)
 Naisusulat nang wasto ang pananaw tungkol sa: (F10PU-Ie-f-67)

o pagkakaiba-iba at pagkakatulad ng mga epikong pandaigdig;

o ang paliwanag tungkol sa isyung pandaigdig na iniuugnay sa


buhay ng mga Pilipino;

o sariling damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura kung


ihahahambing sa kultura ng ibang bansa; at

o suring-basa ng nobelang nabasa o napanood napanood;


Subukin Natin

Subukan naman nating tayahin ang iyong nalalaman tungkol sa


paksang epiko.
Panuto: Basahin at suriin ang mga sumusunod na pahayag tungkol sa epiko.
Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI
naman kung hindi wasto.

______1. Ang mga tauhan sa epiko ay may katangiang malakas


at may kapangyarihan.
______2. Ang mga epiko ay hindi kailan man kasasalaminan ng
kultura ng isang bansa.
_______3. Ang mga epiko mula sa iba’t ibang bansa ay natatangi.
_______4. May mga kinakaharap na suliranin ang mga tauhan sa epiko.
________5. Ang epiko ay isang tulang pasalaysay.
________6. Nagsasaad ng kabayanihan ang mga epiko.
________7. Ang pinakalayunin ng epiko ay ang gisingin ang damdamin ng
mambabasa upang hangaan ang pangunahing tauhan.
________8. Ang Tuwaang at Biag ni Lam-ang ay halimbawa ng
epiko ng bansang Amerika.
________9. Ang akdang Epiko ni Gilgamesh ay nagpapakita ng
tema ng pagkakaibigan.
________10. May mga supernatural na kapangyarihan ang mga
tauhan sa epiko.

Aralin Natin

Ang Mesopotamia ay mula sa salitang Griyego na


nangangahulugang ‘sa pagitan ng dalawang ilog’ ay sinaunang rehiyon sa
silangang Mediterranean, sa hilagang silangan nito ay ang Bundok Zagros at
sa Timog-silangan ay ang talampas ng Arabia. Sa kasalukuyan, ang
kalakhang bahagi nito ay ang Iraq, samantalang ang ilang bahagi naman
ay ang Iran, Syria at Turkey.
Ang kanilang panitikan ay kasasalaminan ng kanilang mayamang
kultura. Ipinapakita rin sa epikong ito ang kanilang paniniwala, pilosopiya sa
buhay, pag-uugali at iba pang pagkakakilanlan ng kanilang lahi.
Ang epiko ay isa ring tula? Isang tulang pasalaysay na nagsasaad ng
kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangian at lakas
na higit pa sa karaniwang tao. Ang salitang epiko sa kasalukuyan ay
tumutukoy sa kabayanihan ng isinasalaysay.
Ang paksa ng epiko ay kabayanihan ng pangunahing tauhan sa
kaniyang paglalakbay at pakikidigma.

Ang pinakalyunin ng epiko ay gisingin ang damdamin upang hangaan


ang pangunahing tauhan. Pinakamahalaga rito ay ang pagtatagumpay
laban sa suliraning kinaharap dahil ito ay mas makapagbibigay ng
katuparan sa layunin ng tula.(Crisanto C. Rivera, 1982).
Gawain B. Panuto: Basahin ang talata tungkol sa epiko at saguting ang
gawain kaugnay nito upang mas mapalalim ang pag-unawa.
EPIKO

KAHULUGAN

LAYUNIN

PAKSA

GENRE

KATANGIAN NG TAUHAN

Gawin Natin

Ang epiko ni Gilgamesh ay isang epiko mula sa Mesopotamia ay


kinikilala bilang isang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan. Ang
kasaysayan nito ay nagsimula sa limang tulang Sumerian tungkol kay
‘Belgamesh’ (Salitang Sumerian para sa Gilgamesh), hari ng Uruk. Ang
kauna-unahang buhay na bersyon nito ay kilala bilang ‘Old Babylonian’ na
bersyon noong ika-18 siglo BC at pinamagatang Shutur eli sharr (Surpassing
All other Kings). Ang huling bersyon ay naisulat noong ika-13 hanggang ika-10
siglo BC ay pinamagatang “He Who sees the Unknown” sa makabagong
salita.

Narito ang isang halimbawa ng epiko. Basahin at suriin ang Epiko ni


Gilgamesh at sagutin ang gawain tungkol dito. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

Mula sa Epiko ni Gilgamesh

salin sa Ingles ni N.K. Sandars


saling-buod sa Filipino ni Cristina S. Chioco

1. Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala kay Gilgamesh, ang hari ng


lungsod ng Uruk, na ang dalawang katlo ng pagkatao ay diyos at ang
sangkatlo ay tao. Matipuno, matapang, at makapangyarihan. Ngunit
mayabang siya at abusado sa kaniyang kapangyarihan. Dahil sa kaniyang
pang-aabuso, patuloy na nananalangin ang kaniyang mga nasasakupan na
nawa’y makalaya sila sa kaniya.

2. Tinugon ng diyos ang kanilang dasal. Nagpadala ito ng isang taong


kasinlakas ni Gilgamesh, si Enkido, na lumaking kasama ng mga hayop sa
kagubatan. Nagpang-amok ang dalawa nang sila ay magkita. Nanalo si
Gilgamesh. Ngunit sa bandang huli ay naging matalik na magkaibigan sila.
Di naglaon ay naging kasa-kasama na ni Gilgamesh si Enkido sa kaniyang
mga pakikipaglaban. Una, pinatay nila si Humbaba, ang demonyong
nagbabantay sa kagubatan ng Cedar. Pinatag nila ang kagubatan. Nang
tangkain nilang siraan ang diyosang si Ishtar, na nagpahayag ng
pagnanasa kay Gilgamesh, ipinadala nito ang toro ng Kalangitan upang
wasakin ang kalupaang pinatag nila bilang parusa. Nagapi nina Gilgamesh
at Enkido ang toro. Hindi pinahintulutan ng mga diyos ang kanilang kawalan
ng paggalang kaya itinakda nilang dapat mamatay ang isa sa kanila, at
iyon ay si Enkido na namatay sa matinding karamdaman.
3. Habang nakaratay si Enkido dahil sa matinding karamdaman, sa
sama ng loob ay nasabi niya sa kaniyang kaibigan ang ganito: “Ako ang
pumutol sa punong Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan, ako ang
nakapatay kay Humbaba, at ngayon, tingnan mo kung ano ang nangyari sa
akin. Makinig ka kaibigan, nanaginip ako noong isang gabi. Nagngangalit
ang kalangitan at sinagot ito ng galit din ng sangkalupaan. Sa pagitan ng
dalawang ito ay nakatayo ako at sa harap ng isang taong ibon. Malungkot
ang kaniyang mukha, at sinabi niya sa akin ang kaniyang layon. Mukha
siyang bampira, ang kaniyang mga paa ay parang sa leon, ang kaniyang
mga kamay ay kasintalim ng kuko ng agila. Sinunggaban niya ako,
sinabunutan, at kinubabawan kaya ako ay nabuwal. Pagkatapos ay ginawa
niyang pakpak ang aking mga kamay. Humarap siya sa akin at inilayo sa
palasyo ni Irkalla, ang Reyna ng Kadiliman, patungo sa bahay na ang
sinumang mapunta roon ay hindi na makababalik.

4. Pinunit ni Gilgamesh ang kaniyang damit, at pinunasan niya ang


kaniyang luha. Umiyak siya nang umiyak. Sinabi niya kay Enkido, “Sino sa
mga makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong karunungan? Maraming
di-kapani-paniwalang pangyayari ang nahayag. Bakit ganyan ang
nilalaman ng iyong puso? Hindi kapani-paniwala at nakatatakot na
panaginip. Kailangan itong paniwalaan bagaman ito’y nagdudulot ng
katatakutan, sapagkat ito’y nagpapahayag na ang matinding kalungkutan
ay maaaring dumating kahit sa isang napakalusog mang tao, na ang
katapusan ng tao ay paghihinagpis.” At nagluksa si Gilgamesh.
“Mananalangin ako sa mga dakilang diyos dahil ginamit niya ang aking
kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng sinoman sa pamamagitan ng
panaginip.”

5. Natapos ang panaginip ni Enkido at nakaratay pa rin siya sa


karamdaman. Araw-araw ay palala nang palala ang kaniyang
karamdaman. Sinabi niya kay Gilgamesh, “Minsan ay binigyan mo ako ng
buhay, ngayon ay wala na ako kahit na ano.” Sa ikatlong araw ng kaniyang
pagkakaratay ay tinawag ni Enkido si Gilgamesh upang siya’y itayo.
Mahinang-mahina na siya, at ang kaniyang mga mata ay halos di na
makakita sa kaiiyak. Inabot pa ng sampung araw ang kaniyang
pagdadalamhati hanggang labindalawang araw. Tinawag niya si
Gilgamesh, “Kaibigan, pinarusahan ako ng mga dakilang diyos at
mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng mga
namatay sa labanan; natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang
taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad kong nakahihiya ang
pagkamatay.” Iniyakan ni Gilgamesh ang kaniyang kaibigan.

6. Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan sa


loob ng pitong araw at gabi. Sa huli, pinagpatayo niya ito ng estatwa sa
tulong ng kaniyang mga tao bilang alaala.
Gawain: Punan ang hinihingi sa ibaba.

C. Pag-isipan at Sagutin:

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang dahilan kung bakit pinarusahan ang magkakaibigang Gilgamesh


at Enkido?
a. dahil masyado siyang matalino sa kanilang lugar.
b. Dahil pagiging mapang-abuso

c.Dahil nakipagkaibigan siya kay Enkido


2. Bakit nagluluksa si Gilgemesh sa takbo ng mga pangyayari sa akda?
a. dahil sa pag-alis ng kaibigang hindi nagpaalam
b. dahil sa pagpanaw ng kanyang kaibigan
c. dahil kinuha ng mga manlalakbay ang kanyang kaibigan.
3. Paano ipinakita ni Gilgamesh ang kanyang pagiging matapat na kaibigan
kay Enkido?
a. pinahiram niya si Enkido ng kapangyarihan
b. inalagaan niya si Enkido hanggang sa huling pagkakataon
c. Dinala niya sa isang albularyo
D. Listahanayan
Panuto: Punan ng hinihinging impormasyon ang sumusunod na talahanayan.
Pamagat ng Epiko

Mga tauhan

Kapangyarihan ng Tauhan

Paksa

Sanayin Natin (Ika-2 araw)


Gawain F. Mula sa binasa o napakinggang epiko sa itaas, piliin ang
HINDI angkop na katangiang ipinakita ni Gilgamesh sa akda sa bawat
bilang ng talata. (F10PN-Ie-f-65).
Bilang ng Mga Katangian
Talata

1 a. Matipuno b. matapang c. mayabang d. mahina

2 a. Kawalan ng galang b.mahilag makipag-away


c. malakas d. palakaibigan

3 a. Palakaibigan b. matapat
c. Malupit d. hindi mapagkunwari

4 a. Mapagmataas b. Pagiging bukas sa isipan


c. mapagpakumbaba d. may kababaang loob

5 a. maalaga b. maalalahanin, c. matulungin d. malupit


Tandaan Natin

Gawain G. Panuto: Mula sa nabasa at napakinggang epiko ni


Gilgamesh, isulat sa ibaba ang mga kulturang ipinakita sa akda. Isulat rin
ang iyong saloobin o reaksyon hinggil ditto sa bakanteng kahon sa ibaba.
Narito ang pamantayan sa pagsagot. (F10PU-Ie-f-67)

5 4 3 2 1

Nilalaman

Kaangkupan
sa paksa

Panampalataya
sa Diyos
Epiko ni Kulturang
Gilgemesh Ipinakita
Pakikipagkaibi-
gan

Tandaan:

Ang mga bansa ay may kanya-kanyang epiko na may kanya-


kanyang kagandahan at layunin sa kabuuan.

Ang Mesopotamia ay may Epiko ni Gilgamesh na kinikilala bilang


kauna-unahang dakilang likha.

Sa Europa naman, pinaniniwalaang nagsinula kay Homer ng


Greece ang tradisyon ng epiko noong 800 BC. Makikita sa epiko ni Homer
ang porma nito tulad ng uri ng tauhan, banghay, mga talinghaga at iba
pa kaya mahalagang mabasa ng mag-aaral ang Iliad at Odyssey.

Sa Italy naman ay kilala bilang manunulat ng epiko sina Dante at


Virgil. Ang ‘The Divine Comedy’ ni Dante ay naging inspirasyon ng
maraming makata at pintor.

Ang El Cid naman ay kilalang epikong Espanyol ng Middle Ages na


isinulat ni Per Abbat. Ito ay tungkol sa pagsakop sa Valencia ni Rodrigo
Diaz de Vivar.
Ang Chanson de Roland naman ay ang kilalang epikong French na
tungkol kay Charlemagne at ang kanyang pag-atake sa tropa ni Basques
at Roncevaux noong 778.

Sa Ingles ay tanyag ang epikong Beowulf na pinaniniwaalng


pinagmulan ng inspirasyon ng paglikha ng iba pang epiko.

Sa Pilipinas, tinatayang nasa 28 na epiko ang kilala. Ang mga


epikong ito ay kumakatawan sa paniniwala, kaugalian at mabubuting
aral ng mamamayan. Kabilang sa mga epikong ito ay ang Biag niLam-
ang ng Ilocos, Hudhud ni Aliguyon ng Ifugao at Tuwaang ng Bagobo.

Suriin Natin

Tatayahin natin ang iyong nalalaman mula sa nabasang


mhahalagang impormasyon tungkol sa epiko at ng panitikang tnalakay.

H. Panuto: Basahin at suriin ang sumusunod na mga pahayag. Isulat ang


tsek (/) kung ang pahayag ay wasto at ekis (X) kung hindi ito nanging
suliranin ng pangunahing tauhan. (F10PB-Ie-f-65).

___1. Naging suliranin kay Gilagamesh ang pagpaparusa sa kanya ng diyos.


___2. Naging suliranin Gilgamesh ang nangyari sa kanyang pagkakasakit.
___3. Naguguluhan sa mga nangyayari si Gilgamesh.
___4. Naging suliranin ni Gilgamesh ang kung paano magkakaroon ng
katuparan ang kanyang panalangin.
___5. Naging suliranin ni Gilgamesh ang pagkawala ng kanyang
kapangyarihan.

I. Panuto: Isulat ang OO kung ang pahayag tungkol sa epiko ay wasto at


HINDI naman kung hindi ito tama. (F10PU-Ie-f-67)
____1. Ang epiko ay isang tulang pasalaysay.
____2. Mahalaga ang epiko sapagkat ito ay nagpapakita ng
pagkakakilanlan ng isang bansa.
____3. Ilan sa kulturang ipinakita sa akdang nabasa ay ang tungkol sa
pakikipagkaibigan.
_____4. Hindi maiuugnay sa kulturang Pilipino ang pagkakaibigang ipinakita
nina Enkido at Gilgamesh.
_____5. Ilan sa isyung maiuugnay sa binasa ay ang isyu ng pag-aalaga sa
may sakit, pagpapakita ng malasakit at paniniwala sa diyos.
Payabungin Natin
J. Panuto: Basahin ang kahulugan ng suring basa at suriin ang epiko ni
Gilgamesh ayon sa mga bahagi nito. Isulat sa isang buong papel. Kopyahin
ang pormat. Gawing pamantayan ang Rubriks sa ibaba.
 Ang suring-basa ay isang maikling pagsusuri pampanitikang
naglalahad ng sariling kuro-kuro o palagay ng susulat tungkol sa akda.
Layunin nito ang mailalahad ang mga kaisipang matatagpuan sa
isang akda at ang kahalagahan nito.
I. Panimula:
Uri ng Panitikan:____________________________________________
Bansang Pinagmulan:_______________________________________
Pagkilala sa may-akda: ____________________________________
Layunin ng akda: __________________________________________
II. Pagsusuring Pangnilalaman
Tema o paksa ng akda: _____________________________________
Mga Tauhan/Karakter: ______________________________________
Tagpuan: __________________________________________________
Kulturang Masasalamin sa akda: ________________________________
III. Pagsusuring Pangkaisipan:
Mga Kaisipan: ________________________________________________
Estilo ng Pagkakasulat ng Akda:________________________________
IV. Buod
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________

Pagnilayan Natin

K. Panuto: Punan ang hierarchal chart. Sumulat ng mungkeng


solusyon sa naranasang suliranin ng tauhan sa akda na maaari mo ring
mailapat sa tunay na buhay. Itala sa paraang pinakamahalaga ang nasa
itaas.
L. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang pangangatwiran. (F10PB-Ie-f-66)
Tanong: Bakit mahalaga ang isang epiko sa isang bansa?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
Susi sa Pagwawasto

Subukin Natin Gawin Natin:


1. TAMA 6. TAMA
2. MALI 7. TAMA A.
3. TAMA 8. MALI 1. b
4. TAMA 9. TAMA 2. b
5. TAMA 10. TAMA 3. b
Aralin Natin B.
1. Isang tulang pasalaysay na 1. Epiko ni Gilgamesh
nagsasaad ng kabayanihan ng 2. Gilgamesh, Enkido, Humbaba,
pangunahing tauhan na Ishtar
nagtataglay ng katangian at 3. Matipuno, matapang at
lakas na higit pa sa karaniwang makapangyarihan
tao. 4. Pagkakaibigan,
2. Gisingin ang damdamin pananampalataya sa Diyos
3. Matipuno, matapang at Tandaan Natin:
makapangyarihan
 Nasa guro ang
4. Tula
5. May kapangyarihang pagpapasya
supernatural Payabungin Natin
Sanayin Natin:
1. D  Nasa guro ang
2. B pagpapasya
3. C
4. A Pagnilayan Natin
5. D  Nasa guro ang
Suriin Natin: pagpapasya
H. I
1./ 1. OO
2.X 2. OO
3./ 3. OO
4./ 4. HINDI
5.X 5. OO
Sanggunian

K to12 Filipino Gabay Pangkurikulum sa Filipino Department of


Education 2016, 45-66
K to 12 Most Essential Learning Competencies for Filipino Grade 8.
https://e – edukasyon.ph Filipino

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – Region XI

F. Torres St., Davao City

Telefax:

Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph


Wika at Gramatika: Hudyat ng
Aralin
Pagsunod-sunod ng Pangyayari

Alamin Natin
Magandang araw sa iyo!

Malugod kitang binabati dahil matagumpay mong nasagot ang mga


naunang aralin.

Kumusta ka? Heto na naman ako upang patuloy na magbigay ng


mga mahahalagang kaalaman sa iyo. Handa ka na ba? Sa araling ito
matututuhan mo ang tungkol sa hudyat ng pagsunod-sunod ng pangyayari.

May mga Gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang
iyong kaalaman tungkol dito.
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

 Nagagamit ang mga angkop ng mga hudyat sa pagsunod-sunod


ng mga pangyayari. (F10WG-Ie-f60)

Subukin Natin (Ika-4 na araw)

A. Panuto: Basahin ang mga pahayag at piliin ang titik ng tamang sa


iyong sagutang papel.

1. Ang mga salitang nasa ibaba ay kabilang sa paglalahad ng


pagkakasunod-sunod ng pangyayari ayon sa panahon maliban sa
_________________.
a. dahil dito b. pagkatapos c. noon d. sumunod

2. Ginagamit ang mga katagang ito kapag ang pinagsunod-sunod ay mga


pangngalan.
a. una,pangatlo, pangalawa c. una pangalawa, pangatlo
b. pangatlo, pangalawa, pang-apat d. panghuli, una

3. kung nais ang pagdaragdag ng impormasyon, ang sumusunod na


pananda ang gagamitin maliban sa ___________.
a. una b. at saka c. kabilang dito d. dagdag pa nito

4. Ang mga salita sa ibaba ay mga pananda na hudyat ng pagsunod-sunod


ng mga pangyayari maliban sa isa.
a. Una b. Sumunod c. Pagkatapos d. talaga

5. Ang mga pananda na hudyat ng pagkasunod-sunod ng mga pangyayari


ay napakahalagang gamitin upang_______________.

a. maging mabisa at malinaw ang paglalahad


b. madaling matukoy ang kasunod na mga pangyayari
c. maging epektibo at madaling mauunawaan ang mga kaganapang
nangyayari sa kuwento.
d. lahat ng nabanggit.

Aralin Natin

Mas magiging malinaw ang paglalahad ng pangyayari kung ito ay


ginagamitan ng mga sumusunod na pananda upang maging mabisa a
paglalahad ng pagsunod-sunod ng pangyayari.

1. Kapag ang pinagsunod-sunod ay ang pangngalan, gumagamit ng mga


pang-uring pamilang o panunuran o ordinal. Ito ay ginagamit sa pagsunod-
sunod ng mga tao, bagay, hayop at lugar.
Halimbawa:
Una si Doris, pangalawa si Mario, pangatlo si Anna.
2. Kapag ang pinagsunod-sunod naman ay ang proseso o paraan ng
pagsasagawa ng isang bagay tulad ng pagluluto, paglalaba at iba pa, ito
ay ginagamitan ng sumusunod:
Halimbawa:
Una, kasunod, panghuli at iba pa
 Una niyang ginisa ang bawang. Kasunod nito ay inilahok na niya ang
karne ng manok. Panghuli ay naglagay ng kurot ng asin.

3. may mga pang-ugnay na mga salitang nagpapakita ng relasyon ng


dalawang yunit ng pangungusap. Ito ay may layuning pagsunod-sunurin
ang ang mga pangyayari.
Halimbawa:
Pagkatapos, bago, habang, kapag, kaya, kung kaya, Unang-una, sa
wakas, kalaunan, sumunod at iba pa.

Si Anna ay ay naglaba ngunit bago pa nito ay kumain na muna siya


ng agahan.
B. Panuto: Punan ng angkop na mga hudyat ng pagsunod-sunod ng
pangyayari ang sumusunod na talata hinggil sa tamang paghuhugas ng
kamay. Piliin ang sagot sa kahon at isulat sa sagutang papel.

Ang tamang paghuhugas ng kamay


ni Shiela May R. Abucay

Ang paghuhugas ng kamay ay isang mabisang paraanupang


maiwasan ang pagkakasakit ng CoViD ngayong panahon ng pandemya.
Mainam na alam natin ang wastong hakbang sa paghuhugas ng kamay.
1.____________, basain ng tubigang kamay 2.___________ ay maglagay o
magpahid ng tamang dami ng sabon sa buong kamay. 3. _______Kuskusin
ang magkabilang kamay lalo na ang mga pagitan ng daliri nito.
4.________sinasabon ang kamay, siguruhing kuskusin din ang magkabilang
hintuturo. 5.__________ banlawan ang kamay ng malinis na tubig. Mas
mainam kung maghugas ng kamay sa loob ng 20-30 segundo. Gamitin ang
malinis na towel upang patuyuin ang kamay.

Pagkatapos, bago, habang, kapag, kaya,


kung kaya, sunod, una

Gawin Natin
Ngayon naman ay pagsunod-sunurin mo ang mga pangyayari sa
ibaba.

C. Panuto: Lagyan ng bilang 1-4 ang mga paghahandang gagawin bago


lumabas ng bahay upang maiwasan ang pagkakasakit ng CoViD.
_____1. Pagkatapos ay magsuot ng face mask.

_____2. Unang ihanda ang listahan ng pupuntahan at ang tiyak


na mga oras nito.
_____3. Maglagay ng alcohol sa kamay at ikalat sa buong palad
at bahagi ng mga daliri.
_____4. Habang nasa lugar na pinuntahan, maging maingat at iwasan ang
maraming umpukan ng tao, gayon din ang manatiling isang metro ang
distansya sa iba.
_____5. Maaaring magsuot ng face shield kapag aalis na ng bahay.

Sanayin Natin
Ngayon naman ay sasanayin natin ang iyong kaalaan tungkol sa
paksa.

D. Panuto: Lagyan ng ng A,B,C,D at E ang tamang pagkakasunod-sunod ng


pangyayari mula sa iyong paggising hanggang sa ikaw ay aalis na ng bahay

___1. Pagkatapos ay manalangin bilang pasasalamat sa panibangong araw


na darating.
___2. Gigising alas 6:00 ng umaga.
___3. Sa wakas ay kakain na upang manatiling malusog.
___4. Sunod na magliligpit ng hinigaan o tulugan.

____5. Tapos na ang responsibilidad sa bahay kaya ihahanda na ang sarili


upang maligo.

Tandaan Natin
E. Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga dapat gawin sa pagkuha ng
modyul sa mga paaralan.

______1. Pagkatapos, ang magulang ay inaasahang magpakuha ng


temperature at personal na impormasyon bago pumasok sa paaralan.

______2. Unang-una, inaasahang magsusuot ng facemask at faceshield ang


mga magulang bago makapasok sa paaralan upang makuha ang mga
modyul para sa kanilang mga anak.
______3. Tumapak muna sa foothbath bago tuluyang pumasok sa paaralan.

______4. Sa huli ay maari nang tunguhin aat makipag-ugnayan sa guro ng


mga mag-aaral sa pagkuha ng modyuls.

______ 5. Sunod ay dapat tandaang maghugas ng kamay o maaaring


magsanitize ng alcohol.

Suriin Natin
Ngayong panahon ng pandemya ay karaniwang ginagamit ang
modyuls bilang alternatibong paraan upang matuto. Basahin ang talata sa
ibaba upang magkaroon ng gabay sa paggamit nito nang wasto.
Panuto: Lagyan ng angkop na mga salitang naglalahad ng hudyat ng
pagkakasunod-sunod. Piliin ang angkop na salita upang mabuo ang talata
at maging ganap ang kosepto nito.

Gabay ang mga magulang


ni Shiela May R. Abucay

1. _____, sa oras na makuha na ang modyuls mula sa paaralan ng


mga mag-aaral , basahin muna ang paunang pahina nito. Dito nakasulat
ang paksa o aralin at ang takdang bilang ng linggo ng mga mag-aaral.
2. __________ nito ay basahin ang mga tutunin kung paano ito gamitin.
3.___________, tiyaking alam at nabasa ng tagagabay o tagapagdaloy ng
mga mag-aaral ang mga pagkakahati-hati ng aralin sa loob ng isang
linggo.

Hindi kailangang madaliin ang pagsagot sapagkat ito ay


nahahati ayon sa kasanayang dapat matamo ng mag-aaral araw-araw.
4._________ alam na ng tagapagdaloy ang mga hakbang, maaaring
ipaliwanag sa anak o mag-aaral ang kanilang gagawin. Maaaring ituro ng
magulang ang paggawa ng timeline bilang gabay ng mga mag-aaral sa
pag-aaral araw-araw. 5. _________ ay maaari nang simulan ng mag-aaral
ang pagsagot sa modyul. Tandaang ang tanging tungkulin ng magulang ay
maging gabay lamang sa mga anak. Ito ay isang magandang
pagkakataon upang ipakita ang suporta at pagmamahal sa anak.

Pagkatapos, bago, habang, kapag, kaya,


kung kaya, sunod, una

Payabungin Natin
Dagdagan ang iyong kaalaman, sumulat ng isang talata tungkol sa
mga hakbang upang maiwasan ang pagkakasakit ngayong panahon ng
pandemya. Isulat ito sa isang buong papel. Gamitin ang mga hudyat ng
pagsunod-sunod sa ibaba.

Pagkatapos, bago, habang, kapag, kaya,


kung kaya, sunod, una
Pagnilayan Natin

Bilang mag-aaral, pagsunod-sunurin ang iyong mga ginagawa upang


mas matutuhan ang mga aralin kahit nag-aaral sa iyong tahanan. Kopyahin
ang pormat sa ibaba at isulat sa sagutang papel. Gumamit ng mga hudyat
ng pagsunod-sunod.

Mga ginagawa upang


mas matutuhan ang
mga aralin
Susi ng Pagwawasto

Subukin Natin Aralin Natin Gawin Natin

1. a 1. una 1. una
2. c 2. sunod 2. sunod
3. a 3. pagkatapos 3. pagkatapos
4.d 4.habang 4.habang
5.d 5.panghuli 5.panghuli

Sanayin Natin Tandaan Natin Suriin Natin


1. 2 1. B 1. Una
2. 1 2. A 2. Sunod
3. 5 3. C 3. pagkatapos
4. 3 4. E 4. kapag
5.4 5. D 5. sa huli

Payabungin Natin Pagnilayan Natin

 Nasa guro ang  Nasa guro ang


pagpapasiya pagpapasiya

Sanggunian

K to12 Filipino Gabay Pangkurikulum sa Filipino Department of Education


2016, 45-66
K to 12 Most Essential Learning Competencies for Filipino Grade 8.
https://e – edukasyon.ph Filipino

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – Region XI

F. Torres St., Davao City


Telefax:
Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph

You might also like