You are on page 1of 1

MELC 10 Natatalakay ang mga uri ng kasarian (gender) at sex at gender roles sa iba’t ibang bahagi ng

daigdig
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ayon sa Boxer Codex, bago pa man dumating ang mga Kastila, ang mga lalaki ay pinapayagang
magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kaniyang asawang babae
sa sandaling makita niya itong kasama ang ibang lalaki. Ano ang ipinahihiwatig o ipinakikita
nito? UNDERSTANDING

A. Noon pa man mas mataas ang katayuan ng mga lalaki sa mga babae.
B. Noon pa man ang mga babae ay walang kapangyarihan sa lipunan.
C. Noon pa man Malaya ang mga lalaki na gawin ang gusto nila.
D. Noon pa man ang mga lalaki ay kinikilala sa lipunan.

2. Ang orientasyon sekswal ay tumutukoy sa pagpili ng iyong makakatalik. Alin sa sumusunod ang
dalawang uri nito? REMEMBERING

A. Asexual at Bi-sexual
B. Homosexual at Heterosexual
C. Sex at Gender
D. Lesbian at Gay

3. Ang gender ay tumutukoy sa panlipunang gampanin, kilos at Gawain na itinatakda ng lipunan


para sa mga babae at lalaki.Piliin sa sumusunod ang halimbawa nito.REMEMBERING

A. Male at female
B. Masculine at feminine
C. Lesbian at Gay
D. Transgender at transwoman

4. Batay sa kasaysayan ng gender roles sa Pilipinas? Ano ang pinakamahalagang pagbabago sa


papel ng mga babae at lalaki ang napansin mo? REMEMBERING

A. Nabago ang kalagayan ng mga kababaihan sa lipunan.


B. Naging pantay na ang karapatan at katayuan ng babae at lalaki sa lipunan.
C. Naging bukas ang isipan ng bawat isa ukol sa pagkakiba ng babae at lalaki.
D. Naisagawa na ng parehong kasarian ang mga nais nilang gawin sa lipunan.

5.Sa Africa at Kanlurang Asya, mahigpit ang lipunan para sa mga babae lao na sa miyembro ng
komunidad ng LGBT. Alin sa sumusunod ang higit na nagpapatunay nito? ANALIZING

A. Pagbabawal na magmaneho ng sasakyan nang walang pahintulot ng kamag-anak na lalaki


B. Pagbibigay ng pahintulot na makilahok sa proseso ng pagboto
C. Pagpapatupad n g FGM o Female Genital Mutilation
D. Pananatili ng paghihigpit sa mga kababaihan

You might also like