You are on page 1of 9

ARALING PANLIPUNAN 10

Mga Kontemporaryong Isyu


NAME:
GRADE & SECTION:
DATE: SCORE:

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap.Isulat ang titik ng tamang sagot sa unahan ng bawat bilang
1. Ang edukasyon sa Pilipinas ay pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay nauuri bilang Pormal o
Di-Pormal na edukasyon. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng Di-Pormal na edukasyon?
A. May payak na kurikulum at facilitator
B. Isinasagawa sa loob ng mga silid-aralan
C. Karaniwan maikli at boluntaryo ang mga programa
D. Kinabibilangan ng programa sa pagbasa at pagsulat para sa matatanda at kabataan
2. Sa dating sistema ng edukasyon sa Pilipinas, ang Pormal na edukasyon ay nahahati sa mga yugto tulad ng pre-
school, elementary, secondary at tertiary o pang ikatlong antas ng edukasyon. Aling yugto ng edukasyon ang
kinakailangan upang maihanda ang isang mag-aaral para sa kolehiyo?
A.Pre-school Educattion C. Secondary education
B. Elementary education D. Tertiary education
3. Sa paghahangad ng pamahalaan na higit na mapabuti ang edukasyon sa Pilipinas, ipinatupad ang programang
K to 12 na nagkaroon ng karagdagang dalawang taon sa high school. Alin sa mga sumusunod ang pinaka-
positibong layunin ng programang K-12?
A. Karagdagang gastos ng mga magulang
B. Mas mahabang panahon ng pag-aaral, mas maraming kaalaman ang matutunan
C. Makasasabay ang bansa sa napapanahong pagbabago ng sistema ng edukasyon sa mundo
D. Makapagpo-prodyus ng mga mag-aaral na may sapat na kaalaman at kakayahan sa paghahanapbuhay.

4. Ang programang K to 12 ay naglalayong makapagbigay ng sapat na panahon sa mga mag-aaral upang


makapaghanda sa kanilang tatahaking hanapbuhay o kurso sa kolehiyo. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa
mga kalinangan para sa K to 12 kurikulum?
A. Agham at teknolohiya C. Musika, sining, at Isports
B. Pagnenegosyo at Entrepreneurship D. Lahat ng mga nabanggit

5. Ang LPU,BSU, at UB ay ilan lamang sa mga paaralang tersiarya sa Batangas.Ano ang ahensyang nangangasiwa sa
lahat ng mataas na paaralan sa bansa o higher education institutions?
A.DepEd B.TESDA C. CHED D. DECS

6. Layunin ng pamahalaan na maisulong ang pagkakapantay-pantay sa pagtatamasa ng edukasyon. Kaakibat nito,


lumikha ang pamahalaan ng iba’t-ibang anyo o uri ng edukasyon para maragdagan ang access sa edukasyon ng
mas nakararaming Pilipino. Alin sa mga naturang anyo ng edukasyon ang may layuning makapagbigay ng mga
kaalaman at kasanayang kinakailangan upang makapaghanapbuhay?
A. Alternative Learning System C. Home Education
B. Distance Learning D. TESDA

7. Ang distance learning ay uri ng edukasyong isinusulong ng pamahalaan para sa pagkakaloob ng access sa
edukasyon sa mas nakararaming Pilipino. Bakit magandang oportunidad ito para sa lahat?
A. Makagbibigay ito ng kasanayan sa mga kursong praktikal
B. Makapagtatamo ng edukasyon ang isang indibidwal sa loob ng kanilang tahanan.
C. Nakapagbibigay ng pagkatuto sa mga taong malayo ang distansiya mula sa institusyong pang-
akademiko
D. Wala sa mga nabanggit

8. May mga programa na nagsusulong ng pagkakapantay-pantay sa edukasyon. Alin sa mga sumusunod ang
HINDI kabilang dito?
A. Distance Learning C. Alternative Learning Center (ALS)
B. Pribadong Paaralan D. TESDA

9. Ang pagkakaroon ng mataas na kalidad ng edukasyon ay malaking hamon sa kagawaran ng edukasyon sa


Pilipinas. Paano masasabi na bumababa ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa?
A. Dumarami ang kaso ng mga drop-out at repeater.
B. Pasado ang grado ng mga mag- aaral sa mga asignatura.
C. Mataas ang grado na nakukuha ng mga mag- aaral sa NAT.
D. Lumalaki ang bilang ng mga mag- aaral na pumapasok sa paaralan.
10. Ayon sa mga pagsasaliksik, maituturing na higit na mas magagaling sa English, Agham, at Matematika ang mga
mag- aaral noong dekada 70 kumpara noong dekada ’80, ’90; at sa kasalukuyan. Bakit sinasabi na maganda ang
kalidad
This ng edukasyon
study source was downloadednoon kaysa sa ngayon?
by 100000851408473 from CourseHero.com on 02-26-2023 12:05:02 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/63780236/AP10-Fourth-Periodical-Testdoc/
I. Mahigpit ang patakaran ng kagawaran ng edukasyon
II. Maraming magagandang paaralan pampubliko at pampribado
III. Maraming bilang ng mga Pilipino ang marurunong at mahuhusay sa English lalo na ang mga gurong
Pilipino.
IV. Mayroon sa Pilipinas na mga unibersidad na nakapapantay sa mga unibersidad sa ibang bansa.

A. I, II, III B. II, III, IV C. I, III, IV D. I, II, IV


11.Kakulangan sa silid- aralan, silid-aklatan, at mga kagamitan sa pagtuturo ay ilan lamang sa mga suliraning sa
edukasyon lalo na ng mga pampublikong paaralan sa bansa. Anong suliraning kinakaharap ng sektor ng edukasyon
sa bansa ang isinasaad ng pahayag?
A. Papataas na presyo ng edukasyon
B. Bumababang kalidad ng edukasyon
C. Hamon ng bagong sistema ng edukasyon
D. Kakulangan sa mga pasilidad at mga gamit sa edukasyon
12. Maraming suliranin ang kinakaharap ng sektor ng edukasyon na nararapat pagtuunan ng pansin sa Pilipinas.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga suliraning kinakaharap ng sektor ng edukasyon?
A. Ang malaking sukat ng klase
B. Mababang sweldo ng mga guro
C. Kawalan ng disiplina ng mga mag- aaral
D. Hindi sapat na badyet ng pamahalaan para sa edukasyon at korapsyon.
13. Ang programang K-12 ay bago pa lamang na ipinatutupad kaya hindi pa masukat ang benepisyong maidudulot
nito. Marami ang tumututol sa programang ito dahil sa dalawang taong dagdag na gastos na babalikatin ng mga
magulang. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng problemang ito sa edukasyon ng bansa?
A. Ang papataas ng presyo ng edukasyon
B. Ang bumababang kalidad ng edukasyon
C. Ang mga hamon ng bagong sistema ng edukasyon sa bansa
D. Ang hindi sapat na badyet para sa edukasyon at ang korapsyon

14. Ang mga sumusunod ay mungkahing paraan na makakatulong sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon sa
bansa, Aling pahayag ang magsasabi na ang susi sa suliraning ito ay ang pagsasaayos ng sahod ng mga guro
upang hindi na umalis ng bansa?
A. Pagkuha ng mga de- kalidad na guro
B. Pagdaragdag ng mga guro sa paaralan
C. Pagpapaunlad ng kurikulum sa pribado man o pampublikong paaralan
D. Pag-aaruga at paglalaan ng mga epektibong working conditions para sa mga guro at dagdag benepisyo
15. Inatasan ng pamunuan ng DILG ang lokal na pamahalaan at barangay officials sa bansa na tumulong sa
rehabilitasyon ng Manila Bay ang Local Government Units (LGU’s). Hinikayat din ng ahensya ang lahat ng
mamamayan na suportahan ang paglilinis ng nasabing lugar. Anong katangian ang dapat taglayin ng mga
mamamayan na nakikilahok sa mga gawain at usaping pangsibiko tulad nito?
A. May mabuting relasyon sa Kapwa C. May mabuting relasyon sa Sarili
B. May mabuting relasyon sa Kalikasan D. May mabuting relasyon sa Pamilya
16.Ang mga sumusunod ay palatandaan ng isang aktibong mamamayan na nakikilahok sa gawaing sibiko na
tumutulong sa pagbuo ng ligtas, mapayapa, makatarungan, malinis at maunlad na bayan. Alin ang WALANG
kaugnayan sa relasyon ng tao sa pamahalaan?
A. Nananalig sa salita at kapangyarihan ng Diyos
B. Maalab na tagapagtanggol sa kasarinlan at kalayaan ng bayan
C. Mapangalaga sa Kultura, tradisyon at mabuting kaugalian ng bayan
D. Matulungin sa mga makatao at makabayang layunin ng pamahalaan

17. Alin sa mga sumusunod na pakikipagrelasyon ng tao ang nagpapakita ng pagiging matulungin, mapagmahal at
may maalab na layuning ipagtanggol ang kasarinlan ng kalayaan ng bansa?
A. Pakikipagrelasyon sa Diyos C. Pakikipagrelasyon sa pamilya
B. Pakikipagrelasyon sa kapwa D. Pakikipagrelasyon sa pamahalaan

18. Hindi nakilahok si Rico sa Oplan Linis ng kanilang barangay sapagkat inalagaan niya ang kanyang kapatid na
may sakit ngunit nagbigay naman siya ng gamit panlinis katulad ng walis, sako at lalagyan ng basura. Ano ang uri ng
aktibong pakikilahok ang isinagawa ni Rico?
A. Pagpapatibay ng relasyon sa Diyos, pamilya at kapwa
B. Pagpapatibay ng relasyon pamilya, sarili at pamhalaan
C. Pagpapatibay ng relasyon sa pamilya, kapwa at kalikasan
D. Pagpapatibay ng relasyon sa pamilya, pamahalaan at kalikasan

This study source was downloaded by 100000851408473 from CourseHero.com on 02-26-2023 12:05:02 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/63780236/AP10-Fourth-Periodical-Testdoc/
19. Ipinagkaloob ng Diyos sa tao ang kapangyarihang alagaan ang kalikasan na kanyang nilikha. Ang pagtitiwalang
ito ay isang patunay ng pagmamahal ng Diyos sa tao. Ano ang inilalarawang katangian na dapat taglayin ng isang
mamamayan na nakikilahok sa mga gawaing at usaping pansibiko?
A. Relasyon ng Diyos C. Relasyon sa sarili
B. Relasyon sa Kapwa D. Relasyon sa Kalikasan

20. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng makabuluhang relasyon sa pakikipagkapwa?
A. Kakayahan ng taong umunawa
B. Pagtulong at pakikiramay sa kapwa
C. Pagmamalasakit sa kapakanan ng may kapansanan
D. Espesyal na pagkagiliw sa nakaaangat na tao sa lipunan.

21. May mga katangiang dapat taglayin ang isang aktibong mamamayan na nakikilahok sa mga gawain at usaping
pansibiko. Ang mga katangiang ito ay may kinalaman sa relasyon sa Diyos, sa sarili, sa pamilya, sa kapwa, sa
kalikasan, at sa pamahalaan. Alin sa mga sumusunod ang katangiang may kinalaman sa relasyon sa kapwa?
A. Mabuti at matapat na kaibigan
A. Mapayapa at malaya ang isipan at katauhan
B. Masugid na kaaway ng karahasan at kasamaan
C. Maalab na tagapagtanggol sa kasarinlan at kalayaan ng bayan

22.Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng isang aktibong mamayan?


A.Makabansa C. Mapagmahal sa sarili
B.Masunurin sa batas D. Nakikilahok sa mga gawaing sibil
23. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga gawaing pansibiko o civic engagement?
A. Elektoral B. Boses pampolitika C. Sibil D. Sosyo-kultural

24. Alin sa mga sumsusunod ang hindi tumpak na pahayag hinggil sa gawaing pansibiko?
A. Ang pakikiisa ay tanda ng pagmamahal sa bansa.
B. Makikita sa mga Pilipino ang presensya ng bolunterismo lalo na sa panahon ng mga kalamidad.
C. Ipinakikita ng gawaing pansibiko ang pansariling interes.
D. Ang pagkukusang loob , pagtulong ng walang inaasahang kapalit ay mga susing dapat taglayin sa gawain
pansibiko.
25. Alin sa mga sumusunod ang epekto sa politika ng pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko?
A. Mabibigyan ang mga tao ng ideya sa tamang pagboto at maiiwasan ang pagbili o pagbebenta ng boto
B. Magkakaroon ng pagkakaisang sosyal dahil sa pakikilahok ng mga mamamayan sa mahahalagang
diskurso
C. Mapagkalolooban ng karanasan ang mga tao na makahalubilo sa kapuwa-tao at makialam sa mga isyu
sa bansa
D. Magkakaroon ng isang magandang lipunan kung saan ang mga mamamayan ay mas nagkakatulungan
para sa ikauunlad ng lahat
26. May epekto sa lipunan ang pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko. Alin sa mga sumusunod ang
maaaring magpatunay dito?
A. Magkakaroon ng mas malinis na politika sa bansa kung ang mga tao ay nakikilahok sa mga gawaing
pansibiko.
B. Magkakaroon ng kompiyansa sa sarili, panlipunang responsibilidad, at interes na sumali sa mga bagay-
bagay sa komunidad
C. Magkakaroon ng mga pantay na patakaran at makatarungang pamamahagi ng mga benepisyo sa
mahihina tulad sa mga dukha
D. Mapagtitibay ang demokrasya sa bansa sa pamamagitan ng pagiging sangkot ng mga mamamayan sa
mga aspeto at elemento nito.

27. Alin sa mga sumusunod ang dapat taglayin ng isang aktibong mamamayan na nakikilahok sa gawaing pansibiko
ang may kinalaman sa relasyon sa kalikasan?
A. Mapangalaga sa kultura at mabubuting kaugalian ng bayan
B. Nakikialam sa mga hindi kaayusan at kaguluhan ng lipunan
C. Mapangalaga at mapagkalinga sa kapaligiran at lawak ng kalikasan
D. Mapangalaga sa kinabukasan ng kabataan at kaligtasan ng mga kapitbahay

28. Anong uri ng gawaing pansibiko ang pagiging aktibong kasapi sa isang grupo o asosasyon?
A. Sibil B. Elektoral C. Teknolohikal D. Boses pampolitika

This study source was downloaded by 100000851408473 from CourseHero.com on 02-26-2023 12:05:02 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/63780236/AP10-Fourth-Periodical-Testdoc/
29. Alin sa mga sumusunod ang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado na kung saan maaaring maiparating ng
mamamayan ang kaniyang pangangailangan sa pamahalaan?
A. Civil Society C. Non-Governmental Organizations
B. Grassroots Organizations D. People’s Organizations

30. Si Rhina ay isang mag-aaral na mulat sa mga nangyayari sa ating lipunan. Nais niyang lumahok sa isang
samahang magtataguyod ng karapatan ng kababaihan. Alin sa sumusunod ang nararapat niyang salihan?
A. Funding-Agency NGOs C. Non-Governmental Organizations
B. Grassroot Support Organizations D. People’s Organizations
31. Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay suporta sa mga komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng legal at
medikal na mga serbisyo?
A. Development, Justice and Advocacy NGOs C. Professional, Academics and Civic Org
B. Funding-Agency NGOs D. Traditional NGOs
32. Ano ang nararapat gawin ng isang regular na botante?
A. Bumoto sa isang tao lamang o single voting
B. Manghikayat sa iba na magparehistro at bumoto
C. Palagiang makilahok at bumoto sa local at nasyonal na halalan
D. Magkapit ng mga poster ng mga kandidatong nagugustuhan upang ipakita ng pagsuporta

33. Bakit mahalaga ang pakikilahok sa mga gawaing pansibiko sa lipunan?


A. Mapagtitibay ang demokrasya ng isang bansa
B. Mas nagkakaroon ng malinis na politika ang isang bansa kapag nakikilahok sa gawaing pansibiko
C. Nagkakaroon ng mataas ng lebel ng civic engagement lalo na sa paglikha ng mga batas at polisiya
D. Ang mga mamamayan ay nagkakaroon ng mataas na kompiyansa sa sarili, panlipunang responsibilidad,
at interes na sumali sa mga bagay bagay sa komunidad
34. Ano ang magiging bunga ng pagkakaroon ng feedback sa mga gawaing pansibiko?
A. Walang pakialam sa pamayanan
B. Nagkakaroon o nakalilikha ng mga mahuhusay na patakaran o socio-economic policies
C. Mas marami ang nagbibigay ng papuri sa mga taong namamahala sa bansa at napapabango ang
kanilang pangalan
D. Dumarami ang mga taong may lakas ng loob na iparating ang saloobing sa mga gawain o proyekto ng
pamahalaan

35. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng kakulangan ng mga mamamayan sa kaalaman sa mga gawain at usaping
pampolitika?
A. Maaaring magkaroon ng pagbabago sa administrasyon
B. Maaaring magkaroon ng sense of belongingness ang mga mamamayan
C. Magkakaroon ng kamulatan sa kalagayan ng bansa at maaaring makapag-isip ng paraan upang ito ay
mapaunlad
D. Maaaring makapaghalal ng mga opisyal na hindi kwalipikado at hindi tapat kapag hindi naging maingat
sa pagkilatis ng mga politiko

36. Ang pagkakaroon ng Miting de Avance sa bawat pamayanan bago sumapit ang eleksiyon ay mahalaga. Bakit
kailangang daluhan ng mga mamamayan ang Miting de Avance bago mag eleksiyon?
A. Malalaman ng mga mamamayan kung sino sino ang tatakbo at maglalaban-laban sa eleksiyon.
B. Masasaksihan ng mga mamamayan kung paano magbangayan ang mga kumakandidato sa eleksiyon.
C. Maaring may pa-raffle prizes ang mga kumakandidato sa eleksiyon para sa mga dumalo at susuporta sa
kanila sa gawaing ito.
D. Mapapakinggan ng mga mamamayan ang plataporma ng mga kumakandidato para sa eleksiyon at pati
na rin ang iba pa nilang saloobin sa pagtakbo sa halalan.

37. Ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng ating bansa, Artikulo IV, tayong mga Pilipino ay may karapatang bumoto sa
eleksiyon bilang isang bansang malaya at demokratiko. Bakit kailangan nating gampanin ang ating karapatan
sa pagboto?
A. Dahil ang mga tatakbo sa halalan ay mayayamang tao.
B. Dahil ang mga iboboto natin ay mga kilalang tao lalo na sa industriya ng showbiz.
C. Dahil mabibigyan tayo ng mga pansariling pabor ng mga tao na ating ihahalal sa gobyerno.
D. Dahil maaring magkaroon ng tunay na pagbabago kung makakapaghalal ng tapat na tagapaglingkod.

This study source was downloaded by 100000851408473 from CourseHero.com on 02-26-2023 12:05:02 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/63780236/AP10-Fourth-Periodical-Testdoc/
38. Ang pagsali sa mga gawaing pampolitika ay may magandang epekto hindi lang sa isang tao pati na rin sa
buong bansa. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang sumasalungat sa mga magagandang epekto sa
paglahok ng mga mamamayan sa politika?
A. Mas nauunawaan ng mga tao ang kanilang mga karapatan.
B. Maaaring magkaroon ng sense of belongingness o relatedness ang mga mamamayan.
C. Maari silang kumita ng malaking halaga bago pa man sumapit ang eleksiyon sa pamamagitan ng vote
buying.
D. Nagkakaroon sila ng mga karagdagang kaalaman ukol sa mga isyung panlipunan at mga proseso ng
gawaing politikal.
39. Alin sa mga ito ang HINDI bahagi ng civil society?
A.Tahanan C. People’s Organizations
B.Non-Government Organizations D. Mga kalahok sa protesta
40. Ayon kay Siliman (1998), ano ang dalawang pangunahing layunin ng civil society?
A. Ang magkaroon ng boses at umakto ng tama ang mga opisyal ng pamahalaan
B. Ang magkaroon ng posisyon sa pamahalaan at bigyang pansin ang mga proyektong kulang sa
prayoridad
C. Magkaroon ng patas na trato sa mga mamamayan, mahirap man o mayaman, at ang maging aktibo sa
lipunan
D. Maging kabahagi sa pagpapabago ng mga polisiya at magigiit ng accountability (kapanagutan) at
transparency(katapatan) mula sa estado
41. Ang pakikiisa ng mga mamamayan sa mga pampublikong gawain na inilulunsad ng pamahalaan ay isang
mahalagang elemento sa pagpapaunlad ng bansa. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng
kahalagahan ng kooperasyon ng mamamayan at pamahalaan?
A. Kanya-kanyang paggamit ng galling sa bata
B. Upang maabot ang minimithing kapayapaan at kaunlaran
C. Upang lumikha, maproteksyonan at mapaunlad ang demokrasya
D. Upang mabatid kung gaano ka-epektibo ang mga proyektong inihahain para sa pagpapaunlad ng bansa

42. Ano ang dapat maging tugon ng mga mamamayan sa mga batas na umiiral sa bansa?
A. Ang mga mamamayan bilang nasasakupan ay may obligasyong tumupad sa mga batas
B. Ang mga mamamayan ay nararapat na gumawa ng sarili nitong hakbang bilang kampanya sa
pagpapatupad ng kapayapaan
C. Ang mga mamamayan ay maaaring magsagawa ng rally upang maiparating ang kanilang mga naisin at
saloobin sa mga kinauukulan
D. Wala sa mga nabanggit
43. Noong dekada 60, nagsimulang mabuo ang mga samahan na naglalayong tuligsain ang mga di-makataong
patakaran ng pamahalaan at tulungan ang mamamayan na makaahon sa kahirapan. Anong samahan o
organisasyon ang tinutukoy sa pahayag na ito?
A. International Labour Organization (ILO)
B. World Health Organization (WHO)
C. Non Governmental Organization (NGO)
D. United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO)
44. Mahalaga ang pagkakaroon ng pansibikong pakikilahok ng mga tao sa isang bansa, kungsaan ang mga
ordinaryong mamamayan ay katuwang ng pamahalaan sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga solusyon sa
suliranin ng bayan. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng tunay na pamamahala?
A. Ang desisyon para sa pamamahala ay nagmumula lamang sa mga namumuno.
B. Ang kapangyarihan ng isang estado ay tunay na nagmumula sa mga mamamayan.
C. Isinasama ng lokal na pamahalaan ang mga mamamayan ng lungsod sa pagbalangkas ng badyet.
D. Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga interes ay pinahahalagahan ang pag-iral ng pangkalahatang
kabutihan at kung ano ang pinakamabuti sa isang organisasyon, komunidad o bansa sa kabuuan.

45. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kooperasyon ng mamamayan at pamahalaan sa paglutas sa mga suliraning
panlipunan?
A. Mahalaga ang partisipasyon ng bawat isa upang maabot ang minimithing kalayaan at kaunlaran
B. Mahalaga ang kooperasyon sa pagitan ng mamamayan at pamahalaan upang mapaunlad ang bansa
C. Ang kooperasyon sa pagitan ng mamamayan at pamahalaan ay makatutulong na lumikha, magprotekta,
at magpaunlad ng demokrasya
D. Lahat ng nabanggit
46. Isa sa mga isyung pampolitika sa bansa ay ang komputerisasyon ng eleksiyon. Alin sa mga sumusunod ang
negatibong bunga ng paggamit ng precint count optical scanner (PCOS) machine?
A. May malaking partisipasyon ang mga tao sa pagbilang ng mga boto
B. May epektibong paraan upang proteksiyunan ang resulta sa pandaraya
C. May garantiya na tumpak ang mga botong lalabas sa mga PCOS machine
This study source was downloaded by 100000851408473 from CourseHero.com on 02-26-2023 12:05:02 GMT -06:00
D. Ang Automated Election System (AES) ay inimplementa nang walang angkop at sapat na field testing.
https://www.coursehero.com/file/63780236/AP10-Fourth-Periodical-Testdoc/
47. Noong 2010, pinangasiwaan ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagpapatupad ng RA 9369 na kilala
bilang Amended Computerization Act of 2007 ng bansa. Alin ang positibong tulong ng Computerization Act of
2007?
A. Napapabagal nito ang bilangan sa eleksyon
B. Nagiging dahilan ito ng pandaraya sa halalan
C. Nakapagpadali ang komputerisasyon sa proseso ng halalan.
D. Nawawalan ng partisipasyon ang mga tao sa pagbilang ng mga boto.
48. Sang-ayon ka ba sa planong pag-alis sa Sangguniang Kabataan (SK) sa bansa?
A. Oo, sapagkat hindi pa kayang magdesisyon ng kabataan sa mga isyung pampulitika.
B. Oo, sapagkat ang ibang SK chairman ay menor de -edad kung saan di makapagsagawa ng mga
proyekto
C. Hindi, sapagkat karapatan din ng bawat kabataan na makilahok sa mga gawaing pampulitika ng ating
bansa
D. Hindi, sapagkat ang pag-alis ng SK ay nangangahulugan ng pagtanggal ng boses ng mga kabataan sa
pamahalaan.

II.Gumawa ng isang slogan na nagpapakita ng saloobin sa mahahalagang isyung pampulitika na kinahaharap ng


sarling pamayanan at bansa. (2 puntos)

Pamantayan sa Pagmamarka ng slogan:


Kaangkupan sa Paksa 1 puntos
Pagkamalikhain 1 puntos
Kabuuan 2puntos

Inihanda ni: Binigyang pansin nina:

_______________________ ________________
JONABEL D. LACANLALE ANNIE T. ASI
Guro sa Araling Panlipunan 9 Head Teacher 1

___________________________________ _______________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang MARIVIC M.DIMACULANGAN
Principal IV

This study source was downloaded by 100000851408473 from CourseHero.com on 02-26-2023 12:05:02 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/63780236/AP10-Fourth-Periodical-Testdoc/
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
TABLE OF SPECIFICATIONS
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 10
KONTEMPORARYONG ISYU

Kaalaman

Pagbuo
Pag-unawa
PAGTUTUROORAS NA GINUGOL SA

Pasusuri
GINUGOL SA PAGTUTURO
BAHAGDAN NG ORAS NA

BILANG NG AYTEM
KASANAYAN SA PAGKATUTO

1 Nasusuri ang sistema ng edukasyon sa bansa


1 5.26 2 2 1
(AP10ICC-IVa-1)
2 Nasusuri ang mga programa ng pamahalaan na
nagsusulong ng pagkakapantay-pantay sa 4,5
2 10.53 6 3,7
edukasyon 6,8
(AP10ICC-IVa-2)
3 Nasusuri ang kalidad ng edukasyon sa bansa
1 5.26 2 9,10
(AP10ICC-IVb-3)
4 Natatalakay ang mga suliraning kinakaharap ng
sector ng edukasyon sa bansa 1 5.26 2 11 12
(AP10ICC-IVc-4)
5 Nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan na
makatutulong sa pagpapataas ng kalidad ng
1 5.26 2 13,14
edukasyon sa pamayanan at sa bansa
(AP10ICC-IVd-5)
6 Matutukoy ang mga katangian na dapat taglayin ng 15,
isang aktibong mamamayan na nakikilahok sa mga 17,18 16,
3 15.79 8
gawain at uasaping pansibiko 19,22 20,
(AP10ICC-IVe-6) 21
7 Natatalakay ang iba’t ibang gawaing pansibiko sa
pamayanan at bansa 1 5.26 2 23 24
(AP10ICC-IVf-7)
8 Nasusuri ang epekto ng pakikilahok ng 25,
mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa 28,29 26
3 15.79 8
kabuhayan, pulitika, at lipunan (AP10ICC-IVg-8) 30,31 27,
32
9 Nasusuri ang mga epekto ng pakikilahok ng mga
35,
mamamayan sa mga gawin at usapin pampulitika 3 15.79 6 34 33,37,38
36
(AP10ICC-IVh-9)
10 Naipaliliwanag ang kahalagan ng pagkakaroon ng
kooperasyon ng mamamayan at pamahalaan sa 39,40 41,
2 10.53 6
paglutas sa mga suliraning panlipunan 42,43 44
(AP10ICC-IVi-10)
11 Naipahahayag ang saloobin sa mahahalagang
isyung pampulitika na kinakaharap ng sariling 49,
2 10.53 6 46 45,47,48
pamayanan at bansa (AP10ICC-IVj-11) 50

Kabuuan 19 100 50 23 17 2 8

Inihanda ni: Binigyang pansin nina:

_______________________ ________________
JONABEL D. LACANLALE ANNIE T. ASI
This study source was downloaded by 100000851408473 from CourseHero.com on 02-26-2023 12:05:02 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/63780236/AP10-Fourth-Periodical-Testdoc/
Guro sa Araling Panlipunan 9 Head Teacher 1

___________________________________ _______________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang MARIVIC M.DIMACULANGAN
Principal IV

SUSI SA PAGWAWASTO:

1. B
2. C
3. D
4. D
5. D
6. C
7. B
8. A
9. B
10. D
11. D
12. C
13. D
14. D
15. A
16. B
17. B
18. A
19. D
20. D
21. A
22. D
23. A
24. D
25. B
26. D
27. A
28. B
29. C
30. A
31. C
32. D
33. B
34. D
35. D
36. D
37. D
38. B
39. C
40. B
41. A
42. D
43. A
44. A
45. C
46. A
47. D
48. D
49.source
This study C was downloaded by 100000851408473 from CourseHero.com on 02-26-2023 12:05:02 GMT -06:00
50. D
https://www.coursehero.com/file/63780236/AP10-Fourth-Periodical-Testdoc/
This study source was downloaded by 100000851408473 from CourseHero.com on 02-26-2023 12:05:02 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/63780236/AP10-Fourth-Periodical-Testdoc/

Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like