You are on page 1of 3

Kabacan Wesleyan Academy Incorporated

Abellera St., Kabacan, Cotabato


Edukasyon sa Pagpapakatao 9 – First Prelim Exam

Pangalan:____________________________ Section:___________________

I – TAMA O MALI.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat talata. Kung sa palagay mo ay tama ang pahayag,
itiman ang letrang A, kung mali naman itiman ang letrang B. (10pts)
1. Ang tao ay gumagalaw sa lipunang kinalakhan niya, kung kaya’t marapat lang na kung ano ang
layunin ng tao ay layunin din ng lipunan.
2. Bilang bahagi ng lipunan marapat lang na makibahagi siya sa mga pangyayari sa kaniyang
lipunan.
3. Kailangan ng tao na makihalubilo sa kanyang kapwa dahil nangangahulugan itong pag-uunawa at
pagdama sa pangangailangan.
4. May karapatan ang tao na mamili ng kanyang relihiyon at hindi dapat itong igalang.
5. Sa pagtamo ng kabutihang panlahat, hindi makatutulong ang pagiging mapag-isa ng tao.
6. Dahil may batas na tinatalima, nalalaman ng tao kung ano ang tama at mali.
7. Hindi ang pamahalaan ang tumitiyak sa kabutihan at kapakanan ng mga mamamayan.
8. Ang pamumuhay sa lipunang politikal ay pagtiyak ng kaayusan at katiwasayan.
9. Isang halimbawa ng prinisipyo ng subisidiarity ay ang pagbibigay ng mga magulang ng kalayaan
sa mga anak na mamili ng kursong kukunin sa kolehiyo.
10. Ang mataas na lipunan ay tumutukoy sa pamahalaang lokal samantalang ang mababang
pamahalaan ay tumutukoy sa pamahalaang nasyonal.

II – MULTIPLE CHOICE
Panuto: Itiman ang letra ng pinakamamalapit na sagot.(15pts)
11. Ang kabutihang panlahat ay itinuturing na _____ ng anumang sitwasyon kung saan ang dalawa o
higit pa ay bumubuo ng pangkat, komunidad o lipunan.
a. sentro b. ugat c. nucleo d. puso
12. Ang lahat ay mga elemento ng kabutihang panlahat maliban sa isa:
a. paggalang sa tao c. kapakanang sosyal at pag-unlad ng pangkat
b. kapayapaan d. karapatan
13. Ito ay tumutukoy sa malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang set ng pag-uugali, ideya at
saloobin.
a. organisasyon b. lipunan c. lupon d. mamamayan
14. Kapag nawala ang kabutihang panlahat, ano ang posibleng hindi mangyari:
a. mawawalan nang saysay ang pagbuo sa mga pangkat, grupo o lipunan
b. magkakaroon ng di maayos na pampublikong transportasyon
c. maaayos ang di magandang pasilidad ng mga hospital sa isang lugar
d. maaaring magkaroon ng bangayan ang magkakapamilya o magkakaibigan
15. Alin sa mga sumusunod ang hindi epekto ng pagkakaroon ng mga batas?
a. magiging labis na magulo ang isang lipunan c. pagkakaayos ng mga hidwaan
b. matiwasay na pamumuhay d. nagagabayan ang mga mamamayan
16. Paano nagkakaroon ng kabutihang panlahat sa lipunan? Kung…
a. magkatuwang ang lipunan c. mapapanagot ang may sala
b. walang away sa bahay d. mapapakulong ang korap
17. Alin sa mga sumusunod ang nauugnay sa kahulugan ng salitang “subsidiarity”?
a. pamahalaan b. pagkakaisa c.disentralisasyon d. disiplina
18. Hindi maaaring makamtan ang kabutihang panlahat kapag ang lipunan ay
a. matiwasay b. batbat ng karahasan c. malinaw d. may pagmamahalan
19. Ito ay bahagi ng lipunan na bumubuo at nagpapatupad ng batas:
a. kongreso b. pamahalaan c. pulis d. paaralan
20. Ang mga sumusunod ay ang tatlong bagay na wala ang tao kapag sya ay nag-iisa at hindi bahagi
ng lipunang politikal batay kay Locke, alin ang hindi kabilang?
a. patas na hukom c. napagkasunduang batas
b.magpapatupad ng batas d. batas militar
21. Paano mo masasabi na ikaw ay mabuting kasapi ng lipunan? Iniisip mo ang…
a. kabutihan ng lahat c. kakainin kinabukasan
b. kabutihan sa sarili d. makamundong gawain
22. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay marapat na paglapatan ng prinsipyong pagkakaisa, alin
ang hindi?
a. kung ang masamang gawi ng isa ay makasisira sa mabuting layunin ng iba
b. kung ang pangkat ay nag-aalitan
c. kung may kasapi sa pangkat na walang ambag
d. kung ang pangkat ay kailangang kumilos sa organisadong paraan
23. Sila ang kabilang sa sangay ng pamahalaan na tumitiyak sa kaayusan at kapayapaan sa isang
lugar lalo na sa usaping pagkakaisa.
a. baranggay patrol b. abogado c. pulis d.agent
24. Ang pagbibigay ng pamahalaan sa kasapi ng school board ng kalayaang pumili ng magtuturo sa
kanilang paaralan ay mula sa anong prinsipyo?
a. subsidiarity b. solidarity c. centralization d. authority
25. Paano mo maipapakita na ikaw ay sang-ayun sa kabutihang panlahat? Sa pamamagitan ng…
a. paggalang sa tao c. pagkakasundo sa ibang tribo
b. pag-isip ng kapakanan ng iba d. pagsangkot sa gulo

III - MATCHING TYPE


Panuto: Pagtugmain ang mga salita ng bawat bilang sa mga salitang nakapaloob sa kahon kung sila
ay may ugnayan sa isa’t-isa. Piliin at itiman ang titik ng tamang sagot.(10pts)

A. Subsidiarity B. Pagkakaisa C. Lipunang Politikal D. Kabutihang Panlahat

26. Pag-iiwas sa indibiduwalismo 31. Pagsasaayos ng batas


27. Virtú o birtud 32. Mababang lipunan
28. Prinsipyo ng sentralisasyon 33. Disentralisasyon
29. Pagkakaibigan at pagtutulungan 34. Polis
30. United Nations Children’s Funds (UNICEF) 35. Mataas na lipunan
IV - ESSAY
Panuto: Ilahad ang iyong pananaw sa pagsagot ng mga katanungan. Ilagay ang sagot sa baba o
likod ng papel na ito. (15pts)
1) Sa iyong palagay, napapairal ba sa ating bansang Pilipinas ang kabutihang panlahat?
2) Ang layunin ng tao ay dapat nakabatay sa layunin ng lipunan upang magkaroon ng kabutihang
panlahat ngunit paano kung ang layunin ng lipunan ay salungat sa pinapairal ng kabutihang
panlahat? Saan mo ibabatay ang iyong layunin?
3) Sa inyong sariling tahanan,saang aspeto nakikita ang prinsipyo ng subsidiarity? ang prinsipo
ng pagkakaisa?

You might also like