You are on page 1of 29

St.

Therese of the Child Jesus Kidz Academy


20 Sto. Rosario St. Karuhatan, Valenzuela City

IKAAPAT NA MARKAHAN
Aralin 1 ~ 4
IKAAPAT NA MARKAHAN
Mga Kaugnay na Pagpapahalaga sa Paggawa /
Mapanagutang Pagpaplano ng Kursong
Akademiko o Teknikal-Bokasyonal, Sining at
Isports, Negosyo o Hanap-Buhay

Kailangang gumawa ang mga tao upang maging mabunga at may esensiya ang
pag-iral niya.
Tungkulin ng tao sa kanyang sarili, pamilya, at lipunan na magtrabaho, gumawa , o
maghanap-buhay upang matugunan ang pangangailangang pansarili,
pampamilya, at pang-iba.
Sa paggawa ng tao mahalagang magampanan niya ang kagalingang
pagpupunyagi, at pagsisikap.
Mahalagang magampanan niya ang mga gawaing inaasahan sa kaniya nang
buong husay.
Upang mangyari ito kailangan ng taong matutuhan ang angkop ma pamamahala
sa oras, pagsasapuso ngkaniyang ginagawa, pagkilala sa tungkulin niyang
gumawa, at pagtalima sa mga batas na kaugnay sa paggawa.

PAGGAWA
Ang Obhetibo ng paggawa ay kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento,
at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto.
Nilikha ang teknolihiya upang gawing perpekto ang gawain ng tao. Ito ang dahilan
kung bakit patuloy ang tao sa paglikha ng mga teknolohiya na patuloy na makatutulong
upang mas maging madai ang paggawa para sa tao.
Ang subheto ng paggawa ay ang TAO.
Ang paggwa ay para sa tao at hindi tao para sa paggawa. Hindi kasangkapan ang
tao! Sinumang magturing sa tao bilang kasangkapan ay sumisira sa esnsiya ng paggawa.
Ang halaga ng paggawa ay hundi nakikita sa proseso ng paggawa o sa
produktong bunga nito kundi sa katotohanang ang gumawa nito ay tao.
Hindi lamang ito sa ganda ng ginawa kundi sa pagmamahal na ibinuhos sa paggawa.

2|Page EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 9 Ikaapat na Markahan


Nag-aaral ka bilang paghahanda sa iyong buhay sa hinaharap.
Pangunahing pangangailangan ng tao ang edukasyon. Ito ang
magsisilbing sandata niya sa pakikipagtalad sa buhay. Magiging
matagumpay ang iyong pag-aaral kung maisasagawa mo angkop na
pagpili ng kurso. Magagawa mo ito kung malinaw sa iyo ang iyong
misyon sa buhay at napagtanto mo kung ano-ano ang mga local at
global na demand.

Sa pinakamalawak na kahulugan nito, ang edukasyon ay nangangahulugang ang proseso kung saan
ang kaalaman, gawi, kaugalian at halaga ng isang lipunan ay nailipat sa susunod na henerasyon.

Ang edukasyon ay nagmula sa Latin edukado na nangangahulugang 'kumuha', 'kunin', at Magtuturo


ako na nangangahulugang 'form', 'magturo'.

Kasama rin sa edukasyon ang paglagom at pagsasagawa ng mga pamantayan ng kabutihang loob,
kaselanan at paggalang. Samakatuwid, sa tanyag na wika ang pagsasagawa ng mga kaugaliang
pagsasapanlipunan ay inuri bilang mga palatandaan ng a mabuting edukasyon.

Sa pang-teknikal na kahulugan, ang edukasyon ay ang sistematikong proseso ng pagpapaunlad ng


pisikal, intelektwal at moral na kakayahan ng tao, upang mas mahusay na maisama sa lipunan o sa
kanilang sariling pangkat. Iyon ay upang sabihin, ito ay isang pag-aaral upang mabuhay.

3|Page EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 9 Ikaapat na Markahan


Talaan ng Nilalaman

Pamagat Pahina

Aralin 1: Kasipagan,Pagpupunyagi,
Pagtitipid at Wastong Pamamahala sa
Naimpok………………………………..…….. 4

Aralin 2: Pamamahala sa Paggamit ng


Oras……………………………….…………… 12

Aralin 3: Kursong Pinag- isipan: Hatid ay


Tagumpay……………………………………. 18

Aralin 4: Personal na Pahayag ng Misyon sa


Buhay………….………………………………. 24

4|Page EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 9 Ikaapat na Markahan


Aralin 1:

Layunin

MELCS:
Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag, nagpupunyagi
sa paggawa, nagtitipid at pinamamahalaan ang naimpok.
Nakagagawa ng journal ng mga gawaing natapos nang
pinaghandaan, ayon sa pamantayan at may motibasyon sa
paggawa.
Essential Questions:
Ang mga mag-aaral ay pangninilayan ang bawat katanungan:
Paano nga ba maipapakita ang mga indikasyon ng taong masipag,
nagpupunyagi sa paggawa, nagtitipid at pinamamahalaan ang
naimpok?
Bakit mahalagang malaman ng mga tao ang paraan ng pagpupunyagi at
mga magiging balakid sa buhay?

Essential Understanding:
Mauunawaan ng mga mag-aaral na:
Bakit dapat malaman ng mga tao ang kanilang karapatan bilang isang
mangagawa?

5|Page EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 9 Ikaapat na Markahan


Panimulang Gawain
MAGISIP KA MUNA!
Magsaliksik ng buhay ng tatlong (3) kilalang tao na nagpakita ng tiyaga sa kabila ng mga
pagsubok na kanilang hinarap. Ibuod ang kanilang buhay sa pamamagitan ng pagbuo ng tsart
na ito.

Mga taong nagpakita ng Mga problema na Paraan niya upang


tiyaga kanyang hinarap malagpasan ang mga ito

Talisalitaan

Bilang isang nagdadalaga at nagbibinata, mahalagang


matutuhan mo ang pagpapahalaga sa kasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid, at
wastong pamamahala sa mga naipon. Ang mga katangiang ito ay
magagamit mo sa paghahanda sa pagharap sa buhay. Mahalaga ang mga
katangiang ito sapagkat maituturing ang mga ito na salik sa maunlad at
masaganang buhay.

6|Page EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 9 Ikaapat na Markahan


Pagtatalakay
Kasipagan
“Ang taong masipag, buhay ay
umuunlad”
Ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino (2010), ang salitang kasipagan ay
nangangahulugang tuloy-tuloy pagbubukas ng isip, lakas, at panahon sa
pagsasakatuparan at pagtapos ng anumang gawain. Kung taglay ng tao ang
kasipagan bumubukal sa kaniya ang kagustuhang tapusin ang anumang
gawaing iniatang o inaasahan sa kaniya nang hindi nakakaligtaang kalidad.
Mahalaga ang kasipagan. Sa pamamagitan nito ay nagbubukas ang maraming
oportunidad sa tao. Nagkakaroon din siya ng pagkakataong tuklasin ang
napakaraming bagay. Nagiging makulay ang kaniyang karanasan at
nagkakaroon siya ng tiwala sa sarili.

Katangiang Taglay ng Taong


masipag
1. Hindi namimili ng gawain
Ang taong masipag ay handang gawin ang anumang gawaing iniatang
sa kaniya. Hindi siya umiiwas sa anumang gawain. Para sa kaniya ang
paggawa ay isang oportunidad upang patuloy pang paunlarin ang
kakayahan.
2. Ibinubuhos ang kakayahan sa paggawa
Ang taong masipag ay hindi nag-aatubiling ipamalas ang kakayahan. Buo
ang tiwala niya sa kaniyang sarili na magagampanan niya ang gawain sa
pamamagitan ng matalinong paggamit ng kaniyang kakayahan.
3. Ikinasisiya ang paggawa
Ang taong masipag ay hindi nababagot sa kaniyang ginagawa. Lubos ang
kaniyang kasiyahan habang ginagawa ang gawaing inatang sa kaniya. Hindi siya
nagagalit habang ginagawa ang gawain.
4. Nilalahukan ng pagmamahal ang paggawa
Ang taong masipag ay mahal niya ang kaniyang gawain o trabaho. At dahil
mahal niya ang kaniyang trabaho, pinahahalagahan niya ito sa pamamagitan ng
mahusay na pagganap dito.
5. Hindi mareklamo at hindi nagdadahilan
Ang taong masipag ay walang kung ano-anong dahilan para hindi lamang
magawa ang gawain. Buong-puso niyang tinatanggap at ginagawa ang gawain
nang hindi nagrereklamo.

7|Page EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 9 Ikaapat na Markahan


Bilang kabataan marapat mong ipamalas sa lahat ng oras at pagkakataon ang
kasipagan. May mga gawain kang isasagawa kung saan makararamdam ka ng
pagod at hirap. Subalit marapat na hindi ito maging dahilan para ikaw ay sumuko.
Marapat na pag-ibayuhin mo sa sarili ang kasipagan. Sa pamamagitan nito ay
magiging handa ka para harapin ang buhay.

Pagpupunyagi
Ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino (2010) ang pagpupunyagi ay kilos o paraan ng
pagpapakita ng punyagi. Tumutukoy ito sa pagsisikap na makamit ang layunin o
mithiin sa kabila ng mga pagsubok na kinaharap. Maaari itong iugnay sa salitang
pagtitiyaga, pagsisikap, at determinasyon.
Ang taong may pagpupunyagi ay handang tanggapin ang mga hamon at
pagsubok para maabot ang gustong marating. Hindi niya alintana ang anumang
balakid. Ang tuon ng kaniyang pagsisikap ay abutin ang pangarap. Bagaman
nararansan niya ang paghihirap, hindi siya nagrereklamo. Para sa kaniya ang mga
paghihirap at pagsubok ay bahagi lamang ng kaniyang tagumpay. Para sa kaniya,
nagpapatatag at nagpapatibay sa kaniya ang mga pagsubok.
Kabuhol din ng tagumpay ang pagpupunyagi. Ang taong mapagpunyagi ay
nagwawagi. Mahalaga ang pagpupunyagi upang makamtan ang mga pangarap.

Tayo ng Magtipid
Ang mga ito ay ilan lamang sa mga paraan ng pagtitipid. Ayon sa UP
Diksiyonaryong Filipino (2010), ang pagtitipid ay:
 pag-iwas sa aksaya at pagbabawas sa mga gastusin;
 maingat na pamamahala sa yaman, ari-arian, at iba pa.

Mahalaga ang ang pagtitipid. Sa pamamagitan nito ay natityak natin na ha


walang nasasayang. Sa pagtitipid ay naipakikita natin na pinahahalagahan natin ang
mga biyayang nakamtan at mga bagay na mayroon tayo.

Wais Tips: Paano makakatipid ng Pera


1.) Maglaan 20% o higit pa sa iyong savings account.
Kailangan mong magbayad ng ilaw, tubig, kuryente,
pamasahe at kailangan mo pang magbigay ng pera sa
pamilya mo. Pero pag natapos ang araw, ano na lamang
ang natira sayo? Kaunti lang di ba? So, heto ang tip ko sa iyo,
kapag may natanggap kang pera, ilagay mo kaagad ang
20% nito sa bangko. Bukod sa makakapag-umpisa ka na sa
pag-iinvest magkakaroon ka ng sapat na pera para sa mga
emergency na mangyayari.

8|Page EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 9 Ikaapat na Markahan


2.) Makakatipid ng pera sa pagbabawas ng iyong gastos.
a.) Magplano ng mga kakainin. Ang pagbili ng marami ay nakakatipid,
mainam ito sa mga nagdadala ng baon sa eskwelahan kung saan
malaki sa ating baon ay napupunta.
b.) Subukang manatili sa bahay kapag Sabado at Linggo. Kapag ikaw ay wala
sa bahay, malaki ang posibilidad na gagastos ka, maaaring ikaw ay nasa
mall kaya't kakain ka sa fastfood o kaya sa mamahaling restawran at
hindi lang 'yan, baka magtaxi ka pa pauwi.
c.) Bumili ng Filipino products. Hindi alam ng nakararami na mas mura ang
produktong pinoy dahil mas mura ito kesa sa mga mas popular na bilihin
sa mga supermarket. Bukod sa nakakatipid ka na, nakakatulong ka pa sa
ekonomiya.
3.) Magiwan ng garapon sa bahay
Mag iwan ka lamang ng garapon sa iyong bahay at kung meron kang mga
barya-barya na natira mula sa pagpunta't pag uwi mo galing school o office,
ilagay mo lang yung pera sa garapon

Mag-impok para sa Kinabukasan


Tungkulin natin sa ating sarili na paghandaan ang kinabukasan. Isa sa mga paraan
upang mapaghandaan ang kinabukasan ay sa pamamagitan ng pag-iimpok. Sa
pamamagitan ng pag-iimpok, ang tao ay nagtatabi ng bahagi ng kaniyang kinikita.
Ang salaping naimpok ng tao ay maaaring magamit niya sa kaniyang pagtanda.
Ayon kay Melchor V. Cayabyab ng Colayco Foundation ang mga sumusunod ay
mga dahilan kung bakit nag-iimpok ang tao:
1) Pag-iimpok para sa proteksiyon sa buhay
Maraming mga hindi inaasahan na dumarating sa ating buhay.
Hindi natin natitiyak kung ano ang maaaring mangyari sa ating
buhay. Kaya naman mahalagang mapaghandaan ang mga ito. Isa
mga paraan ay ang pag-iimpok.
2) Pag-iimpok para sa mga hangarin sa buhay
Walang taong walang hangarin. Ang bawat isa sa atin ay may
hinahangad. Ang hangaring ito ay nagsisilbing motibasiyon upang ang
tao ay mag-impok.
3) Pag-iimpok para sa pagreretiro
Para sa mga nagtatrabaho, darating ang panahon na kailangan
na niyang magretiro. Kailangan na niyang huminto sa pagtatrabaho
dala ng katandaan. Ang panahon ng pagreretiro ay marapat na
mapaghandaan. Kailangang habang malakas pa at nagtatrabaho ay
magtabi na upang magamit sa panahon ng pagtanda.

Ayon pa kay Cayabyab marapat na tratuhin ng tao ang pag-iimpok


bilang obligasiyon at hindi opsiyonal lamang. Gaano man kalaki at kaliit
ang kinikita ng tao marapat lamang na siya ay makapagtabi buhat sa
kaniyang kinikita.

9|Page EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 9 Ikaapat na Markahan


Pagsasanay

Panuto:
Bilang isang kabilang magtala ng limang paraan paano mo malilinang sayo ang mga
paguugaling napagaralan sa Aralin na ito.

I. Kasipagan
1.
2.
3.
4.
5.

II. Pagpupunyagi
1.
2.
3.
4.
5.

III. Pagtitipid
1.
2.
3.
4.
5.

10 | P a g e EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 9 Ikaapat na Markahan


Gawain
Bumuo ng isang sanaysay na patungkol sa Papupunyagi.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Gabay sa Pag-unawa

Bilang isang kabataan o mag-aaral na bahagi ng lipunan, bakit mahalagang par-aralan an mga
bagay – bagay para makamit ang tagumpay sa bahay lalo n sa panahon natin ngayong
pandemya?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
________________________________________________________________

11 | P a g e EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 9 Ikaapat na Markahan


Aralin 2:
Pamamahala sa Paggamit
ng oras

Layunin

MELCS:
 Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pamamahala ng paggamit ng oras
 Nakapagtatala sa journal ng mga pagkakataong napamahalaan
Napatutunayang ang pamamahala ng oras ay kailangan sa kaayusan ng
paggawa upang magampanan ang mga tungkulin nang may prayoritisasyon
 Natataya ang sariling kakayahan sa pamamahala sa oras batay sa
pagsasagawa ng mga gawain na nasa kaniyang iskedyul ng mga Gawain.

Essential Questions:
Ang mga mag-aaral ay pangninilayan ang bawat katanungan:
Baki kaya sinasabin a as ay gin
Paa a gi a as? Kaila it nagigin in

Essential Understanding:

Mauunawaan ng mga mag-aaral na:


Bakit kailangang magsipag ng tao?
Patunayan ang pagtitipid ay nagpapakita ng pagpapahalagasa mga biyaya?

12 | P a g e EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 9 Ikaapat na Markahan


Panimulang Gawain

PANUTO: Basahin ang tula sa ibaba at humandang sagutan ang mga kasunod
na gabay na tanong.
Kaibigan Mo Ako! ( Geofrey S. Ogale )
Kabataan marami kang itinuturing na kakampi,
Mga kamag-aral, kabarkada at maraming bagay kang nasasabi,
Mga taong sa oras ng kagipita'y maaari kang tumabi,
At malalapitan kung kinakailangan at ito ang kanilang silbi.

Mas lalo na sa tahanan ang pamilya ang makakapitan, Mga taong


talagang totoo sila at kayo ay nagmamahalan, Lahat ng sandali
sila iyong masasandalan,
Kaya laging mga kapamilya ang una mong mga kaibigan.

Hindi mo ba alam na kakampi mo rin ang oras?


Dahil sa kanya may panahon ka sa lahat ng sa iyo'y atas,
Pagkat lahat ng araw kasama mo siya nang walang kupas,
Sa pag- agapay sa iyo siya ay hinding-hindi tatakas.

Ngunit nasa iyo kung paano siya gagamitin nang wasto,


Bawat gawain sa takdang oras tapusin mo,
Magandang kinabukasan ang maghihintay sa 'yo
Dahil sa oras at panahon na ginamit nang wasto.

***********************************************
Ano ang nais iparating ng tulang binasa?

Bakit naituturing na kakampi ang oras?

Batay sa iyong karanasan, kailan naituturing na kaaway ang oras?

Bakit mahalaga na sa kabila ng iyong kabataan ay magamit mo ng wasto ang


iyong oras?

Magbigay ng halimbawa ng mga pagkakataon na ginagamit mo nang wasto


ang iyong oras.

13 | P a g e EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 9 Ikaapat na Markahan


Talisalitaan
Oras
Ang oras ay tumutukoy sa panahon, sandali, pagkakataon, saglit, araw, at
kung gaano pa katagal ang iginugol sa isang gawain.
Mahalaga ang wastong pamamahala at paggamit ng oras lalo na sa
buhay mo bilang isang estudyante. Sa pamamagitan ng tamang pamamahala
ng oras ay naging maayos ang mga gawain, naiiwasan ang pagkakamali,
naiibsan ang stress.
Sa tamang paggamit nito, maraming oportunidad ang hindi masasayang.
Lahat ay may pagkakataon kang magawa kung tama ang pagtantiya mo sa
oras.

Pagtatalakay
Mahalaga ang wastong pamamahala at paggamit ng oras lalo na sa
buhay mo bilang isang estudyante. Sa pamamagitan ng tamang
pamamahala ng oras ay naging maayos ang mga gawain, naiiwasan ang
pagkakamali, naiibsan ang stress.
Maging ang ilang sikat na personalidad ay pinahahalagahan ang tamang
paggamit ng oras, Ilan sa mga pahayag ng mga sikat na personalidad
kaugnay ng pamamahala at paggamit ng oras ay ang mga sumusunod:
• "Huwag kang mamuhay sa nakaraan, huwag kang mangarap ng hinaharap,
ituon ang atensiyon sa kasalukuyan." -Buddha
• "Huwag mong gawin bukas ang mga bagay na magagawa mo ngayon."
-Benjamin Franklin
• "Kailangan natin ang oras, subalit nagagamit natin sa maling paraan" –
-William Penn
• "Ang oras na ito, tulad ng iba pang mga oras, ay ang pinakamaganda, iyon
ay kung alam natin kung paano ito gamitin." -Ralph Waldo
• "Ang taong sinasayang ang isang oras ng kaniyang buhay ay
hindi nakatutuklas ng halaga ng buhay." -Charles Darwin
• "Huwag hayaang gamitin ng kahapon ang ngayon." -Richard H. Nelson
• “Hindi ko inaalala ang kahapon. Ang tanging pinahahalagahan ko ay ang
walang katapusang kasalukuyan." -W. Somerest Maugham
• "Ang oras ng pagkilos ay ngayon. Hindi pa huli ang lahat para gumawa.”
-Carl Sandburg
• "Ang oras ay pinakamahalagang bagay na maaaring gamitin ng isang tao."
-Theophrastus
• "Oras ang pinakadakila mong yaman." -Brian Tracy

14 | P a g e EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 9 Ikaapat na Markahan


Mga Dahilan Kung Bakit Nasasayang ang Oras
1. Pagpapaliban ng gawain - Pinatatagal pa ang gawin na maaari namang gawin
sa oras na iyon.
2. Paggamit ng oras sa mga hindi mahahalagang bagay - Mas inuuna ang
mga bagay na walang halaga tulad ng panonood ng telebisyon, paglalaro
ng computer, pakikipag-kwentuhan sa telepono.
3. Kawalan ng maasyos na schedule - Tumatanggap ng mga bagong gawain
kahit hindi pa tapos ang kasalukuyang ginagawa.
4. Sobrang pag-aalala kaya halos wala nang magawa. Dulot ito ng labis na
pag-iisip kung kaya naman puro sa pag-iisip na lang napupunta ang
oras.

Kahalagahhan ng Oras
Ano ba ang oras? Ang oras ay tumutukoy sa panahon, sandali,
pagkakataon, saglit, araw, at kung gaano pa katagal ang iginugol sa isang
gawain. Ang isang araw sa buhay ng tao ay may 24 oras. Kung tutuusin, ito ay
sandali lamang, hindi dapat aksayin ang bawat minuto.
Ang taong may pagpapahalaga sa oras ay nagpapakita ng
kahusayan sa lahat ng pagkakataon. Bakit nasabi ito? Sapagkat ayaw na ayaw
niyang ulitin kung ano man ang kanyang natapos na dahil masasayang ang
bawat sandali na iginugol niya sa paggawa. Ang pagiging maagap ay
pagpapahiwatig rin ng pagpapahalaga sa oras. Mas mabilis ang trabaho,
mas maaagang matapos, may magagawa pang ibang trabaho. Mas marami
ang kikitaing salapi kung mas maraming trabaho ang matatapos.

Pagsasaayos sa Oras
1. Tukuying mabuti ang layunin upang makagawa ng isang
mahusay na pagpa-plano.
2. Tukuying ang mga pangunahing pangangailangan para sa partikular na gawain o
proyekto.
3. Alamin kung gaano kahaba o gaano katagal ang oras na kailangan sa
paggawa.
4. Alisin o iwasan ang mga posibleng balakid sa plano
5. Magtakda ng partikular na oras, araw, o panahon kung kailan matatapos ang
gawain o proyekto.
6. Magkaroon ng pokus sa ginagawa. pinakaimportante.
7. Magkaroon ng pokus sa ginagawa. Unahin ang pinakaimportante.
8. Gumawa nang may sigasig at mithiin ang kagalingan o kahusayan.
9. Isipin kung nagawa ba ang mga dapat gawin at kung nagawa nga ba ang mga
ito ng tama o ayon sa plano.
10. Balikan ang trabaho at suriing mabuti kung may mga dapat pang idagdag
upang lalong maging magaling.

Kaugnay ng Oras sa Pansariling Kaunlaran


Ang kasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid, at pag-iimpok ay walang patutunguhan
kung walang kaayusan sa mahalagang oras. Ang oras ay mahalaga sa pansariling pag-
unlad. Sa tamang paggamit nito, maraming oportunidad ang hindi masasayang. Lahat
ay may pagkakataon kang magawa kung tama ang pagtantiya mo sa oras.
Kung ikaw ang laging una, ikaw ang laging unang nabibigyan, hindi ka naiiwan,
nakakasumite ka sa takdang oras o araw, mahaba pa ang panahon upang mabago
pa ang ilang pagkakamali, hindi ka nagkukumahog sa oras-hindi malayong nasa palad
mo ang tagumpay. Makakamit mo ang pansariling kaunlaran na maaaring mahirap
abutin ng ilan dahil hindi nila alam ang tamang pamamahala o paggamit sa
mahalagang oras. Sabi nga, Time is Gold. Tama. Mayaman ka sa ginto kung marami
kang oras dahil marunong kang mamahala nito.

15 | P a g e EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 9 Ikaapat na Markahan


Pagsasanay

PANUTO: Gumawa ng isang talumpati patungkol sa kahalagahan ng pamamahala


sa paggamit ng oras
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
__________________

Gawain

Bumuo ng isang tula na patungkol sa “ORAS”

__________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
______________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
__________________________________________________________________

16 | P a g e EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 9 Ikaapat na Markahan


Gabay sa Pag-unawa

Bilang isang mag-aaral, ano ang masasabi mo sa salitang “ TIME IS GOLD “

___________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________

17 | P a g e EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 9 Ikaapat na Markahan


Aralin 3:

Layunin

MELCS:
A. Nakikilala ang mga pagbabago sa kaniyang talento, kakayahan at
hilig. Naiuugnay ang mga ito sa pipiliing kursong akademiko, teknikal-
bokasyonal, sining at palakasan o negosiyo.
B. Napagninilayan ang mga mahahalagang hakbang na ginawa
upang mapaunlad ang kaniyang talento at kakayahan ayon sa
kaniyang hilig at mithiin.
C. Napatutunayan na ang pagiging tugma ng mga personal na salik sa
mga pangangailangan (requirements) sa napiling kursong
akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at isports o negosiyo ay daan
upang magkaroon ng makabuluhang hanap-buhay negosiyo at
matiyak ang pagiging produktibo at pakikibahagi sa pagpapaunlad
ng ekonomiya ng bansa.
Essential Questions:
Ang mga mag-aaral ay pangninilayan ang bawat katanungan:
Anong hanapbuhay o negosyo ang gusto mong gawin kapag tumuntong
ka na tamang gulang?
Anu-anong mga kakayahan o kaalaman ang nararapat mong taglayin
upang makamit ito?
Essential Understanding:
Mauunawaan ng mga mag-aaral na:
Anu-anong mga salik ang nararapat mong isaalang-alang sa pagpili ng
mga kurso?

18 | P a g e EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 9 Ikaapat na Markahan


Panimulang Gawain
MAGISIP KA MUNA!
Kilatisin ang sarili. Bumuo ng personal profile kaugnay ng mga pansariling salik sa
pagpipili ng kurso. Isa-isahin ang sariling hilig, talento, kasanayan, pagpapahalaga,
katayuang pinansiyal, at mithiin. Sa huli ay tiyakin ang kursong sa palagay mo ay
nababagay sa iyo. Ipaliwanag din kung bakit ito nababagay sa iyo

Talento

Kasanayan

Hilig o Interes

Pagpapahalaga

Katayuan Pinansiyal

Mithiin

Kursong Ibig Kuhanin sa Kolehiyo

Mga Dahilan

Talisalitaan
Ang talento ay biyayang bigay sa atin ng may kapal ito ay tumutukoy sa ating espesyal na
kakayahan o kagalingan sa isang bagay. Bawat isa sa atin ng tayo ay isilang ay may talento
na tayong tinataglay ito ay dapat lang natin na tuklasin at pagyamanin.
Ang mga kakayahan ay mga bagay kaya mong gawin, mga bagay kung saan ka
magaling. Ito ay mga katangiang taglay ng isang tao, maaring isang biyaya ng Panginoon,
sabi nga nila walang taong ipinanganak na walang kayang gawin at walang taglay na
talento, lahat ng tao ay nagtataglay nito. Tayo lang din ang makakatuklas at kailangang
makapagpaunlad nito.
Ang hilig ay tumutukoy sa mga bagay na gustong gusto mong gawin, mga bagay na kapag
ginagawa mo ay may kasiyahan kang nararamdaman sa iyong sarili.
Ang pagpapahalagang taglay ng isang tao ay maaaring nagmula pa noong siya ay
musmos pa lamang.

19 | P a g e EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 9 Ikaapat na Markahan


Pagtatalakay
Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Kurso

1. Talento
Ang bawat talento ay isang biyaya mula sa Diyos. Pinagyayaman ito upang
maging kapaki-pakinabang. Ito ay ibinigay ng Diyos nang sa gayon ay
magamit ng tao tungo sa kanyang ikakauunlad ng buhay. Sa puntong ito sa
buhay ng isang kabataan, marahil ay batid na niya ang talento na mayroon
siya. Makatutulong ito upang malaman niya ang kursong babagay sa
kanyang pagkatao.
Muli nating balikan ang mga talino talento ng bawat indibiduwal ayon kay Dr.
Howard Gardner (1983).
A. Visual/Spatial
B. Verbal/Linguistic
C. Mathematical/Logic
D. Bodily/Kinesthetic
E. Musical/Rhythmic
F. Intrapersonal
G. Interpersonal
H. Existential

2. Kasanayan
Tulad ng mga talento na mayroon ang isang kabataan, kinokonsidera rin
ang mga kasanayan na nagawa niya habang siya ay papalaki. Mahalaga rin
ito sa pagpili ng kursong tatahakin sa kolehiyo. Sa mga pagsasanay na ito
nalalaman kung saan siya mahusay o kung saan siya mahina. Kadalasan, sa
mga pagsasanay nakikita ang kanyang potensyal. Sa panahon din ng
pagsasanay nahahasa o lumalawak ang kanyang nalalaman.
May Apat na Kategoya ng Kasanayan:
A. Kasanayan sa Pakikiharap sa mga Tao (People Skills) -
nakikipagtulungan at nakikisama sa iba, magiliw, naglilingkod at
nanghihikayat sa iba na kumilos, mag isip para sa iba.
B. Kasanayan sa mga Datos (Data Skills) - humahawak ng mga
dokumento, datos, bilang, naglilista o nag-aayos ng mga files at ino-
organisa ito, lumilikha ng mga sistemang nauukol sa mga trabahong
inatang sa kanya.
C. Kasanayan sa mga Bagay-bagay (Things Skills) - nagpapaandar,
nagpapanatili o nagbubuo ng mga makina, inaayos ang mga
kagamitan; nakauunawa at umaayos sa mga pisikal, kemikal at
biyolohikong mga bin gawain.
D. Kasanayan sa mga Ideya at Solusyon (Idea Skills) - lumulutas ng mga
mahihirap at teknikal na bagay at nagpapahayag ng mga saloobin at
damdamin sa malikhaing paraan.

20 | P a g e EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 9 Ikaapat na Markahan


3. Hilig o Interes
Importante rin na isaalang-alang ang mga hilig o paboritong gawin. Kung
kukuha ng kurso sa kolehiyo, mahalaga na hindi mabigat sa kalooban at taos
sa puso ang pipiliin upang hind makaramdam ng pagsisisi o pagkabagot dahil
ito naman ang kinahiligang gawin. Minsan, napapadlai ang pagsasanay dahil
sa pagkahilig sa isang gawain.

Ang Mga larangan ng hilig:


Mekanikal
Ito ay tumutukoy sa hilig ng isang tao sa paggawa ng mga bagay na may
kagamitang mekanikal, na habang ginagawa nya ang ganitong hilig ito ay
nakapag dudulot sa kanya ng kasiyahan.
Outdoor
Ito ay tumutukoy sa mga gawaing nagdudulot sa isang tao ng kasiyahan,kung
saan ito iyong mga gawaing ginagawa sa labas, katulad ng hiking kasama ang
barkada, biking, at pamamasyal sa ibat-ibang lugar.
Computational
Ito ay tumutukoy sa hilig ng isang tao sa paggamit ng mga numero, at bilang
halimbawa nito ang paglalaro ng sudoku, paglalaro ng chess, sungka at iba pa.
Siyentipikal
Ito ay tumutukoy sa mga bagay na nagbibigay ng kasiyahan sa pamamagitan
ng pagtuklas ng kaalaman at pagdidisenyo
Persuasive
Ito ay tumutukoy sa mga bagay na na nagbibigay ng kasiyahan sa mga
gumaganap sa tulong ng pagsasalita,na nakapagbibigay ng tulong sa iba
gaya ng pagiging public speaker at iba pa.
Artistik
Ito ay tumutukoy sa mga bagay na hilig mo sa pagdidisenyo, katulad ng
pagpipinta, pag uukit, paglalala at iba pa.

21 | P a g e EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 9 Ikaapat na Markahan


Litetary
Ito ay tumutukoy sa mga bagay na hilig mo sa pagsusulat at pagbabasa,
halimbawa nito ang hilig mo sa paggawa ng mga tula, pagsusulat ng mga
nobela, pagsusulat ng mga kanta at iba pa.
Musikal
ito ay tumutukoy sa mga bagay na may kinalaman sa pag -awit ay pagtugtog
ng ibat-ibang instrumento.
Social Service
ito ay tumutukoy sa mga aktibidades na nagbibigay kasiyahan sa mga
pagtulong, katulad ng mga boluntaryong pagtuturo sa mga batang lansangan,
bulontaryong pagtulong sa mga na nasalanta ng sakuna at iba pa.
Clerical
ito ay tumutukoy ay mga bagay o gawaing pang-tanggapan.
Enterprising - Likas sa mga taong nasa ganitong grupo ang pagiging
mapanghikayat, mahusay mangumbinsi ng iba para sa pagkamit ng inaasahan o
target goals. Ang mga taong may mataas na interes dito ay madalas na masigla,
nangunguna at may pagkusa at kung minsan ay madaling mawalan ng pagtitimpi
at pasensya.

4. Pagpapahalaga
Ang pagpapahalagang taglay ng isang tao ay maaaring nagmula pa
noong siya ay musmos pa lamang. Maaari ito ang kanyang nakagisnan sa
kanyang tahanan at hanggang sa kanyang pagdadalaga o pagbibinata ay
taglay pa din niya ito. Ang pagpapahalagang ito ang makaiimpluwensya sa
kanya sa pagpili ng kursong tatahakin sa kolehiyo.

5. Katayuang Pinansyal
Ang kakayahan ng mga magulang na maitaguyod ang pag aaral ng
kanilang mga anak sa pamamagitan ng kanilang katayuang pinansiyal ay
hindi dapat isawalang-bahala. Dahil bukod sa edukasyon, pananagutan rin
ng mga magulang ang tirahan at kalusugan ng pamilya. Isiping hindi lamang
sa edukasyon ng mga anak napupunta ang sakripisyo ng mga magulang.
Hindi sinasabi na hindi mahalaga ang edukasyon, ang tamang pagbabalanse
sa mga gastusin ng pamilya ay mahalaga. Isipin ang kursong aakma sa kita
ng mga magulang.

6. Mithiin
Ang mga personal na mithiin sa buhay mula pa noong kamusmusan, minsan,
ay hindi nawawala o nalilimutan. May mga bagay o ideya na nagsisilbing
inspirasyon sa isang tao upang harapin ang kinabukasan at
mapagtagumpayan ang hamon ng buhay. Ang kurso sa kolehiyo ang
nagiging daan upang maabot ang mithiin na ito.
Ang salitang mithiin ay binubuo ng hulaping -in at salitang ugat na mithi. Ang
kahulugan nito ay tumutukoy sa bagay na ninanais makamit ng isang tao. Ito
ang anumang pinapangarap na maganap o makuha. Ang kasingkahulugan
naman nito ay ambisyon, pithaya, adhikain o pita.
Ang mga binanggit na salik ay lubhang mahalaga upang n makilala ang
sarili. Esensiyal ang mga ito upang maging matagumpay ang pamimili ng
kurso. Mahalagang maisaalang-alang ang mga ito upang matiyak na
angkop sa iyo ang kursong nais kunin.

22 | P a g e EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 9 Ikaapat na Markahan


Pagsasanay

PANUTO: Paano mo nakikita ang iyong sarili, sampung taon mula ngayon? Bumuo ng
ilustrasyon ng iyong sarili mula ngayon
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
________________________________________________

Gawain

Bumuo ng isang tula na patungkol sa “TALENTO”

__________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
______________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
__________________________________________________________________

23 | P a g e EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 9 Ikaapat na Markahan


Aralin 4:

Layunin

MELCS:
 Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng personal na
pahayag ng misyon sa buhay.
 Natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng personal na
pahayag ng misyon sa buhay
 Nahihinuha na ang kanyang personal na pahayag ng misyon sa
buhay ay dapat na nagsasalamin ng kanyang pagiging
natatanging nilalang na nagpapasya at kumikilos nang
mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat
 Nakapagbubuo ng personal na pahayag ng misyon sa buhay

Essential Questions:
Ang mga mag-aaral ay pangninilayan ang bawat katanungan:

Ano ang misyon mo sa Buhay?


Ano-ano ang mga ito?
Essential Understanding:
Mauunawaan ng mga mag-aaral na:
May mga bagay ka bang nais makamit at mga lugar na gustong
puntahan?

24 | P a g e EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 9 Ikaapat na Markahan


Panimulang Gawain

PANUTO: Magbigay ng Apat na pumapasok sa isipan mo sa kasalukuyan na


iyong misyon sa buhay.

Talisalitaan

Ang misyon ay tumutukoy sa nais marating sa buhay; ito ay


kinakailangan ng matalinong pagbuo ng plano at siguradong hakbang sa
pag-abot ng pangarap. Ito ay may iba’t ibang pagpapakahulugan batay
sa mithiin ng isang tao

25 | P a g e EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 9 Ikaapat na Markahan


Pagtatalakay
Tuwing umaga, gumigising tayo at inihahanda natin ang sarili patungo sa
paaralan. Alam natin kung saan tayo pupunta. Ngunit alam ba natin kung saan
tayo tutungo sa ating buhay? Alam ba natin kung bakit natin ginagawa ang
mga gampanin natin?
Ang ating misyon sa buhay ang dahilan kung bakit tayo ay nabubuhay. Ang
mga paaralan, malaki man o maliit ay isinusulat ang kanilang mga misyon na
nagbibigay ng direksiyon upang maging maliwanag ang kanilang mga
pagpapahalaga kung sila ay gagawa ng mga pagpapasiya.
Alam mo ba kung ano ang kahulugan ng misyon? Ayon sa UP Diksiyonaryong
Filipino, ang misyon ay partikular na gawain o hangaring itinakda sa isang tao o
pangkat.
Ang ating mga personal na misyon ay nagtatakda ng pangkalahatang
layunin at patnubay ng ating buhay sa kabuuan. Binibigyang kahulugan nito
kung ano ang ating mga pinaniniwalaan; kung ano ang mahalaga sa atin; at
kung ano ang gusto nating gawin sa buhay. Kasama nito ang kasagutan sa mga
katanungang gaya ng mga sumusunod:
a. Ano ba ang gusto ko sa buhay?
b. Ano ba ang aking pinahahalagahan? Pinaniniwalaan?
c. Sa katapusan ng buhay, ano ang gusto kong nagawa ko?
d. Ano ang gusto kong masabi ng tao tungkol sa akin?
Sa kasalukuyang yugto ng iyong buhay, mahalagang magkaroon ka ng
personal na misyon sa buhay. Sa pamamagitan ng misyong ito ay nagiging
malinaw para sa iyo ang uri ng pamumuhay na isasakatuparan mo sa
kasalukuyan.

Ang Halaga ng Pagsusulat ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay


Ayon sa Ohio Literacy Resource Center, ang mga sumusunod ay
kahalagahan ng pagkakaroon ng personal na pahayag ng misyon sa buhay:
1. Tinutulungan ka nitong kilalanin ang iyong buhay; liwanagin kung ano
ang layunin ng iyong buhay; at matukoy kung ano o alin ang
mahalaga para sa iyo.
2. Tinutulungan ka nitong linawin at malinaw na maipahayag ang iyong
mga pagpapahalaga at adhikain.
3. Ikinikintal nito sa iyong isip ang iyong mga pagpapahalaga at layunin
hanggang sa maging bahagi na ito ng iyong pang araw-araw na
buhay.
4. Pinaaalahanan ka nitong isama sa lahat ng iyong mga plano at
balakin ang mga nais mong mangyari sa iyong buhay.

Proseso ng Paglikha ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay


1. Tumukoy ng isang taong may labis na impluwensiya sa iyong buhay. Isa-isahin
ang mga katangiang hinahangaan mo sa kaniya. Itala ang mga katangiang
ito. Pagmumuni-munihan kung aling mga katangian ang nais mong gayahin sa
kaniya. Tiyaking ang mga katangiang ito ay makatutulong sa pagkamit ng
iyong mga ninanasa.
2. Tiyakin kung anong gusto mong maging, hindi lamang ang kung anong gusto
mong magkaroon.

26 | P a g e EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 9 Ikaapat na Markahan


3. Kilalahin ang iyong mga gampanin sa buhay. Maaaring may gampanin ka
sa iyong paaralan, pamilya, komunidad, kabarkada, o sa iba pang bahagi
ng iyong buhay. Ilarawan kung ano ang gusto mong maging imahe sa
pagganap ng mga gampanin mo sa buhay.
4. Isulat ang burador ng iyong personal na pahayag ng misyon sa buhay.
Mainam kung palagi mong dala ang burador na ito. Maaari mo itong
dagdagan, bawasan, o maglagay ng karagdagang tala.
5. Isulat ang pinal na personal na pahayag ng misyon sa buhay. Palagi mo itong
basahin o isaisip. Gawin mo itong pamantayan sa paraan ng iyong
paghuhusga, kilos, o gawi sa lahat ng iyong mga gawain.
6. Magkaroon ng regular na pagsusuri sa iyong personal na pahayag ng misyon
sa buhay upang makita kung paano umunlad ang iyong sarili.
7. Ang pinakahuling pagtataya sa halaga ng binuong misyon sa buhay ay:
NAGBIBIGAY INSPIRASYON BA ITO SA AKIN?

Mga Katangian na Dapat Tinataglay ng Iyong Binubuo na Misyon


1. Tiyak (Specific) - Ito ay narapat na may katiyakan kung ano at paano
isasagawa. Ang kalinawan ng pag-abot dito ay paniniguro ng kaganapan
ng misyong bubuuin. Halimbawa nito ay kung anong propesyon o bokasyon
ang nais gampanan ng isang kabataan balang araw.
2. Nasusukat (Measurable) - Ito ay nararapat na masuri kung may kakayahan
ang tao na abutin ang kanyang misyon o pangarap. Sa kuwento ni Gerry ay
matutukoy na mahihirapan siyang maabot ang pangarap na maging isang
manggagamot dahil sa kanyang suliraning pinansiyal ngunit gumawa siya ng
mga plano kung paano kikita at matutustusan ang kanyang pag-aaral.
3. Naaabot (Attainable) - Ito ay kakayaning maaabot o maisasakatuparan ng
isang indibidwal kung gagamitin ang kaalaman, kasanayan at pagganap
ng tungkulin.
4. Angkop (Relevant) - Ito ay nararapat na akma sa pangangailangan ng
indibidwal o mga tao sa kanyang paligid. Sa nangyari kay Gerry ang
pagkakasakit at kalaunan ay pagkamatay ng kanyang kapatid ang
nagtulak sa kanya na mangarap na maging manggagamot.
5. Nasusukat ng panahon (Time bound )- Nararapat na magtakda ng oras o
panahon o kung paano maabot ang pangarap o misyon. Sa kaso ni Gerry
ay nagtakda siya ng mga maaabot niyang layon sa itinakdang mga
panahon patungo sa pagkakamit ng kanyang mithiin.

Mahalaga na matukoy ng isang kabataan ang kanyang mga misyon.


Mahalagang matukoy na ang misyon ay ang pagganap ng tungkulin, upang
magkaroon ng saysay ang buhay. Ang mithiin ay mga layon na itatakda upang
maabot ang misyon. Upang matukoy ito mahalaga na malaman ang dalawang
uri ng mithiin: ang pangmadaliang mithiin (Short term goal) - o ang mga layunin
na maisasagawa sa maiikling panahon at ang epekto ay sa pangmadaliang
panahon lamang. Halimbawa nito ay ang pagpasa sa maikling pagsusulit sa
isang asignatura o kaya ay manguna sa klase pagtatapos ng ikatlong
markahan.
Ang ikalawang uri ng mithiin ay ang pangmatagalang mithiin (Long term
goal) - na makakamit sa mga susunod pang taon at mas matagal ang epekto
ng pagsasakatuparan nito. Mahalaga na matukoy na magkaugnay at hindi
magkasalungat ang dalawang uri ng mithiin. Halimbawa ay pangarap mong
maging abogado, ito ang iyong pangmatagalang mithiin. Paano mo ito
maaabot? Sa pamamagitan ng pagiging mahusay sa mga asignaturang Ingles
at Araling Panlipunan o kaya ay maging magaling sa pagsasaulo ng aralin at
mapanuring mag isip. Ito ang iyong mga pangmadaliang mithiin na
pagsisikapan mong makamit.
27 | P a g e EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 9 Ikaapat na Markahan
May iba’t ibang kahulugan ang misyon batay sa sitwasyon
Misyon ng isang mag-aaral

Ang bawat mag-aaral ay naglalayon na makatapos ng pag-aaral; ilan sa kanila ay


nagnanais na magkaroon ng sertipiko ng pagkilala bilang isa sa pinakamahusay sa
klase. Ang misyon na makatapos sa pag-aaral ay isa sa paghahanda upang
magkaroon ng magandang buhay sa hinaharap.

Misyon ng nakatapos ng kolehiyo o isang naghahanap ng trabaho

Nilalayon ng tao na gumaganap sa bahaging ito na gamitin ang pinag-aralan sa


pamamagitan ng paghahanap ng trabaho batay sa kakayahan at natapos na kurso.
Ito ay isa sa mahirap na bahagi ng buhay na kung saan ang bawat indibidwal ay
mamumuhay ng mag-isa o magbabanat ng buto para sa sariling kinabukasan.

Misyong ng Pagpapamilya

Ang yugtong ito ay isa sa pinakamahirap na bahagi sapagkat naglalayon ito ng


pagbuo ng sariling pamilya. Ang mag-asawa ay inaasahang magmahalan at
magbigay suporta sa magiging anak. Ang bawat indibidwal na gaganap sa
bahaging ito ay kinakailangan ng tibay ng damdamin at taglay ang koprehensibong
pag-unawa sa bawat responsibilidad.

Ang bawat tao ay may sariling misyon sa buhay batay sa nais nilang marating.
Mahalaga na ang bawat tao ay nagtataglay ng isang misyon upang magkaroon sila
ng gabay sa pag-abot ng kanilang tagumpay.

Pagsasanay

PANUTO: Ipaliwanag.
“When pain is shared it reduce to half, when happiness is shared it is doubled”
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
________________________

28 | P a g e EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 9 Ikaapat na Markahan


Gawain

PANUTO: Gumuhit ng larawan na magpapakita na iyong misyon sa buhay sa


kasalukuyan.umuhit ng larawan na magpapakita na iyong misyon sa buhay sa
kasalukuyan

Sanggunian

MGA PINAGKUNAN NG IMPORMASYON:

A. Libro, Gabay ng Guro, at MELC


∙MELCs Esp9 Quarter 4
∙Paglalakbay ng may Mabuting Asal Inilathala ng Kleafs Publishing Inc.
∙Marangal Inilathala ng Ephesians Publishing Inc
∙Esp 9 inilathala ng Student Digest Publishing House
B. Mga Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resources
- https://www.youtube.com/watch?v=-OHMo6EXGqU
- https://www.youtube.com/watch?v=9IXTetNPVrI
- https://www.youtube.com/watch?v=MqEqcKGY3ao
- https://www.youtube.com/watch?v=mNUM7oBlDyo

29 | P a g e EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO 9 Ikaapat na Markahan

You might also like