You are on page 1of 6

Northwestern Visayan Colleges

Kalibo, Aklan

Banghay Aralin sa Tagubilin ng Edukasyon sa Pagpapakatao


Baitang-9

I. Layunin
a. Naipapaliwanag ang mga konsepto ng mabuting pagpapasiya;
b. Nahahalintulad ang Short Term Goal sa Long Term Goal;
c. Nakapipili ng track o kurso na kukunin sa Senior High School at mga
posisyon, trabaho, at pagsasanay na maaring pagdaanan upang makarating sa
minimithing uri ng buhay.

II. Paksang Aralin


Topic: Paghahanda sa Minimithing Uri ng Pamumuhay
Pagpapahalaga-Nabibigyang Halaga ang pagkakaroon tiyak na kurso/tyrack na
kukunin sa Senior High na naayon sa kung ano ang kanyang gusto, hilig at
kalakasan.
Kagamitan: Laptop, bond paper, scotch tape,
Sanggunian: Edukasyon sa pagpapakatao 9, pages 232-250

III. Mga Gawain sa Pagkatuto

Mga Gawaing Guro Mga Gawaing Magaaral

A. Panimulang mga Gawain.


a. Pagdarasal Ang mga mag-aaral ay
Sasabihin ng guro, “Magsitayo at manalangin..” tatayo at manalangin.
b. Pag che-check ng attendance
“sabihing present kung matatawag ang iyong Narito po ma’am…
pangalan..”
c. Pagpapaalala sa mga alituntunin
“Mag papaalala ako na ilabas ang respeto palagi at kung Opo ma’am…
may isasagot o katanungan kayo itaas lang ang kamay
at tumayo.
Naintindihan ba?

B. Pagganyak
Ang mga mag-aaral ay ipapangkat anim. Bawat grupo ay
bibigyan ng papel na nakalagay sa isang envelop. Ito ay
isang word puzzle.
Hahanapin ng grupo ang mga salitang ipapahanap ng
guro na nakalagay na sa papel.
Ang makaka unang makahanap ng salita ay
may karagdagang puntos.

Sasabihin ng guro..

Naintindihan ninyo? Pumunta ang mga magaaral sa


kani-kanilang
Magaling…. mga pangkat at ginawa
ang aktibity.
*Pagkatapos ng gawain ay iisahin nilang babasahin ang
mga salita na may kaugnayan sa mga tatalakayin sa mga Opo mam…
sumusunod na araw.

C. Paglinang na Gawain
a. Paglalahad
Babasahin ng Guro ang isang sanaysay tungkol sa Senior
High
School at itatanong ang mga nakasunod na katanungan.
a. Paano nakatutulong ang pagkakaroon ng Senior High
School
sa paghahanda ng mga mag-aaral sa mundo ng paggawa?
b. Bakit sinabing pasaporte mo para makapagtrabaho ang
pagkakaroon ng National Certification o NC?Patunayan.
c. Naghahanda ka na ba para sa Senior High School? Ano-
anong
paghahanda na ang iyong nagawa o ginagawa?

b. Pagtalakay
Ilalagay ng guro ang kanyang visual aid sa pisara at
uumpisahan ang pagtalakay.
CAREER PATH
-Ay tumutukoy sa mga pagsasanay, pag-aaral, posisyon o
iba’t ibang trabaho, at mga paghahanda na ating
pinagdaraanan upang matamo an fating nais na uri ng
pamumuhay o career goal.

Gawain
Ang mga mag-aaral ay ipapangkat sa apat. Lahat ng mag-
aaral na magkakapareha lahat ng numero ay magsasama. At
bawat grupo ay
may naka ukol na topic na kanilang itatalakay.

Group 1: Ano ang Career Path


Group 2: Pagpili ng Kurso o Trabaho (284-285)
Group 3: Pagpili ng Kurso o Trabaho (286-287)
Group 4: Hakbang sa paggawa ng pagpapasiya.

Sasabihin ng guro..
“Ibibigay ko sa inyo ang mga aklat ninyo at babasahin
ninyo ang
topic na naka assign sa inyo at pagkatapos ninyong basahin
magbabahagi kayo sa isa’t-isa bilang expert group. Expert sa
kaukulang topic.”

“Bibigyan ko kayo ng 20 Minuto na magtalakay kasama


ang inyong expert group. Pagkatapos ng 20 minuto, bawat
isa sa inyo ay pupunta sa bago ninyong grupo kasama ang
mga expert na nasa 2, 3 at 4 at
kayo ay magbabahagian tungkol sa naka assign na topic sa
inyo.
Gagawin niyo ito sa loob ng 20 minuto.”

Naintindihan?

Magaling…

D. Paglalahat
Ilalagay ng guro ang isang outline ng kanilang mga Pumunta ang mga magaaral sa
tinalakay kani-kanilang
at tatanungin ang mga mag-aaral kung saan hindi sila grupo bilang expert
masyadong naka intindi. Mayroon ding ibang katanungan group san aka assign na
ang guro. Pagkatapos ay magbibigay ang guro ng handouts topic sa kanilang grupo.
para sa
mga mag-aaral.

Outline:
PAGHAHANDA SA MINIMITHING URI NG
PAMUMUHAY

Career Path
-Tumutukoy sa mga pagsasanay, pag-aaral, posisyon o Ang mga mag-aaral ay
iba’t ibang trabaho, at mga paghahanda na ating pumunta sa kanilang
pinagdaraanan upang matamo ang ating nais na uri ng panibagong grupo,
pamumuhay o career goal. kasama ang mga expert
sa ibang topic.
Career Path ay natutukoy sa…
1. Steady State-nangangailangan ng panghabambuhay na
pananatili sa isang trabaho lamang patuloy na pag-unlad ng
kaalaman at kasanayan sa karera. Opo Ma’am…
2. Linear- Patuloy na pag-angat o pagtaas, kung saan
mayroon ding patuloy na pagtaas ng posisyon,
kapangyarihan, responsibilidad sa Gawain ng ibang
manggagawa sa kumpanya at kinikita.
3. Transitory-Nagpapakita ng madalas na pagbabago.
4. Spiral- regular na pagbabado, kadalasan ay sa loob ng
lima o pitong taon.

Ayon kay Fisch..


-Sinisikap ng mundo na ihanda ang kabataan para sa mga
trabahong hindi pa nalilikha at mga teknolohiyang hindi pa
naiimbento upang solusyonan ang mga problemang ni wala
pa sa hinagap natin.
-Ang mga kabataan na kasalukuyang nasa paaralan ay
magpapalipat sa 10-14 na trabaho bago dumating ang edad
na 38 taon.

Kailangan na malinang ang 21st Century Skills


1. Learning and Innovative Skills
2. Critical Thinking Skills
3. Creativity
4. Information Literacy
5. Media Literacy and ICT Literacy
6. Life Career Skills
7. Flexibility
8. Adaptability
9. Initiative and Self-direction
10. Social and cultural Skills
11. Productivity and Accountability
12. Leadership and Responsibility

Dalawang Uri ng Mithiin


1. Short Term Goal
2. Long Term Goal
Ang mithiin ay maihahalintulad sa isang balangkas na
susundan upang mabuo ang pinapangarap na buhay.
Maaari rin itong ihalintulad sa mga baiting ng hagdan na
aakyatin upang marating ang rurok ng tagumpay.
Ang tuktok nito o huling baiting ang LONG TERM GOAL at
ang bawat baitang naman ang SHORT TERM GOAL.

Hakbang sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasiya


1. Magkalap ng Kaalaman
-Dapat lubos mo nang nauunawan ang mga pansariling
salik kaugnay ng pagtatrabaho o negosyo.
-Ang mga in demand-job pito hanggang sampung taon
mula ngayon.
-Ang pangarap o nais ng iyong magulang para sa iyo.
-Ang pinansyal na kakayahan.
-Ang mga paaralan, trade center o pamantasang
maaring pasukan.

2. Magnilay sa mismong aksiyon


Mga gabay…
a. Kailangan mong suriin ang uri ng aksiyon.
b. Mahalagang tanungin mo rin ang iyong sarili kung
ano ba talaga ang iyong personal na hangarin sa
iyong isasagawang aksiyon.
c. Mahalagang tungnan din ang pangyayaring may
kaugnayan sa aksiyon.

3. Hingin ang Gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasiya

4. Tayain ang damdamin sa napiling isasagawang pasiya

5. Pag-aralang muli ang pasiya

Sa huli’y dapat na maalala natin na mula’t sapul pa, tayo ay


may kalayaan at walang mapanagutang pagpapasiya ang
nagaganap nang walang kalayaan.

Kaya nga, anuman ang kahinatnan ng iyong kinabukasan,


tandaang nakarating ka diyan bunga rin ng iyong mga
pagpapasiya.

E. Paglalapat
Ang mga mag-aaral ay sasagot sa mga katanungan.

Pangalan:
Minimithing Uri ng Pamumuhay Balang
Araw:________________________________
Napiling Kurso sa
Akademiko:__________________________________
Mga kaugnay na Kurso-
TeknikalBokasyunal:_________________________________
Talaan ng mga Unibersidad or Paaralan na Maaring
Pasukan:__________________________________________
Mga pamantayan sa pagpili:
1.
2.
3.
4.
5.

Mga
kasanayang
kinakailangan:

Mga
Kakayahan
Kinakailangan:

Tugma/angkop
na track:

Tugma/angkop
na kurso:

1. Bakit mahalaga ang tamang pagpili ng track at kurso sa


Senior High School bilang paghahanda para sa minimithing
uri ng pamumuhay sa lipunan?

F. Takdang Aralin
Mag balik-aral, humanap pa ng mga iba pang pag-aaral
tungkol sa ating tinalakay pwede kayong tumingin sa
internet, ito ay para sa pagsulit na magaganap sa susunod
na ating pagkikita.

Inihanda ni:
Genesis Angelo T. Santillan
Nagpakitang-turo

Pinansin ni:

You might also like