Professional Documents
Culture Documents
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga karapatan at tungkulin ng tao sa lipunan.
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o naobserbahang
paglabag sa mga karapatang pantao sa pamilya, paaralan, barangay/pamayanan,
o lipunan/bansa
C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. 1. Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao. EsP9TT-IIa-5.1
Isulat ang code ng bawat 2. Napahahalagahan ang pagtupad ng tungkulin bilang isang Pilipino.
kasanayan 3. Naipakikita ang mga karapatang natatamo at ang wastong pagtupad sa tungkulin sa
pamamagitan ng malikhaing presentasyon.
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang sipi ng Paunang Pagtataya, sipi ng Panatang Makabayan, Manila paper, markers, journal, bolpen, at
Panturo notbuk
III. Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang Ipakilala ang paksa gamit ang quotation mula sa pahayag ni Stan Lee sa kanyang sinulat na
aralin at pagsisimula ng Spiderman: “With great power comes great responsibility”.
bagong aralin.
Sagutan ang sumusunod na katanungan.
1. Anong pananagutan ang tinutukoy sa pahayag?
2. Saan nakaangkla ang kapangyarihang ito?
2. Ang karapatan ay kapangyarihang moral. Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?
a. Hindi maaaring puwersahin ng tao ang kanyang kapwang ibigay sa kanya nang sapilitan
ang mga bagay na kailangan niya sa buhay.
b. Hindi nito maaapektuhan ang buhay-pamayanan.
c. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kanyang kapwang igalang ito.
d. Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng moral na kilos.
3. Ang tungkulin ay obligasyong moral ng taong gawin o iwasang gawin ang isang gawain. Alin sa
sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?
a. Nakasalalay ang tungkulin sa isip.
b. Nakabatay ang tungkulin sa Likas na Batas Moral.
c. Ang moral ang nagpapanatili ng buhay-pamayanan.
d. May malaking epekto sa sarili at mga ugnayan ang hindi pagtupad ng mga tungkulin.
Si Aling Crystal, 75 taong gulang ay nanilbihan bilang porter sa isang homeless shelter sa
Roma. Namuhay siya nang simple gamit ang isang jacket, isang damit at isang blusa.
Tuwing matatanggap niya ang kanyang pension mula sa Social Security System (SSS),
naglalakad siya nang mahigit isang milya upang ibigay niya ang kanyang kontribusyon sa
simbahan (tithing).
Kier Mich, 2012, ph 145-146
a.Karapatan sa pribadong ari-arian
b.Karapatan sa buhay
c. Karapatang gumala o pumunta sa ibang lugar
d.Karapatang maghanapbuhay
10. Aling karapatan ang kaakibat ng tungkuling patuloy sa pag-aaral upang umangat sa karera at
maitaas ang antas ng pamumuhay?
a. Karapatan sa buhay
b. Karapatan sa pribadong ari-arian
c. Karapatang maghanapbuhay
d. Karapatang pumunta sa ibang lugar
Gabay sa Pagwawasto
1. d
2. b
3. a
4. b
5. c
6. a
7. c
8. a
9. d
10. a
B. Paghahabi sa layunin ng Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang layunin ng aralin. (gawin sa loob ng 3 minuto)
aralin at pagganyak (Reflective Approach)
1. Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao.
2. Napahahalagahan ang pagtupad ng tungkulin bilang isang Pilipino.
3. Naipapakita ang mga karapatang natatamo at ang wastong pagtupad sa tungkulin sa
pamamagitan ng malikhaing presentasyon.
C. Pag-uugnay ng mga Iugnay ang paksang tatalakayin sa nakaraang aralin sa pamamagitan ng pagbigkas sa “Panatang
halimbawa sa bagong Makabayan”. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
aralin
Panatang Makabayan
D. Pagtalakay ng bagong A. Ipasulat sa notbuk ang anim na itinuturing nilang karapatan at iparanggo ito batay sa
konsepto at paglalahad ng kahalagahan para sa kanila. Gamitin ang bilang 1 hanggang 6.
bagong kasanayan #1
B. Pangkatin ang klase sa lima. Magbahagihan tungkol sa mga tungkuling iniranggo. Sagutan ang
sumusunod na katanungan.
1. Ano-ano ang itinuturing ng inyong pangkat na karapatan?
2. Ipaliwanag ang inyong batayan sa resulta ng pagranggong ginawa ng inyong pangkat. Ano ang
sinasabi nito sa inyong pagkaunawa sa karapatan? (gawin sa loob ng 10 minuto)
(Collaborative/Reflective Approach)
E. Pagtalakay ng bagong Pangkatin ang klase sa lima at pag-usapan ang isang malikhaing presentasyon
konsepto at paglalahad ng tungkol sa mga karapatan at tungkulin ng tao sa sumusunod na aspekto: (a) sa pamilya,
bagong kasanayan #2 (b) sa paaralan, (c) sa barangay o pamayanan, (d) sa bansa o lipunan at (e) sa espiritwalidad.
(gawin sa loob ng 10 minuto)(Collaborative/Constructivist Approach)
F. Paglinang sa Kabihasahan Bigyan ng sapat na panahon ang bawat pangkat para sa presentasyon ng natapos na pangkatang gawain.
(Tungo sa Formative Bigyan din ng pagkakataong makapagbigay ng pagtatasa ang bawat pangkat sa kapwa pangkat na
Assessment) magpapakita ng kanilang presentasyon. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Collaborative Approach)
Magbigay ng ilang papuri o pagpuna sa mga ginawang presentasyon batay sa pangangailangan nito.
G. Paglalapat sa aralin sa pang- Sumulat ng journal na binubuo ng 5 o higit pang pangungusap na nagpapaliwanag ng quotation na ito:
araw-araw na buhay “With great power comes great responsibilty.” Iugnay ito sa sariling karanasan. (gawin sa
loob ng 5 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)
H. Paglalahat sa aralin Ang bawat tao ay may kanya-kanyang karapatan. Mapahahalagahan niya ito nang husto kung ang
bawat karapatan ay natatamasa at nararanasan niya sa tulong ng kanyang kapwa at ng mga pangunahing
institusyon. Kaakibat ng bawat karapatan ang pagtupad sa mga gampanin at tungkulin ng bawat tao sa
kanyang kapwa, sa bayan, at sa Diyos (gaya ng napapaloob sa
Panatang Makabayan).
I. Pagtataya ng Aralin Sabihin kung ang sumusunod ay (K) karapatan o (T) tungkulin ng tao. Isulat ang (K) o (T) sa patlang.
(gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective Approach)
1. Magsimba at sumamba (K)
2. Maglinis ng paligid (T)
3. Bumoto kapag halalan (K)
4. Tumulong sa gawaing bahay (T)
5. Magtanong sa guro kung may hindi naintindihan (K)
J. Karagdagang gawain para sa Pumili ng linya sa Panatang Makabayan. Isulat ito sa long typewriting bilang islogan. Lagyan ng konting
takdang aralin at disenyo at ipaskil sa alinmang bahagi ng silid-aralang itinakda ng guro. Tiyaking madali itong mabasa upang
remediation magsilbing paala-ala ng ating mga karapatan at tungkulin bilang tao.
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga karapatan at tungkulin ng tao sa lipunan
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o
naobserbahang paglabag sa mga karapatang tao sa pamilya, paaralan, baranggay/pamayanan o lipunan/bansa
C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. 1. Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, paaralan,
Isulat ang code ng bawat barangay/pamayanan o lipunan/bansa. EsP9TT-IIa-5.2
kasanayan 2. Nakapagpapahayag ng saloobin hinggil sa napanood na documentary film.
3. Nakapagsasagawa ng maikling dulang nagsusuri sa mga paglabag sa karapatang pantao.
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resource
A. Balik-Aral sa nakaraang Tumawag ng ilang mag-aaral na nais magbahagi ng kanilang takdang gawain. Atasan ang mga mag-aaral na
aralin at pagsisimula ng ipaskil ang kanilang mga ginawa. Bigyan ng konting panahon ang lahat upang makapaglibot at tingnan ang
bagong aralin. mga nakapaskil. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
B. Paghahabi sa layunin ng Gamit ang objective board, babasahin ng guroang mga layunin ng aralin. (gawin sa loob ng 5
aralin at pagganyak minuto) (Reflective Approcah)
1. Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, paaralan,
barangay/pamayanan, o lipunan/bansa.
2. Nakapagpapahayag ng saloobin hinggil sa napanood na documentary film.
3. Nakapagsasagawa ng maikling dula na nagsusuri sa mga paglabag sa karapatang pantao.
C. Pag-uugnay ng mga Tumawag ng tatlong mag-aaral. Magpagawa ng charade sa tatlong salitang ito: (a) paggalang sa buhay,
halimbawa sa bagong (b) paggalang sa ari-arian at (c) paggalang sa kapwa. (gawin sa loob ng 5 minuto)
aralin (Constructivist Approach)
D. Pagtalakay ng bagong Pangkatin ang klase sa lima. Ipasuri ang mga karapatang pantaong nalabag sa bawat sitwasyon. Ipahayag
konsepto at paglalahad ng ang pagsusuri sa pamamagitan maikling pagsasadula. (gawin sa loob ng 20 minuto)
bagong kasanayan #1 (Collaborative/ Integrative Approach)
Pangkat 1: Isang buwan ng kasambahay si Ida sa Pamilya Hermoso. Sa nakaraang isang linggo, tatlong
bahay sa kanilang kapitbahayan ang inakyat ng magnanakaw. Natakot si Gng. Hermoso dahil hindi niya
kilala nang ganap si Ida. At dahil dito, baka pasukin din ang kanilang bahay kapag isya lang ang tao rito.
Nagpasiya si Gng. Hermoso na huwag palabasin ng bahay si Ida, kahit bumili sa tindahan sa loob ng
subdivision.
Pangkat 2: Nagsabi na ang 32 taong gulang na si Mary Jean sa kanyang ina na mag-aasawa na
siya.napagtapos na niya ang kanyang dalawang kapatid at nasa Junior High School na ang bunso. Ngunit
sinabi ng kanyang ina na kailangan munang magtapos ang huli bago siya magpakasal.
Siya lang ang inaasahan ng kanyang pamilya.
Pangkat 3: Inilabas ng United Nations ang planong Sustainable Development na may bisa hanggang
2030. Isa sa mga tunguhin nito ang pagbibigay permiso sa lahat, kasama ang kabataan, sa karapatang
seksuwal at pagpapadami (reproductive). Hindi binanggit sa dokumento ang aborsyon bilang resulta ng mga
karapatang ito. Hinihingi ng UN ang suporta ng mga lider ng mga bansa para sa pagpapatupad ng planong ito.
Pangkat 4: Mula ng lumakas ang kita ng negosyong catering ni Aling Delia, nangangailangan siya ng
karagdagang waiter. Noong una, sapat ang sinusuweldo niya sa mga ito at libre ang pagkain nila lalo na
kapag may overtime na trabaho. Ngunit nang magkatampuhan si Aling Delia at ang kanyang asawa,
nagpasiya itong bumili ng condominium upang iwasan ang stress na sanhi ng tampuhan nila. Dahil dito,
hindi na tumatanggap ng sapat na pasahod ang mga waiter at hindi pa nila ito natatanggap sa takdang araw.
Pangkat 5: Maraming sako ng bigas ang nakatago sa container van ni Mang Enteng bukod sa
nakikita sa kanyang tindahan sa palengke. Sa gitna ng panawagan ng pamahalaan ng tulong sa pagkain, pera
at damit para sa biktima ng kalamidad, 30 sako ng bigas lamang ang pinadala niya.
E. Pagtalakay ng bagong Ipanood ang documentary film na tumatalakay sa karapatang pantao na nai-download mula sa
konsepto at paglalahad ng https://www.youtube.com/watch?v=UPpGxacNcxA (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective
bagong kasanayan #2 Approach)
Sagutan sa notbuk ang mga katanungang ito.
1. Bakit mahalaga ang kamalayan sa mga karapatang pantao?
2. Ano ang tungkulin ng bawat tao kaugnay ng mga karapatang pantao? Magbigay ng
halimbawa.
3. Ano ang mahahalagang mensahe ng documentary film na napanood? Ipaliwanag.
4. May magagawa ka ba sa mga malawakang paglabag sa karapatang pantao na ipinakita sa
documentary film? Ano ang maaari mong gawin sa mga paglabag na ito?
F. Paglinang sa Kabihasahan Magpahayag ng mga maaaring mangyari sa mga sitwasyon sa ibaba at kung ano ang magiging epekto nito
(Tungo sa Formative sa lipunan. Ang unang bahagi ay ginawa para sa iyo.
Assessment) Sitwasyon Ano ang maaring mangyari? Epekto sa lipunan
Walang paaralang Marami ang hindi makapag- Maraming mangmang at
pampubliko. aaral dahil sa kasalatan sa inaapi sa lipunan.
buhay.
Walang mga pagamutang
pampubliko.
Walang batas-trapiko.
Walang bayarin sa tax ang
sinumang tao.
Walng resibo sa alinmang
tindahan.
H. Paglalahat sa aralin Bawat tao ay may karapatan. Bawat tao ay nilikhang pantay-pantay. Walang sinuman ang
nakahihigit sa kaninuman lalo at sa usaping karapatang pantao. Sa mata ng batas, pantay-pantay ang lahat –
walang mahirap, walang mayaman.
I. Pagtataya ng Aralin Magbigay ng sitwasyong labag sa bawat karapatan sa ibaba. 2 puntos sa bawat karapatan.
(gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
a. Karapatan sa buhay
b. Karapatan sa malayang pagpapahayag
c. Karapatan sa paghahanapbuhay
d. Karapatan sa pagkain
e. Karapatan sa pagmamay-ari o ari-arian
J. Karagdagang gawain para sa Pumili ng isang serye ng panoorin sa telebisyon kapag prime time. Maglista ng mga paglabag sa
takdang aralin at karapatang ipinakita sa panoorin. Sa bawat nailistang paglabag, magbigay ng tungkulin na sa
remediation iyong palagay ay nararapat gawin ng isang tulad mo.
IV. MgaTala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga karapatan at tungkulin ng tao sa lipunan
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o naobserbahang
paglabag sa mga karapatang pantao sa pamilya, paaralan, barangay/pamayanan,
o lipunan/bansa.
C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. 1. Napatutunayan na ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung gagampanan ng tao ang
Isulat ang code ng bawat kanyang tungkulin na kilalanin at unawain, gamit ang kanyang katuwiran, ang pagkakapantay-pantay
kasanayan ng dignidad ng lahat ng tao. EsP9TT-IIb-5.3
2. Napahahalagahan ang sariling karapatan at naigagalang ang karapatan ng ibang tao.
3. Nakagagawa ng tula o sanaysay, awit o jingle, poster, slogan o alinmang uri ng media na
tumatalakay sa mga karapatang pantao.
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang kopya ng awiting Bawat Bata ng Apo Hiking Society, PowerPoint Presentation, laptop, projector,
Panturo Manila paper, marker, notbuk, https://www.youtube.com/watch?v=gdaTGTFqrno
III.Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang Tumawag ng apat na mag-aaral na magkakaiba ang pinanood na serye sa telebisyon at hayaan silang
aralin at pagsisimula ng magbahagi tungkol sa kanilang ginawang pagsusuri. (gawin sa loob ng 5 minuto)
bagong aralin. (Reflective Approach)
B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin. (gawin sa loob ng 5
aralin at pagganyak minuto) (Reflective Approach)
1. Napatutunayang ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung gagampanan ng tao ang
kanyang tungkulin na kilalanin at unawain, gamit ang kanyang katuwiran, ang pagkakapantay-pantay
ng dignidad ng lahat ng tao.
2. Napahahalagahan ang sariling karapatan at naigagalang ang karapatan ng ibang tao.
3. Nakagagawa ng tula o sanaysay, awit o jingle, poster, slogan, o alinmang uri ng media na
tumatalakay sa mga karapatang pantao.
D. Pagtalakay ng bagong Talakayin ang paksa gamit ang PowerPoint Presentation. Sagutan sa notbuk ang sumusunod na
konsepto at paglalahad ng katanungan. (gawin sa loob ng 20 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)
bagong kasanayan #1 1. Ano ang karapatan? Bakit ito ay sinasabing kapangyarihang moral?
2. Bakit kailangang ipagtanggol nang may mataas na determinasyon ang karapatan sa buhay?
Pangatuwiranan.
3. Saan nakabatay ang karapatan? Ipaliwanag.
4. Ano ang tungkulin? Bakit ito ay obligasyong moral?
5. Bakit kailangang tuparin ng sinuman ang kanyang tungkulin na hubugin ang sarili tungo sa
pagpapakatao ayon kay Max Scheler?
6. Ano ang batayan sa pagbuo ng Pangkalahatang Deklarasyon ng mga Tungkulin ng Tao?
7. Ano-ano ang epekto ng hindi pagtupad ng tungkulin? Ipaliwanag.
E. Pagtalakay ng bagong Magtala ng limang karapatan bilang bata at sabihin kung ito ay malaya at masaya mong natatamasa. Iranggo
konsepto at paglalahad ng ito ayon sa antas ng kasiyahang iyong nararanasan. Gamitin ang bilang 1-5.
bagong kasanayan #2 (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
F. Paglinang sa Kabihasahan Pangkatin sa lima ang klase. Magbahagihan upang makabuo ng isang Concept Map. Ibahagi sa klase ang
(Tungo sa Formative output ng pangkat. Gamiting gabay ang mga tanong na ito. (gawin sa loob ng 10 minuto)
Assessment) (Reflective/Collaborative Approach)
1. Ano ang dapat gawin upang magkaroon ng tunay na kabuluhan ang karapatan?
2. Bakit moral na gawain ang pagtupad sa tungkulin?
3. Ano-ano ang obligasyong kaakibat ng karapatan ng isang tao?
G. Paglalapat sa aralin sa pang- Gumawa ng liham para sa iyong magulang na nagsasaad ng iyong pasasalamat sa pagkakaloob nila sa iyo ng
araw-araw na buhay mga pangunahin mong karapatan: pangalan, damit, tirahan, edukasyon, pagkain, at
iba pang katulad nito. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Constructivist/Integrative Approach)
H. Paglalahat sa aralin Kaakibat ng karapatan ng isang tao ay ang kanyang tungkulin sa kanyang kapwa na igalang ang
karapatan nito. Kapag nilabag ang karapatang ito, magkakaroon siya ng damdaming pagsisisi. Kasama sa
pagiging moral ng tao ay ang tungkulin. Ang pagtalikod o hindi pagtupad sa tungkulin
ay pagsalungat sa buhay-pamayanan na may malaking epekto sa sarili at mga ugnayan.
I. Pagtataya ng Aralin Aling tungkulin ang kaakibat ng bawat karapata n sa ibaba? (gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective/Constructivist Approach)
Karapatan Tungkulin
1. Karapatan sa buhay (c) a. Magpakita ng kahusayan sa paggawa
2. Karapatan sa pribadong ari-arian (d) b. Paggalang sa pribadong boundary
3. Karapatang pumunta sa ibang lugar (b) c. Pangangalaga sa kalusugan ng katawan at
kaluluwa
4. Karapatang sumamba o ipahayag ang d. Pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad
pananampalataya (e)
5. Karapatang magtrabaho o e. Paggalang at pagdiriwang sa Araw ng
maghanapbuhay (a) Pasko
J. Karagdagang gawain para sa Gumawa ng tula o sanaysay, awit o jingle, poster, slogan o alinmang uri ng media na tumatalakay sa
takdang aralin at mga karapatang pantao at ang tungkuling kaakibat nito. Humanda sa pagbabahagi.
remediation
IV. MgaTala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o
naobserbahang paglabag sa mga karapatang tao sa pamilya, paaralan, barangay/pamayanan, o lipunan/bansa.
C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. 1. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o naobserbahang paglabag
Isulat ang code ng bawat sa mga karapatang pantao sa pamilya, paaralan, barangay/pamayanan o lipunan/bansa. EsP9TT-
kasanayan IIb-5.4
2. Natutukoy ang mga paglabag sa karapatang pantao.
3. Nakapaglalahad ng tungkuling kaakibat ng bawat karapatang pantao.
B. Iba pang Kagamitang kopya ng Bawat Bata ng Apo Hiking Society, audio player, Manila Paper, journal, notbuk, bolpen
Panturo
III.Pamamaraan
A. Balik-Aral sa nakaraang Tumawag ng limang mag-aaral na magbabahagi tungkol sa kanilang ginawang takdang aralin.
aralin at pagsisimula ng (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)
bagong aralin.
B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin. (gawin sa loob ng 5
aralin at pagganyak minuto) (Reflective Approach)
1. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o naobserbahang paglabag
sa mga karapatang pantao sa pamilya, paaralan, barangay/pamayanan, o lipunan/bansa.
2. Natutukoy ang mga paglabag sa karapatang pantao.
3. Nakapaglalahad ng tungkuling kaakibat ng bawat karapatang pantao.
C. Pag-uugnay ng mga Ipasuri ang ang awiting “Bawat Bata” ng Apo Hiking Society. Ipatala ang mga karapatan ng bata na
halimbawa sa bagong aralin binanggit sa awitin. Sagutan ang sumusunod na katanungan. (gawin sa loob ng 10 minuto)
(Reflective Approach)
1. Naranasan mo rin ba ang mga karapatang ito? Ipaliwanag.
2. May nasaksihan ka bang paglabag sa mga karapatang nabanggit? Ano ang iyong naging
damdamin ukol dito?
D. Pagtalakay ng bagong A. Pangkatin sa walo ang klase. Magpalabunutan sa pag-uusapang paksa halaw sa encyclical ni Papa Juan
konsepto at paglalahad ng XXIII na “Kapayapaan sa Katotohanan (Pacem in Terris).
bagong kasanayan #1 1. Karapatang mabuhay at kalayaan sa pangkatawang panganib
2. Karapatan sa mga batayang pangngailangan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay (pagkain,
damit, tahanan, edukasyon, pagkalingang pangkalusugan, tulong sa walang trabaho at tulong sa
pagtanda)
3. Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinyon o impormasyon
4. Karapatan sa malayang pagpili ng relihiyon at pagsunod sa konsensiya
5. Karapatan sa pagpili ng propesiyon
6. Karapatan sa malayang paglipat sa inbang lugar upang manirahan (migrasyon)
7. Karapatan sa aktibong pakikilahok sa mga pampublikong gawain o proyekto
8. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas laban sa mga paglabag sa karapatang pantao
B. Itala ang mga paglabag sa mga karapatang napili.
C. Iulat sa klase ang napag-usapan sa pamamagitan ng isang malikhaing paglalahad gaya ng sabayang
pagbigkas, awit o rap. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Collaborative Approach)
E. Pagtalakay ng bagong A. Balikan ang mga karapatang iyong binigyan ng ranggo sa pasimula ng modyul. Suriin ito at ihanay
konsepto at paglalahad ng ayon sa walong karapatang halaw sa encyclical na “Kapayapaan sa Katotohanan” (Pacem in
bagong kasanayan #2 Terris).
B. Iranggong muli ang mga ito at sagutan ang sumusunod na tanong.
1. May nabago ba sa iyong ginawang pagranggo? Ipaliwanag.
2. Alin ang pinakamahalaga para sa iyo? Ibigay ang iyong katuwiran.
3. Alin naman ang hindi gaanong mahalaga? Bakit?
(gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
F. Paglinang sa Kabihasahan A. Pangkatin ang klase sa dalawa – isang pangkat para sa panig ng “sang-ayon” at ang isa ay sa panig ng
(Tungo sa Formative “hindi sang-ayon”. Maglaan ng 3-5 minuto upang mapag-usapan ng pangkat ang
Assessment) kanilang katuwiran batay sa paksang ito: “Pamamaraan ng pamahalaan para sa pagsugpo ng bawal na
gamot, sang-ayon ka ba o hindi?”
B. Tumawag ng lima sa bawat pangkat upang siyang kumatawan at magpahayag ng kanilang saloobin sa
paksa. Magtalaga rin ng isang tagapamagitan. (Maaring ilapat ang pamantayang gingamit sa
asignaturang Filipino tungkol sa debate)
C. Bumuo ng isang pormal na debate batay sa paksa. Ang mga kasaping hindi kakatawan sa grupo ay
magsisilbing audience at tagapalakpak para sa kanilang panig.
(gawin sa loob ng 10 minuto) (Collaborative Approach)
G. Paglalapat sa aralin sa pang- Sagutan ang mga tanong sa napapaloob sa talahanayan upang lubusang mapalawak ang pag- unawa sa
araw-araw na buhay aralin. Isulat ang sagot sa iyong notbuk. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
Approach)
Ano-ano ang Ano ang aking Ano-anong hakbang
konsepto at pagkaunawa at ang aking gagawin
kaalamang pumukaw reyalisasiyon sa upang mailapat ang
sa akin? bawat konsepto at mga pang-unawa at
kaalamang ito? reyalisasyonng ito sa
aking buhay?
Tungkol sa karapatan
Tungkol sa tungkulin
Tungkol sa paglabag
sa karapatan
H. Paglalahat sa aralin Bawat karapatan ay may kaakibat na tungkulin. Ang karapatang pantao na kaloob ay hindi pansarili
lamang. Ang kaganapan nito ay nasa pakipagkapwa-tao sa lipunan.Kapag ang isang tao ang mabuting
nakikipag-ugnayan sa kapwa, magdudulot ito ng kaligayahan, kapayapaan at pagkakaisa.
Ang pagpapasya sa kung ano ang nararapat gampanan sa mga tungkulin ay dala ng kaloob na
karapatang pantao. Ngunit tandaan na may mga batas na kinakailangang sundin sa
lipunan.
I. Pagtataya ng Aralin Sabihin kung anong karapatan ang nalabag batay sa sumusunod na headlines ng balita. Piliin ang sagot
sa loob ng kahon.
Karapatan sa Buhay Karapatang Makapaghanapbuhay Karapatan sa
Pribadong Ari-arian Karapatang Ipahayag ang Pananampalataya
Karapatan sa Pagpunta sa Ibang Lugar Karapatan sa Pagpapahayag
1. Fetus Natagpuan sa Tagiliran ng Simbahan (Karapatan sa Buhay)
2. Gabinete, Ikinasa na ang Batas Laban sa “Endo” (Karapatang Makapaghanapbuhay)
3. Demolition ng Squatters sa Novaliches, Nauwi sa Karahasan (Karapatan sa Pribadong Ari-
arian)
4. Tigil Pasada Ikinasa ng mga Transport Group sa Kalakhang Maynila (Karapatan sa
Pagpunta sa Ibang Lugar)
5. 1 Patay, 5 Sugatan sa Salpukan ng Jeepney at Tricycle (Karapatan sa Buhay)
J. Karagdagang gawain para sa Mula sa mga napag-usapan ng grupo batay sa pangkatang gawain, bumuo ng isang TV sitcom
takdang aralin at (tulad ng T3, KSP at Imbestigador) o documentary video na nagpapamalas ng inyong
remediation pagkondena sa mga paglabag sa karapatang pantao.
IV. MgaTala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?