You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
Zone VI, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
website: www.depedzambales.ph

Pangalan: ______________________________ Baitang/Seksyon: _______________


Paaralan: _______________________________ Petsa: __________________________

GAWAING PAGKATUTO
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

I.Panimula
Sadyang magkakaiba ang mga tao. May mga magagaling sa Math. May
mga mahuhusay sa paggguhit. May masinop sa mga kagamitan. May marunong
sa pera. May magaganda at makikisig ang katawan. May mga tabain. Dahil sa
pagkakaiba-ibang ito, hindi maiiwasan ang paghahambing sa isat-isa. Ang mga
pagkakaibang ito ay hindi malayo sa ekonomiya ng lipunan.

Sa puntong ito ay mauunawaan mong lubos, ano nga ba ang mabuting


ekonomiya? Paano nakakatulong ang pagkakaroon ng magandang ekonomiya?

II. Kasanayang Pampagkatuto


Nakikilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya (EsP9PL-Ie-3.1)

Nakapagsusuri ng maidudulot ng magandang ekonomiya (EsP9PL-Ie-3.2)

III. Mga Layunin


Sa katapusan ng gawaing pagkatuto, inaasahang ikaw ay:

1. Natutukoy ang kahulugan ng ekonomiya

2. Naiisa-isa ang mga katangian ng mabuting ekonomiya


3. Naipaliliwanag ang iba’t ibang maidudulot ng magandang
ekonomiya sa lipunan

4. Nakapagtataya ng mga sitwasyon na nagpapakita ng magandang


ekonomiya.

IV. Pagtalakay sa paksa:


Magandang Ekonomiya tungo sa Pag-unlad ng Lipunan

Ang salitang “ekonomiya” ay ang mga Griyegong salita na “oikos” (bahay) at


“nomos” (pamamahala). Ang ekonomiya ay tulad lamang din ng pamamahala sa
bahay. Mayroong sapat na badyet ang pamamahay at kailangang pangasiwaan
ng mabuti upang matustusan ang pangangailangan ng lahat ng nakatira sa
bahay. Kailangan niya itong pagkasyahin sa lahat ng mga bayarin/gastusin
tulad ng kuryente, tubig, pagkain, panlinis ng bahay, at iba pa.

Pinagtalunan ng mga pilosopo ang konsepto ng pagkakapantay-pantay.


Sa isang panig, may nagsasabing pantay-pantay ang lahat dahil likha tayo ng
Diyos - dahil TAO tayo na kung titingnan na ang hubad na anyo, katulad lamang
din tayo ng iba. Sa kabilang panig naman, sinasabi na hindi pantay-pantay ang
mga tao. Kung pag-uusapan ang katayuan sa buhay, may mga nasa itaas
dinudungaw ang mga nasa ibaba. May mga mayayaman na patuloy na yayaman
at may mahihirap at mananatiling mahirap dahil sadyang hindi balanse ang
takbo ng mundo.

Ayon naman kay Max Scheler, “Bahagi ng pagiging tao ang pagkakaroon
ng magkakaibang lakas at kahinaan. Nasa hulma ng ating katawan ang
kakayahan nating maging isang sino.” Sadyang magkakaiba ang mga tao.
Idinidikta ng pagiging sino ng tao batay sa kaniyang pisikal na pangangatawan.
Dahil sa konsepto na hindi pantay-pantay ang tao, kailangang sikapin ng
pamahalaan na ibahagi ang yaman ng bayan sa lahat. Halimbawa, sa isang
pamilya, bunga ng paghahanap-buhay ng mag-asawa o miyembro ng pamilya,
kailangang ibadyet ang kanilang salapi sa iba’t ibang gastusin at bayarin sa
bahay ganoon na rin sa iba’t ibang pangangailangan ng bawat miyembro ng
pamilya.

Sa sistema ng edukasyon, hindi lamang puwedeng ituon ang pansin sa


magagaling na mag-aaral bagkus kailangang gumawa ng paraan ang guro na
maabot ang mga mag-aaral na hindi nakakasunod batay sa kanilang
kakayahan. Halimbawa, sa pagsusulit, maaaring ang pinakamagaling sa lamang
ang pagtutuunan ng guro ngunit hindi niya puwedeng isantabi ang mga mag-
2
aaral na mabagal sumunod. Upang mas lalong mahasa ang kakayahan nila ay
bibigyan sila na mas nararapat para sa kanilang kakayahan at
pangangailangan. Tinawag ito ni Santo Tomas de Aquino na Prinsipyo ng
Proportion, ang angkop na pagkakaloob ng ayon sa pangangailangan ng tao.

Sa paggawa ng taunang badyet ng pamahalaan, kinakalap muna lahat ng


pangangailangan at gastusin ng bawat ahensiya at nasasakupan nito upang
magtakda ng wastong badyet na natutustos sa pangangailangan ng operasyon
ng ahensiya at bayarin nito hanggang sa pinkadulo ng lipunan. Kinakailangang
pamahalaan ng maayos ang pondo o yaman ng bayan upang mabahaginan ang
lahat ng mamamayan ayon sa kanilang pangangailangan.

Maaaring Maidudulot ng Magandang Ekonomiya sa


Pagpapaunlad ng Lipunan

1. Ang pagkakaroon ng magandang ekonomiya ay batayan ng pag-unlad ng


isang lugar at kapag maganda ang ekonomiya mabibigyang pansin at
matutugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan.

2. Makatutulong ito sa pagpapatayo ng mga istruktura upang mapabilis ang


tranportasyon at komunikasyon.

3. Makatutulong ito sa pagpapagawa ng mga gusali at istruktura na siyang


magbibigay ng maayos at mahusay na serbisyo para sa kabutihan ng
lahat.

4. Lumalago ang industriya ng bansa.

5. Makatutulong ito sa pag-unlad ng turismo ng isang bansa.

6. Lalaki ang pondo ng pamahalaan na magiging dahilan upang mas


maisakatuparan ang mga proyekto ng pamahalaan para sa kabutihan ng
mamamayan.

7. Makatutulong din ito sa pagsasakatuparan ng mga programa at proyekto


ng pamahalaan tungo sa pag-unlad ng bansa.

8. Maraming oportunidad ang mamamayan para sa maganda at maayos na


trabaho.

3
Mga Katangian ng Mabuting Ekonomiya

1. Maunlad na bansa

2. Pantay-pantay sa paggamit na likas na yaman

3. Maraming oportunidad at trabaho para sa mga mamamayan

4. Nasusuportahan at natutugunan ang mga pangangailangan ng mga


mamamayan

5. Pantay-pantay na karapatan at prebilihiya para sa lahat

6. Balanseng populasyon at pinagkukunan ng yaman

7. Mabilis ang transportasyon at komunikasyon

8. Malago ang industriya.

9. May pagkakaisa at pagtutulungan ang lahat ng mamamayan.

V. Gawain

A. Panuto: Magbigay ng mga salitang maiuugnay sa salitang ekonomiya.


Gawing gabay ang pormat sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

EKONOMIYA

4
Rubriks para sa Pagtataya ng Gawain

Krayterya Napakahusay Mahusay Paghusayan Pa


(10) (7) (5)
Kaangkupan ng Napakaangkop Medyo angkop Hindi gaanong
Salitang ang paglalahad ng ang paglalahad angkop ang
naiugnay sa mga salitang ng mga salitang paglalahad ng
konsepto naiugnay sa naiugnay sa mga salitang
konsepto konsepto naignay sa
konsepto
Puntos 10

B. Panuto: Kung ikaw ay bibigyan ng isanlibong piso para sa iyong gastusin sa


isang buwan, paano mo ibabadyet ang iyong salapi? Punan ang talahanayan
at sagutin ang bawat tanong sa iyong sagutang papel.

Anu-ano ang Sapat ba o hindi Ano ang Paano


iyong ang iyong perang naidudulot ng sinosolusyonan
pagkakagastusan? hawak? kakulangan sa ang kakulangang
pera? ito?

C. Panuto: Sa pagkakataong ito ay mga magulang mo naman ang iyong


tatanungin o ipasagutan ang sumusunod na tanong sa talahanayan. Gawing
gabay ang pormat na nasa ibaba sa paggawa sa sagutang papel.

5
Sapat ba o Kung hindi sapat ang
Ano ang
hindi ang badyet, ano ang
Badyet Anu-ano ang naidudulot
badyet para paraang ginagawa
sa isang pinagkakagastusan ng
sa isang upang
buwan sa tahanan? kakulangan
buwan? masolusyunan ang
sa badyet?
Ipaliwanag. suliranin?

Gabay na tanong:
Batay sa resulta ng ginawang sarbey sa Gawain B at C, sagutin ang
sumusuonod na tanong sa sagutang papel.

a. Sa kabuuan, sapat ba ang kakayahan mo sa pagbabadyet ng iyong perang


hawak? Pangatwiranan.

b. Sa kabuuan, sapat ba ang kakayahan ng iyong magulang sa pagbabadyet


ng perang kanilang hawak? Pangatwiranan.

c. Sa iyong sariling karanasan, mahirap ba o hindi na magbadyet ng perang


hawak? Pangatwiranan.

d. Bakit mahalagang matutuhan ng lahat ang tamang pamamahala sa


perang kinikita?

e. Ano ang maaaring maidulot kung hindi mapangangasiwaan nang wasto


ang perang kinikita?

f. Anong sitwasyon sa lipunan o pamahalaan ang sinasalamin ng nagdaang


gawain? Ipaliwanag.

D. Lagyan ng (/) tsek ang sumusunod na mga pahayag na nagpapakita ng


mabuting ekonomiya at (X) naman kung hindi ito nagpapakita ng mabuting
ekonomiya. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
6
_________1. Nagkakaisa ang mga mamamayan sa pagtulong sa mga biktima ng
kalamidad.

_________2. May paggalang sa karapatang pantao.

_________3. May pagmamalasakit sa mga nakakatanda sa lipunan.

_________4. Binibigyang pansin ang pagsasaayos ng edukasyon

_________5. Mas maraming mamamayan ang naghihirap kaysa nakaririwasa.

_________6. Tumataas ang populasyon ng bansa.

_________7. Naglulunsad ng programang pangkaunlaran.

_________8. Dumarami ang bilang ng walang trabaho.

_________9. May mga proyekto ukol sa kaunlaran ng tinedyer

_________10. May pabahay para sa mga nangangailanagan.

E. Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Paano ka makakatulong sa pagkakaroon ng mabuting ekonomiya?

2. Anu – ano ang maaaring maidulot ng mabuing ekonomiya sa


pagpapaunlad ng bansa?

3. Bakit mahalagang malaman ng tao ang kahalagahan ng pagkakaroon ng


mabuting ekonomiya?

4. Kung ikaw ay isang namumuno sa isang lugar, ano ang gagawin mo upang
mapaunlad ito?

5. Para kanino ba ang ekonomiya? Bakit?

VI. Pagsusulit
A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong.
Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

7
1. Ano ang ibig sabihin ng salitang ekonomiya?
a.bahay pamamahala
b.tahanan
c.pamahalaan
d.budget

2. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng katangian ng mabuting


ekonomiya?
a.Pantay pantay sa paggamit ng likas na yaman
b.Maunlad na bansa
c.Malago ang industriya
d.Maraming walang trabaho

3. Ano ang kahulugan ng salitang hanapbuhay?


a.trabaho c. buhay
b.kita d. yaman

4.Bakit mahalaga na magkaroon ng mabuting ekonomiya?


a. ito ay batayan ng pag-unlad ng bansa
b.hindi paglago ng industriya ng bansa
c.lumiliit ang pondo ng pamahalaan
d.lahat ng nabanggit

5. Paano masasabing ang ekonomiya ay maunlad?


a.lahat ay may trabaho
b.may pagtutulungan ang bawat mamamayan
c.pantay pantay na pagbabahagi ng yaman
d.lahat ng nabanggit

6. Ito ay griyegong salita na “oikos” at “nomos”. Ano ang ibig sabihin nito?
a.bahay at pamahalaan
b.bahay at dalanginan
c.bahay at pamamahala
d.pasyalan at kainan

7. Bakit naglalaan nang taunang badget ang pamahalaan?


a.para matustusan ang pangangailangan ng bawat mamamayan ng bansa
b.upang mabigyan ng sapat na badge tang bawat ahensiya nito
c.upang mabahaginan ang lahat ng mamamayan ayon sa kanilang
pangangailangan

8
d.lahat ng nabanggit

8. Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportio ayon kay Sto.Tomas de


Aquino?
a.Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao
b.Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao
c.Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao
d.Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at
pangangailangan ng tao

9. Bakit magkaugnay ang pag-unlad ng sarili sa pag-unlad ng bayan?


a.Nakikilala at sumisikat ang mga taong umuunlad
b.Malaki ang maitutulong sa bansa kung maraming pera ang bawat tao
c.Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng tao ay may mabuting
sa pag-unlad ng bansa
d.Nagkakaroon ng maraming oportunidad sa hanapbuhay ang taong
mahilig paunlarin ang sariling kakayahan

10. Ano ang katotohanan sa likod ng paniniwala na “ang tao ay pantay-pantay”?


a.lahat ay may kani-kaniyang angking kaalaman
b.lahat ay dapat mayroong pag-aari
c.lahat ay iisa ang mithiin
d.likha ang lahat ng Diyos

B. Panuto: Tukuyin kung ang pangungusap ay nagpapakita ng magandang


maidudulot ng magandang ekonomiya. Isulat kung ito ay tama o mali. Isulat
ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

11. Lumalago ang industriya ng bansa

12. Hindi nakakatulong sa pag-unlad ng turismo ng isang bansa

13. Maraming oportunidad ang mamamayan para sa maganda at maayos na


trabaho.

14. Lalaki ang pondo ng pamahalaan na magiging dahilan upang


maisakatuparan ang mga proyekto ng pamahalaan

9
15. Ang pagkakaroon ng hindi magandang ekonomiya ay batayan ng pag-unlad
ng isang lugar.

VII. Pangwakas

Sa modyul na ito,nakilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya at


ito ay ang ___________ na bansa at malagong ___________.Ang ekonomiya ay
maihahalintulad sa isang ___________________.Mayroong sapat na ___________
ang namamahay. Kailangan niya itong__________________sa lahat ng mga
bayarin.(kuryente,tubig,pagkain,panlinis ng bahay) at iba pa upang
_______________ nang mahusay ang mga tao sa bahay at upang maging tahanan
ang _____________.

Ipinakita rin ng modyul na ito ang puwedeng maidulot ng pagkakaroon ng


magandang _________________ at ito ay ang pagkakaroon ng mahusay na
_____________________ ang mga tao tungo sa kolektibong ___________ ng bansa.

VIII. Mga Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao-Baitang 9, Kagamitan Ng Mag-aaral, Pasig City,


Phillippines: Department of Education-Bureau of Learning
Resources,2017.

Inihanda ni:

ROMINA F. CASALJAY
Teacher I
Zambales National High School
Iba District

10
IX. Susi sa Pagwawasto

Para sa Gawain A, B, C at E

Ang sagot ay magmumula sa sariling kaalaman at opinyon ng mag-aaral.


Gagamitin ang inihandang rubriks bilang batayan sa pagmamarka.

PANGWAKAS

1. Maunlad
2. Industriya
3. Tahanan
4. Badget
5. Pagkasyahin
6. Makapamuhay
7. Bahay
8. Ekonomiya
9. Trabaho
10. Pag-unlad

PAGSUSULIT

1.A 6.C 11.TAMA

2.B 7.D 12.MALI

3.A 8.C 13.TAMA

4.A 9.C 14.TAMA

5.D 10.D 15.MALI

(Ito ay kopya lamang para sa guro)

11

You might also like