You are on page 1of 4

SELF-LEARNING MATERIAL

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
IKAAPAT NA MARKAHAN
EPISODE 2
Grade 9

Pangalan:_________________________________________Petsa:_______________
Seksyon at Baitang:_________________________________Iskor:______________

Kasanayang Pampagkatuto/Learning Competency:


1. Napagninilayan ang mga mahahalagang hakbang na ginawa upang mapaunlad ang kanyang talento at
kakayahan ayon sa kanyang hilig, mithiiin, local at global na demand (EsP9KP-Iva-13.2)

Pagganyak :
Nakapili ka na ba ng track na gusto mo na iyong kukunin sa Senior High School?
Ano ang mga paghahanda na iyong ginawa?
Ano-ano ang mga isinaalang-alang mo upang pumili ng track na gusto mo? May hakbang ka bang
isinagawa?
Pangunahing Konsepto:

Hilig. Nasasalamin ito sa mga paboritong gawain na nagpapasaya sa iyo dahil gusto mo at buo
ang iyong puso na ibigay ang lahat ng makakaya nang hindi ayaw mong gawin. Nakararamdam ka ng
kawalan ng sigla at mabagal na pagkilos kung kaya maikling oras lamang ang iyong ginugugol sa mga ito.
Kumpara sa mga bagay na kinahihiligan mong gawin, hindi mo pansin ang humahabang oras sa
pagsasagawa ng mga ito dahil nasisiyahan kang gawin kahit ito ay mahirap sa paningin ng iba. Kung
magagawa sa ngayon ang ituon ang pansin sa mga tiyak mong mga hilig, umasa kang mas magiging
madali ang pagpili ng iyong nais na kuning track o kurso sa iyong nalalapit na Senior High. Hamon ito na
dapat mong paghandaan
upang maging makabuluhan ang iyong pipiliing hanapbuhay o negosyo at matiyak ang pagiging
produktibo at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya.

Hinati ng Sikolohistang si John Holland sa anim ang mga Jobs/Careers/Work environments, ito ay
ang sumusunod: Realistic, Investigative, Artistic, Social, Enterprising at Conventional. Hindi lamang nasa
iisang kategorya ang hilig o interes ng isang tao, maaari siyang magtaglay ng tatlong kombinasyon.
Halimbawa, maaaring tatlo ang kombinasyon ng kaniyang trabaho gaya ng ESA (Enterprising, Social at
Artistic) o di kaya naman ISC (Investigative, Social at Conventional) o anomang dalawa o tatlo sa iba’t
ibang kombinasyon.

1
2
Mithiin. Kalakip ng pagkamit ng mithiin sa buhay ay ang pagkakaroon ng matibay na Personal na
Pahayag ng Misyon sa Buhay. Hindi lamang dapat umiral sa iyo ang hangaring magkaroon ng mga
materyal na bagay at kaginhawaan sa buhay, kailangan ay isipin din ang pakikibahagi para sa kabutihang
panlahat. Kung ngayon pa lamang sa mura mong edad ay matutuhan mong bumuo ng iyong Personal na
Pahayag ng Misyon sa Buhay, hindi malabong makamit mo ang iyong mithiin sa buhay at sa iyong
hinaharap. Sa huling pansariling salik na ito sa pagpili ng tamang track o kursong kukunin ay masasabing
may malaking bahagi sa pagtamo ng iyong mga naisin sa buhay. Dito na hinahamon ang iyong kakayahan
upang isakatuparan o gawing ganap ang iyong mithiin sa buhay. Sigurado akong may ginamit kang
pamantayan sa pagtakda at pagkamit ng iyong mga itinakdang mithiin.

PANGMODELONG GAWAIN:
Gawain 1
Panuto: Pagnilayana ang mga mahahalagang hakbang na ginawa upang mapaunlad ang iyong talento at
kakayahan ayon sa kanyang hilig, mithiiin, local at global na demand.

Halimbawang Tanong-Sagot:
1. Mula sa mga natalakay na naunang mga salik na pinagbatayan mo sa pagpili, anong
track o kurso (akademiko o teknikal-bokasyonal, sining at disenyo, at isports) ang nasa
isip mo ngayon?
-Ang naiisip ko ngayon ay nasa teknikal-bokasyonal dahil nais kong hands-on ang kukunin ko.
2. Angkop ba ito sa iyong kakayahan sa pag-abot ng mga mithiin ayon sa itinakda mong
panahon?
-Marahil masasabi kong angkop sapagkat may mga kaalaman naman na akong at masasabing kong
maaabot ko ito sa panahon na itinakda ko basta’t nakatuon lang ako sa mithiin kong maabot ito.
3. Alin sa mga itinakda mong mithiin ang pangmadalian (short-term) at pangmatagalan
(long-term)?
-Marahil ang pangmadalian ay iyong bawat araw na natatapos ka sa iyong pinag-aralan ngunit ang
pangmatagalan ay iyong mithiin mong makapagtapos na kaagad ngunit hindi ito madali dahil taon ang
iyong hihintayin.
4. Positibo ka bang ito ay matutupad ayon sa itinakda mong panahon na mangyari ito?
Kung hindi, anong alternatibo o iba pang paraan ang naiisip mo?
-Sa paniniwala ko, positibo ko itong makakamit kung sakali mang hindi pagsisikapan kong makagawa
ng maaring alternatibo dahil sa ngayon wala pa naman akong naiisip na alternatibo siguro kung meron
man iyong may kakayahan o kaalaman din ako.
5. Sino-sino ang mga posibleng tao na maaari mong malapitan na higit na makatutulong
sa pag-abot mo ng iyong mithiin?
-Unang-una ang aking mga magulang dahil sila ang magiging suportado sa aking mga desisyon, mga
kakilala kong nagtagumpay na sa kanilang karera upang makapagtanong sa mga epektibong
pamamaraan na kanilang naging isinagawa.

Mga Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Learners’ Material, CO SLMs


Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Self Learning Modules, RO SLMs

3
GAWAIN PARA SA SELF-LEARNING MATERIAL 2
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
IKAAPAT NA MARKAHAN
Grade 9

Pangalan: ___________________________________________Petsa: ________________


Seksiyong at Baitang: _________________________________Iskor: ________________

Kasanayang Pampagkatuto/Learning Competency:


1. Napagninilayan ang mga mahahalagang hakbang na ginawa upang mapaunlad ang kanyang talento at
kakayahan ayon sa kanyang hilig, mithiiin, local at global na demand (EsP9KP-Iva-13.2)

1. Mula sa mga natalakay na naunang mga salik na pinagbatayan mo sa pagpili, anong


track o kurso (akademiko o teknikal-bokasyonal, sining at disenyo, at isports) ang nasa
isip mo ngayon?

2. Angkop ba ito sa iyong kakayahan sa pag-abot ng mga mithiin ayon sa itinakda mong
panahon?

3. Alin sa mga itinakda mong mithiin ang pangmadalian (short-term) at pangmatagalan


(long-term)?

4. Positibo ka bang ito ay matutupad ayon sa itinakda mong panahon na mangyari ito?
Kung hindi, anong alternatibo o iba pang paraan ang naiisip mo?

5. Sino-sino ang mga posibleng tao na maaari mong malapitan na higit na makatutulong
sa pag-abot mo ng iyong mithiin?

RUBRIK:
15puntos- Napagnilayan ang bawat tanong at nasagot ito nang malinaw at maayos

14puntos-Apat na tanong lamang ang napagnilayan at nasagot nang malinaw

13puntos- Tatlong tanong ang nasagot at napagnilayan ngunit kinakailangan pa ng pag-unlad.


4

You might also like