You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION X
Division of Oroquieta City

RADIO-BASED INSTRUCTION
DIVISION-WIDE SUMMATIVE TEST
(EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9)

Pangalan:_______________________________________________________Petsa:_______________
Seksyon at Baitang:_______________________________________________Iskor:______________

PAGPIPILIAN
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem ng pagsusulit at isulat sa nakalaang patlang ang titik ng
iyong napiling sagot.

______1.Malapit na ang pasko, abala na ang mga gumagawa ng mga palamuti o dekorasyong siguradong
mabenta. Ano ang magandang motibasyon na dapat isaalang-alang sa mga gumagawa ng mga ito?
a. materyal na bagay at pagkilala ng lipunan
b. personal na kaligayahan na makukuha mula dito
c. pag-unlad ng sarili, kapwa at bansa
d. kaloob at kagustuhan ng Diyos
.
______2. Si Alex ay nagsisikap na gawing “On Time” ang “Filipino Time”. Alin sa sumusunod niyang
ginagawa ang nagpapakita nito?
a. Laging nagmamadaling umuwi ng bahay.
b. Maaga siyang gumigising dahil nasasanay na siya sa gawaing ito.
c. Hindi siya nahuhuli sa “Flag Ceremony” kahit malayo ang kanilang bahay.
d. Nagsisimula siyang mag-aral dalawang linggo bago ang trimestralna pagtatasa.

______3. Paano natin makakamit ang mas mataas na layunin ng paggawa?


a. Pagsisikapan ang mahihirap na gawain.
b. Bibilisan ang paggawa upang makahabol sa dedlayn.
c. Paggawa nang maayos at pagtatapos ng gawain bago ang takdang oras.
d. Magpapaturo sa kasamahan na sanay sa gawain upang maging maayosang kalalabasan ng ginawa.

_____4. Laging pagod si KC sa trabaho niya bilang tagaluto at tagahugas ng plato sa pinapasukang karinderya
pero hindi ito nagrereklamo at nagpapabaya sa kanyang tungkulin. Paano isinasabuhay ni KC ang kagalingan
niya sa paggawa?
a. Ginagawa niya nang may kahusayan ang kanyang tungkulin.
b. May pagmamahal at pagtatangi siya sa kanyang katrabaho.
c. Ang kaganapan nang kaniyang pagiging mabuting manggagawa aykaganapan ng kaniyang pangarap.
d. Ang pagnanais na magkaroon ng karagdagang benepisyo sa trabahongginagawa.

Page 1
5. Bakit mahalaga ang kalidad o kagalingan sa paggawa na may kasamang wastong pamamahala sa
paggamit ng oras? Mahalaga ang kalidad sa paggawa _____
a. Dahil sa pagsasagawa maisasabuhay ang layunin ng tao
b. Dahil sa pagsasagawa mapatunayan ang natatanging halaga ng tao
c. Dahil sa paglikha ng produkto nangangailangan ng maraming oras upang masanay at magkaroon ng
kahusayan
d. Dahil dito naisakatuparan ng tao ang kaniyang tungkulin sa sarili, kapuwa at sa Diyos gamit ang oras
na ipinagkatiwala sa kaniya

6. “Ang oras ay kaloob na ipinagkatiwala ng Diyos sa tao,” Ano ang mahihinuha mo sa pahayag na ito?
a. Masuwerte ang tao dahil binigyan siya ng oras.
b. Nagmamay-ari ang tao sa oras dahil ipinagkakaloob ito sa kaniya.
c. Malaya ang tao na gamitin ang oras para sa lahat ng bagay na gusto niyang gawin.
d. Tungkulin ng taong gamitin ang oras nang tama at nang mapanagutan ito para sa kabutihang
panlahat.

7. Si Rocky ay litung-lito kung ano ang gagawin dahil nagkataong lahat ng mga asignatura ay may mga
gawain o takdang aralin na kailangang isumite. Alin sa sumusunod ang mabisang paraan na gagamitin niya sa
pagkakataong ito?
a. Magtakda ng tunguhin c. Bumuo ng iskedyul
b. Gumawa ng prayoritisasyon d. Pamahalaan ang pagpabukas-bukas

8. Ito ay pagtitiyaga na maabot o makamit ang mithiin o layunin sa buhay namay kalakip na pagtitiis at
determinasyon.
a. Kasipagan b. Katatagan c. Pagsisikap d. Pagpupunyagi

______9. Ito ay kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao upang higit namakapagbigay sa iba.
a. Pag-iimpok b. Pagtitipid c. Pagtulong d. Pagkakawanggawa

_____10. Si Pau ay sadyang masipag, hindi siya nagmamadali sa kanyang mga gawain at sinisiguro niya na
magiging maayos ang kalalabasan nito. Ano kaya ang palatandaan ng kasipagang taglay ni Pau?
a. Hindi umiiwas sa anomang gawain.
b. Ginagawa ang gawain nang may pagsalungat.
c. Nagbibigay lang ang kaya.
d. Hindi nagrereklamo sa paggawa.

_____11. Alin sa mga sitwasiyon ang nagpapakita na taglay ng tao ang kasipagan?
a. Ang hindi pag-iwas sa anumang gawain
b. Ginawa ang gawain nang may pagmamahal
c. Pagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa
d. Ang hindi pagrereklamo gaano man kahirap ang gawain

______12.“Ang kasipagan ay tumutulong sa tao upang mapaunlad niya ang kaniyang pagkatao”. Anong
patunay ang iyong masasalamin sa pahayag?
a. Magkaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa
b. Gagawa ng isang bagay na makapagpasaya sa sarili

Page 2
c. Ipagmayabang sa buong mundo ang sariling kakayahan
d. Malinang ang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili, mahabang pasensiya, katapatan,
integridad, at disiplina sa sarili.

______13. “Marami ang nagtuturing na mahirap itong buhay, Araw-araw ay paggawang tila rin walang
humpay; Datapwat isang pantas ang nagbadya at nagsaysay; Tagumpay ay nakakamit kapag tao ay masikhay.”
Ang pahayag ay nagpapatunay na…..
a. Kahit mahirap ang buhay, ang tao ay dapat maging marangal.
b. Mahirap ang buhay kaya‟t ang tao ay kinakailangan na magtiis.
c. Sa kabila ng kahirapan, ang tao ay kinakailangan na maging masipag.
d. Mahirap man ang buhay, ang tao ay hindi dapat mawawalan ng pag-asa.

_____14. Ayon kay Francisco Colayco, “kinakailangan ang pag-impok ay tratuhin na isang obligasyon”. Ito ay
nangangahulugang...
a. Opsiyonal lamang ang pag-iimpok.
b. Gawing tradisyon ang pag-iimpok.
c. Kailangang may determinasyon sa pag-iimpok.
d. Tungkulin ng bawat isa ang mag-impok.

_____15. Alin ang dapat na maging aksyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga pagpipiliang
kurso para sa Senior High School?
a. Makinig sa mga gusto ng kaibigan
b. Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral
c. Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano
d. Humingi ng tulong sa malapit sa iyo at umasa sa kanilang desisyon

_____16.Isa ka sa mga mag-aaral na nalilito kung anong track o strand ang kukunin pagtuntong mo ng Senior
High School dahil sa hindi pa naging malinaw sa iyo ang sarili mong kakayahan at talento. Batay sa iyong
natutuhan sa EsP 9, ano ang gagawin mo?
a. Magkaroon ng kalinawan ng isip at masayang kalooban
b. Magkaroon ng kagalingan sa pangangatwiran at matalas na pag-iisip
c. Magiging mahusay sa pagsusuri at magkaroon ng matinong pag-iisip
d. Sanayin ang sarili sa paggamit ng kakayahang mag-isip at malayang kilos-loob

_____17.Si Therese ay may interes sa pagbabasa ng pahayagan, pagsusulat ng sanaysay at sumali sa mga
paligsahan ng Press Conference ng paaralan. Aling pansariling salik ang nakatutulong kay Therese?
a. Ang pagtuklas ng kaniyang hilig
b. Pagpapahayag ng mithiin
c. Pagtukoy sa kasanayan
d. Pagpapahalaga sa iba

____18. Bakit mahalaga ang mga kakayahang mag-isip at malayang kilos-loob sa pagpili ng track o strand sa
Senior High School?
a. Dahil kailangang mamili ng tamang track o strand
b. Dahil magagamit ito ng mga mag-aaral sa kanilang pagpapasiya
c. Dahil kailangang mag-isip ng track o kurso kapag magpa-enrol sa Senior High School
d. Dahil magagamit ito sa pagpapasiya at malayang pagpili ng kurso kukunin nang may pananagutan
Page 3
____19. Bilang mag-aaral sa Baitang 9 na may angking likas na kakayahan, talino at talento, paano mo
maipakikita ang pagpapahalaga rito?
a. Pahalagahan ang angking kakayahan at talento para sa sarili.
b. Palaguin ang angking kakayahan at talino para sa aking ikabubuti.
c. Tuklasin ito ng mas magamit ko para sa mga bagay-bagay na gusto kong gawin.
d. Gagamitin nang tama at paunlarin ko pa ang aking angking kakayahan, talino at talento para sa
ikabubuti ng aking sarili at ng maibabahagi ko rin ito sa iba para sa kabutihang panlahat.

____20.Alin ang dapat na maging aksyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga pagpipiliang strand
para sa Senior High School?
a. Makinig sa mga gusto ng kaibigan
b. Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral
c. Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano
d. Humingi ng tulong sa malapit sa iyo at umasa sa kanilang desisyon

____________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang

Page 4

You might also like