You are on page 1of 4

Page 1 of 4

4th QuarterExamination

ESP9 esp

I.Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain angtanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at
isulatangtitiknitosapatlang.

Sagot at isulat ang titik nito sapat lang.

A.___1.) Ano ang dalawang kakayahang taglay ng bawat tao na magagamit niya sapagpapasya at Malayang
pagsasakilos ng kanyang pinili at ginusto nang may pananagutan dito?

a. Kagalingan mangatwiran at matalas na kaisipan


b. Kahusayan sa pagsusuri at matalinong pag-iisip
c. Kalinawan ng isip at masayang kalooban
d. Kakayahang mag-isip at malayang kilos-loob

___2.) Ano ang inaasahan sa atin bilang tao sa lipunan na nilikha upang makipagkapwa at makibahagi sa
buhay-sa-mundo (lifeworld) na ang layunin ay makipag-ugnayan sa isa’tisa at makipagtulungan?
a. makiangkop
b. makialam
c. makipagkasundo
d. makisimpatya

___3.) Alin sa mga pansariling salik na dapat pagbatayan sa pagpili ng kurso na may kinalaman sa iyong
Kahusayan o galling sa isang bagay o tiyak na abilidad na maaari mong matuklasan mula sa
Pakikiharap sa mga taong nakakasalamuha , paglutas ng mga mahihirap na bagay , pagbubuo at masistemang
paraan sa pagkuhang datos at ibapa?
a. Hilig
b. Kasanayan(skills)
c. Pagpapahalaga
d. Talento

___4.) Sa teoryang Multiple Intelligences niDr. Howard Gardner(1983),ang lahat ng tao ay may angking
Likas na kakayahan,iba’t iba ang talino o talento. Bilang nasa Baitang9, ano ang mahalaga ng gampanin na
dapat mong gawin sa mga talino o talentong ipinagkaloob sa iyo na may kaugnayan sa pagpili mong nais na
kurso sa pag tuntong mo sa Senior High School?
a. Pahalagahan at paunlarin
b. Pagtuunan ng pansin at palaguin
c. Paunlarin para sa sarili at ibahagi para sa kabutihang panlahat
d. Tuklasin at gamitin sa pagpapayaman mula sa tinapos na kurso

___5.) Ano ang dapat na maging aksyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga pagpipili ang
Kurso para sa nalalapit na SeniorHighSchool?
a. Makinig sa mga gusto ng kaibigan
b. Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral
c. Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano
d. Humingi ng tulong sa malapit sa iyo at umasa sa kanilang desisyon
Page 2 of 4

___6.) Alam ni Cita na hindi niya kakayanin ang kursong Medisina gayun di nang kakayahan ng kaniyang
Magulang na suportahan siya. Kaya ang kanyang ginawa ay naghanap siyang mga scholarship sa
Kanilang munisipyo at iba pang institusyon at unti-unti ay nagsulat siya ng mga tiyak niyang plano at mga
paalaala daan upang maging gabay niya. Anong pansariling salik ang isinagawa ni Cita?
a. katayuang pinansyal
b. hilig
c. mithiin
d. pagpapahalaga

___7.) Hindi lingid sa kaalaman ni Alfred ang mga naging puhunan ng kaniyang mga magulang sa
Negosyong ipinundar simula noong bata pa siya hanggang sa kasalukuyan kung kaya sila ngayon ay
Maginhawa at nakapagtapos lahat ng pag-aaral sa kolehiyo. Siya ang saksi sa kasipagan at pagiging bukas
palad ng kaniyang mga magulang. Sa kaniyang propesyon ngayon dala niya ito
Lalo nakapag may mga mahihirap siyang pasyente sa probinsya kapag nagdaraos silang medical mission.
Anong pansariling salik ang naging gabay ni Alfred sa pagpili ng kurso?

a. Hilig b. pagpapahalaga c. katayuang pinansyal d. kasanayan

___8.) Bata pa lamang si Cecil ay may interes na sa pagbabasa ng mga Educational book, kasabay din
Nito pagguhit at minsang pagsusulat. Lalo niya itong napaunlad nang siya ay sumasali sa mga
Paligsahan sa paaralan at nananalo. Kaya sa pagdating ng pagpiling kurso ay hindi siya nahirapan dahil
alam na niya ang magiging linya ng kaniyang propesyon, ang maging Journalist. Alin sa mga
sumusunod na pansariling salik ang naging daan upang makamit ni Cecil ang tagumpay ng kaniyang
piniling hanapbuhay?

a.kasanayan b.hilig c.mithiin d.pagpapahalaga

___9.) Malungkot si Melchor dahil hindi niya mapilit ang kaniyang mga magulang sa gusto niyang
Kursong Engineering at mag-aral sa isa sa mga unibersidad sa Maynila. Gayunpaman, ang kanilang lokal
Na pamahalaan ay nang hihikayat ng mga potensyal na mag-aaral na magtatapos sa kanilang batch na
Pakuhanin ng mga kursongTech-Voc. Sila ay sasailalim sa 6-month training, at pagkatapos ay may
Naghihintay na trabaho sa Middle East. Sa kaniyang pagsasarili, naisip niyang ito ang magiging daan
Tungo sa kaniyang magandang pangarap para sa kaniyang sarili at pamilya. Pumayag siya at naging
Desidido sa kaniyang desisyon na piliin ito. Anong pansariling salik ang isinaalang-alang ni Melchor sa
Kaniyang naging desisyon na maghanap ng alternatibo bilang tugon sa lumalaking demand sa lipunan?

a. Katayuang pinansyal b. mithiin c. pagpapahalaga d. kasanayan

___10.) Alam ni Diane ang kaniyang galling at husay pagdating sa Matematika. Ang kahusayan niya sa
Pagkalkula ay namana niya sa kaniyang ama. At ang kaniyang determinasyon at pagtitiyaga ay nakuha
Sa kaniyang ina. Apat na buwan bago ang kanilang pagtatapos sa JuniorHigh(Baitang10) ay mayroon
Na siyang ideya kung ano ang kaniyang pipiliing kurso. Suportado din siya ng kaniyang mga magulang
Lalo pa siya naman ay bukas pagdating sa komunikasyon sa mga nais niyang kuning propesyon.
Kahanga-hanga si Diane dahil siya ay may matatag na loob na magpasya para sa kaniyang sarili. Anong
Pansariling salik ang naging tuntungan niya sa pagpiling kurso?
a. Mithiin b. kasanayan c. pagpapahalaga d. hilig
Page 3 of 4

B.
___1. Alin sa mga sumusunod ang hindi kahulugan ng Personal na Misyon sa Buhay?
a. Ito ang batayan ng tao sa kaniyang pagpapasya.
b. Ito ay katulad ng isang personal na Kredo o motto na nagsasalaysay ng nais mo ng mangyari sa iyong buhay.
c. Isang magandang paraan ito upang higit na makilala ang sarili.
d. Ito ay Gawain tungo sa paglilingkod sa kapuwa.

___2.Ang Personal na Misyon sa Buhay ay maaaring mabago o palitan.


a. Tama,sapagkat araw-araw ay mayroong nababago sa tao.
b. Mali, sapagkat mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay babaguhin o papalitan.
c. Tama, sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa kontekstong mga sitwasyon sa buhay.
d. Mali, sapagkat ito na ang iyong saligan sa buhay. Maaring magkaroon ng problema kung ito ay
babaguhin pa.

___3.Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon lamang ang misyon natin sa buhay ng kapangyarihan kung:
a. Nagagamit sa araw-araw ng mayroong pagpapahalaga.
b. Nakikilala ng taoang kaniyang kakayahan at katangian
c. Nagagampanan nang balance ang tungkulin sa pamilya,trabaho at
komunidad.
d. Kinikilala niya ang kaniyang tungkulin sa kaniyang kapuwa.

___4.Ito ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan.
a.Misyon
b.Bokasyon
c.Propesyon
d.Tamang Direksiyon

___5. Ang ibig sabihin nito ay calling o tawag.


a.Bokasyon b.Misyon c.TamangDireksiyon d. Propesyon

___6. Saan dapat makabubuti ang isasagawang pagpapasya?


a. Sarili, simbahan at lipunan
b. Kapuwa, lipunan,at paaralan
c. Paaralan, kapuwa at lipunand
d. Sarili,kapuwaatlipunan

___7. Ang mga sumusunod ay pansariling pagtataya sa paglikha ng Personal na Misyon sa Buhay maliban sa:
a. Suriin ang iyong ugali at katangian
b. Sukatin ang mgakakayahan
c. Tukuyin ang mga pinahahalagahan
d. Tipunin ang mga impormasyon

___8. Sa paggawang Personal na Misyon sa buhay kinakailangan na ito gamitan mong SMART.
Ano ang kahulugan nito?
a.Specific, Measurable, Artistic, Relevance,TimeBound
b.Specific,Measurable,Attainable, Relevance,TimeBound
c.Specific,Manageable,Attainable,Relevance,TimeBound
d.Specific,Manageable,Artistic,Relevance,TimeBound
Page 4 of 4

___9.Bakit mahalaga na magkaroon ng tamang direksiyon ang isang tao.


a. Upang siya ay hindi maligaw
b. Upang matanaw niya ang hinaharap
c. Upang may roon siyang gabay
d. Upang magkaroon siyang kasiyahan

___10. Ayon kay Rev.Fr.JerryOrbos, ang tunay na misyon ay ang paglilingkod sa Diyos at kapuwa.
Ano ang maibibigay nito sa tao sa oras na isinagawa niya ito?
a. Kapayapaan
b. Kaligtasan
c. Kaligayahan
d. Kabutihan

II. Sagutin ang sumusunod.(Ipaliwanag)

1. Bilang kabataan, anong mga hamon ang iyong hinaharap sa kasalukuyan (Baitang10)namay
Kaugnayan sa iyong pagsasaalang-alang sa pipiliing kursoo hanapbuhay(akademikooteknikalbokasyonal)?
(5puntos)

2. Bakit mahalaga na magpasya ang tama? Ipaliwanag.(5puntos)

3. Gumawa LineGraph. (“LinyangAkingBuhay”)Ipaliwanag(5puntos) Linyang Aking Buhay

4. Bakit kailangan ko na bumuong Personal na Pahayagng Misyon sa Buhay? Ano ang kahalagahan nito?
(Ipaliwanag.(5puntos)

5 .Paano nakatutulong ang pagkakaroon ng senior high school sa paghahanda ng mga mag-aaral sa
Mundong paggawa? Ipalliwanag.

5. Para saiyo,ano ba ang sukatan ngpagtatagumpay?Ipaliwanag.

You might also like