You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV- A CALABARZON
Division of Rizal
CARLOS “BOTONG” FRANCISCO MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Mahabang Parang, Angono, Rizal

SUMMATIVE TEST ESP 9

PANGALAN:__________________________ TAON/PANGKAT: ___________


PETSA:______________________________ ISKOR: _______________

Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa sagutang papel.

1.Ano ang katarungan?


A. Pag galang sa sa sarili
B. Pagsunod sa batas
C. Pagtrato sa tao bilang kapwa
D. Lahat ng nabanggit

2.Ano ang tamang pagpapatupad sa katarungan?


a. Ikulong ang lumabag sa batas.
b. Patawarin ang humingi ng tawad.
c. Tumawid sa tamang tawiran.
d. Bigyan ng limos ang namamalimos.

3.Sino ang may tungkuling ipatupad ang batas?


a. mamamayan
b. pamahalaan
c. pulis
d. Lahat ng nabanggit.

4.Bakit kailangan ng mga batas?


a. Upang matakot ang mga tao at magtino sila.
b. Upang magabayan ang mga tao sa tamang pagkilos.
c. Upang parusahan ang mga nagkakamali.
d. Lahat ng nabanggit.

5.Alin sa mga sumusunod ang hindi makatarungan?


a. Ang pagbibigay ng bagsak ng grado sa hindi nakakatupad sa mga
kakailanganin sa klase.
b. Ang pagpatay sa mga nahuling kargador ng droga sa Tsina
c. Ang pagbigay ng limos sa namamalimos sa kalye
d. Wala sa nabanggit

6.Alin sa mga sumusunod ang pagpapamalas ng katarungan?


a. Pagsumbong sa guro ng kaklaseng nangongopya.
b. Pagpapautang ng 5-6.
c. Pagturing sa mga fixer ng lisensya bilang kapwa-naghahanap-buhay.
d. Wala sa nabanggit.

7.Ang mga sumusunod ay mga panukalang makatarungan maliban sa:


a. “Mata sa mata, ngipin sa ngipin.”
b. “Kunin mo lamang ang kailangan mo.”
c. “Walang sala hanggat hindi napapatunayang nagkasala.”
d. “Tulungan ang lahat ng nanghihingi ng tulong.”

8.Ang katarungang panlipunan ay:


a. ideyal lamang at hindi mangyayari sa talaga.
b. ukol sa parehong komunidad at sarili.
c. pinatutupad ng pamahalaan.
d. Wala sa nabanggit.

9.Nagsisimula ang katarungang panlipunan sa:


a. sarili.
b. pamahalaan.
c. lipunan.
d. Diyos.

10. Nakapaloob sa katarungang panlipunan ang mga sumusunod:


a. batas, kapwa, sarili.
b. Diyos, pamahalaan, komunidad.
c. baril, kapangyarihan, rehas.
d. batas, konsensya, parusa.

11. Maganda ang pagkakagawa ng mga bag na yari sa tetra pack ng juice ng pamilya nina
Suzanne. Mabenta ang mga ito lalo na yung mga bag na may iba’t ibang kulay at disenyo.
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasabuhay o nagpapakita sa kagalingan ng
tao sa paggawa?
a. Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kanyang mga kakayahan
b. Nakagagawa ng paraan ang tao upang iangat ang kanyang pamumuhay
c. Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-sam sa mithiin ng lipunan
d. Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay

12. Inilunsad ng isang kilalang kumpanya ng softdrinks in can ang proyektong “Ang latang
naitabi mo, panibagong pamatid uhaw ang dala nito sa iyo” upang makaipon ng maraming
lata na ido-donate sa Tahanang Walang Hagdan. Ang programang ito ay tumutugon sa mga
pagpapahalagang mayroon ang pagawaan o ang kumpanya sa paglikha ng isang
produktong may kalidad at nakikibahagi sa lipunan, lalo na sa mga may kapansanan. Kung
ikaw ang lilikha ng produkto alin sa mga sumusunod ang dapat mong isaalang-alang?
a. Gumawa ng produktong kikita ang tao
b. Gumawa ng produktong makatutulong sa tao
c. Gumawa ng produktong magpapabago sa buhay ng tao
d. Gumawa ng produktong ayon sa kalooban ng Diyos

13. Laging pagod si Katrina sa trabaho niya bilang tagaluto at tagahugas ng plato sa
pinapasukang karinderya pero hindi ito nagrereklamo at nagpapabaya sa kanyang
tungkulin. Paano isinasabuhay ni Katrina ang kagalingan niya sa paggawa?
a. Ginagawa niya nang may kahusayan ang kanyang tungkulin
b. May pagmamahal at pagtatangi siya sa kanyang katrabaho
c. Ang kaganapan nang kanyang pagiging mabuting manggagawa ay kaganapan ng
kanyang pangarap
d. Ang pagnanais na magkaroon ng karagdagang benepisyo sa trabahong ginagawa

14. Sa pagreretiro ni Mang Rene binigyan siya nang mga benepisyong hindi niya
inaasahan ng pabrikang kanyang pinaglingkuran ng mahigit sa 40 taon, bukod dito binigyan
din siya nang plake ng pagkilala bilang natatanging manggagawa ng pabrika. Ang
pagtanggap ba nang benepisyo at pagkilala ni Mang Rene ay palatandaan ng kagalingan
niya sa paggawa?
a. Oo, sapat na basehan ang 40 na taon niyang paglilingkod
b. Hindi, binibigay talaga ang parangal at benepisyo sa isang manggagawa sa oras
na siya ay magretiro bilang bahagi nang kanyang karapatan bilang isang manggagawa
c. Oo, hindi ibibigay ng isang kumpanya ang pagkilala at benepisyo sa
manggagawang hindi nararapat bigyan o gawaran nito
d. Hindi, binigay lang ang parangal upang maging masaya si Mang Rene dahil sa
edad na mayroon siya

15. Hindi natapos ni Baldo ang kanyang kolehiyo dahil sa hirap ng buhay. Sa kabila
nito siya ay matagumpay dahil sa negosyong kanyang itinayo at pinaunlad. Naging madali
ito para sa kanya dahil ito ay ayon sa kanyang gusto at hilig. Ano ang katangian ang
mayroon si Baldo?
a. Masipag, madiskarte at matalino
b. May pananampalataya, malikhain, may disiplina sa sarili
c. Maganda ang relasyon niya sa Diyos, may pagpapahalaga sa sarili, kapwa at
bansa
d. May angking kasipagan, pagpupunyagi at tiwala sa sarili

16. Malapit na ang pasko, abala na ang mga gumagawa ng mga palamuti
dekorasyong siguradong mabenta. Ano ang magandang motibasyon na dapat isaalangalang
nang gumagawa ng mga ito?
a. materyal na bagay at pagkilala ng lipunan
b. personal na kaligayan na makukuha mula dito
c. pag-unlad ng sarili, kapwa at bansa
d. kaloob at kagustuhan ng Diyos

17. Pinalitan ni Lesie ang nagretirong punong-guro ng kanilang paaralan. Marami ang
nagsasabing hindi niya kayang higitan ang kabutihang nagawa at tagumpay na narating ng
huli. Alin sa mga sumusunod ang dapat niyang linangin upang mapatunayan na siya ay
karapat-dapat sa posisyong ibinigay sa kanya?
a. Magpakumbaba at ipagpatuloy ang mga programang nasimulan ng dating punongguro
b. Gamitin ang ganda, angking karisma, talino at kasipagan
c. Maging masipag, masigasig at malikhain sa pagsasabuhay nang kanyang trabaho
d. Sundin ang payo at gusto ng mga matatandang guro upang maging maganda ang
relasyon ng mga ito

18. Bata pa lang si Juan Daniel pinangarap na niyang maging isang guro tulad ng
kanyang mga magulang. Alin sa mga sumusunod ang dapat niyang isaalang-alang upang
maging madali sa kanya na upang maabot ang pangrap at sa huli’y magkaroon ng
kagalingan sa paggawa?
a. Maging masipag, magpunyagi at magkaroon ng disiplina sa sarili
b. Magkaroon ng sapat na kaalaman sa paghawak ng pera at paraan ng paggastos
c. Maging matalino, marunong magdala ng damit, magaling makipag-usap
d. Magkaroon ng kakayahang kontrolin ang sarili sa lahat ng pagkakataon

19. Hindi naging madali kay G. Sandy Javier ang pagpapaunlad ng Andok’s, sa kabila
nito napagtagumpayan pa rin niya ito. Paano kaya tinignan ni G. Javier ang pagkabigong
dinanas kaya ito nagtagumpay?
a. Itinuring niya itong hamon na kailangang malampasan
b. Pinag-aralan ang sitwasyon at pinag-isipan ang gagawing hakbang
c. Ang pagkabigo ay paraan ng pagsusulit sa kanya
d. Ang pagkadapa ay hindi senyales upang tuluyang malugmok

20. Maganda ang binitawang hamon ng Tagapagsalita sa mga mag-aaral na


magtatapos sa taong ito bilang susi upang maiangat ang sarili, pamilya, kapwa at bansa
sa kabuuan. Alin ang maaaring maging instrumento upang maisabuhay ito?
a. Gumawa ng produkto o gawaing para sa tao at sa Diyos
b. Gumawa ng produkto o gawaing na pagkakakitaan
c. Gumawa ng produkto o gawaing makatutulong sa tao at bansa
d. Gumawa ng produkto o gawaing magiging intsrumento ng kapayapaan

21. Mula sa saknong ng isang tula “Marami ang nagtuturing mahirap daw itong buhay,
Arawarwa ay paggawang tila din walang humpay; Datapuwat isang pantas ang nagbadya at
nagsaysay; Tagumpay ay nakakamit kapag tao ay masikhay”.
a. Mahirap ang buhay kaya’t ang tao ay kinakailangan na magtiis.
b. Kahit mahirap ang buhay ang tao ay dapat na maging marangal.
c. Sa kabila ng kahirapan, ang tao ay kinakailangan na maging masipag.
d. Mahirap man ang buahay ang tao ay hindi dapat mawalan ng pag-asa.

22. Ang mga sumusunod ay kahulugan ng kasipagan maliban sa:


a. Ito ay pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad.
b. Ito ay pagtingin ng kasiyahan at positibo sa isang gawain
c. Nakatutulong ito sa tao sa kaniyang pakikipagrelasyon sa kaniyang gawain, kapwa
at lipunan.
d. Tumutulong ito sa tao na malinang ang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa
sarili, mahabang pasensya, katapatan at disiplina.

23. Si Rony ay sadyang masipag, hindi siya nagmamadali sa kaniyang mga gawain at
sinisiguro niya na magiging maayos ang kalalabasan nito. Ano kayang palatandaan sa
kasipagan ang taglay ni Rony?
a. Hindi umiiwas sa anumang gawain
b. Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal
c. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa
d. Hindi nagrereklamo sa ginagawa

24. Ang isa sa palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan ay hindi umiiwas sa anumang
gawain. Alin sa mga halimbawa ang nag papakita nito.

a. Si Marife ay hindi na kailangan pang utusan ng kaniyang ina sa gawaing bahay.


Siya ay gumagawa ng mayroong pagkukusa.
b. Si Jazmine ay palaging nagbibigay ng kaniyang malasakit sa anumang gawain na
ipinapagawa sa kaniya ng kaniyang ina.
c. Masipag na mag-aaral si Hans, sa tuwing siya ay nag-aaral ay ibinibigay niya ang
kaniyang panahon at oras dito ng buong husay.
d. Sa tuwing gumagawa ng proyekto sa paaralan si Marianne ay hindi niya ginagawa
ito basta lamang matapos, kundi naghahanap siya ng perpeksyon dito.
25. Ito ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang mithiin o layunin sa buhay na may kalakip
na pagtitiyaga, pagtitiis, at determinasyon.
a. Kasipagan b. Katatagan c. Pagsisikap d. Pagpupunyagi

26. Ito ay kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao na gamitin ito upang higit na
makapagbigay sa iba.
a. Pag-iimpok c. Pagtulong
b. Pagtitipid d. Pagkakawanggawa

27. Ano ang naglalarawan sa pinakmahalagang paraan ng pagtitipid?


a. maging mapagkumbaba at matutong makuntento
b. maging mapagbigay at matutong tumulong
c. maging maingat sa paggastos at matutong maging simple
d. maging masipag at matutong maging matiyaga
28. Ano ang sinasabi ng Teorya ni Maslow, The Heirarchy of Needs tungkol sa pera?
a. Ang pera ay nagsisilbing pantulong sa araw-araw na kailangan.
b. Ang pera ay dapat nating ingatan at huwag sayangin.
c. Ang pera ay tumutulong sa tao na maramdaman ang kaniyang seguridad sa
buhay lalo na sa hinaharap.
d. Ang pera ay nagbibigay sa tao ng kasiguraduhan upang ang kaniyang buhay ay
maging maayos sa hinaharap.

29. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ang tao ayon kay,
Francisco Colayco maliban sa:
a. Para sa pagreretiro
b. Para sa mga hangarin sa buhay
c. Para maging inspirasyon sa buhay
c. Para sa proteksyon sa buhay

30. Hindi dapat taglayin ng tao ang katamaran. Ang mga sumusunod na pangungusap ay
nagbibigay ng kahulugan nito maliban sa:
a. Ito ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho.
b. Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.
c. ito ay maaaring sumira sa ating kinabukasan.
d. Ito ay magdadala ng panganib sa buhay.

31. Ang __________ ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na
mayroong kalidad.
A. kasipagan B. katatagan C. katamaran d. Pagpupunyagi

32-34. Tukuyin ang Mga palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan:

a. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.


b. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal.
c. Hindi umiiwas sa anumang gawain.

____ 32. Ang taong may pagmamahal sa kaniyang trabaho ay ibinibigay ang kaniyang puso sa
kaniyang ginagawa --- ibig sabihin, naroroon ang kaniyang malasakit.
____33. Ang taong masipag ay hindi nagmamadali sa kaniyang ginagawa. Sinisiguro niya na
magiging maayos ang kalalabasan ng kaniyang gawain.
___34. Ang taong masipag ay hindi na kailangang utusan o sabihan bagkus siya ay mayroong
pagkukusa na gawin ang gawain na hindi naghihintay ng anumang kapalit.

35. Ang kabaligtaran ng kasipagan ay _____


A. kasipagan B. katatagan C. katamaran d. Pagpupunyagi

36. Ang ______ ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang iyong layunin o mithiin sa buhay.
A. kasipagan B. katatagan C. katamaran d. Pagpupunyagi
37. Ang ____ay hindi ubos-ubos sa pera o bagay na walang saysay. Sapagkat dapat
mong mahalin ang bunga ng iyong ginawang pagsisikap at pagtitiyaga.
A. kasipagan B. katatagan C. katamaran d. Pagtitipid

38. Ang ____ ay paraan upang makapag “save” o makapag ipon ng salapi, na siyang
magagamit sa ating pangangailangan sa takdang panahon.
A. kasipagan B. katatagan C. Pagiimpok d. Katamaran

39. Ang kabaligtaran ng kasipagan ay _____


A. kasipagan B. katatagan C. katamaran d. Pagpupunyagi

40. Ang ______ ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang iyong layunin o mithiin sa buhay.
A. kasipagan B. katatagan C. katamaran d. Pagpupunyagi

Tukuyin ang mga sumusunod kung ito ay nagpapakita ng pagtitipid. Lagyan ns tsek ( /) kung
nag papakita ng pagtitipid at ekis naman kung hindi.

_____ 41. Magbaon ng pagkain sa opisina o eskwela..


_____ 42. Matutong maglakad lalo na kung malapit lang ang paroroonan.
_____ 43. Mas matipid na bumili sa palengke kaysa mga malls. Maaring hindi gaanong
konbinyente sapagkat mainit at maputik ngunit mas malaki naman ang iyong matitipid.
_____ 44. Gamitin ang load ng cellphone sa mga importanteng bagay lamang. Hindi mo ba
naiisip na sa bawat text mo na hindi naman mahalaga ay nag-aaksaya ka ng pera? Ang
pera na ipinapaload mo ay maari mong ipunin pandagdag sa iba pang mga gastusin.
_____ 45. Orasan ang paggamit ng TV, computer, electric fan at iba pa. Kung hindi naman ito
ginagamit ay patayin mo ang mga ito.
_____ 46. Sa pagsisipilyo ay gumamit ng baso. Huwag hayaang tumapon ang tubig mula sa
gripo.
_____ 47. Huwag ng bumili ng imported. Marami na tayong produkto ng ating bansa na pareho
lamang ang kalidad tulad ng mga imported. Kung sa tingin mo ay mapapamahal ka pa
ay mas tangkilikin mo na ang produkto natin.
_____48. Bumili ng mga gamit na uso.
_____49. Hayaang nakabukas ang mga ilaw, kahit hindi naman ginagamit.
_____50. Hayaang bukas ang gripo kahit hindi ginagamit

Inihanda ni:

Gng. MERVIAN C. COBER


Guro sa EsP

You might also like