You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Division of Oriental Mindoro
Office of the Principal
Third Periodical Exam
ESP 9
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang pangunahing prinsipyo ng katarungan?
A. Paggalang sa karapatan ng bawat isa.
B. Palaging nakakasalamuha ang kapuwa.
C. May ugnayan na namamagitan sa dalawang tao.
D. Tutulong ang mga mamamayan sa mga mahihirap.
2. Ang katarungan ay pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kaniya. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang
nagpapakita nito?
A. Kumakain nang sabay – sabay ang mga miyembro na pamilya.
B. Pinapayuhan ang kapatid na gawin ang kaniyang gawaing – bahay.
C. May “Feeding Program” ang paaralan para sa mga mag – aaral na kulang ng timbang.
D. May bumibili sa lahat ng paninda ng tinder sa palengke upang makauwi ito nang maaga.
3. Alin sa mga sumusunod ang kilos ng isang makatarungang tao?
A. Inaalam ng mga mag – aaral ang kanilang tungkulin at karapatan sa lipunan.
B. Pinag – usapan ng mga manggagawa ang kasalukuyang nangyayari sa sistemang legal sa bansa.
C. Nagkikita – kita ang kabataang lalaki sa auditorium ng kanilang barangay tuwing Sabado ng hapon
upang maglaro ng basketball.
D. Binisita ng guro ang mag – aaral na ayaw nang pumasok upang kausapin siya at ang kaniyang mga
magulang na bumalik ito sa pag – aaral.
4. Alin ang makabuluhang paraan ng pagsasabuhay ng katarungang panlipunan?
A. Igalang ang karapatan ng kapuwa.
B. Maging mabuting mag – aaral at mamamayan ng bansa.
C. Sundin ang batas trapiko at ang mga alituntunin ng paaralan.
D. Pag – aralan at sundin ang mga alituntunin ng tahanan, paaralan, lipunan, at simbahan.
5. Ang mga sumusunod ay mabisang pagsasanay sa pagiging makatarungan MALIBAN SA:
A. Paggabay ng magulang sa anak habang ito ay lumalaki.
B. Pag – unawa sa kamag – aral na palaging natutulog sa klase.
C. Pagninilay sa mga nagawa sa buong araw bago matulog sa gabi.
D. Pagsisikap na gumawa ng mga mabubuting bagay para sa kapuwa araw – araw.
6. Alin sa sumusunod ang indikasyon ng makatarungang ugnayan sa kapwa?
A. Ang makatarungang ugnayan ay umiiral sa dalawang magkapit bahay, magkakaklase, o magkaopisina
kung hindi sila umaasa, walang kompetisyon o hindi nang- aagrabyado sa isa’t isa.
B. Pagbibigay hadlang sa pamumuhay ng iyong kapwa.
C. Panghihimasok sa pamumuhay ng kapitbahay, kaklase at katrabaho nito.
D. Lahat ng nabanggit
7. Bakit isinasaalang – alang ng katarungang panlipunan ang paggalang sa dignidad ng tao?
A. Binubuo ng tao ang lipunan.
B. Magkakasama na umiiral sa lipunan ang mga tao.
C. Mahalaga ang pakikipagkapuwa sa lipunang kinabibilangan.
D. May halaga ang tao ayon sa kaniyang kalikasang taglay bilang tao.
8. Bakit mahalaga sa katarungan na ibinabatay sa moral na batas ang legal na batas?
A. Ang moral na batas ay napapaloob sa Sampung Utos ng Diyos.
B. Ang moral at legal na batas ay parehong nagdudulot ng kabutihan sa buhay ng tao.
C. Ang pagpapakatao ay nagpapatingkad kung ang legal na batas ay alinsunod sa moral na batas.
D. Hindi maaaring paghiwalayin ang moral at legal na batas upang magkaroon ng katarungan sa lipunan.
9. Alin ang nagpapatunay na nagsisimula sa pamilya ang pagiging makatarungan?
A. Natututong tumayo sa sarili at hindi na umaasa ng tulong mula sa pamilya.
B. Nagiging bukas ang loob na tumanggap sa pagkakamali at hindi naninisi ng iba.
C. Nagkakaroon ng kamalayan sa sarili sa tulong ng mga magulang at mga kapatid.
D. Nagagabayan ng mga mahal sa buhay na lumaking may paggalang sa karapatan ng iba.
10. Bakit mahalagang maunawaan ang mga pagpapahalaga na kaugnay ng katarungang panlipunan?
A. Malalaman mo kung bakit kaugnay ang mga ito sa katarungang panlipunan.
B. Matutukoy mo kung ano ang kinalaman ng katarungan sa ating lipunang ginagalawan.
C. Makikita mo kung alin sa mga kaugnay na pagpapahalaga ang kailangan mo para sa iyong sarili.
D. Mabisang paraan ito sa iyong pagsisikap na magpakatao at sa pagtugon sa hamon ng pagiging
makatarungan sa kapuwa.
11. Alin sa mga sumusunod ang pagpapamalas ng katarungan?
A. Pagsumbong sa guro ng kaklaseng nangongopya.
B. Pagpapautang ng 5-6.
C. Pagturing sa mga fixer ng lisensya bilang kapwa-naghahanap-buhay.
D. Wala sa nabanggit.
12. Ano ang tamang pagpapatupad sa katarungan?
A. Ikulong ang lumabag sa batas.
B. Patawarin ang humingi ng tawad.
C. Tumawid sa tamang tawiran.
D. Bigyan ng limos ang namamalimos.
13. Inilunsad ng isang kilalang kumpanya ng softdrinks in can ang proyektong “Ang latang naitabi mo,
panibagong pamatid uhaw ang dala nito sa iyo” upang makaipon ng maraming lata na ido-donate
sa Tahanang Walang Hagdan. Ang programang ito ay tumutugon sa mga pagpapahalagang
mayroon ang pagawaan o ang kumpanya sa paglikha ng isang produktong may kalidad at
nakikibahagi sa lipunan, lalo na sa mga may kapansanan. Kung ikaw ang lilikha ng produkto alin sa
mga sumusunod ang dapat mong isaalang-alang?
A. Gumawa ng produktong kikita ang tao
B. Gumawa ng produktong makatutulong sa tao
C. Gumawa ng produktong magpapabago sa buhay ng tao
D. Gumawa ng produktong ayon sa kalooban ng Diyos
14. Maganda ang pagkakagawa ng pamilya ni Suzanne sa mga bag na yari sa tetra pack ng juice. Mabili ang
mga ito lalo na iyong may iba’t ibang kulay at disenyo. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasabuhay
o nagpapakita sa kagalingan ng tao sa paggawa?
A. Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay.
B. Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kaniyang mga kakayahan.
C. Nakagagawa ng paraan ang tao upang iangat ang kanyang pamumuhay.
D. Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama – sama sa mithiin ng lipunan.
15. Laging pagod si Katrina sa trabaho niya bilang tagaluto at tagahugas ng plato sa pinapasukang karinderya
pero hindi siya nagrereklamo at nagpapabaya sa kaniyang tungkulin. Paano isinasabuhay ni Katrina ang
kagalingan niya sa paggawa?
A. May pagmamahal at pagtatangi siya sa kaniyang katrabaho.
B. Ginagawa niya nang may kahusayan ang kanyang tungkulin.
C. Ang pagnanais na magkaroon ng karagdagang benepisyo sa trabahong ginagawa.
D. Ang kaganapan nang kaniyang pagiging mabuting manggagawa ay kaganapan ng kaniyang pangarap.
16. Hindi natapos ni Baldo ang kaniyang kolehiyo dahil sa hirap ng buhay. Sa kabila nito, siya ay matagumpay
dahil sa negosyong kaniyang itinayo at pinaunlad. Naging madali ito para sa kaniya dahil ito ay ayon sa
kanyang gusto at hilig. Ano ang katangian ang mayroon si Baldo?
A. Masipag, madiskarte, at matalino
B. May pananampalataya, malikhain, may disiplina sa sarili
C. May angking kasipagan, pagpupunyagi, at tiwala sa sarili
D. Maganda ang relasyon niya sa Diyos, may pagpapahalaga sa sarili, kapuwa at bansa
17. Malapit na ang pasko, abala na ang mga gumagawa ng mga palamuti dekorasyong siguradong mabenta.
Ano ang magandang motibasyon na dapat isaalang – alang nang gumagawa ng mga ito?
A. kaloob at kagustuhan ng Diyos
B. pag – unlad ng sarili, kapuwa, at bansa
C. materyal na bagay at pagkilala ng lipunan
D. personal na kaligayahan na makukuha mula ditto
18. Pinalitan ni Leslie ang nagretirong punong – guro ng kanilang paaralan. Maraming nagsasabing hindi niya
kayang higitan ang kabutihang nagawa at tagumpay na narating ng huli. Alin sa mga sumusunod ang
dapat niyang linangin upang mapatunayan na siya ay karapat – dapat sa posisyong ibinigay sa kaniya?
A. Gamitin ang ganda, angking karisma, talino, at kasipagan.
B. Maging masipag, masigasig, at malikhain sa pagsasabuhay nang kaniyang trabaho.
C. Magpakumbaba at ipagpatuloy ang mga programang nasimulan ng dating punong – guro.
D. Sundin ang payo at gusto ng mga matatandang guro upang maging maganda ang relasyon ng mga ito.
19. Hindi naging madali kay G. Geronimo ang pagpapaunlad ng Pards. Sa kabila ng mga pagsubok,
napagtagumpayan pa rin niya ito. Paano kaya tiningnan ni G. Geronimo ang pagkabigong dinanas kaya
ito nagtagumpay?
A. Ang pagkabigo ay paraan ng pagsusulit sa kaniya.
B. Itinuring niya itong hamon na kailangang malampasan.
C. Ang pagkadapa ay hindi senyales upang tuluyang malugmok.
D. Pinag – aralan ang sitwasyon at pinag – isipan ang gagawing hakbang.
20. Bata pa lang si Juan Daniel, pinangarap na niyang maging isang guro tulad ng kaniyang mga magulang.
Alin sa mga sumusunod ang dapat niyang isaalang – alang upang maging madali sa kaniya na upang
maabot ang pangarap at sa huli’y magkaroon ng kagalingan sa paggawa?
A. Maging masipag, mapagpunyagi, at magkaroon ng disiplina sa sarili.
B. Magkaroon ng kakayahang kontrolin ang sarili sa lahat ng pagkakataon.
C. Maging matalino, marunong magdala ng damit, magaling makipag – usap.
D. Magkaroon ng sapat na kaalaman sa paghawak ng pera at paraan ng paggastos.
21. Maganda ang binitawang hamon ng Tagapagsalita sa mga mag-aaral na magtatapos sa taong ito
bilang susi upang maiangat ang sarili, pamilya, kapwa at bansa sa kabuuan. Alin ang maaaring
maging instrumento upang maisabuhay ito?
A. Gumawa ng produkto o gawaing para sa tao at sa Diyos
B. Gumawa ng produkto o gawaing na pagkakakitaan
C. Gumawa ng produkto o gawaing makatutulong sa tao at bansa
D. Gumawa ng produkto o gawaing magiging intsrumento ng kapayapaan
22. Sa pagreretiro ni Mang Rene, nakatanggap siya nang mga benepisyong hindi niya inaasahan mula sa
pabrikang kaniyang pinaglingkuran ng mahigit sa 40 taon. Bukod dito, binigyan din siya nang plake ng
pagkilala bilang natatanging manggagawa ng pabrika. Palatandaan ng kagalingan niya sa paggawa ang
pagtanggap ba nang benepisyo at pagkilala ni Mang Rene?
A. Oo, sapat na basehan ang 40 na taon niyang paglilingkod.
B. Hindi, binigay lang ang parangal upang maging masaya si Mang Rene dahil sa edad na mayroon siya.
C. Oo, hindi ibibigay ng isang kompanya ang pagkilala at benepisyo sa manggagawang hindi nararapat
bigyan o gawaran nito.
D. Hindi, binibigay talaga ang parangal at benepisyo sa isang manggagawa sa oras na siya ay magretiro
bilang bahagi ng kaniyang karapatan bilang isang manggagawa.
23. Mula sa saknong ng isang tula, “Marami ang nagtuturing na mahirap daw itong buhay, Araw – araw ay
paggawang tila rin walang humpay; Datapuwat isang pantas ang nagbadya at nagsaysay; Tagumpay ay
nakakamit kapag tao ay masikhay.” Ano ang ibig sabihin nito?
A. Mahirap ang buhay kaya’t ang tao ay kinakailangan na magtiis.
B. Kahit mahirap ang buhay, ang tao ay dapat na maging marangal.
C. Mahirap man ang buhay ng tao ay hindi dapat mawalan ng pag – asa.
D. Sa kabila ng kahirapan, ang tao ay kinakailangan na maging masipag.
24. Ang sumusunod ay kahulugan ng kasipagan MALIBAN SA:
A. Ito ay pagtingin ng kasiyahan at positibo sa isang gawain.
B. Ito ay pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad.
C. Nakatutulong ito sa tao sa kaniyang pakikipagrelasyon sa kaniyang gawain, kapuwa, at lipunan.
D. Tumutulong ito sa tao na malinang ang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili, mahabang
pasensiya, katapatan, at disiplina.
25. Ito ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang mithiin o layunin sa buhay na may kalakip na pagtitiis at
determinasyon.
A. Katatagan C. Pagsisikap
B. Kasipagan D. Pagpupunyagi
26. Si Rony ay sadyang masipag, hindi siya nagmamadali sa kaniyang mga gawain at sinisiguro niya na
magiging maayos ang kalalabasan nito. Ano kayang palatandaan sa kasipagan ang taglay ni Rony?
A. Hindi nagrereklamo sa ginagawa.
B. Hindi umiiwas sa anumang gawain.
C. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.
D. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal.

27. Ang isa sa palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan ay hindi pag – iwas sa anumang gawain. Alin
sa mga halimbawa ang nagpapakita nito?
A. Si Jazmine ay palaging nagbibigay ng kanyang malasakit sa anumang gawain na ipinagagawa sa
kaniya ng kanyang ina.
B. Si Marife ay hindi na kailangan pang utusan ng kaniyang ina sa mga gawaing bahay. Siya ay
gumagawa nang mayroong pagkukusa.
C. Masipag mag – aral si Hans; sa tuwing siya ay nag – aaral ay ibinibigay niya ang kaniyang panahon at
oras dito nang buong husay.
D. Sa tuwing gumagawa ng proyekto sa paaralan si Marianne ay hindi niya ginagawa ito basta lamang
matapos, kundi naghahanap siya ng perpeksiyon dito.
28. “Ang oras ay kaloob na ipinagkakatiwala ng Diyos sa tao.” Ano ang kahulugan nito?
A. Masuwerte ang tao dahil binibigyan siya ng oras.
B. Malaya ang tao na gamitin ang oras para sa lahat ng bagay na gusto niyang gawin.
C. Ang tao ang nagmamay – ari sa oras dahil ipinagkakaloob at ipinagkakatiwala ito sa kaniya.
D. Tungkulin ng tao na gamitin ang oras nang mapanagutan para sa kabutihan niya, ng kanyang kapuwa
at ng bansa.
29. Aling kakayahan ng tao ang tumutukoy sa epektibo at produktibong paggamit ng oras sa anumang oras?
A. Pamamahala ng oras.
B. Nagagawa ang lahat ng gawaing bahay.
C. Marami ang nasasalihan na organisasyon sa paaralan.
D. Pamamahala ng mga patung – patong na proyekto ng mga asignatura.
30. Alin ang nagpapahayag na napamahalaan ang pagpapabukas – bukas?
A. Tutok sa prayoridad.
B. May nabuo na tunguhin ng gawain.
C. Ginagawa agad ang gawain kahit hindi ito nagugustuhan.
D. Nagkakaroon ng oras ng pamamahinga, paglilibang, at pagkakawanggawa.
31. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pag- aaksaya sa oras MALIBAN sa:
A. Pagpapaliban ng gawain
B. Hindi maayos na paggawa ng iskedyul.
C. Panonood ng TV pagtapos na ang mga gawain.
D. Sobrang pag- aalala o pinapangunahan ng takot at sobrang pag- iisip.
32. Alin sa mga sumusunod ang tamang paggamit ng oras?
A. Simulan ang lahat ng gawain ng sabay sabay.
B. Hintayin munang makondisyon ang isip bago gumawa.
C. Planuhin muna ang mga gagawin bago magsimula.
D. Bilisan ang kilos
33. Si Mau ay litong – lito kung ano ang gagawin dahil nagkakataong lahat ng mga asignatura ay may mga
gawain o takdang aralin na kailangang isumite. Alin sa sumusunod ang mabisang paraan na gagamitin
niya sa pagkakataong ito?
A. Bumuo ng iskedyul. C. Gumawa ng prayoritisasyon.
B. Magtakda ng tunguhin. D. Pamahalaan ang pagpapabukas – bukas
34. “Bilang kabataan, simulan nang hugutin sa bawat oras mo ang lahat na kaya mong gawin at lahat na
kaloob sa iyo na maaari mong gamitin upang makaambag sa kaunlaran ng bansa.” Ano ang kahulugan ng
pangungusap na ito?
A. Sulitin ang oras ng paggawa bilang pantulong sa bansa.
B. Alamin kung ano ang agarang pangangailangan ng bansa.
C. Gamitin ang oras upang tuklasin ang kayang gawin sa pagpapaunlad sa bansa.
D. Pamahalaan ang paggamit ng oras at gamitin ang talento at kakayahan para sa bansa.
35. Paano natin makakamit ang mas mataas na layunin sa paggawa?
A. Pagsisikapan ang mahihirap na gawain.
B. Bibilisan ang paggawa upang makahabol sa dedlayn.
C. Paggawa nang maayos at pagtatapos ng gawain bago ang takdang oras.
D. Paggawa ng walang pakiaalam sa dedlayn
36. Bilang katiwala tinawag tao na gamitin ang oras nang may pananagutan. Ano ang nais ipakahulugan ng
pahayag na ito?
A. Tayo ay may mahabang oras ditto sa lupa.
B. Mahalaga na gamitin ang oras para sa kasiyahan natin bilang tao.
C. Bilang katiwala tinawag tayong gamitin ang oras nang may pananagutan sapagkat hindi na ito
magbabalik kailanman.
D. Tayo ang may ari ng oras natin.
37. Kaugalian ng mga Pilipino na hindi pagtupad sa napagkasunduang oras.
A. Filipino time
B. Bahala na
C. Manana Habit
D. Ningas Kugon
38. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tunguhin sa paggawa?
A. Mapabibilis ang paggawa.
B. Magkakaroon ng sense of achievement.
C. Magiging epektibo sa pamamahala ng paggamit ng oras sa paggawa.
D. Matutugunan ang mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata.
39. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng epektibong pag – iiskedyul ng mga gawain?
A. May tunguhin, prayoridad, pamamahinga, paglilibang, pagkakawanggawa.
B. May tunguhin, oras sa prayoridad, pamamahinga, paglilibang, pagkakawanggawa.
C. May tunguhin, may oras sa prayoridad, pamamahinga, paglilibang, pagkakawanggawa, master
iskedyul.
D. May tunguhin, prayoridad, espasyo para sa interapsiyon, pamamahinga, paglilibang,
pagkakawanggawa.
40. Ano ang kahalagahan ng pamamahinga, paglilibang, at pagkakawanggawa sa iyo at sa bansa pagkatapos
ng iyong paggawa?
A. Mapatutunayan ng mga ito ang iyong pagiging katiwala sa oras.
B. Magagamit ang mga ito ayon sa gusto mong gawin para sa sarili at sa bansa.
C. Magsisilbi ang mga ito na regalo mo sa iyong sarili nang dahil sa iyong tagumpay sa paggawa.
D. Mababalanse ng mga ito ang iyong buhay at mapagpapanibago ang iyong lakas at sigla sa paggawa.
“Sa lahat ng iyong gawain Siya nga’y alalahanin, upang ika’y patnubayan sa iyong
mga tahakin”
- Kawikaan 3:6-
Inihanda nina:
MARIA AIZA A. DELEON
Guro sa ESP 9

Nabatid ni: Pinagtibay ni:


LILIAN J. CASTILLO BEDILLA B. NAVELGAS
EsP Coordinator Principal II

You might also like