You are on page 1of 15

ANO NGA BA ANG

MEDIA?
Media
Paano ipinapaalam ng isang lalaki sa isang babae na interesado
siya rito? Isusulat ba niya sa ¼ sheet of paper? Ite-text ba niya?
Magpapadala ba siya ng emoticon? Manghaharana ba siya? Live
ba, MP3, o YouTube? Sasabihin na lang ba niya nang harapan? Ipi-
print ba niya sa t-shirt? Ano’t ano man ang paraang piliin niya,
gagamit siya ng isa, ilan, o lahat sa mga ito: titik, tunog, o larawan
(gumagalaw man o hindi). Alin man sa mga ito ang gamitin niya, ito
ang mamamagitan sa kanya at sa padadalhan niya. Anumang
bagay na “nasa pagitan” o “namamagitan” sa nagpadala at
pinadalhan ay tinatawag sa Latin na medium, o media kung marami.
Ginagamit natin ito kung may gusto tayong ipahatid na impormasyon.
Kung maramihan at sabay-sabay ang paghahatid na ginagawa
natin, tinatawag natin itong mass media: diyaryo, radyo, telebisyon,
pelikula, o internet.
Media
Sa media mo nalalaman kung may paparating na bagyo,
kung kayâ nakagagawa ka ng kaukulang paghahanda. Kapag
may nangangailangan ng saklolo at gusto mong ipanawagan sa
marami, media rin ang iyong inaasahan. Karapatan mong
alamin kung ano ang iyong ikabubuti, kayâ tungkulin mo ring
ipaalam sa iba ang ikabubuti naman nila. Sa pagpapalutang ng
mahahalagang impormasyon ay napapanatili mo ang ikabubuti
ng ibang kasapi ng lipunan. Sa pagpapamalagi ng ikabubuti ng
bawat kasapi ng lipunan, napapamalagi rin ang ikabubuti ng
kabuuan nito. Ang impormasyon tungo sa ikabubuti ng lahat ay
napalulutang mo sa pamamagitan ng media.
Media
Ang pangunahing layunin ng media bilang isang anyo ng
lipunang sibil, ay magsulong ng ikabubuti ng bawat kasapi ng
lipunan. Ito ang dahilan kung bakit tungkulin ng media ang
pagsasabi ng buong katotohanan, at kagyat na pagtutuwid
sakali mang may naipahatid na maling impormasyon na
maaaring maging batayan ng iba sa pagpapasya ng ikikilos.
Ang media ay pinaglalagakan lamang ng mga katotohanang
kailangan ng lipunan para sa ikabubuti ng bawat kasapi nito.
Hindi ikabubuti nino man ang kasinungalingang bunga ng
pagbabawas o pagdaragdag sa katotohanan. “Ang
kapangyarihan ng media ay hindi isang lakas na nananalasa,
kundi isang pag-ibig na lumilikha” (Papa Juan Pablo II, 1999).
Media
Ang isang rally ba ay ibinabalita ng media mula sa panig lamang
ng kapulisan? Ibinabalita ba ang haka-haka na may
rebolusyonaryong layunin ang mga nag-rally? Ang pagbawas o
pagdagdag sa katotohanan ay nagiging kasinungalingan. Kapag
ang media ay naglahad ng isang panig lamang ng pangyayari o
usapin, maling impormasyon ang pinalulutang ng mga ito sa lipunan,
sapagkat hindi buo ang impormasyong hawak ng lipunan. Sa
kabilang banda, kung inilahad halimbawa sa media na isang milyon
nga ang sumama sa Million People March, gayong tatlong daang libo
lang naman talaga, magiging pagsisinungaling din ito. Ang media ay
pinaglalagakan lamang ng mga katotohanang kailangan ng lipunan
para sa ikabubuti ng bawat kasapi nito. Hindi ikabubuti ninuman ang
kasinungalingang bunga ng pagbabawas o pagdaragdag sa
katotohanan.
Media
Bago ang halalan noong 2007, inilunsad ng ABS-CBN ang lipunang
sibil na Bayan Mo Ipatrol Mo. Tinuruan ng mga taga-ABS-CBN ang
mga karaniwang mamamayan kung paano ipaparating sa telebisyon
ang tawag, text o video gamit ang cellphone. Sa ganitong paraan ay
maaaring palutangin ng media, habang nangyayari, ang mga
pandaraya at katiwalian sa halalan. Anumang anomalya ay
napipigilan kapag ito ay naisisiwalat. “Kapag naglihim tayo, doon
magtatrabaho ang diyablo” (San Ignacio). Dahil sa matagumpay na
pagsasamadla ng mga katiwalian sa halalan noong 2007, itinuloy-
tuloy na ng Bayan Mo Ipatrol Mo ang pagpapalutang ng mga
impormasyong may kinalaman hindi na lamang sa halalan, kundi
maging sakuna at trahedya, paghahatid ng tulong, pagpapaayos ng
mga daan, at pagtatayo ng mga sentrong pampamayanan
(communty centers). Noong 2012, umabot na sa apat na libong mga
kabataan ang nabiyayayaan ng puspusang pagsasanay sa
pamamahayag.
Media
Sa pagitan ng Pakistan at Afghanistan ay nagnanais mamayani ang Taliban, mga
katutubong Muslim na nagnanais maging bahagi ng Afghanistan, ngunit pinipigilan naman
ng Pakistan. Ang Taliban ay nananiniwala na ang kababaihan ay hindi dapat magkaroon
ng edukasyon. Sa katunayan, pinasasabog nila ang mga paaralan. Noong 2008,
nagsimulang sumulat ng blog sa Internet ang isang mag-aaral na ayaw magpakilala; isang
walong taóng gulang na batang babae. Inilalarawan niya sa blog kung gaano kadelikado
ang mag-aral sa gitna ng panggigipit ng Taliban. Ipinamamanhik niya sa pamahalaang
Pakistani na maglaan ng dagdag na pananalapi para sa mga paaralan, at hinihimok niya
ang lahat ng mga kabataang babaeng Pakistani na igiit ang karapatang matuto. Sa isang
pulong sa harap ng mga mamamahayag ay nasabi ng tatay niya ang totoo na siya ang
blogger na iyon, kung kaya lalong dumami ang sumubaybay sa kanyang mga blog.
Naging hayag na lihim na siya ay si Malala Yousafzai. Noong Oktubre 16, 2012, sakay ng
isang trak na ginawang school bus, pinara sila ng Taliban sa pag-uwi. “Sino si Malala?”
tanong ng Taliban. Lahat ay napasulyap sa kanya kung kayâ siya ay natukoy. Binaril siya sa
ulo, lumabas ang bala sa panga, at tumagos sa balikat. Sa tulong ng napakaraming
nagkawanggawa sa loob at labas ng Pakistan, naipagamot siya sa Birmingham, England,
at doon niya ipinagpapatuloy ang pagsusulat ng blog. Sa gulang na labing-anim, milyon-
milyong dolyar na mula sa iba’t ibang bansa ang naipagkakatiwala sa kanya bilang
donasyon, at balak nilang mag-ama na magpatayo ng mga paaralan sa buong Pakistan.
Samantala, kapag may nagagawing Taliban sa kanilang bayan, hinaharap ito ng mga
kabataang babae, at buong tapang nilang idinideklarang, “Ako si Malala.”
Lets have a TEST
Test
1. Ano ang Media?

2. Paano ito nakakatulong sa


atin?Magbigay ng halimabawa

3. Ano ang layunin nito sa bawat


kasapi ng lipunan?
Panuto: Ilagay sa mga rectangles ang 5 halimbawa ng
Mass Media

Mass
media
Mga Sagot

Internet

Television
mass Newspapers
media

Radio Magazine
Thank you for Listening

Prepared by:
Mark Kenjie C. Dolor

You might also like