“Ano ang kabuluhan ng pagsasalin sa kontekstong Filipino?
Pagpapayaman at pagpapahalaga sa ating wikang kinagisnan ay isa sa mga bagay na
kinakailangan para mapanatili at maipagpatuloy ang paglago nito. Habang tumatakbo ang panahon at dumarating na ang panibagong henerasyon, mas lalong napag-iiwanan ang ating sariling wika sa mga umuusbong na pangyayari sa ating bansa. Ngunit ito’y maaring mapawi kung paiiralin natin ang ating mga isip at pagmamahal para sa sariling wika. Ang pagsasalin sa kontekstong Filipino ay isang mahalagang aspeto dahil sa maraming bagay na naitutulong nito para sa ating wika. Isa rito ang mga nakukuha nating mga bagong kaalaman tuwing naisasalin ang mga gawang akda o anumang panitikan sa wikang Filipino. Sa tuwing may mga libro o pahayag na galling sa isang banyaga, isinasalin natin ito sa ating sariling wika upang tunay na maintindihan natin ito. Napapayaman rin nito ang ating wika sapagkat nagsisilbi itong kagamitan upang maipahayag rin nito ang bawat ideya na gusto ipahayag ng bawat tao. Maaring tayong magkakaiba, may Ilocano, Cebuano at Bicolano ngunit hindi ito isang hadlang upang tayo’y hindi magkaisa. Hindi dapat nating tanggalin ang wika ng iba upang maipakita ang pagmamahal sa wika. Tayo’y dapat magkaisa at ang isang patunay nito ay ang wikang Filipino mismo, Malaki ang pagkakatulad ng bawat wikang gamit natin, sa sintax, morpolohiya at lexicon ng mga ito ay isang patunay na tayo’y iisa parin. Wikang Filipino ang nagsisilbeng tulay upang maintindihan ng bawat Pilipino ang bagay na nais ibigay ng mundo sa atin. Nararapat na maging aksesibol sa lahat Pilipino ang kaalaman na maaaring makatulong sa kanila sa darating na panahon. Maraming nagbabago habang lumilipas ang panahon, ang mga kahulagan nito o kaya ang mga salitang di na kadalasang nababanggit ngayon. Ito’y marapat na tandaan lalo na kung nais mong ihayag ang mga ideya sa isang taong bago rito. Kaya marapat na maingat sa paraan ng pagsasalin upang hind imaging taliwas sa ideyang gustong ibigay ng may akda ang impormasyong matanggap ng isang mambabasa o tagapakinig. Palagi nating binibigyan pahalaga ang tagatanggap ng ideyang isasalin upang lubos na maunawaan niyo ang tekstong isasalin. Iba-iba tayo ng wika kaya’t dapat nating tandaan kung sa paanong paraan natin isasalin ang isang teksto para mas maunawaan ito ng nakakarami. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang malaman natin kung pano maisasalin ang bawat salita sa Filipino. Dahil rito ay mas lalo nating napapayaman at napapanatili ang kahalagan ang ating wika sa pamamagitan ng pagasasalin sa kontekstong Filipino.