You are on page 1of 3

TUNGO SA MABISANG KOMUNIKASYON

BARAYTI NG WIKA

Ang pagkakaroon nito ay bunga ng paniniwala ng lingguwistika na ang wika ay heterogenous o


nagkakaiba-iba. Dala nito ang nagkakaiba-ibang pangkat ng tao na may iba’t ibang lugar na
tinitirhan, interes, Gawain, pinag-aralan at iba pa.

BARAYTI NG WIKA
Ang pagkakaroon ng natatanging katangian na nauugnay sa particular na uri ng katangian
sosyo-siswasyunal.

BARYASYON
Sa pagdaan ng panahon, nagiging espesyalisado ang Gawain at tungkulin ng mga tao at ito ay
nag reresulta ng pagkakaiba-iba ng kultura at wika na siyang nagiging panukat sa progreso ng
tao.

MAHAHALAGANG KONSEPTO UKOL SA BARAYTI AT BARSASYON NG WIKA


IDYOLEKTO
Barayti na kaugnay sa personal na kakanyahan ng tao sa paggamit ng wika ng particular na
indibidwal. Gayundin, ang paggamit ng particular na bokabolaryo nang madalas ay itinuturing
din idyolekto ng gumagamit.

SOSYOLEK
Ang barayting sinasalita ng mga tao sa isang lipunan. Gayundin, nagtatakda ito ng klasipikasyon
ng mga mamamayan batay sa antas ng kanilang pamumuhay, interes, hilig at kasarian.

REHISTER
Barayting kaugnay sa panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng
pagpapahayag. Tumutukoy sa ispesyalisadong paggamit ng wika upang makilala ang
ispesipikadong domeyn o Gawain.

ESTILO
Barayti na kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa kausap. Maaring pormal, kolokyal at
personal.

MODE
Barayting kaugnay sa midyum na ginagamit sa pagpapahayag tulad ng pasalita o pasulat.

PAGLILINAW UKOL SA PAG KAKABUO NG IDEA


1. PALIT-KODA
Pagsasama-sama ng dalawa o higit pang makabuluhang pahayag na nabibilang sa
dalawang Sistema ng wika.
Hal. Nakuha ko na ang point mo kaya lang medyo foul yung sinabi nang mag-text ka.

2. HALO-KODA
May nahahalo o nasisingit sa salita mula sa ibang wika labas sa naitakdang dalaw
ng pangunahing Sistema ng wika.

Hal. Getching ko naman talaga ang chorva chenes mo kaya lang it’s hard to decide pa,
gogorabelles ba o hindi?

SALIK NG BARYASYON
HEOGRAPIKAL
Nagkakaroon ng pagbabago sa pagpapahayag sa pamamagitan ng kaangkupan sa lugar,
komunidad na kinabibilangan ng tagapagsalita o gumagamit ng wika. Magkaibang
kahulugan sa magkahiwalay na lugar na may magkaibang kultura. Nasa katawagan at
kahulugan ng salita ang pagkakaiba.
Hal. Inihaw-binange tabingi-tagilid

Mga katawagan sa Tagalog-Maynila Katumbas na salita sa ibang lugar


Lupa Mukha (Pampanga)
Daga (Bikol)
Lumiban Tumawid ( Tagalog-Batangas)
Hinde pumasok ( Tagalog- Quezon)

MORPOLOHIKAL
Pagkakaiba sa paraan ng pag buo ng salita dahil sa paglalapi ng mga naninirahan sa mga
ito. Ang pagkakaiba ay nasa anyo ng ispeling ng salita at hindi sa taglay na kahulugan
nito.
Tagalog-Maynila Kumain
Tagalog-Batangas Nakain
Camarines Sur Makakain
Legaspi City Magkakan
Aklan Makaon
Tausog Kumaun
Bisaya Mangaon
Pampanga Mangan

3. BARAYTI NG PONOLOHIYA
Magkakaiba ang bigkas at tunog ng mga salita sa bawat lugar. Lumilikha ng sariling wika
ang mga taong magkakasama sa iisang kultura at lugar. Ang ponolohiya…
Often -/o-fen/ vs /of-ten/
Organization -/or-ga-ni-za-tion/ vs. /or-ga-ni-zey-tion/

4. SOSYAL
Nagkakaroon ng pagbabago sa pagpapahayag sa pamamagitan ng kinasasangkutang
lipunan., kultura, at itinakdang mga isyu at usaping nakabatay sa panahon.

5. OKYUPASYUNAL
Nagkakaroon ng pagbabago sa pagpapahayag batay sa pangangailangan sa larangan ng
hanapbuhay.

PANANAW AT TEORYA TUNGKOL SA BARAYTI AT BARYASYON


 Teoryang Sosyolingguwistik- pinalalagay na ang wika ay panlipunan at ang
speech ay pang-indibidwal.
 Teoryang Deficit Hypothesis – naniniwala sa pamamagitan ng kanyang naging
obserbasyon na ang wika ay may herarkiya.
 Konsepto ng Baryalidad – naniniwala na natural ang phenomena ang
pagkakaiba-iba ng anyo ng wika at pagkakaroon ng barayti ng isang wika. Ibig
sabihin, pantay lamang ito o walang mataas at mababa.
 Teorya ng Akomodasyon –nakapokus ang teoryang ito sa taong kasangkot sa
sitwasyong pang wika sa proseso ng pag-aaral at pag katuto ng pangalawang
wika.
 Linguistic Convergence – nagkakaroon ng tendensiya na gumaya o bumagay sa
pag sasalita ng gumagamit ng wika upang bigyang halaga ang pagkakaisa ,
pakikisama, at pagmamalaki na kabahagi ng pangkat.
 Linguistic Divergence- pinipili na ibahin ng taong gumagamit ng wika ang
kanyang pagsasalita upang mabukod sa kausap., di- pakikiisa sa pagbuo ng
sariling pagkakakilanlan o identity.

You might also like