You are on page 1of 8

GONZALES, JOMARC CEDRICK T.

BSED-Filipino III
FIL.111-TThS

TUESDAY

1. Kahulugan ng Barayti at Baryasyon


Ang Barayti ay set ng mga lingguwistik aytem na may kaparehong
distribusyon. Maliit na grupo ng pormal o makabuluhang katangian na
nauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyunal. Ang
Baryasyon naman ay ang iba’t ibang manipestasyon ng wika.

2. Uri ng Baryasyon
Ayon sa aking pananaliksik, si Joselito Demetrio ay may tinukoy na
tatlong uri ng baryasyon. Ito ay ang Baryasyon sa Wika, Baryasyon sa
Dayalek, at Baryasyon sa Register.

3. Bilang mga mag–aaral sa kursong Edukasyon na Major ng Filipino ano ang


sarili ninyong pakahulugan sa salitang baryasyon at barayti?
Para sa aking pagpapakahulugan ang Baryasyon ay tumutukoy sa
pagbabago ng wika. Ang Barayati naman ay tumutukoy sa wika na resulta
ng pagbabagong nagaganap sa isang wika. Ito ay sangay ng isang wika na
may ibang paraan ng paggamit, pagbigkas, bokabularyo at iba pa.

4. Ano ang kaugnayan nito sa ating Wikang Filipino?


Ang kaugnayan ng mga ito sa ating wika ay makikita sa mga bagong
umusbong na pamamaraan ng pagbigkas at paggamit ng wika sa ating
lipunan. Sa pagkakaiba-iba ay nagkakaroon ng pagkakaisa. Dito ay iniugnay
ang malaking kinalaman o ugnayan ng wika sa lipunan at ang lipunang ito
ay kinasasangkutan ng isang masining na kultura.

Ayon sa mga binasang handouts, sagutin ang mga sumusunod na


tanong?

1. Ano ang pagkakaiba ng baryasyon at barayti.


Ang Baryasyon ay ang pagbabago ng wika at ang Barayati naman ay
ang pagkakaiba-iba ng pamamaraan at pagbigas ng wika.
2. Ano ano ang mga Uri ng Baryasyon.
Ayon sa aking pananaliksik, si Joselito Demetrio ay may tinukoy na
tatlong uri ng baryasyon. Ito ay ang Baryasyon sa Wika, Baryasyon sa
Dayalek, at Baryasyon sa Rejister.

Mula sa mga binasang handouts; magbigay ng masusing pag analisa sa


mga pinag aralan sa tulong ng mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang kahalagahan ng baryasyon at barayti sa Wikang Filipino?


Ang kahalagahan ng barayati at baryasyon sa wikang Filipino ay
nagkakaroon ng pag unlad ang ating wika. Dahil sa aspekto ng heyograpikal,
sosyal, at personal nagiiba-iba ang pamamaraan ng ating kommunikasyon at
pananalita. Ang kahalagahang ito ay positibo, dahil masasabing sa pag
unlad nating mga tao ay kasabay ang pag-unlad ng ating wika.

2. Bakit kailangan pag aralan ito?


Kinakailangan ito pag-aralan sapagkat ito ay tumutukoy sa ating sariling
wika. Upang maunawaan ng lubos ang nangyayaring pagbabago sa ating
wika. Sa pag usbong ng mga bagong salita, hindi lahat ng mga tao ay
nauunawaan ito. Kung kaya’t kinakailang natin itong unawain at isa-isip.

Ano ang sarili mong perspektibo sa tanong na ito?

“Ano ang kaugnayan ng mga baryasyon at barayti sa pagbabago ng Wikang


Filipino?”
Wika ang masasabing isa sa pinakamahalagang imbento ng tao. Ito ang
instrumentong ginagamit natin upang maiparating sa ating kapwa ang ating
niloloob, naiisip, damdamin at mga adhikain. Wika ang ating tulay sa
pakikipagtalastasan sa kapwa upang makapamuhay nang maayos sa
lipunang ating kinabibilangan. Sa malawakang paglaganap ng wikang
Filipino sa iba’t ibang bahagi ng bansa umusbong ang barayti nito. Bunsod
ito ng baryasyon sa loob ng wikang ito na maaaring leksikal o bokabularyo ,
ponolohikal o sa tunog o paraan ng pagbigkas, at gramatikal o lahat ng mga
ito. Ang baryasyon sa wika ay hindi maiiwasan dahil may “interference” na
nagaganap kung saan ang katangian ng unang wika ng mga kalahok sa
usapang gamit ang wikang Filipino ay pumasok. Naiimpluwensyahan ng
unang wika ang pangalawang wika sa bokabularyo o leksikon,sa paraan ng
pagbigkas at maging sa grammar man. Ang barayti ng wika ay tumutukoy sa
iba’t ibang uri ng parehong wika na ginagamit ng iba’t ibang grupo na may
baryasyong panloob sanhi ng lugar na kinaroroonan ng partikular na grupo
ng mga tagapagsalita o grupong kinabibilangan. May kaugnayan din dito ang
sinabi ni Wardaugh (1992) na ayon sa kanya: Variety is a specific set of
linguistic items or human speech patterns (presumably sounds, words,
grammatical features) which can uniquely associate with some external
factor (presumably a geographical area or a social group). The language
variety exists because of the use of single language which is different within
a single community. Ang isang wika ay nagkakaroon ng pagkakaibaiba dala
ng dalawang mahahalagang salik- ang heograpikal at sosyal. Sa kondisyong
heograpikal, ang tagapagsalita ay nagkaroon ng pagkakaiba sa tono,
bokabularyo o grammar ng wika. Ang pagbabagong ito ay batay rin sa lugar
o lokasyon ng tagagamit ng wika. Ang kondisyong sosyal naman ay ang
pagkakaiba-iba ng wika dahil sa iba’t ibang interes, gawain, propesyon,
pamumuhay at iba pa. Nagkaroon ng linggwistikong baryasyon ang wika sa
isang speech community dulot ng katayuang sosyal, lahi,trabaho, kasarian at
iba pa. Speech community ang tawag sa grupo ng tao na gumagamit ng
parehong uri ng wika,nagbabahaginan ng espesipikong tuntunin sa
pagsasalita at nagbibigay interpretasyon gamit ang isang wika. Masasabi rin
na speech community ang grupo ng mga taong naninirahan sa parehong
lipunan na may kanikanilang sub-grupo na may wikang ginagamit ngunit
gumagamit ng wikang komon kung bahagi nan g malaking grupong
kinabibilangan. Ekspresyon ito ng kultura dahil ang wika ay panlipunan. Ang
pag-aaral sa iba’t ibang etnolinggwistikang wika na umiiral sa Pilipinas ay
malaking ambag para mapalawak ang ating kaalaman sa bokabularyo sa
wikang B’laan at magkaroon ng kamalayan sa pinagmulan, kultura at
tradisyon ng nasabing tribo. Naniniwala ako na ang pagaaral na ito ay
makatutulong para lalong mapalawak ang ating kaalaman sa barayti at
baryasyon ng mga wikang umiiral sa ating bansa partikular ang wikang
Filipino.
GONZALES, JOMARC CEDRICK T.
BSED-Filipino III
FIL.111-TThS

THURSDAY

1. Kahulugan ng Register at Diyalekto


Ang Register ay baryasyon batay sa gamit samantalang, ang Diyalekto ay
baryasyon batay sataong gumagamit. Ang register ay tinatawag ding “estilo sa
pagsasalita”. Maaari ng gumamit ng iba’t ibang register ang tao sa pagsasalita man
o sa pagsusulat upang maipahayagang sarili. Ang Diyalekto ay makikita kung sino
at ano ang isang tao.

2. Limitasyon ng Diyalekto
Ang mga limitasyon ng diyalekto ay ang pagbigkas, pagkakaiba ng salita,
paraan ng pagsasalita, at paglilipat ng isang tao.

3. Kahulugan ng Baryant
Ang baryant ay ang mga salitang magkaiba ngunit may iisang kahulugan o ibig-
sabihin. Halimbawa nito ay trisekel at trisekol, makaiba ngunit iisa ang kahulugan
nito.

Mula sa unang pinag aralan, pag-ugnayin ang kahalagahan ng mga ito sa


Diyalekto at Register.

“Pamilyar ba kayo sa salitang Diyalekto at Register?”


Masasbi kong ako ay pamilyar sa salitang Diyalekto at Register, dahil ito ay
aking nang nagpag-aralan. Noong ako ay nasa sekondarya aking naunawaan na
ang kahalagahan ng wika, pati narin ang pumapaloob dito. Napakahalaga ng mga
ito sa ating lipunan. Sa ating bansa, maraming grupo ng mga mamamayan ang
naninirahan sa iba’t ibang sulok ng ating bansa, tinatawag itong tribo. Ang bawat
grupo ng mga tao o tribo ay may iba’t ibang kultura. Sa kanilang kultura makikita o
masasalamin ang kanilang pagkatao. Halimbawa na lamang ang kanilang
dayalekto at register. May iba’t ibang salita at estilo ng pagsasalita ang bawat tribo.
Sa pamamaraang ito, makikilala natin sila kung saan sila nabibilang. Kung kaya’t
ang kahalagahan nito ay upang matukoy at makilala ang parlikular na tao o lipunan.
Sagutan ang mga tanong ayon sa mga tekstong binasa?

1. Ano ang pagkakaiba ng diyalekto at register?


Ang Register ay baryasyon batay sa gamit samantalang, ang Diyalekto ay
baryasyon batay sataong gumagamit. Ang register ay tinatawag ding “estilo sa
pagsasalita”. Maaari ng gumamit ng iba’t ibang register ang tao sa pagsasalita man
o sa pagsusulat upang maipahayagang sarili. Ang Diyalekto ay makikita kung sino
at ano ang isang tao.

2. Ano-ano ang mga limitasyon ng diyalekto?


Ang mga limitasyon ng diyalekto ay ang pagbigkas, pagkakaiba ng salita,
paraan ng pagsasalita, at paglilipat ng isang tao.

3. Ano ang kahulugan ng baryant?


Ang baryant ay ang mga salitang magkaiba ngunit may iisang kahulugan o ibig-
sabihin.nt ay ang mga salitang magkaiba ngunit may iisang kahulugan o ibig-
sabihin. Halimbawa nito ay trisekel at trisekol, makaiba ngunit iisa ang kahulugan
nito.

Sa mga binasang teksto; magbigay ng sariling pag aanalisa sa mga pinag aralan
at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Paano nagkakaroon ng limitasyon ang diyalekto?


Nagkaroon ng mga Limitasyon ang diyalekto dahil sa punto o paraan ng
pagbikas, iba’t ibang katawagan sa mga salita sa isang rehiyon, paraan sa
pagpapahayag, at sa social class.

2. Bakit mahalaga na matutuhan ang pagkakaiba ng diyalekto at register?


Mahalaga matutunan ang pagkakaiba ng diyalekto at register upag hindi
magkaroon ng kalituhan. Ang pagkakaroon ng magulong kaisipan ay magdudulot
ng maling pagkatutuo at pakaunawa. Ito ay napakahalaga sa mga
nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino.

3. Ano ang kahalagahan ng baryant sa wikang Filipino?


Ang kahalagahan ng baryant sa ating wikang Filipino ay ang pagkakaroon ng
sarisariling kultura at pagkakakilanlan. Ito ay sumasalamin sa kahalagan ng
kanilang nakasanayan.
Ibigay ang iyong sariling opinyon sa tanong na ito:

“Bilang magiging guro ng asignaturang Filipino, ano ang pinakatampok na paksa ang
nagustuhan mo at bakit?”
Bilang ako ay nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino ang pinakatampok
na paksa na aking nagustuhan ay ang baryant. Sapagkat ako ay naaliw sa mga
salitang aking bagong naririnig at nababasa. Mayroong nakatutuwang salita ngunit
hindi nakaiinsulto. Halimbawa ay ang salitang utong, sa iba ito ay bastos ngunit ang
tinutukoy ay sitaw. NApakarami pang salita ang aking matututunan kung ako
amagpopokus sa baryant. Sa pagunawa ng baryant, ito ay malaki ang maitutulong
sa aking pagtuturo, lalo na kung ako ay mapupunta sa ibang probinsya o lugar.
GONZALES, JOMARC CEDRICK T.
BSED-Filipino III
FIL.111-TThS

SATURDAY

1. Varayati ng Filipino

VARAYTI NG FILIPINO: 1. Magkaroon ng realisasyon na hindi talagabatay


sa iisang wika ang wikang Filipino. 2. Malaman ng mga mag-aaral na ang
wikang Filipino ng isang Maranao ay kapantay ng Filipinong taga Manilao
kaya’y ng mga taga Cebu. Walang tama o maling bigkas at gamit ng salita. 3.
Ang pagyaman at pagpapalaganap ng Wikang Filipino ay tungkulin ng lahat at
hindi iisang grupo lamang. 4. Ang pag-aaral sa barayti ay hindi maghahati
bagkus ay mag-iisa sa mga Pilipino.

2. Homogeneous at Heterogeneous
Ang Homogeneous ay paniniwala ng ipinapahayag na may iisang katangian
ang wika tulad ng “language universal.” Ibig-sabihin, lahat ng wika ay may
bahagi ng pananalitang pangalan at pandiwa. Karaniwang isa lamang ang
layunin at ang gumagamit. Isa lamang ang gamit ng wika. Ang Heterogeneous
ay paniniwala ng iba-iba ang gamit, layunin at gumagamit ng wika. Iba-iba ang
wika dahil sa lokasyon, heograpiya, pandarayuhan,sosyo-ekonomiko, politikal,
at edukasyunal na katangian ng isang particular na lugar o komunidad na
gumagamit ng naturang wika.

Balik –aralan ang natapos na aralin at iugnay ito sa kasunod na aralin

“Ano ang kaugnayan ng Varayti ng Wikang Filipino tungo sa pagbabago?”


Varayti ng Filipino: Tungo sa Pagbabago. Una, magkaroon ng realisasyon
na hindi talaga batay sa iisang wika ang wikang Filipino. Ikalawa, malaman ng
mga mag-aaral na ang wikang Filipino ng isang Maranao ay kapantay ng
Filipinong taga Manilao kaya’y ng mga taga Cebu. Walang tama o maling
bigkas at gamit ng salita. Ikatlo, Ang pagyaman at pagpapalaganap ng Wikang
Filipino ay tungkulin ng lahat at hindi iisang grupo lamang. Ikaapat, Ang pag-
aaral sa barayti ay hindi maghahati bagkus ay mag-iisa sa mga Pilipino.

Basahin ang mga teksto na nakapaloob sa modyul. Sagutan ang mga tanong
ayon sa tekstong binasa.

1. Ano- ano ang varayti ng Filipino?


VARAYTI NG FILIPINO: 1. Magkaroon ng realisasyon na hindi talagabatay
sa iisang wika ang wikang Filipino. 2. Malaman ng mga mag-aaral na ang
wikang Filipino ng isang Maranao ay kapantay ng Filipinong taga Manilao
kaya’y ng mga taga Cebu. Walang tama o maling bigkas at gamit ng salita. 3.
Ang pagyaman at pagpapalaganap ng Wikang Filipino ay tungkulin ng lahat at
hindi iisang grupo lamang. 4. Ang pag-aaral sa barayti ay hindi maghahati
bagkus ay mag-iisa sa mga Pilipino.

2. Ano ang pagkakaiba ng Homogeneous at Heterogeneous?


Ang Homogeneous ay paniniwala ng ipinapahayag na may iisang katangian
ang wika tulad ng “language universal.” Ibig-sabihin, lahat ng wika ay may
bahagi ng pananalitang pangalan at pandiwa. Karaniwang isa lamang ang
layunin at ang gumagamit. Isa lamang ang gamit ng wika. Ang Heterogeneous
ay paniniwala ng iba-iba ang gamit, layunin at gumagamit ng wika. Iba-iba ang
wika dahil sa lokasyon, heograpiya, pandarayuhan,sosyo-ekonomiko, politikal,
at edukasyunal na katangian ng isang particular na lugar o komunidad na
gumagamit ng naturang wika.

Ibigay ang sariling analisa sa binasang teksto sa pamamagitan ng pagsagot sa


mga sumusunod na tanong.

1. Mahalaga ba ang varayti ng Filipino? Bakit?


Ito ay mahalaga, sapagkat nagagawa nitong mapaunlad ang isang wika sa
pamamagitan ng pagdaragdag ng salitang gagamitin sa isang lipunan.
Mapaparami rin nito ang iba’t ibang katawagan ng isang salita. Natutulunagan
nito ang mga tao na makapamili ng salitang pinakaangkop na gamitin.

2. Magbigay ng halimbawa ng heterogeneous at homogeneous sa larangan ng wika?


Ang halimbawa ng heterogeneous ay “Tagalog ang pangunahing wika ng
Timog katagalugan ngunit bawat lugar dito ay may ibat-ibang katangian ng wika
mayroong Tagalog Batangas, Tagalog Laguna, Tagalog Quezon.” Ang
halimbawa ng homogeneous ay “Ang wika ay nagtataglay ng mga
pagkakatulad. Ang wika ay may mga homogeneous na kalikasan.”

Ano ang iyong sariling opinyon sa tanong na ito?

“Anong mga kalinangan ang natutuhan mo sa mga paksang binasa mo?”


Ang mga kalinangang natutunan ko sa paksang ito ay ang pagkakiba at
pag-unlad ng wikang Filipino sa ating lipunan. Sa pagpapalalim nito, aking
naunawaan ang katangiang mayroon ang ating wika. Ang wika ang kaluluwa ng
isang bansa. Kahit may pagkakaiba sa salita at pagbigkas nito, maituturing pa
rin na iisa ang pagpapakahulugan nito. Tayo ay may pagkakaiba-iba, ngunit
tayo ay pinagka-isa at pinagbuklod ng Wikang Filipino.

You might also like