You are on page 1of 14

LARAWANG

PAMPAHAYAGAN
(photojournalism)

Tagaulat : Russell Jade V. Flores


• Ang larawang pampahayagan ay isang sining at agham sa
pagkuha ng larawan at ang pagsasama g larawan at ng
sulatin tungkol dito.

Kahalagahan ng mga larawan sa Pahayagan at Magasin

1. Nakatutulong sa isang mabisang paglalahad ng balita


2. Nagbibigay buhay sa kaanyuan ng pahina sa pamamagitan ng
paghidwa sa abuhing talataan (breaking up gray matter or solid types.
3. Nagbibigay buhay at sigla sa mga lathalain
4. Nagiging makatotohanan ang balita sa mga mambabasa
5. Pinaiikli ang teksto. Ang isang larawan, ayon sa kasabihang Intsik, ay
katimbang ng 10,000 salita
KATANGIAN AT PANGHALINA NG LARAWAN
(APPEAL OF PICTURES)

1. Tunggalian (Struggle)
2. Takot o sindak (Fear)
3. Pagdamay o simpatya (Sympathy)
4. Mga bata (children)
5. Mga hayop
6. Kasarian
7. Ganda ( Beauty )
8. Lubos na pagkakilala (Familiarity)
9. Galaw, aksyon (action)
10. Kahalagahan ng Balita (news value)
MGA LARAWANG UKIT
(TYPES OF NEWSPAPER ART ENGRAVINGS IN LETTER PRESS PRINTING)

1. Half tone
2. Line etching
3. Linoleum
PAMANTAYA SA PAGPILI NG LARAWAN
1. Kahalagang pang-etniko ( Technical value ) – tumutukoy sa mga
larawang ganap, maliwanag, walang dumi o mantsa at madaling
kopyahin sa pamamagitan ng kamera.

2. Kahalagahang pag-editoryal ( Editorial value ) – tumutukoy sa mga


larawang kawili-wili at nagsasalaysay kahit sa unang sulyap pa lamang;
may mga saglit na katotohanan at kabuuan.
MGA PANUTONG DAPAT
TANDAAN NG POTOGRAPO
1. Kumuha ng larawang may kilos (action pictures) nang ilang tao lamang
2. Tagubilinan ang mga kukunan ng larawan na huwag sa kamera tumingin.ang
mga pangunahing tauhan ay kailangang siyang pagsasamahin at ayusin ng
natural
3. Maging maagap sa pagkuha ng larawan ng mga tagpong di pangkaraniwan
4. Kunan ng larawan ang mga makatawag-pansin, maka-antig-damdaming mga
tagpo.
5. Kunan ng larawan ang tagpong sa iyong pagpasya ay magsasalaysay ng isang
pangyayari
6. Higit sa lahat, iwasan ang mga larawang nakikipagkamay , larawang nakaayos (
posed pictures or firing squad pictures) at mga nag-uumpukang larawan
(crowded pictures)
TAGUBILIN SA PAGPILI NG
LARAWAN PARA SA PAHAYAGAN
1. Isaisip ang mga sangkap na kailangan ng isang pamahayagang larawan
2. Tandaan ang tungkulin ng larawan sa pahayagan
3. Laging gamitin ang larawang may kaugnay sa balita
4. Pag-aralan kung saang bahagi ng larawan ang mahalaga
5. Piliin ang mga larawang may aksyon at buhay
6. Iwasan ang mga larawang nakaayos (posed) at at larawang nag-
uumpukan (crowded) maliban na lamang kung kailangang ipakita ang
dami ng tao.
7. Piliin ang larawang maayos ang komposisyon
8. Gamitin ang tamang proporsyon ng larawan
9. Alamin ang kahalagahang pang-editoryal
10. Alamin ang kahalagahang pag-teknikal ng bawar larawan
11. Lalong mabisa ang malapitan ang kuha (close-up) na larawan
12. Sa mga larawang sakuna, iwasan ang magtanghal ng mga tagpong
kakila-kilabot.
13. Sikaping magkaroon ng mainam na larawan sa bawat pahina
MGA PARAAN SA PAGPAPABISA
NG MGA LARAWAN
1. Pagtatabas o cropping. Nangangahulugan itosa pagputol ng bahagi ng
larawan na hindi kailangan upang maipakita ang pangunaheng mensahe
at maragdagan ang dating nito sa pamamagitan ng madraman anggulo

2. Retouching. Ito ay pag-aalis ng hindi magandang sanligan o background


upang mapalutang ang pangunahing mensahe nito

3. Bleeding. Sa layuning mapaganda pa lalo ang kaanyuhan ng pahina ay


inilimbag ang larawan na lumalabas sa lugar na dapat kalagyan nito. Ito ay
karaniwang ginagamit sa akdang lathalain at isports.
MGA BAHAGI NG KAPSYON
• Ang kapsyon ay tekstong kasama sa larawan, gawang sining o guhit.
Karaniwang nagtataglay ito ng mga sumusunod:

1. Catchline – nagsisilbing maikling pamagat ng kapsyonat nakalimbag sa


maitim na tipo at sa malalaking titik

2. Katawan – nagpapaliwanag sa larawan

3. Credits – ang litratistang kumuha o nagbigay ng larawan.


MGA DAPAT TANDAAN SA
PAGSULAT NG KAPSYON
• Gawing maikli lamang ngunit hindi gaanong maikli na nabibitin ang
mambabasa tungkol sa napapaloob na sitwasyon
• Gumamit ng payak at maikling kapsyon maliban sa palarawang istorya –
serye nga mga larawan na may minimum na mga salita tulad ng mga
akdang may “paano”.
• Punan at ipaliwanag ang nasa larawan, ngunit huwag nang sabihin ang
anumang kitang-kita na
• Gamitin ang mga pandiwang nasa pangkasalukuyang banghay
• Ipakilala ang mga taong nasa larawan. Kung marami ang taong nasa
hanay ay nanggitin sila isa-isa ang buong pangalan mula kaliwa pakanan.
Kung may maraming hanay, unahing ipakilala ang nasa harapan. Kung ang
tao ay nasa pabilog na posisyon, unahin ang sa gawing kaliwa.
• Tiyaking wasto ang pangalan ng taong sangkot
• Tiyaking tama ang bilang ng nasa kapsyon at ang nasa larawan
• Hanggat maaari sabihing kung saan at kailan kinunan ang larawan lalo na
ang larawang pambalita.
• Ang hating-katawang larawan na walang mensahe maliban sa
pagkakakilanlan ay kailangang ilagay ang apilyedo nito bilang kapsyon.
• Ibahin ang tipo ng kapsyon sa ginagamit na istorya para magkaroon ng
pagkaibahan. Gumamit ng pahilis o italics , pinaitim at pinalaking tipo kaysa
sa tipo ng katawan.
• Ang mabisang kapsyon ay pumupuno sa bawat linya. Ang kapsyong
pumupuno lamang ng sang-katlo sa huling linya ay di-maganda dahil nag-
iiwan ito ng puting espasyo.

You might also like