You are on page 1of 35

PAGSULAT NG

TANGING LATHALAIN
Aralin 6
Katuturan ng Tanging Lathalain
• Isang sanaysay na batay sa tunay na pangyayari
na nagtataglay ng mga pagpapaliwanag, sanligan
at impresyo ng sumulat.
• Isang uri ng pamahayagan na nag-uulat ng mga
makatotohanang bagay o pangyayari batay sa pag-
aaral, pananaliksik o pakikipanayam at sinusulat sa
isang paraang kawili-wili.
• Isang uri ng sulatin na ang kawilihan ay nasa ibang
bagay sa halip na sa mahalagang tala.
Anyo ng Piling Lathalain

• Maaaring isulat ito sa anumang porma,


anyo o istilo.
• Maaari ring isulat sa ayos ang baligtad
na piramide tulad ng sa balita o sa ayos
pasalaysay ( narrative ).
Katangian ng Tanging Lathalain
• Walang tiyak na haba, maaaring maikli, maaaring
mahaba dipende sa nilalaman ng gustong itala.
• Batay sa katotohanan na maaaring may
kaugnayan sa balita.
• Maaaring sulatin sa anumang anyo, istilo o
pamamaraan, ngunit kailangan na ito ay
naangkop sa nilalaman at layunin nito.
Katangian ng Tanging Lathalain
• Ginagamitan ng makabagong pamatnubay
(novelty lead) sa halip na na kabuurang
pamatnubay (summary lead).
• Nasusulat sa himig ng payak na
pakikipagkaibigan.
• Maaaring sulatin sa una, ikalawa at ikatlong
panauhan.
Katangian ng Tanging Lathalain

Magpabatid
Magturo
Magpayo
Manlibang
Mga Uri ng Tanging Lathalain
1. Lathalaing Nagpapabatid (Informative
Feature)- Ito’y nagbibigay ng kapaki-pakinabang
na ulat, nagdaragdag ng kaalaman o karunungan
at may layuning magturo o magpayo.

Halimbawa:
• Ang Dapat Gawin Kapag May Malakas na Lindol
Mga Uri ng Tanging Lathalain
2. Lathalaing Pabalita (News Feature)- Ito’y batay sa
isang balitang nakapupukaw ng damdamin.
Pinapalawak nito ang bahagi ng balita na may
pangyayaring di-pangkaraniwan, may kababalaghan, o
makabagong likha na nakapagbigay sa mambabasa ng
kaalaman, simpatiya o kawilihan.
Halimbawa:
Ang Tagtuyot sa Timog Luzon
Mga Uri ng Tanging Lathalain
3. Pangkatauhang Lathalaing Dagli (Personality or
Character Sketch)- Ang paksa nito’y ang paglalarawan
ng mga kilalang tao, ang kanilang buhay, karanasan,
gawain, patakaran sa buhay at dahilan ng kanilang
tagumpay o kabiguan.
Halimbawa:
Lathalain ukol sa isang artista, manlalaro o mang-
aawit.
Mga Uri ng Tanging Lathalain
4. Lathalaing Pangkasaysayan (Historical Feature)-
Nahahawig sa lathalaing nagpapabatid subalit ang
pinakapaksa nito ay isang kasaysayan ng tao, bagay o
lunan.

Halimbawa:
Ang Ebolusyon ng Bandilang Filipino
Ang Edsa Revolution
Mga Uri ng Tanging Lathalain
Lathalaing Pansariling Karanasan ( Personal Experience
or Adventure) – Ito’y nauukol sa mga di-
pangkaraniwang karanasan ng manunulat ng ibang tao
ayon sa pagkakasalaysay ng may-akda.
Lathalaing Pakikipanayam (Feature Interview) – Ang
paksa nito ay ang kuru-kuro at kaisipan ng isang
kilalang tao. Ang ulat hinggil sa mga kuru-kurong ito ay
nakuha sa pamamagitan ng pakikipanayam.
Mga Uri ng Tanging Lathalain
7. Lathalaing Panlibang ( Entertainment Feature )
– Dahilan sa ang layunin nito’y magbigay kaaliwan,
pinakapili ang paksa upang magsilbing gamot sa mga
taong nalulumbay o pampalipas sa oras ng mga taong
nais maglibang.

Halimbawa:
Ang kahulugan ng Halik
Karaniwang Paksa Para sa Pagsulat ng
Lathalain sa Pampaaralang Pahayagan
• Karanasan o Pakikipagsapalaran (experience or adventure)
• Paglalarawan ng isang tao, lunan o pangyayari
(description)
• Kasaysayan ng isang pangyayari (historical background)
• Pangkatauhang-dagli (personality sketch)
• Salaysayin (narrative)- kawili-wiling kuwento o salaysay.
(Hal. Saan galing ang pangalan ng isang baryo o pook )
Karaniwang Paksa Para sa Pagsulat ng
Lathalain sa Pampaaralang Pahayagan
• Pangkaunlarang Lathalain (development feature)- tinatalakay ang
kaunlaran at pagsulong angkop sa mabilis na pagbabago ng purok o
bansa at ng mamamayan nito na nagbibigay-daan sa kaunlarang
pangkabuhayan, panlipunan at sa lahat ng larangan para sa
pagkakapantay-pantay na kalutasan ng karalitaan.
• Lathalaing “Ano” o “Paano” ang Gagawin ( How-to-do and What-to-do
Articles)
Halimbawa:
• Ang Pagluluto ng Lumpiya
• Ang mga Dapat Gawin kung Malakas ang Bagyo Beauty Tips
Mga Katangian ng Manunulat ng
Tanging Lathalain
• Handang manaliksik upang mabatid ang iba’t-ibang
bagay hinggil sa isang karaniwang balita o pangyayari
na ikinatatanggi ng mga ito.
• Masigasig at masiyasat sa pagkuha ng mga tala hinggil
sa pangyayari.
• May kakayahang magawang lathalain ang alinmang
balita.
• May sariling pamamaraan at istilo sa pagsulat.
Mga Katangian ng Manunulat ng
Tanging Lathalain
KARAGDAGAN:
• Mataas na pagmamasid
• Pangkaisipang pag-uusisa
• Kakayahang tumuklas ng lathalain sa pang-araw-araw na pangyayari
• Katambak ng mga salitang naglalarawan at idyoma
• Kakayahang humabi ng mga salita sa paglika ng mga kawili-wiling
pangungusap at parapo
• Kakayahang sumulat ng mabisa at pambararilang pangungusap
Mga Payo para sa mga Bagong
Manunulat ng Tanging Lathalain
• Samahan ng mga anekdota o mga natatanging
pangyayari.
• Gamitin ang mga siniping sabi at ilagay ang mga
iyon sa simula.
• Magbigay ng tiyak at madaling maunawaang mga
halimbawa upang higit na maipadama ang diwa
ng lathalain.
Mga Payo para sa mga Bagong
Manunulat ng Tanging Lathalain
• Gumamit ng usapan (conversation or dialog) at
katutubong kulay (local color) upang maipadama
ang mga pangyayari sa mambabasa.
• Gawing maikli ang talata.
• Tapusin sa pamamagitan ng
• pang-ugnay na katapusan (tie in)…..
Mga Mungkahing Panimula sa Pagsulat
ng Lathalain
Panretorikang Tanong (Rhetorical Question)
Halimbawa:
Sino ang nagsabi na ang edad ng tao ay hadlang sa
kanyang pag-aaral? Hindi ito ang paniwala ni Danilo
Marcelo. Siya ay huminto sa pag-aaral pitong taon na ang
nakakaraan nang matapos siya sa mababang paaralan.
Ngayong pasukan, sa gulang na 30, nagbalik-paaralan si
Danilo at nagpatala siya sa unang baitang sa Mataas na
Paaralang Laurel.
Mga Mungkahing Panimula sa Pagsulat
ng Lathalain
Panggulantang na Pahayag ( Startling Statement)
Halimbawa:
“Hindi pa kami laos!” Ito ang pahayag na ng mga
young once—mga guro, pinuno ng paaralan at mga
magulang nang kanilang ipagdiwang ang Araw ng
Maynila, Hunyo 24, at lumahok sila sa iba’t-ibang
palatuntunan at paligsahan upang bigyang-buhay at
kasayahan ang pagdiriwang.
Mga Mungkahing Panimula sa Pagsulat
ng Lathalain
Pasalaysay na Panimula ( Narrative Opening)
Halimbawa:
Matiwasay niyang pinapag-aral ang kanyang sarili at
ang kanyang anim na anak.
Ginagampanan niya ang tungkulin ng isang ina at ng
isang ama. Siya’y si Gng. Adelfa Prado, IV-1, sa klaseng
panggabi.
Mga Mungkahing Panimula sa Pagsulat
ng Lathalain

Siniping Sabi ( Quoted Remark)


Halimbawa:
“Manalig ka sa Kanya at tutulungan ka Niya.”
Ngumiti siya’t sumulyap sa akin na punung- puno ng
pagtitiwala sa sarili habang siya’y aking kinakapanayam.
Mga Mungkahing Panimula sa Pagsulat
ng Lathalain
Isang Kasabihan, Salawikain o Talinghaga (Maxim,
Proverb, or Aphorism)
Halimbawa:
“Tubig, tubig sa lahat ng dako, ngunit kahit isang
patak ay walang mainom.” Itong siniping sabi ni Samuel
Coleridge sa tulang “The Ancient Mariner” ay wala nang
bisa ngayon. Kahit na tubig galing sa baha ay maiinom
na. Paano? Ganito ang paraan.
Mga Mungkahing Panimula sa Pagsulat
ng Lathalain
Suliraning dapat na pagtalunan sa artikulo, o
pangyayaring dapat na patunayan (Problems to be
discussed in the article or fact to be established)
Halimbawa:
May kasagutan sa mabilis na pagtaas ng halaga ng
gulay. Magtanim ka.
Mga Mungkahing Pangwakas ng
Tanging Lathalain
Buod ng buong artikulo (Summary of the Whole Article)
Halimbawa:
Makinig ka sa mga dalubhasa; ang paninigarilyo ay
lubhang masama sa kalusugan.
Maaaring maturingan kang tunay na lalaki dahil sa
paninigarilyo mo, subalit hindi tatagal ang buhay mo
upang mapatunayan mo ang iyong pagkalalaki.
Mga Mungkahing Pangwakas ng
Tanging Lathalain
Pahayag ng pinakamahalagang bahagi sa kauna-unahang
pagkakataon (An announcement of the main Point for
the First Time)
Halimbawa:
Kaya ang pinakamahalagang bahagi ng kaunlarang
pakikipagtalastasan ay ang paglinang ng kagandahang
asal, lalung-lalo na ng disiplinang pansarili at ng
makataong pag-uugali.
Mga Mungkahing Pangwakas ng
Tanging Lathalain
Katanungang nabuo sa kaisipan ng mambabasa (A Questions Left
in the Reader’s Mind)
Halimbawa:
Ang kamay ng makabagong Pilipino ay handang
marumihan. Pinaiikot niya ang gulong ng pangkaunlaran. Iwina-
wagayway niya ang bandila ng kalayaan—kalayaan laban sa
paghihikahos, at kalayaan laban sa kamang-mangan.
Ikaw ba’y may ganitong uri ng mga kamay?
Mga Mungkahing Pangwakas ng
Tanging Lathalain

Mungkahing ukol sa kahihinatnan (Suggested Results or


Significance)
Halimbawa:
Pahalagahan natin ang mga gubat kung nais iligtas
sa kapahamakan ang ating bansa, likha ng mga pagbaha
at tagtuyot.
Mga Mungkahing Pangwakas ng
Tanging Lathalain
Isang forecast o hula ( A Forecast or Prophecy)
Halimbawa:
Anim at kalahating dantaon mula ngayon, kung
hindi masusugpo ang dami ng tao, wala nang matitirang
pagtamnan ng ano mang uri ng halaman. Ang lahat ng
lupa ay gagamitin ng tao sa ibang bagay maliban sa
pagtatanim. Dahil sa kagutuman, sila-sila ay
magpapatayan at maglalamunan na parang mga hayop.
Mga Mungkahing Pangwakas ng
Tanging Lathalain

Pag-uulit ng panimula (Repetition of the Introduction)


Halimbawa:
Nang siya’y tinanong kung siya’y may kaalaman o
karanasan sa potograpiya, ang sagot ni Domingo Layson,
“Ako’y natututo habang kumikita at kumikita
habang natututo.”
Mga Mungkahing Pangwakas ng
Tanging Lathalain
Pag-uulit ng mga salita sa Pamagat (Repetition of the
words found in the title or of the title itself)
Halimbawa:
Paglipas ng apat na taon bilang isang utusan sa araw
at isa namang masipag na mag-aaral sa gabi, nagtapos
din sa pag- aaral si Danilo Marcelo sa Mataas na
Paaralang Lakandula kung saan niya nakamit ang
karangalang salutatoryan.
Mga Mungkahing Pangwakas ng
Tanging Lathalain
Isang Angkop Pagsisipi (An Appropriate Quotation)
Halimbawa:
Hindi pinabulaanan ni Melchor ang kanyang karalitaan. At
nang tanungin siya kung bakit niya ibinigay ang kanyang kaisa-
isang piso sa pulubi, sinipi niya si “Tennyson sa tulang “The Vision
of Sir Launfal” at sa wikang Ingles:
“Not what we give but what we share For the gift without the
giver is bare, Who gives himself with his alms feeds three Himself,
his hungering neighbor…
Mga Mungkahing Pangwakas ng
Tanging Lathalain
Isang Angkop Pagsisipi (An Appropriate Quotation)
Halimbawa:
Hindi pinabulaanan ni Melchor ang kanyang karalitaan. At
nang tanungin siya kung bakit niya ibinigay ang kanyang kaisa-
isang piso sa pulubi, sinipi niya si “Tennyson sa tulang “The Vision
of Sir Launfal” at sa wikang Ingles:
“Not what we give but what we share For the gift without the
giver is bare, Who gives himself with his alms feeds three Himself,
his hungering neighbor…
PANGKATANG GAWAIN
Pagsulat ng Lathalain
Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan Puntos
Kawastuhan 5
Organisasyon 5
Estruktura 5
Wika at 5
Gramatika

You might also like