You are on page 1of 9

URI NG SULATIN

Impormatib na pagsulat
Mapaghikayat na pagsulat
Malikhaing pagsulat
Pansariling pagpapahayag
Impormatib na pagsulat
 Ito ay naghahangad na makapagbigay impormasyon
at mga paliwanag.
Ang pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay
sa teksto.

Hal. Pagsulat ng report ng obserbasyon, mga


istatistiks na makikita sa mga libro at ensayklopedya,
balita, at teknikal o business report
Mapaghikayat na pagsulat
Ito ay naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa
tungkol sa isang katwiran, opinion o paniniwala.
Ang pangunahing pokus nito ay ang mambabasa na nais
maimpluwensyahan ng isang awtor.

Hal. editoryal, sanaysay, talumpati, pagsulat ng proposal


at konseptong papel
Malikhaing pagsulat
Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang
pampanitikang tulad ng maikling katha, nobela, tula,
dula at iba pang malikhain o masining na akda.
Kadalasan ang pangunahing layunin ng awtor dito ay
magpahayag lamang ng kathang-isip, imahinasyon,
ideya, damdamin at kumbinasyon ng mga ito.
Pansariling pagpapahayag
Pagsulat o pagtatala ng mga bagay na nakita,
narinig, nabasa o naranasan.
Sa layuning ito, ginagawa ang pagsulat bunga ng
paniniwalang ito’y mapapakinabangan.

Hal. Pagsulat ng dyornal, plano ng bahay, mapa at


iba pa.
Mga Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Ayon kina Xing at Jin: “ang pagsulat ay isang komprehensibong


kakayahan na naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan,
pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga element.”
Sinabi ni Badayos: “ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay
isang bagay na totoong mailap para sa nakakarami sa atin
maging ito’y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man.”
Ayon kay Keller: “ang pagsulat ay isang biyaya, isang
pangangailangan at isang kaligayan ng nagsasagawa nito.”
Mga Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Ayon kay Donald Murray: “Writing is rewriting”.


Paglalarawan ni Murray sa mabuting manunulat “A
good writer is wasteful”. Metapora ni Murray: He saws
and shapes and cuts away, discarding wood… The
writer cannot build a good strong piece of writing
unless he has gathered an abundance of fine raw
materials.
Mga Batayang Kaalaman sa Pagsulat
Ayon kay Donald Murray: “ang pagsulat ay isang
eksplorasyon pagtuklas sa kahulugan, pagtuklas sa
porma at ang manunulat ay gumagawa nang pabalik-balik
nagtutuon sa isa sa mga batayang kasanayan sa bawat
panahon nang kanyang matuklasan kung ano ang
kanyang isusulat at kung paano niya iyon maipapahayag
nang mahusay.”
Mga Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Ang paglalarawan naman nina Peck at


Buckingham sa pagsulat: “Ang pagsulat ay
ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng
isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita
at pagbabasa.”

You might also like