You are on page 1of 36

Ang Sining ngPagbigkas

nang Isahan atSabayan


Ang Kahulugan ng Sining ngSabayang
Pagbigkas
1. Ang sabayang pagbigkas ay isang
masining na pagpapakahulugan o
interpretasyon sa anumang anyo ng
panitikan sa pamamagitan ng
sabayang pagbabasa nang malakas ng
isang koro o pangkat (Melendrez-
Andrarde, 1984).
anumang anyo ng panitikan
Sapuntong ito, malinaw na
sinasabing hindi lamang tula ang
maaaring gamiting piyesa sa sabayang
pagbigkas.Ito’y maaaring ilang bahagi ng
maikling kuwento, nobela o dula o ilang
pilang talata ng sanaysay.
anumang anyo ng panitikan
Malimit lamang na gamitin ang
tula bilang piyesa sa sabayang pagbigkas
dahil bukod sa magaan at madulas
bigkasin ang mga salita, taludtod at
saknong ay pinakagamitin ito sa mga
patimpalak.
 sabayang pagbabasa
Ang pagbabasa at pagsusuri ng
isang teksto nang sabayan ay maituturing
lamang na sabayang pagbabasa o
sabayang pagsusuri at hindi maituturing
na sabayang pagbigkas.
sabayang pagbabasa
Kapag binabasa nang sabay-
sabay ang piyesa at nilalapatan ng
interpretasyon o pagpapakahulugan ay
saka pa lamang natatawag na sabayang
pagbigkas.
Isang koro o pangkat
Malinaw na sinasabing hindi isao
tatlo lamang ang bibigkas ng anumang
piyesa. Ang isang koro o pangkat ay
maaaring buuin ng hindi kukulangin sa
dalawampu’t limang (25) kalahok.
Ang Kahulugan ng Sining ngSabayang
Pagbigkas
2. Ang sabayang pagbigkas ay isang
matimbang at maindayog na
pangkatang tinig na nagpapahayagng
isang uri ng kaisipang masining at
madamdamin.
Matimbang
Kapag ang pangkatang tinig ay
matimbang,ito’y nangangahulugang
napangkat na ang tinig.
Maindayog
Ito’y tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng
mga salita, kataga o ng buong taludtod o
saknong. Dapat makilala ang mga salitang
maaaring bigkasin nang papataas o
papababa, papaikli o papahaba, atbp.
Ang Kahulugan ng Sining ngSabayang
Pagbigkas
3. Ang sabayang pagbigkas ay isang
pamamaraan ng masining na pagbigkas
sa pamamagitan ng sama-sama,
magkakatugma, magkakabagay at
magkakatugong tinig, isang tuloy-tuloy
na aliw-iw ng mga salita.
 Sama-sama, magkakatugma,
magkakabagay at magkakatugong tinig
Ang alinmang koro na hindi
makatutugon sa mga salitang ito sa
panahong idinaraos ang sabayang pagbigkas
ay isang malaking kawalan sa pagtatanghal.
Ang Kahulugan ng Sining ngSabayang
Pagbigkas
4. Ang sabayang pagbigkas ay isang
pandulaang pagtatanghal ng isang
akdang pampanitikan na ginagamitan ng
maramihang tinig na pinag-isa sa
pagbigkas kung di man ay pinag-ugma sa
masining na paraan.
Bakit pandulaang pagtatanghal?
Sauring ito, ang buong tanghalan ay
pinagagalaw ng mga mambibigkas, ng tunog
at musika, ng sayaw, atpb.
Iba’t ibang eksena/senaryo ang
ipinapakita sa mga manonood tulad ng
makikita sa mga dulang itinatanghal sa iba’t
ibang lehitimong tanghalang pandula.
Bakit dapat makipagatalastasan sa
mga manonood?
Walang ibang makapagpapahalaga
sa isang programa o gawaing itinatanghal
kundi ang mga manonood.
Sila ang nakaririnig, nakapanonood
at nakapagsusuri ng kabuuan ng
pagtatanghal.
Bakit dapat makipagatalastasan samga
manonood?

Sila ang nakapagtataya ng mga kalakasan


at kahinaan ng pangkat na nagsisiganap.
Ang Kahalagahan ng Sabayang
Pagbigkas
1. Nalilinang ang kasanayan sa mabisang
pakikipagtalastasan.
2. Napagtutuunan ng pansin ang paraan ng
paggamit ng wika tulad ng pagpapahayag ng
damdamin, panghihikayat,
atbp.(Jakobson,2003).
3. Nasasanay ang wastong pagbigkas ng mga
salita at pangungusap.
Ang Kahalagahan ng Sabayang
Pagbigkas
4. Nagagamit bilang estratehiya sa pagtuturo ng
wika, pagbasa at panitikan.
5. Naipamamalas ang pagiging masining, malikhain
at nagagamit ang kritikal na pag-iisip sa panahon
ng pagpaplano, pagpapasya at pagtatanghal.
6. Naipananaig sa diwa at puso ang halaga ng
pagkakaisa, pamumuno, paggalang sa opinyon
at karapatan ng iba, pagkakaroon ng tiwala sa
sarili at kapwa.
Ang mga Anyo ng SabayangPagbigkas
1. Payak o madamdaming pagbigkas
Mahalagang mabigkas muna nang wasto
ang mga salita o pahayag na nasa tekstong
basahin, kasunod ang pag-unawa sa
kahulugan ng mga ito.
Saanyong ito, hindi kailangang isaulo ang
piyesa. Sapat nang mabigkas ang piyesa nang
may wastong pagkikipil ng mga salita.
Ang mga Anyo ng SabayangPagbigkas
1. Payak o madamdaming pagbigkas
Kumpleto rin ang koro: pangkat ng
magsasalaysay, grupong bibigkas ng
mahahalagang taludtod o saknong, atbp.
Guhit na pahilis – Ang mga ito ay panandana
nagpapaalalang sa unahan ng mga ito’y
hihinto ng pagbabasa. Higit na mahaba o
matagal ang paghinto ng pagbigkas ng mga
salitang nasa unahan ng dalawang guhit na
pahilis.
Halimbawa:
Ako’y Pilipino
ni Pat V.Villafuerte

Ako’y Pilipino/sa damdami’t diwa/


Sasalita’t kilos/sa ugali’t gawa/
Samga layunin/ at paniniwala/
May pagmamalaking/ibinabandila//
Pilipino ako/ sa tindig at anyo/
Sapangangatawan/ sa isip/ sa puso/
Kayumanggi ako/ sa kulay at dugo/
Bagong salinlahi/ ng mga ninuno//

Pilipino akong / nagpapahalaga


Salikas na yaman/ ng bayan kong sinta/
Kultura ng bansa’t/ ugaling maganda/
Binibigyang-dangal/ dakilang pamana//
Ako’y Pilipino/ tubo’t isinilang
SaPilipinas/ bayangminamahal/
Malaya/ maganda/ sagana’t mayaman/
Kung tawagin ito’y/ Perlas ng Silangan//

Ako’y Pilipinong/ pag-asa ng bayan/


Tagapagmana ng/ kulturang mayaman/
Lahing pinagmulan/ magiting/ marangal/
Hindi paaapi/ sa mga dayuhan/
Ang mga Anyo ng SabayangPagbigkas

2. Walang kilos napagbigkas


 Tanging ang ulo at ang mahahalagang
bahagi ng mukha lamang ang ginagamit
sa pagbabasang walang kilos.
Pinagagalaw ang mga kilay, mata , bibig,
atbp.
Ang mga Anyo ng SabayangPagbigkas

2. Walang kilos na pagbigkas


Saanyong ito, higit na mahalaga rito
ang tinig, bigkas at ekspresyon ng mukha
halimbawa
Sa Isang Makata
Ni Pat. V. Villafuerte

Gising na makata
May sindi na ang krus na pinagpakuan
Sakalbaryong said sa gintong pananaw,
Madudukulan mo lang ang kinasasadlakan
Nitong panitik mong kagat ng inakay
Bangon na makata
Alak ang idilig sa napiping dyukbaks,
Pananariwain ang tuyong palaspak
Ano’t kaluluwa’y sa abo naglandas
Gayong kaulayaw ang lagot na kwerdas?

Hayo na,makata
Habang ang panaghoy ay itinititik
Ng mga aninong iyong nakaniig;
Bungong binilanggo ng bagting na patid
Ay palayan na sa lisyang panitik.
Ang mga Anyo ng SabayangPagbigkas
3. Madulang pagbigkas
Ang uring ito ay maituturing na isang,
kabuuang pagtatanghal (total theater) dahil
bukod sa pagbigkas ng koro nang sabay-sabay
ay sila rin ang mga tauhang gaganap sa
pagtatanghal.
Ang mga Anyo ng SabayangPagbigkas
3. Madulang pagbigkas
Soloista
Dayalog
 Koyograpi
Angkop na kasuotan
Paglalapat ng tunog at musika, awit, sayaw,
pag-iilaw, props, atbp.
Ang paraan/pamaraan ng pagbubuo
ng sabayang pagbigkas
1. Pumili ng paksa. Ang piyesang gagamitin ay
dapat na angkop sa okasyon o sa alinmang
pagdiriwang.

2. Bumuo ng iskrip.Ang iskrip na gagamitin ay


dapat lapatan ng mga bantas, hudyat,
simbolo, guhit o ilustrasyon upang madaling
mabigyan ng interpretasyon.
Ang paraan/pamaraan ng pagbubuo
ng sabayang pagbigkas
3. Pumili ng mga kalahok. Nakasalalay sa tinig
ng koro ang galing o husay ng
pagbigkas.Pumili lamang ng mga
mambibigkas na may buo at malakas na tinig.

4. Suriin at pangkatin ang tinig ng mga


kalahok. Ang tinig ng mga mambibigkas ay
maaaring mauri sa tatlo; matinis, karaniwan
at malaya.
Ang paraan/pamaraan ng pagbubuo
ng sabayang pagbigkas
5. Pag-usapan ang nilalaman ng piyesa.
Ipaunawa sa mga mambibigkas ang persona
ng tula, ang kahulugan ng pamagat, ang
nilalaman ng piyesa, ang intensyon o layunin
ng may-akda at ang kaisipang hatid ng bawat
saknong /talata at kabuuan ng piyesa.
Ang paraan/pamaraan ng pagbubuo
ng sabayang pagbigkas
6. Ituro ang wastong pagbigkas ng mga
salita.Mahalagang matutuhan ng mga
mambibigkas kung bakit may mga salitang
dapat bigkasin nang mahina, malakas,
mabilis, mabagal, atbp.
Ang paraan/pamaraan ng pagbubuo
ng sabayang pagbigkas
7. Lapatan ng wastong pagkumpas ang ilang
piling mga salita. May kumpas na
ginagamitan ng isang kamay gaya ng
pagbigkas ng salitang buhay, ikaw,siya,bayan,
atbp.Ang paggamit ng dalawang kamay sa
pagkumpas ay nangangahulugang
kasaklawan gaya ng salitang sansinukuban,
sangkapuluan, atbp.
Maraming Salamat 

You might also like