You are on page 1of 3

SAN QUINTIN NATIONAL HIGH SCHOOL

SAN QUINTIN, PANGASINAN


S.Y. 2021-2022

PAGTATAYA #1
FILIPINO 8 – 2nd Quarter
Pangalan:________________________________________ Taon at Pangkat:__________ Iskor:____
Panuto:.Basahin ang bawat pahayag at piliin ang titik ng tamang sagot.
_____1. Ito ay isang sangay ng panitikang umusbong sa panahon ng mga Amerikano.
a. Alamat b. epiko c. tula d. bugtong
_____2. Jose P. Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo del Pilar, Efren Peňaflorida ay mga
itinuturing na naglalakihang tao sa ating bansa, sino sa kanila ang di naging daan upang magkaroon ng
kamalayan ang sambahayang Pilipino sa mga tunay na nangyari sa bayan sa panahon ng Kastila.
a. Jose P. Rizal c. Marcelo Del Pillar
b. Graciano Lopez Jaena d. Efren Peňaflorida
_____3. Siya ang may akda ng Panata sa Kalayaan.
a. Amado V. Hernandez c. Francisco Baltazar
b. Corazon de Jesus d. Graciano Lopez Jaena
_____4. Siya ay kilala bilang si Ka Amado.
a. Marcelo del Pilar c. Ninoy Aquino
b. Amado Hernandez d. Armando Silang
_____5. Si Amado Hernandez ay naging aktibong muli sa pampolitikong kilusan noong___.
a. 1960 b. 1971 c. 1975 d.1976
_____6. Ito ay elemento ng tula na tumutukoy sa nagsasalita sa loob ng tula.
a. talinghaga b. persona c. tugma d. sukat
_____7. Naramdaman niya ang pagkahapo ng kanyang katawan sa loob ng bilangguan. Alin
sa mga sumusunod na salita ang maylapi?
a. naramdaman b. pagkahapo c. katawan d. loob
_____8. Sisa, Elisa, Kabesang Tales, Ibarra, sa aling akdang pampanitikan kabilang ang mga
ito? a. Ibong Adarna c. Noli Me Tangere
b. Florante at Laura d. El Filibusterismo
_____9. Isa sa dalawang anyo ng tula ay ang tulang tradisyunal, alin sa mga sumusunod ang
di-kabilang sa tulang tradisyunal?
a. Pangarap b. Punong kahoy c. Panata ng Kalayaan d. Ang Guryon
_____10. Elemento ng tula na tumutukoy ng tiyak na bilang ng pantig sa bawat taludtod.
a. sukat b. tugma c. talinghaga d. persona
SAN QUINTIN NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN QUINTIN, PANGASINAN
S.Y. 2021-2022

PAGTATAYA #2
FILIPINO 8 – 2nd Quarter
Pangalan:________________________________________ Taon at Pangkat:__________ Iskor:____
Panuto:.Basahin ang bawat pahayag at piliin ang titik ng tamang sagot.
_____1.Alin sa mga sumusunod ang siyang katangian ng balagtasan?
a.may simula ,gitna at wakas
b.isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtula
c.ito ay pinagmulan ng mga bagay sa mundo
d.ito ay naglalarawan ng buhay, hinango sa guni-guni,pinararating sa ating damdamin
_____2.Kailan naimbento ang balagtasan sa Pilipinas?
a.Panahon ng mga Katutubo c. Panahon ng mga Amerikano
b.Panahon ng mga Kastila d.Panahon ng mga Hapon
_____3.Kanino ipinangalan ang balagtasan?
a.Jose Corazonde Jesus c.Jose dela Cruz
b.Florentino Collantes d. Francisco Baltazar
_____4.Sino ang itinanghal na pinakamagaling na makata sa mga nagbabalagtasan?
a. Jose Corazonde Jesus c. Francisco Baltazar
b. Jose dela Cruz d. Florentino Collantes
_____5.Ilang pares ng makata ang nagtatalo sa balagtasan? a. 1 b. 2 c. 3 d. 4
_____6.”Tama bang ihalal si _____ bilang pangulo ng Republika ng Pilipinas”.Ang pahayag na ito
ay isang halimbawa ng tema ng balagtasan na nasa___
a.pag-ibig b.politika c.karaniwang bagay d.kalikasan
_____7.Kung ikaw ang siyang haring inihalal sa Balagtasan, ano ang tawag sa iyo?
a.manlililok b.mambabalagtas c.manonood d.lakandiwa
_____8.Ano ang naging hatol ng lakandiwa sa dalawang mambabalagtas sa “Alin ang Lalong Nagpapatino sa mga Anak: Pamalo o Pangaral?”
a.panalo ang mambabalagtas sa panig ng pamalo
b.panalo ang mambabalagtas sa panig ng pangaral
c.walang nanalo , patas
d.tunay na nanalo’y sintang bayang nakikinig
_____9.Sino sa mga sumusunod ang siyang nananawagan upang masimulan ang isang balagtasan?
a.Lakadiwa/Lakambini b.Mambabalagtas c.Manonood d.Tagapagdaloy
_____10.Sino ang nagmungkahing hanguin ang balagtasan s apangalan ni Francisco Baltazar?
a.Rosa Sevilla- Alvero c.Ińigo Ed Regalado
b.Patricio A. Dionisio d.Sofia Enriquez
Performance Task Blg. 1
DAMDAMIN KO… ISULAT KO!

Panuto: Sumulat ng SARILING tula na nagpapahayag ng emosyon o damdamin sa isang taong iniidolo o hinahangaan. Basahin ang kasunod
sitwasyon at gawing gabay ang pamantayan sa ibaba sa pagbuo ng tula.

Sitwasyon:
Nais ng inyong Punong-bayan na parangalan ang mga taong nakapag-ambag o nakagawa ng kabutihan sa inyong pamayanan. Isang
paligsahan sa pagsulat ng tula ang kaniyang idaraos. Ang tulang mananalo ay bibigkasin sa araw ng parangal. Magaling kang sumulat at
bumigkas ng tula. Inaasahan ng napiling Lupon ng Inampalan na ang kalahok na mga tula ay isusumite sa kanila isang buwan bago ang araw
ng parangal.
Huhusgahan ang tula batay sa sumusunod na pamantayan:
a) orihinal - 10 puntos
b) taglay ang mga elemento ng tradisyunal na tula - 8 puntos
c) nagpapahayag ng sariling emosyon o damdamin sa taong hinahangaan - 6 puntos
d) may kariktan - 6 puntos
30 puntos

You might also like