You are on page 1of 10

Ano ang ating tinalakay

kahapon?
Ano-ano ang mga elemento
ng maikling kwento?
Ano-ano ang mga uri ng
maikling kwento?
(Pass the Message)
Bubunot ang lider ng pangkat sa mistery box
kung ano ang kanyang ibubulong sa kasunod .
Pagtapos ay ibubulong naman nito sa kasunod
hanggang sa makarating ang mensahe sa dulo
ng linya. Ang huling tao sa dulo ang siyang
magsasabi sa harap kung ano ang nilalaman ng
mensaheng sinabi sa kanya. Ang unang
makakasabi ng tama ang siyang panalo.
Mga Pang-ugnay na
Ginagamit sa
Pagsasalaysay o
Pagsunod-sunod ng
Pangyayari sa Kuwento
PAGSUNOD-SUNOD NG
HAKBANG O PANUTO
Gumagamit ng mga
salitang una, ikalawa, huli,
para masundan ng
mambabasa ang mga
hakbang na inilalahad.
PAGSASALAYSAY
Gagamitin ng mga salitang nagpapakita
ng pagkakasunod- sunod ng mga
pangyayari sa kuwento tulad ng mga
salitang isang araw, samantala, maya-
maya, hindi nagtagal, agad, salamat ,sa
wakas at iba pa.
Gawain #1
Magsalaysay ng isang pangyayari sa iyong
buhay kung saan nakatulong o natulungan
ka. Gumamit ng wastong mga salita o pang-
ugnay na ginagamit sa pagsasalaysay o
pagsusunod- sunod ng mga pangyayari.
(isang araw, samantala, maya-maya, hindi
nagtagal, agad, salamat ,sa wakas)
Gawain #2
Panuto: Punan ng angkop na
salitang ginagamit sa
pagsusunod-sunod ng pangyayari
upang mabuo ang diwa ng
pagsasalaysay. Piliin ang tamang
sagot sa kahon.
Hindi Maya maya
Salamat Isang araw Agad
Nagtagal pa’y
_______________sumakay ng kanyang motorsiklo
si Rodrigo papunta sa kanyang trabaho.
_______________ bumangga ang kanyang motor
sa isang puno kaya’t bumagsak siya at nawalan ng
malay. _______________ ay dumaan ang isang
taong staff pala ng barangay nanaka-off duty.
_______________ siyang dinala ng taong ito sa
pagamutan kahit pa hindi naman siya kilala nito.
_______________ sa isang nagmamalasakit na
estranghero. Utang niya ang buhay sa
makabagong mabuting Samaritano.
Bakit mahalagang malaman o
makilala ng mga baguhang
manunulat na tulad mo ang mga
angkop na pang-ugnay sa
pagsasalaysay at pagsusunod-sunod
ng mga pangyayari?
KASUNDUAN:
Basahin ang Pabulang “Si
Ipot- Ipot at si Amomongo”.

You might also like