You are on page 1of 3

ARALIN 12

FILIPINO 8 – Week 12
Pangalan: ____________________________________ Petsa: ___________________________ Marka: _______

Mga Elemento ng tula

Sukat - Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang


saknong.

Saknong - Ang isang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o
maraming linya o taludtod.

Tugma - Sinasabing may tugma ang isang tula kapag ang huling pantig ng huling salita
ng bawat taludtod ay magkasing-tunog.

Kariktan - Kailangang magtaglay ang isang tula ng maririkit na salita upang


masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.

Talinhaga- Isang sangkap ng tula na may kinalaman sa tinatagong kahuluganng tula.

Tayutay

Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginamiy upang bigyang-diin ang isang


kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapahayag na gumamit ng talinghaga o di
karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyang diin ang kaniyang
saloobin.

1. Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay.


Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-,
magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag naSimile sa Ingles.

Halimbawa:

Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos na mang-aawit.

2. Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan


ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan,
gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag
na METAPHOR sa Ingles.
Halimbawa:

Siya'y langit na di kayang abutin nino man.

3. Personipikasyon o Pagsasatao - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin


ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa
pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at
pangngalang-diwa. 'PERSONIFICATION' sa Ingles.

Halimbawa:

Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.

4. Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay


isang tao.

Halimbawa:

Oh, birheng kaibig-ibig ina naming nasa langit, Liwanagin yaring isip, nang sa layon di
malihis.

6. Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o


kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang
katangian, kalagayan o katayuan.

Halimbawa:

Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo.

7. Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang
tunog ay siyang kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles

Halimbawa:

Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan, halumigmig nitong hangin, ay bulong
ng kalikasan.

9. Pagpapalit-saklaw o Senekdoke - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi


ng kabuuan ang binabanggit.

Halimbawa:

Isinambulat ang order sa dibdib ng taksil.


10. Paglilipat-wika o Transferred Epithet- tulad ng pagbibigay-katauhan na
pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.

Halimbawa:

Patay tayo dun.

You might also like