You are on page 1of 2

Filipino 4

Tula

Ano ang tula?


- Ang tula o panulaan ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa
iba’t ibang anyo at estilo.
Mga elemento ng tula
1.Sukat
- tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng
pagbasa.
Halimbawa sa pagtukoy ng pantig
Isda: is/da 2 pantig
Isda ko sa Mariveles:
Is/da/ko/sa/ma/ri/ve/les 8 pantig
Mga uri ng sukat ng isang tula
1. Kopla
2. Aapatin
3. Aanimin
4. Pipituhin
5. Wawaluhin
Halimbawa
Noong mga unang araw,
na ayon sa kasaysayan ,
ang Berbanyang kaharian
ay may haring hinangaan.

6. Lalabingdalawahin
7. Lalabing animin
8. Lalabing waluhin

2. tugma
- tumutukoy sa pagkakapareho ng huling tunog o titik ng salita sa bawat taludtod.
- element ng tula na nagbibigay ng himig at indayog.
May dalawang uri ng tugma
1. Ganap- kapag magkakapareho ang tunog at titik ng huling salita sa bawat taludtod.
Hal. Mahirap sumaya
Ang taong may sala
2. Di-ganap- kapag magkapareho lamang ng tunog ng huling salita sa bawat taludtod.
Hal. May isang lupain sa dakong silangan
Na nag-aalaga ay sa sikat ng araw
Kaya napatanyag ay sa kagandahan
At napabalita sa magandang asal.
3.Saknong
-tumutukoy sa mga grupo ng taludtod ng tula.
- ito ay maaaring magsimula sa dalawa o higit pang taludtod
4. Talinghaga
- ito ay tumutukoy sa paggamit ng matatalinghagang salita upang pukawin ang mga mambabasa.
5. sining/kariktan
- paggamit ng pili, angkop at maririkit na salita upang maakit ang damdamin ng mambabasa.
- nagbibigay ng pangkalahatang impresyon sa bumabasa.
6. Tono o Indayog
- tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod ng tula.
- karaniwang pataas o pababa ang pagbigkas ng tula.
7. Persona
- tumutukoy sa nagsasalita sa tula
- una, ikalawa o ikatlong panauhan.
Anyo ng tula
1. Malayang taludturan
- Walang sinusunod ng sukat, tugma o anyo.
2. Tradisyunal
- May sukat, tugma, at mga matalinghagang salita katulad ng mga tulang isinulat ni Dr. Jose Rizal.
3. May sukat na walang tugma
- Tulang may tiyak na bilang ang pantig ngunit hindi magkasingtunog o hindi magkatugma ang
huling pantig.
4. May tugma na walang sukat
- Walang tiyak na bilang ang mga pantig sa bawat taludtod ngunit magkasingtunog o
magkatugma ang huling pantig.

Mga dapat tandaan sa pagsulat ng tula


1. Iisa lamang ang paksang nais ipahayag ng tulang isusulat
2. Mainam na may tugma o magkakapaereho ang bigkas sa huling salita.
3. Gawing makabuluhan ang nilalaman ang tula kahit maikli lang ito.
4. Sikaping ang nilalaman ng iyong tulang isusulat ay tugma sa pamagat.
5. Gumamit ng maririkit na salita.

Maaaring makapagsulat ng tula gamit ang mga gabay na tanong:


1. Ano ang madalas gawin ng iyong pamilya?
2. Ano- ano ang paborito ninyong kainin?
3. Ano-ano ang paborito ninyong panuorin?
4. Saan-saang lugar kayo mamamasyal kapag matapos ang pamdemya?

You might also like